Eight
AVREIN
KANINA pa ako hindi mapakali sa kinatatayuan ko rito sa likurang bahagi Ox Grill.
Luminga ako sa paligid at minasdan ko ang mga disenyo na ginawa ko para sa date na ito. My dream date. May malaking chandelier na nakasabit, may mga nakalaglag na mga vein sa paligid, may mga manmade mini waterfall, at may samot-saring tulips sa paligid.
Nakakatawang isipin na ang mismong dream date ko ang inayos ko para sa date nila ng isa ko pang katauhan.
"Miss. . . ."
Dream date ko, pero hindi naman ako ang ide-date.
"Miss Avrein?"
Dream date ko, pero hindi naman para sa akin.
Lihim akong napangiti nang mapait.
"Miss!" Napakislot ako nang biglang may bumulyaw sa tainga ko.
"Mr. Franco?" gulat na tugon ko rito.
Ngumiti naman ito sa akin bago muling nagsalita. "James na lang," anito nang nakangiti. "Parang ang lalim yata ng iniisip mo?"
Itinuon kong muli ang pansin ko sa mga disenyo saka umiling at bahagyang ngumiti. "Natutuwa lang ako na maganda ang kinalabasan ng mga naisip kong disenyo," sagot ko sa kaniya.
"Maganda naman talaga," muli niyang turan.
He's James Franco-the owner of Ox Grill and he's my former classmate in college. Siya rin ang kalaban ko sa pagiging Suma Cum Laude dahil hindi rin naman biro ang utak niya. One more thing, he courted me way back then.
"Thanks. I will accept that as a compliment," sagot ko rito.
Bigla siyang naglakad palapit sa akin saka ginulo nang marahan ang buhok ko. "There!" nakangiting bungad nito nang limingon ako. "Kailangan lang palang guluhin ang buhok mo para tingnan mo 'ko."
Inayos ko ang salamin ko na nagulo bago ko siya tiningnan muli. "Sige, James, tingnan ko muna ang mga pagkain kung ayos na," pag-iwas na paalam ko rito na ikinagiti na lamang niya.
Inarkila ni Vience ang buong lugar para lamang sa date na ito.
Naabutan ko ang pamilyar na bulto ng katawan na nakatayo sa tabi ng isa sa mga chef kaya't hindi ko napigilan ang kabahan.
"Sir?" tawag ko rito na ikinalingon nito.
"Nice job, Ms. Freezell," nakangiting tugon nito sa akin saka pa ako tipid na nginitian.
"Salamat po," sagot ko at humakbang ako palapit sa kinaroonan niya.
Ngumiti lamang siya sa akin at sabay naming pinanood ang mga chef na nagluluto. Prente kaming nakatayo sa isang gilid at nagmamasid nang . . . makaramdam ako ng kaba sa nakita ko.
The chef poured a small amount of chilli powder on a certain dish which really creeped the hell in me. Allergic ako roon! Mabilis lamang mamamaga ang mga pisngi ko at mamumula agad ang mga mata ko.
Napa-angat ang katawan ko mula sa pagkakasandal sa pader na ikinatingin ni Vience sa akin. "What's wrong?" tanong niya at hindi ko alam ang isasagot ko kaya't umiling na lamang ako. "Don't fool me, Ms. Freezell, alam kong ilang buwan pa lang kitang sekretarya ngunit masasabi ko na ng alam ko kung kailan may gumugulo sa 'yo dahil visible iyon sa mga mata mo," dagdag pa nito saka humarap sa akin at hinipo ang noo ko na ikinapiksi ko.
"Sir-"
"Wala ka namang lagnat pero namumutla ka," mahina niyang bulong.
"O-Okay lang po ako."
"No, you're not. Let me take you to the nearest hospital-"
"Hindi na po," maagap na tutol ko rito.
Hindi ko alam kung anong dahilan, ngunit . . . magaan sa pakiramdam ang dampi ng palad niya sa noo ko na ikinatataka ko dahil hanggang ngayon ay nakalapat iyon.
"Your sweat is cold," aniya saka bumaba ang dampi ng kamay niya patungo sa pisngi ko kung saan naglalandas ang pawis ko.
"O-Okay lang po talaga ako."
"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya na sadyang ikinataka ko. He's not the caring type of man. Bastos at makasarili siya-iyan lang talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya.
