Eleven

AVREIN

NAGISING ako na para bang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Nag-aalalang mukha ni Vience at Fria ang bumungad sa akin.

Tinapunan ko ng tingin si Vience at tila naiilang ito na nagbaling ng tingin sa ibang parte ng silid.

"Bibili lang ako ng makakain," biglang paalam niya, tuluyan ng lumabas ng silid.

"Girl, ano na talagang nararamdaman mo?" tanong ni Fria, saka naupo sa gilid ng kama.

"Okay na talaga ako."

"Sobra akong nag-alala sa 'yo, lalo na ang isang 'yon. Alam mo bang hindi pa 'yon umuuwi? Dito na 'yon sa ospital kumakain at natutulog." Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Fria.

"Paano ang opisina?"

"Lahat ng ginagawa niya iniuutos niya kay Avrein."

"P–paanong—"

"I manage to be your other half habang tulog ka. Ako ang tumatanggap ng mga inuutos niya at sinasabi kong sa bahay ko na lang gagawin tutal wala naman siya sa opisina at baka pag-initan ako ng iba nating katrabaho," nakangiting sagot niya na ikinabuntong hininga ko.

"Salamat, Fria. Salamat."

"Anything for you. Alam mong ikaw lang ang mayroon ako," tugon nito, saka hinawakan ang kamay ko.

High school pa lang ay magkaibigan na kami ni Fria. Ampon siya ni Lola Cassandra dahil noon pa man ay ulila na siya. Her real name is Fria Predaza, gusto syang ipa-Freezell ni Lola pero tinaggihan niya. Siya ang nagging katuwang ko sa halos lahat ng bagay.

"These are the foods." napahinto ako sa pagsasalita nang biglang pumasok si Vience na may dalang mga pagkain.

Ipinag-asikaso ako ng pagkain ni Vience, saka siya naupo sa may gilid ng hinihigaan ko. "Clei, I knew that I was the reason you ended up here, but can I ask you something?" Bigla akong kinabahan nang magsalita siya, idagdag pa na pasubo na sana ako ng lugaw.

"W–what?"

"Can you be my date in our upcoming event?" Wala sa sariling napatango ako dahil akala ko naman ay kung ano na. "Thanks," anito, saka pa ako ngitian.

Kumain lang ako habang kapwa sila ni Fria na nanunuod lang sa akin.

"Saan ka nga pala nakatira? Ihahatid na kita. The doctor told me that you're allowed to go home anytime you wake up." Bigla akong bumaling kay Fria na parang sinasabi kong tulungan niya ako. Masyado na akong makasalanan sa dami ng kasinungalingan ko.

"Ako nalang po, Sir," maagap na wika ni Fria.

Nagkibit-balikat na tumango na lamang siya.

Natapos akong kumain at sinimulan nang ayusin ni Fria ang mga gamit ko para sa paglabas ko habang si Vience ay nanatili lang na nakatitig sa akin. Ibang paraan ng pagtitig. Pagtitig na tila may pinipilit alamin.

"Hindi rin naman kita maihahatid , I think mauuna na ko? Uuwi muna ako bago pumasok sa office. Baka nahihirapan na si Avrein sa dami ng pinatatrabaho ko sa kaniya."

"You do really love your secretary?" tanong ko pero sa tonong nang-aasar. Iniiwasan kong maging awkward ang sinasabi ko lalo na sa pandinig ni Fria.

"Why? Are you jealous?" nakangising tugon ni Vience.

"Why would I? There's nothing going between us," nakangiti kong saad.

"Paano kung sasabihin kung gusto kong magkaroon? Papayag ka ba?" anito at hindi man lamang ako hinintay na sumagot. Tuloy-tuloy na siyang lumabas ng silid habang nagwe-wave pa ng kamay sa hangin.

NARITO ako ngayon sa opisina at binabagtas ang daan patungo sa elevator. Pinilit kong pumasok para hindi siya magduda.

Tahimik lang akong nakatingin sa dinadaanan nang may mag-text sa telepono ko.

From: Unknown Number
I know your secret missy. Watch your move. Watch your steps. You might fall.

Hindi ko ito sinagot ngunit napapaisip ako kung sino ba ito. Hindi ako natatakot pero nakararamdam ako ng kaba base sa sinasabi nitong alam nito.

Lumakad na ako papasok. Nariyan na naman ang samot-saring bulungan lalo na't siguradong ako ang sinisisi nila sa pagkatanggal nila Nina at Delia.

Hindi ko pinansin ang mga ito at nagtuloy na sa elevator, pero ganoon na lang ang inis ko nang makita kong out of order ito.

Tumuloy na lang ako sa gawi ng hagdanan. Kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko kailangan kong umakyat hanggang sa 32nd floor kung saan naroon ang office ko.

