CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-ONE
KRISTINE'S POV
"Good monday morning, class. Aware naman kayo na kapag natatapos ang exam week natin ay nagkaka-foundation week tayo, tama?" Tumango naman kami sa sinabi ni Sir Rosas. "At kung noong mga nakaraang taon ay kayo ang customers, ngayon namang college na kayo ay mararanasan ninyong maging tindero't tindera." Naglakad si Sir papalapit sa white board saka nagsulat bago muling humarap sa amin. "Yesterday, nagbunutan ang class presidents para sa mga category ng booths niyo, and this class got?" Tumingin si Sir kay Xei, para hingin ang sagot.
"Food category, Sir."
"Thank you, Miss President. Now, we'll divide this class into five groups. I want you to find your group mates and create your business proposals for your booth."
"Automatic na 'tong magkaka-grupo tayong tatlo, ha? Kami nang bahala ni Xie sa paghahanap pa ng iba pang kagrupo." Tumango na lang ako sa sinabi ni Hyaciel.
Ilang linggo na rin simula nang unang beses na makasama ako sa dinner ng pamilya ni Jairo at simula nun kada mabibigyan ng pagkakataon, iniimbitahan ako nila Tita Jen. Ilang beses din akong humindi kasi nga nakakahiya naman, nililigawan pa lang ako ni Jairo pero masyado na akong feeling close sa pamilya niya.
Kahit nung exam week, pumayag ng husto si Tita Winette na kela Jairo ako mag-review. Ilang taon akong nag-aral mag-isa para sa exams tapos kung kelan college na ako saka ako pagre-reviewhin nang may kasama‽
Hindi naman talaga ako pupunta kela Jairo nun, kaya lang kaladkarin ka ba naman ni Ayel tingnan natin kung 'di ka pa sumama.
Anyways, hindi pa rin tumitigil si Jairo sa kaka-ligaw sa akin, at hindi rin tumigil ang puso ko sa tuloy-tuloy na paghulog para sa kanya.
Minsan nga hinihiling ko na lang na sana...
Sana hindi na makilala ni Jairo yung antidote niya...
Sana akin na lang siya...
Pero hindi ko pa rin maiwasang makonsensya. Sayang yung totoong mamahalin ni Jairo kapag hindi pa nawala itong spell niya.
"Okay na! Kumpleto na tayo sa grupo. So let's start discussing our business proposal." Narinig kong nasa tapat ko na pala sina Xei kasama ang tatlo pa naming kagrupo. "And I got desserts or sweets." Pinakita ni Xei yung puting papel na hawak niya. Mukhang bunutan din yung part na yun. "So! Any suggestions?"
"How about ube halaya, pastillas, leche flan, and stuff like that?" Nagustuhan naman ng kambal ang suggestion ng kagrupo namin.
"Tama tama. Dapat maganda rin ang pangalan ng booth natin, eye catching, para makakuha agad ng customers." Napatango naman ang lahat sa suggestion nitong isa pa naming kagrupo. I'm sorry, not sorry if I really don't know their names.
"How about Pinoy Desserts?" suggest nung isa pa.
"Too common." Nag-agree ang iba sa komento ni Xei.
"Leche Kayo."
"Excuse me?" Mukhang naoffend yung tatlo sa sinabi ni Hya.
"Sabi ko Leche Kayo." Natawa naman siya nang makitang naiinis na yung tatlong babae maliban sa akin at kay Xei.
"Are you saying that because that's your suggested booth name?" Natatawa si Xei, lalo na nang tumango si Hya.
"Hindi kaya isipin nilang minumura natin sila?" Natawa na rin ako.
"Sabi niyo kasi eye-catching and with that statement as a booth name, for sure macu-curious sila," pagde-defend niya sa side niya.
"Pero papayagan ba tayo ni Sir Rosas?"
Napatingin si Hyaciel sa isa naming kagrupo saka siya nito nginitian. Tumingin siya kay Sir saka sumigaw, "Leche ka, Sir?"
Halatang nagulat ang lahat sa ginawa niya, napatigil sila sa ginagawa nila at napunta kay Hya ang tingin ni Sir.
"Excuse me, Miss H. Concepcion?" Seryoso ang tingin at tono ng pananalita ni Sir kaya naman dumeretso si Hya sa table niya saka nakangiting nag-explain. Sinundan naman namin siya ng tingin, at kahit medyo malayo, rinig namin ang usapan nila.
"Ano po sa tingin niyo sir? If we call our customers' attention to that question, would they be curious about our products?"