Tumango ako ngunit tila nahilo ako nang mukhang sumama sa hangin ang chilli powder na ibinudbod sa pagkain.
Alam kong ano mang oras ay tutumba na ako ngunit naramdaman ko ang mga kamay na yumapos sa katawan ko. "You're so freaking hardheaded, woman! Sinabi nang hindi ka okay pinagpipilitan mo pa!"
"Sir. . . ." Kahit na hilo ako ay ramdam ko ang higpit ng pagkakayapos niya sa akin na sadya namang ikinabundol ng kaba sa dibdib ko.
Ano bang dapat kong iakto?
Pawala na ang malay tao ko nang maramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. "Bakit ba kasi kayong mga babae ang hilig ninyonh mag-pretend na okay lang kahit hindi naman talaga," dinig kong bulong niya bago ako tuluyang panawan ng ulirat.
NAGISING ako na may humahaplos sa pisngi ko na hindi pamilyar na palad. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at naupo.
"James?" patanong na tawag ko sa taong humahaplos ng pisngi ko.
"Disappointed?" nakangiting tugon nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Ha?"
"Na hindi si Mr. Montealegre ang narito ngayon," tila may bahid hinanakit na anas nito ngunit nakangiti pa rin.
"Hindi naman. Nasaan nga pala ako?" tanong ko saka ako bumaba ng kama.
"Dito sa office ko. Dito ka dinala kanina ni Mr. Montealegre," paliwanag niya sa akin. "Saan ang punta mo?" tanong niya nang hanapin ko ang sapatos ko.
"I need to go. Kailangan kong asikasuhin ang date ni Sir Vience." Iyan ang kusang lumabas sa mga labi ko kahit hindi naman iyan ang iniisip ko-o baka iyan talaga ang nasa likod ng utak ko.
"Kung ibabase ko sa oras, palagay ko ay wala ka naman nang maitutulong doon."
Nangunot lalo ang noo ko sa itinugon nito. "What do you mean?" tanong ko.
"Avrein, it's already 11:30 in the evening. Baka sa mga oras na ito ay tapos na ang date nila Mr. Montealegre." Ramdam ko ang pagmulagat ng mga mata ko sa narinig ko.
Oh my god!
"I really need to go," natatarantang turan ko saka ako mabilis na lumabas ng pinto. Dinig ko pa ang pagpigil sa akin ni James pero hindi ko na iyon ininda at tuloy-tuloy nang naglakad palabas.
Naabutan ko si Sir Vience na nakaupo sa table na inayos ko para sa date namin-nila ni Clei, habang tila hindi maganda ang awra niya at may hawak na bote ng tequila.
"Are you okay, Sir?" tanong ko rito nang makalapit ako.
Mataman lamang niya akong tinitigan bago siya nagasalita. "Ikaw? Ayos ka na ba?" balik-tanong nito sa akin saka muling tumungga ng iniinom at tumingin muli nang diretso sa mga mata ko.
"O-Okay na po. S-Salamat po pala," utal na tugon ko na naman dito.
Hindi ko talaga makayanan ang magsalita nang tuwid kapag naka-focus ang atensyon ko sa klase ng tingin na ibinibigay niya. Mabuti pa na galit o naiinis ako sa kaniya, kahit na gaano pa kahali-halina ang gamitin niyang tingin ay nakakaya kong salubungin.
"Really?"
Was that a sarcastic tone?
"Opo."
Nagulat ako maging ang mga crew na nasa paligid naming na nag-aalis ng mga disenyo na ikinabit namin kanina nang . . . bigla siyang tumayo at ibinagsak ang silyang kinauupuan niya.
"Ano bang mali sa akin? Sabihin mo nga?" bulalas niya saka inihagis ang bote na hawak niya na naging sanhi ng pagkabasag nito.
"Sir. . . ." tinangka kong hawakan ang braso niya upang pigilan siya sa pagwawala ngunit mabilis lamang niyang naiwasiwas ang kamay ko.
"Iniwan ako't niloko noon, ngayon naman, miminsan lang akong makakursunada ng babae, tangina ayaw pa sa 'kin!" anito saka sinipa ang mga silya na nakatayo sa paligid.
Lasing na siya. Sa maiksing pagsasama namin, alam ko na kung kailan siya may tama ng alak at kung kailan wala.
