CHAPTER TWO


CHAPTER TWO

KRISTINE'S POV

Finally, nakauwi na rin ako!

Hay! Ano na kaya 'tong gagawin ko ngayon?

Tiningnan ko ang bote na binili ko kay lola magic.

"'Wag muna siguro ngayon. Andami ko pang assignments eh."

#StudyPersMunaLabLyfLeyter

Pinatong ko muna ang bote sa study table ko sa kwarto bago bumalik sa kusina at nag-ayos ng pang-hapunan ko.

Miss ko na sila Mama at Papa.

Napatingin ako sa pintuan. "Sana makasama ko na sila." Pero imposible 'yun. Nasa ibang bansa si Papa at si Mama naman ay nasa probinsya at inaalagaan ang dalawa ko pang kapatid.

Kasama ko rito sa bahay si Tita Winette pero umaga na siya kung umuwi dahil laging gabi ang work niya. Kaya ang dating, parang ako lang mag-isa sa bahay na 'to.

Pagkatapos kong magluto, nag-ring naman ang phone ko.

(Ate!) Bumungad agad sa akin ang boses ni Angelica.

"Jusmiyo naman, Angge. 'Di naman mahina pandinig ko para sigawan mo."

Mahina siyang natawa. (Sorry, Ate! Mangungumusta lang po kami ni bunso—Hi, Ate!) Narinig ko ang boses ng bunso naming lalake.

"Hi, Al! Ayos naman si Ate rito, kayo ba? Kumusta pag-aaral niyo?"

(Maayos naman po, Ate! Andami ko pong na-perfect sa exams po kanina!) masayang sagot sa akin ni Marc Allen. (Tapos ako naman, 'te, panalo sa quiz bee namin.) pagkukwento naman ni Angelica. Grade 11 ngayon si Angelica habang Grade 8 naman si Allen.

Napangiti naman ako. "Buti naman. Kumusta si Mama?"

(Nasa palengke pa, 'te, pero malamang po pauwi na rin si Mama.) Nagpaalam na si Allen at tatapusin pa raw ang proyekto niya kaya naman si Angge na lang ang kausap ko.

"Nakapagluto ka na ba ng hapunan?" tanong ko habang inaayos ang kakainan ko.

(Ayy opo, Ate! Adobong baboy ulam namin. Ikaw ba?)

Tiningnan ko ang nakahain kong instant noodles at nilagang itlog. "Hala! Pareho tayo!" Umupo na ako tsaka nagpaalam. "Oh siya sige. Tawagan niyo ako kapag nakauwi na si Mama ha? Kakain na muna ako, kayo rin."

(Opo, Ate! Kain po kayo nang mabuti!—Bye, Ate!!) pahabol pa ni Al.

"Bye! Ingat kayo palagi! Mahal na mahal kayo ni Ate!"

(Mahal ka rin namin, Ate! We miss you!) sabay nilang sabi na nagpangiti sa akin.

"Miss ko na rin kayo. Bye." Saka nila tinapos ang tawag.

Tinitigan ko ang pagkain ko bago napabuntong-hininga at nagsimulang kumain. Sana bukas makapag-grocery na ako.

Ano na kayang ginagawa ni Chad? Malamang nag-aaral pa rin.

Tinapos ko ang pagkain ko saka nagligpit, nag-lock ng mga pinto at bintana, saka pumasok sa kwarto ko. Welp! better start reviewing for tomorrow's quiz. Kailangan ko pang magpasikat kay Chad and of course, kailangan kong mapanatili ang pagiging top two ko, top one ng batch namin si Chad eh, 'di ko matalo.

Kung iisipin, simula grade seven nandito na ako sa Maynila at nag-aaral sa STEP UP University, at simula grade eight, pasok na ako sa top three ng batch. Pero bakit 'di pa rin ako kilala ni Chad?

Hay, ang sad naman. Tiningnan ko ulit ang bote ng magic daw.

Gagawin ko na ba? Napailing naman ako. Sa susunod na lang, yung hindi ako tambak ng quiz at assignments.

Tama, tama. Study first, love life later.

Sa sobrang pag-aaral, nakatulugan ko tuloy. Nagising naman ako sa alarm ko ng five AM. Welp! Time to cook breakfast!

"Sana may uwi si Tita. Sana may uwi si Tita." I kept chanting those words habang naglalakad papuntang kusina at nagkatotoo ang hiling ko.

Ang angas! Itlog na naman. Pero may kasama namang tapa. Oh well! Ang mahalaga may pagkain!

Kaya naman niluto ko na ang tapa at nagprito ng sunny side up. Isasangag ko na lang yung kanin na nasa ref tapos done!

Tapsilog for breakfast, madlang pipolness!

Binilisan ko ang pagkain at paghahanda ng pananghalian ko, which is ito rin, saka naligo, na-gtoothbrush, nagsuklay at nagbihis para sa school.

Bago lumabas ng bahay, nag-iwan muna ako ng note sa may dining table, katabi ng niluto ko para kay Tita. After that, lakad na papuntang school. Ayokong malate!