Pambihira, Lord. Pambihira po talaga.

Habang umaakyat ay pahinto-hinto ako dahil hindi lang ako miminsang nahilo.

Nasa 23rd floor na ako nang hindi ko namalayan ay dumulas pala ang kamay ko mula sa railings ng hagdan. Mariin akong pumikit para hintayin ang pagbagsak ko ngunit hindi iyon nangyari dahil may mga braso na bigla na lamang pumalupot sa katawan ko.

"Careless," bulong nito sa punong tenga ko.

Hindi ako nakagalaw dahil tila ako natuod sa tono ng boses nito. Hindi ako nakagalaw dahil iba ang hatid na sensasyon ng boses nito sa katawan ko. Hindi ako nakagalaw dahil . . . si Sir Vience ito.

Halos magtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang muli syang magsalita. "A careless woman needs a strong man to lean on." And in an instant, pinihit niya ako paharap sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla na naman akong napatingin sa mga mata niya. Mga mata niya na tila nanghihipnotismo.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko na bahagyang ikinakabog na naman ng dibdib ko. Dumapo ang isang kamay niya sa pisngi ko pagawi sa mga labi ko. "W–what are you doing—"

"Your lips . . ." Huminto siya saglit at ibinaling ang paningin sa mga mata ko. ". . . can I taste it again?" He emphasized the word again that really confused me.

"Nagbibiro lang po kayo, h–hindi ba?"

"I'm not," he answered in a very serious tone.

Pinilit ko syang itulak palayo ngunit humigpit lamang lalo ang pagkakayapos niya sa baywang ko. "Sir—"

"You can't walk." Mabilis pa sa alas kwatro na binuhat niya ako na tila bagong kasal at nagtuloy na sa pag-akyat sa hagdan. "Your knees are weak. Ano bang ginawa mo at tila hinang-hina ka? Are you sick?" tuloy tuloy na sabi nito nang hindi man lamang inalis ang tingin sa akin na ikina-awkward ng sitwasyon namin para sa akin.

"O–opo. Trangkaso."

"Put your arms around my nape and stop saying anything kung ayaw mong may gawin ako," banta niya kaya't mabilis kong ikinawit ang mga braso ko paikot sa batok niya.

Hindi ako kumikibo habang naglalakad siya paakyat. Naiilang din ako sa hindi lang lilimang beses niyang pagtingin-tingin sa akin.

"You do have an angelic face, Ms. Freezell. Why are you hiding it with that thick eye glasses and full bangs of yours?"

"G–gaya po ng sabi ko noon, hindi ko po itinatago."

"I have an important anouncement later. I hope you'll cooperate," saad nito na ikinatango ko. "We're here," aniya, saka ako marahang binaba. "Don't worry, mararanasan din nila ang pag-akyat na ginawa natin." Ngumisi muna ito bago tuluyang pumasok ng opisina niya.

Huh?

Hinarap ko lang ang computer ko at sinimulan kong i-type ang mga dapat itype. Bahagya pa akong napapakusot sa mata ko dala ng liwanag ng screen.

Nakaramdam ako nang bahagyang katahimikan kaya't sinubukan kong mag-browse ng kanta sa telepono ko ngunit may message pala ito.

From: Unknown Number
Enjoy your day.

Kung iinitindihin ko ang mensahe ng sender ramdam kong tila pagbabanta ang sinasabi nito. Ngunit gaya ng nangyari kanina ay hindi na naman ako nakaramdam ng takot nang hindi ko talaga alam kung bakit.

Napaangat ang tingin ko sa labas ng office ko nang makarinig ako ng pagkatok. Mabilis akong lumabas ng opisina ko at hinarap ang babae.

"Good morning." bati nito sa akin.

"Good morning din po, Ma'am. Ano pong kailangan n'yo?"

"I just wanna see Vience kung hindi siya busy."

Nagulat ako sa itinawag nito sa boss ko. Usually, ang mga babaeng pumupunta rito ay Kent ang tawag sa kaniya. Isa pa, this woman was not the flirty type base sa pananamit niya. Mukha siyang edukada at punong-puno ng delikadesa. Napakaganda at napaka-amo rin ng mukha niya.

"May I know who you are, Ma'am?" nakangiti kong tanong dito.

Ngumiti naman ito pabalik. "Just tell him na may bisita siya."

"Sige po," sagot ko bago ako pumasok ng opisina ko.

Pr-in-ess ko ang intercom na konektado sa office niya.

"Sir, may babae po dito sa labas—"

"Paalisin mo tapos pumunta ka rito sa opisina ko."

"Pero, Sir, iba po ang babae—"

"Paalisin mo,"pag-uulita niya, saka na ako nito pinatayan.

Lumabas ako at muli kong hinarap ang babae.