"Sir Vience!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko nang buhatin niya ang isang upuan at akmang ibabato ito roon sa mga pekeng waterfalls na ipinalagay ko.
"What the hell is your problem?" galit na wika niya saka ibinaba ang silya na hawak niya at naglakad palapit sa akin. Ramdam ko ang hindi magandang awra na nakapalibot sa kaniya.
Hindi ko siya masisisi, ikaw ba naman ang hindi siputin sa isang date na lubos mong pinaghandaan.
Imbes na sumagot ako sa kaniya ay ipininid ko ang mga labi ko at tinitigan lamang siya sa mga mata na mukhang lalong ikinapikon niya. "Ang hirap n'yong intindihing mga babae. Tangina!" bulalas niya saka sinipa ang silya sa harap nya.
"Mas mahirap po kayong intindihin na mga lalaki," bulong ko ngunit tila narinig niya dahil bigla siyang napalingon sa akin.
"Bakit napunta na naman sa amin?" kunot-noong himutok niya na muntik ko nang ikatawa. Ang bilis ng pacing na mood niya.
"Wala po, Sir. Umuwi na po tayo. Magme-message naman po siguro sa inyo 'yong babaeng dapat at ka-date n'yo-" pang-aalo ko sana sa kaniya ngunit hindi ko natuloy dahil bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit.
"Don't ever fall for me, Avrein. I want us to stay this close. I'm comfortable with you."
Wala rin po akong plano mahulog sa inyo, Sir. Hindi ako handang masaktan at mapaglaruan.
"ANO!" hindi makapaniwalang sigaw sa 'kin ni Fria. Nasa bar kami ngayon gaya nang napagkasunduan naming noong minsan. I'm not the manang Avrein.
"Paano ko ba namang gagawin na maging dalawang tao sa iisang oras? Kaya't nagpasalamat na rin ako't hinimatay ako sa amoy ng chilli powder."
"Gaga ka! Alam mo namang puwede mong ikamatay ang chilli powder! Mabalik ako, you mean hindi mo sinipot si Sir Vience as Clei kagabi dahil si Avrein ka the whole night?" tanong niya sa akin na ikinatango ko.
"Oo."
"Ay ewan ko sa 'yo, girl!" singhal niya saka pa ito ngumuso sa akin.
"Bakit?"
"You're missing an opportunity."
"What opportunity?" tanong kong muli sa kaniya kasabay ng pangungunot ng noo ko.
"Opportunity na mahalin ng isang Vience Kent Montealegre," sagot nito.
"Hindi opportunity iyon, Fria, at wala akong balak na mapamahal siya sa akin or vice versa. Mahal ko ang trabaho ko. I don't want to ruin everything I have. Love ruins everything at ilang beses mo nang napatunayan 'yan. Hindi lang iilang beses kang bumagsak sa kung anu-anong subject dahil lang nagmahal ka," buwelta ko sa kaniya saka ko inisang lagok ang margarita na nasa harap ko.
"Pero, Avy, you never had any boyfriend before, paano mong nasasabi na love ruins everything? Iyong mga naibagsak kong subject noon, hindi ba't naipasa ko rin naman kalaunan? Pero 'yong pagiging masaya n'ong mga panahon na 'yon, mababawi ko ba ngayon 'yon kung hindi ko naranasan noon? Hindi. Gaya ng sa iyo, chance mo nang maging masaya noon dahil gusto mo rin naman si James pero pinili mo ang pag-aaral. Hindi man ako masaya ngayon atleast masasabi kong naging masaya ako noon. Ikaw? Hindi ka na nga naging masaya noon, hindi ka pa rin nagiging masaya hanggang ngayon," mahabang turan nito na talaga namang tumagos sa akin.
She only spoke the whole. Hindi ko napigilan mmapatulala sa mga sinabi niya sa akin.
"Napapaisip ka? Kasi tama ako?" pukaw ni Fria sa diwa ko na nagsisimula nang maglakbay.
"I saw him." I suddenly said out of the nowhere.
"W-W ho?" Sa pagakautal ni Fria, alam ko nang magugulat siya sa sasabihin ko.
"James . . . James Franco," sagot ko bago lumagok muli ng margarita.
"WHAT THE HECK!?"
"Siya ang may ari ng Ox Grill."