Saktong six-thirty-five AM, nasa loob na ako ng school at naglalakad papuntang classroom. Thursday naman ngayon kaya walang flag cem.

Maayos na sana ang simula ng araw ko nang makasalubong ko ang bullies, kasama ang leader nila. Mananahimik na lang sana ako nang harangin ako ni Jairo.

"Good morning, Miss..." Hinawakan niya ang ID ko. "Maria Kristine Abella."

"No need to say my full name, Mister Bully," pagmamatapang ko. Napansin ko namang pinapalibutan nila ako, kaya sinubukan ko ulit magsalita. "B-Better leave me alone or—"

"Or what, Kristine?"

Ayan na naman siya! Lumalapit na naman siya!

Wala akong nagawa kundi umatras pero hinawakan ako sa likod ng isa sa mga bully. Tumigil din naman si Jairo sa paglapit.

"Or I'll report you to the principal." Instead of getting scared, pinagtawanan lang ako ng bullies.

"Alam mo, Miss Kristine, kung mag-iisip ka ng ipananakot sa amin, think better than reporting to the principal," sabi ni Nathan Guzman, isa sa mga tropa ni Jairo.

"Mister Guzman, being the nephew of the principal doesn't excuse you from the rules of the university." Wooohhh! Go, Kristine! Kaya mo 'yan huhu! Kunwari matapang ka ghorl!

"Tsk tsk tsk. 'Wag kayong ganyan sa babae." May isang lalakeng nagsalita mula sa 'di kalayuang parte ng corridor. "Girls should be treasured, not bullied." Naglakad yung lalake papunta sa likod ni Jairo saka ito hinawakan sa balikat at tumingin sa akin. "Hi, I'm—"

"Bryle Juarez, Mister Bully's best friend," pagtutuloy ko.

"Welp, I was supposed to say, your knight in shining armor." Tumawa ang boys.

"Ano nang gagawin natin sa babaeng 'to, Jai?" tanong ni John Paul Ibañez.

"Nalagay mo na ba?" tanong ni Jairo sa taong hawak ang balikat ko mula sa likod.

"Of course, ako pa ba?" pagmamayabang ni Cyril Peredo.

Nilagay? Ang alin?

"A-Anong..."

"Shh... you may now leave, Miss Kristine," Sean Agustin interjected.

Sa 'di malamang kadahilanan, they gave me a way to leave the circle they made. Bakit?

Narinig kong tumunog ang school bell. Hala porkchop! Late na ako sa klase!

Magmamadali na sana ako sa paglalakad, nang marinig ko ang bullies na sabay-sabay sumigaw ng, "Sana all taken!"

Napalingon naman ako sa kanila at nakita ko silang tumatawa habang nakatingin sa akin.

Taken? Ako? Mukha bang kami na ni Chad? If ever na kami na, edi sana 'di ako mag-isang tumatakbo papuntang room, diba?

Hayst! Bahala nga sila!

Pagpasok ko ng room, sakto namang nasa loob na si Ma'am April, ang terror naming Introduction to Psychology professor.

"Good morning, Miss Abella, care to explain why you're late?" pananaray ni Miss April.

"Umm... I was blocked by—" and of course, Miss April being well... Miss April.

"Nevermind, I don't care about your reasons. Answer my question and you can enter my class."

"Yes, Ma'am."

Nakapag-review naman ako ng Intro to Psych kagabi... tama ba?

"Define Nativism."

"Nativism is the theory that knowledge is innate and inborn. Our biological endowment makes up who we are," sagot ko nang may pagmamalaki.

"Are you sure with your answer, Miss Abella?"

Kala naman ni miss kakabahan ako sa tanong niya.

S-Syempre kabado ako. Tama ba? huhuness naman oh.

"Yes, Ma'am!" Kunwari confident.

Miss April rolled her eyes. "Enter the room. You're wasting my time."

Napangiti naman ako. Yehey! Habang papunta sa upuan ko, naririnig ko ang pagtawa, pagbubulungan at gasps ng mga kaklase ko.

"Now I know why you're late, Miss Abella."

Napalingon ako nang magsalita si Miss April. "Po?" Ano ba kasing nangyayare‽

"If you are Mister Guevarra's girlfriend, you don't have to flaunt it that much," sagot ni Miss na mas lalong nagpalito sa akin. Ansasama ng tingin sa akin ng karamihan ng mga kaklase kong babae.

What the hell does that mean?

Naramdaman kong may humawak—or tinanggal? sa likod ko.

"Nasa likod mo 'to, Tine," sabi ni Hyaciel, isa sa mga kaklase ko.

'Taken by Jairo Guevarra.'

'Yan lang naman ang nakasulat sa papel na nasa likod ko.

Agad kong naramdamang uminit ang mukha ko. At hindi dahil sa kilig kundi dahil sa pagkabwiset!

"Miss April, excuse me po," paalam ko saka lumabas ng room.

Bwiset kang Jairo ka! Pinalate mo 'ko sa klase tapos ngayon pinahiya mo 'ko! Humanda ka sa 'king hinayupak ka!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top