"Ma'am, busy raw po si Sir ngayon. Hindi raw po niya kayo mahaharap." Ito na yata ang pinakamabait na pakikitungo ko sa lahat ng babae na nagpunta rito.

"Ganoon ba? Sige, pakisabi babalik na lang ako," anito, saka ito ngumiti at tuluyan nang umalis.

Matapos umalis ng babae ay nagtuloy na ako sa opisina ng boss ko. Nadatnan ko siyang nakaharap sa laptop niya. Nang makita niya akong nasa harap ng pinto ay isinara na niya agad ang laptop niya.

"Come here," giya niya sa akin patungo doon sa upuan sa harap ng table niya na mabilis ko namang sinunod.

"Ano pong pag-uusapan natin?"

"Nothing."

"Sir!"

"What?" tanong nito, saka ito ngumisi nang nakakaloko.

"Hindi n'yo naman po ako binabayaran para lang—"

"But I'm your boss. I have the rights to instruct you, right?"

Ano na naman po bang trip niya?

"Ano po bang gagawin ko rito?"

"Kapag ba sinabi kong mag-strip dance ka, mag-i-strip dance ka?"

"H–hindi po!" halos pasigaw na sabi ko.

"Then don't ask kung anong gagawin mo rito. Basta't maupo ka lang diyan," anito at muling binuksan ang laptop niya, saka may kung ano-anong pinindot doon. Hindi na ako muling nagsalita pa at hinintay ko syang matapos sa kung ano man ang ginagawa niya.

Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok sa pintuan ng opisina niya. Pr-in-ess niya ang intercom niya na konektado sa speaker na nasa pintuan niya at nagsalita. "Come in."

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mga kasamahan ko sa trabaho. Sa palagay ko ay lahat sila ay narito—of course, except Fria. Ang iba masama ang tingin sa akin, ang iba naman ay parang wala lang. But all of them looked so exhausted. Lahat sila ay pawis na pawis.

Tumayo ako sa upuan ko at pumuwesto sa gilid. Napatingin ako kay Sir Vience nang tumayo rin siya at gumawi sa kinaroroonan ko. Nasa amin ang tingin ng lahat nang ilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko. "I told you. Mararanasan din nila ang naranasan natin kanina," bulongn niya sa akin.

"We will have our company outing in Montealegre Beach Resort in Tagaytay," saad ni Sir Vience, saka naghiyawan ang mga ka-opisina ko. Kaniya-kaniya sila ng kuro-kuro ukol sa narinig.

"So, Sir, are we going to wear beach wear?" maharot na pahayag ni Aubrey. Siya ang katrabaho ko na lahat na yata ng lalaki dito sa office nakarelasyon niya na.

"Ms. Freezell." Inangat ko ang ulo ko nang bigla niya akong tawagin at nagtama ang mga mata namin. "Nagsusuot ka ba ng two-piece?"

"P–po?"

"I'm asking if you're wearing two-piece bikini."

"H–hindi po."

Muli siyang bumaling sa mga tao at nagsalita. "Then if that's the case, siguro hindi na kailangan na magsuot pa ng beach attire—"

"But, Sir!" kontra ng karamihan lalong-lalo na si Aubrey.

"Hindi nagsusuot ng ganoon ang sekretarya ko kaya sa palagay ko hindi na kailangan—"

"I–I w-will, Sir," utal na putol ko sa sinasabi niya. "M–magsusuot po ako." Ayaw ko lang talagang mapag-initan na naman.

Nakita ko namang napangisi siya sa isinagot ko.

Talaga bang sinadya niya lang na ipitin ako para mapagsuot ako ng ganoon?

"So everything is settled. Aalis tayo bukas ng alas onse bago makapananghali. I am expecting everyone to be in our main entrance before eleven or else iiwan namin kayo," seryosong pahayag niya.

"Ano pong sasakyan natin?" tanong naman ni Ryan. Siya ang beki na laging masama ang tingin sa akin.

"The company shuttle buses. Don't worry about the foods and allocation. Sagot ng kompanya lahat," aniya at babalik na sana sa upuan niya nang muli siyang bumaling sa lahat. "Oh! I forgot something. Bring your own date and I will bring mine," turan niya, saka bumaling sa akin. "Especially you, Ms. Freezell. You should bring yours, ayokong makitang nagmumukmok ka doon habang kami ay nagsasaya habang kasama ang mga partner namin."

"Sino naman pong dadalhin n'yo?" usisa ni Aubrey sa kaniya na gusto ko rin malaman.

"...can you be my date in our upcoming event?..."

Napamulagat ako bigla sa senaryong pumasok sa utak ko.

I did say yes as Clei!

"I will bring Clei—the woman I like."

Oh my gosh! Malulusutan ko pa kaya 'to?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top