"Jusko! Tadhana na ang naglalapit sa inyo!" tila excited na wika niya ka pa niya ipinaypa- paypay ang mga daliri niya sa mukha niya.
"Fria. . . ." seryosong wika ko na ikinatingin niya sa akin.
"I know that look, Avy. Alam na alam ko 'yan," anito na ikinailing ko.
"I don't know why, but-"
"Hindi mo na nararamdaman ang naramdaman mo para sa kaniya dati dahil may iba ka nang napagbabalingan. That's the simpliest explanation for that, Avy. You like someone else."
"Hindi, Fria. H-Hindi dapat at hindi puwede."
"Says who?" taas-kilay na wika niya.
Akmang sasagot na sana ako nang makita ko ang panlalaki ng mga mata ni Fria habang nakatingin sa likod ko.
"Why-"
"Hi!"
Vience. . . .
Nagtama ang mga mata naming a hindi ko magawang iiwas ang sa akin.
"Hello, Sir Vience," bati ni Fria rito na wala man lang kakaba-kaba.
"Hi, Fria, kaibigan mo pala itong si Clei?" tanong niya kay Fria ngunit hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa mga mata ko.
"Opo, Sir. Ang ganda niya, 'no?"
Gusto kong tumakbo paalis dahil sa ginagawa ng kaibigan ko. Halatang gusto niya 'kong pakabahin sa inaasta niya.
"No, she's not beautiful . . . she's a goddess or even beyond that," aniya habang patuloy pa rinn na nakatitig sa akin. "By the way, kung kaibigan mo si Clei, it means . . . kaibigan din siya ni Avrein?" usig nito at tumingin na sa wakas kay Fria.
"Ah hindi po, Sir. Hindi naman po kasi gala iyong si Avrein, hindi rin po iyon friendly unlike Clei," sagot ni Fria na bumawas sa kabang nararamdaman ko.
"I see," tanging isinagot nito at naglakad palapit sa gawi ko.
Pumailanlang ang slow rock na tugtugin at bigla siyang humarap sa akin na bahagyang ikinapiksi ko.
"Let's dance," aya niy saka ako hinatak nang hindi man lamang ako hinintay na sumagot. Hanggang dito napaka-bossy niya pa rin. Nalingunan ko naman si Fria na maluwag ang pagkakangiti sa akin.
Mabilis niya lang ikinawit ang mga kamay ko sa leeg niya at ipinalupot niya ang mga braso niya sa baywang ko na animo ayaw na akong pakawalan.
"Hindi mo ako sinipot kagabi," saad nito na ikinataranta ng puso ko. Anong isasagot ko?
"Papunta na dapat ako nang biglang magka-emergency sa bahay naming," palusot ko.
"Why didn't you tell me? Naghintay ako, Clei," aniya at ramdam ko ang hinanakit sa tono niya, ngunit gaya nang kagabi ay tila may iba rito.
"I didn't tell you to wait for me, Kent. I didn't give you any assurance na darating ako," sagot ko sa kaniya na ikinatawa niya nang payak.
"Hindi ka nga pala gaya ng ibang mga babae," bulong niya na rinig ko dahil malapit na malapit lang ang mga labi niya sa punong tainga ko.
"Kent. . . ."
"You're shaking," aniya saka niya ako marahang inilayo sa kaniya.
Tiningnan ko lang siya sa mga mata gaya ng tingin na pinupukol niya sa akin.
"Giniginaw ka ba?" tanong niya na ikinailing ko. "Natatakot ka ba sa 'kin?" Muli ay umiling ako. "Then let me calm you in my own way."
He cupped my face with his both hands that alarmed me. "Kent. . . ."
Napapikit na lamang ako nang makita ko ang unti-unting pagbaba ng mga labi niya sa mga labi ko. Tuluyan ko nang nakalimutan ang paligid nang tuluyang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.
Unti-unti ang naging paggalaw ng mga labi niya na gaya ng ikalawang halik na iginawad niya sa akin noon ay ginaya ko ang paggalaw.
Ilang segundo rin namin nilasap ang halik na iyon bago siya na ang unang kumalas at tinitigan ako nang maigi sa mga mata.
Magsasalita na sana ako nang magsalita siya. Mga salitang nagpayanig ng mundo ko.
"Your lips, Clei, your lips taste like her lips . . . my secretary's lips."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top