CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-THREE
KRISTINE'S POV
Welp! First day of foundation week. Dapat talaga nasa bahay lang ako, alam niyo 'yun? Higa-higa lang sa kama, basa-basa lang ng mga libro ni Dan Brown pero hindi! Hindi 'yun 'yung ginagawa ko ngayon. Porkchop!
"Tine, okay na ba ang desserts natin?" Nandoon sa harap ng cash register si Xei. Tango lang naman ang sagot ko sa kanya.
"Tingin mo ba, bibili si crush?" narinig kong usapan nung tatlo naming kagrupo.
"Kahit si Cyril lang, masaya na ako." Halata pang kinilig yung kulot yung buhok.
Bigla naman siyang hinampas nung isa pang babae sa balikat. "'Wag ganon, girl. Dapat kasama rin si Sean para mabasbasan ang booth natin." Tumawa silang lahat.
Bakit? Diyos ba si Sean?
Bigla namang umingos si Hya sa tabi ko, then I saw her rolled her eyes. "Tsk! Anong tingin nila kay Sean? A god? Eh mas mukha pa ngang demonyo yun eh."
Oh... Anmeron?
"Tine!" I heard someone shout my name from a distance. Hinanap ko naman kung sino, only to see Ayel waving her hands.
Teka! Ba't siya nan—oh right... foundation week...
Pwedeng makapasok ang outsiders sa campus as long as may ticket sila. Though, those tickets aren't sold to them. Bale may tig-iisang extra ticket ang bawat student ng SU University, then mag-iinvite lang sila. That's how it goes. At hindi basta-basta ang ticket kasi may mga printed codes iyon na ang campus securities lang ang nakakaalam. Unique ang bawat ticket.
"Ayel, nasa kabila yung booths ng department ni Jairo."
"I know that, silly. I didn't come here for my cousin. I'm so sick of his face." Natawa pa siya bago hinatak ang kamay ng lalakeng kasama niya. "Anyways, Tine, I would like you to meet my boyfriend, Angelo. Alien, this is my best friend, Kristine."
"Hi." Tamang ngiti lang ang ibinalik ko sa kanya. Humarap naman agad ito kay Ayel. "Alien, saan mo gustong pumunta?"
Wait... 'Di naman taga-rito yung lalake... Paano siya—
"Bryle's extra ticket was given to Angelo," nakangiting sabi ni Ayel sa akin. Mukhang napansin niya akong nagtataka siguro... "Anyways, I just came here to see you. We'll be back once you've opened your booth, okay?" Tumango lang ako. "Ciao!" At tuluyan na silang umalis.
"Let's start?" Sabay-sabay kaming tumango sa tanong ni Xei. Dumiretso agad kami nila Hya at nitong kulot yung buhok, sa mini kitchen namin.
'Yung dalawa naman ay nag-final touches na lang sa packaging namin, at si Xei ay pomusisyon na nang maayos sa harap ng cash register. And our day started.
Nagbukas na ang booths at hindi nagpahuli ang amin na may mga design na candy candy na gumagalaw.
The first ten minutes weren't... that productive. Five to no customers. We were actually just... sitting there doing... nothing.
And then I heard Xei and the three other girls sigh. "Dapat man lang bumisita talaga yung campus legends eh." The other girl was referring to Jairo and his troop.
"Paano sila makakapunta rito eh, diba? May booth din sila sa kabilang building?" Tumango naman yung mga kasama niya.
"Tsk. We don't need those guys." Biglang tumayo si Hya at lumabas ng booth namin. We can still see her though. more or less thirty feet away from our stand.
Bigla ko naman nakitang nag-sign of the cross si Xei, akala ko ipagdadasal na niya na sana ay dumami na ang customers namin, but I guessed wrong.
"Lord, I pray na hindi ma-guidance yung kakambal ko po. Amen." And she ended her prayer.
Mukhang may idea na ako ng gagawin ni Hya. And this time? Tama na ako.
"Leche kayo dyan! Lapit mga leche! Ikaw, kuya? Leche ka?" 'Yan lang naman ang mga pinagsisisigaw ni Hya.
Magtuturo siya ng kung sinong naglalakad papalapit o papalayo sa kanya tapos isisigaw niya yan. I agree, Xei. Sana nga hindi ma-guidance 'yang kakambal mo.
Napapansin ko na yung iba ay naiinis at sumasama ang tingin kay Hya, pero karamihan naman ay natatawa at dumiretso sa booth namin para bumili. Ayos! Effective pala.
Our day went like that.
Nung napagod na si Hya, bumalik na siya sa tabi ko at tumulong na rin sa pagluluto. "Feeling ko mapapaos ako bukas."
Medyo natawa naman ako sa bulong niya. "Mapapaos ka talaga or worse, mawawalan ng boses bukas." Natawa na naman ako.
But in fairness, ang effective talaga ng gimik niya. Halos naubos lahat ng pinrepare namin para ngayon eh.
"Nice one! We'll hope that we'll have the same or better yet, more sales tomorrow. Thank you for inviting customers, my twin." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Xei. "Anyways, great job everyone. Let's all enjoy the rest of the day."
Meaning, uwian na! Hello, Dan Brown!
~•~
THIRD PERSON'S POV
Inayos na ni Kristine ang gamit niya at nanghiram sa library ng libro ni Dan Brown. Medyo madilim na rin ang kalangitan, maybe because it's almost night time. Dere-deretsong naglalakad si Tine papunta sa main gate ng school nang mag-ring ang phone niya.
"Tita Wynette..."
(Tine, pinauwi ako nang maaga ni boss. Napansin niya atang medyo inuubo at sipon ako featuring sinat.)
Hindi malaman ni Tine kung mag-aalala ba siya o matatawa sa huling sinabi ng tita niya. "Ganon po ba? Nasaan ka na po?"
(Nasa tricycle na. Malapit na sa bahay. Nakalimutan ko pero pwede bang bumili ka ng lugaw bago ka umuwi? Wala rin kasing sangkap dito.)
"Sige po, Tita. Ingats po sa pag-uwi. Palabas na rin po ako ng school."
Nagpaalam na ang magtiyahin sa telepono, at akmang ilalagay na ni Tine ang phone niya sa loob ng bag nang biglang may nakabangga siya. Napaupo naman yung lalake.
"Chad..."
After how many days, ngayon niya lang ulit nakita si Chad kahit iisa lang sila ng building.
Palibhasa puro si Jairo na ang iniisip. Puna ng utak ni Tine.
"S-Sorry, M-Miss..."
"Ha? Dapat ako nga yung mag-sorry eh." Tinulungan ni Kristine na makatayo si Chad. Pinagpagan ng binata ang pantalong suot niya. "Pasarado na ang school, ba't nandito ka pa?" 'Di niya maiwasang tanungin.
"M-May naiwan l-lang." Inayos ni Chad ang salamin niya. "S-Sorry ulit, M-Miss." Bahagya itong yumuko bago ulit magsimulang maglakad.
Saglit na nilingon pa ni Kristine ang papalayong bulto ng binata, bago siya tuluyang lumabas ng paaralan nila.
Nang maramdaman ni Chad na wala na sa kanya ang tingin ni Kristine, nilingon niya ang dalaga at nakita pa itong lumabas ng gate.
Maria Kristine Abella, Jairo's lady, gaano kaya katotoo na mahalaga ka sa kanya? I guess there's only one way to find out.
Saka tuluyang lumabas si Chad sa paaralan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top