"Miss Concepcion, kung gusto mong makipag-away sa mga tao sa campus then you should do it."
Bigla namang nawala ang ngiti ni Hya sabay pout at naglakad na pabalik sa amin.
"Well?" pang-aasar ni Xei.
"Gusto ko talaga yung Leche Kayo." Mas humaba ang nguso ni Hya.
Tinapik naman ni Xei ang balikat ng kakambal. "Don't worry, I'll let you do that habang nagbebenta na tayo." Kinindatan niya si Hya.
"I love you so much, twin!" Niyakap ni Hyaciel si Xei bago sila muling tumingin sa amin. "So! Booth name!"
At napuno ng discussions ang buong period namin kay Sir Rosas. Next week na kasi ang foundation week. And of course, 'yun ang mga event last years na iwas na iwas ako pero ngayon, mukhang 'di ako makakatakas next week.
"Tara! Groceries tayo so that we can try cooking and making our products." Hawak-hawak naman ako ng kambal na para bang kakawala ako.
"Tapos pili na rin tayo ng aprons and such!" Halatang excited si Xei sa gagawin.
Hinati yung grupo namin. Ako saka sina Hyaciel at yung isa pang babaeng kulot ang buhok, ang bahala sa pagluluto. Yung dalawa pang babae ang sa packaging. Habang si Xei naman ang kahera namin.
"Ay! Kapag may foundation week, laging merong..." Parehong natigil sa paglalakad ang kambal kaya napahinto rin ako. "SU Feest!" Tinakpan ko yung tenga ko nang sabay na sumigaw ang kambal.
SU Feest is Step Up University Gala. Feest is a Dutch word which means party. Lagi 'tong nagaganap every last day ng foundation week. Apat na araw kaming magiging busy sa pagbebenta at ang nakakainis, isasama sa grade sa math ang magiging total sales namin! Kaya ang pinaka-nakakapikon eh bawal um-absent!
It means less time with Dan Brown. So sad.
"—Friday din pala!" rinig kong sigaw ni Hya. Kaming tatlo lang daw ang lalabas at magg-grocery. 'Yung tatlo ay didiretso na sa bahay, mga magde-design at magp-print ng mga flyers namin.
"Ohmygod! I still don't have a gift for him!" Xei exclaimed, getting my attention. Wala naman sana akong planong magtanong kung sino 'yung tinutukoy nila pero nahalata ata ng kambal na naguguluhan ako sa usapan nila. "Oh right. Anniversary namin ni Nathan, Friday next week." Halatang kinikilig si Xei.
"And obviously, ang makakalimutin kong kapatid ay nakalimutang bumili ng regalo." Hya rolled her eyes.
"My bad! There are so many things going on, academically related."
Kino-consider nila akong kaibigan at kahit papaano ay napapalapit na rin ako sa kanila. "Anong plano mo?" Yep! For the first time, in your eighteen years of existence Kristine! Nagkaroon ka ng pake maliban sa pamilya mo at kay Chad.
"Umm... Our anniversary will be on the same day as the SU Feest. I think I'll still have time to decide on gifts. Though he really likes muffins, so I'll try making those for him."
"Sana lang 'di masunog ang bahay natin," pabirong banat ni Hya na nagpangiti sa akin at nagpaasar kay Xei. "Kidding! Anyways, anong plano mong regalo maliban sa muffins? Kasi need mo talaga ng backup sa plano mong paggawa ng muffins."
"Such a bully, twin. Hmm..." Nag-iisip pa siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse nila at sumakay na. "Couple necklace?"
"Masusuot niya ba?" 'di ko maiwasang magtanong kasi napapa-isip na rin ako na what if regaluhan ko rin si Jairo?
Ehh‽ Ano namang okasyon aber, Abella‽
Pwede naman sigurong magregalo ng walang okasyon diba?
Aysus palusot! Teka yung sunglasses! Eh pano ko ibibigay yun‽
"Ayos ka lang, Tine?" Bigla akong napatingin sa kambal na sabay na nagtanong.
Haaay! Pahiya ka tuloy! Kausap na naman ang sarili!
~•~
MARI'S POV
A-Aray! Shit! Masakit!
"Sinabi ko na sa'yo ang katumbas na sakit na dala ng kwintas na 'yan kapag hindi mo pa ginamit." Mula sa madilim na parte ng school garden, nakita ko siyang papalapit sa akin.
"H-Hindi pa o-oras—Ahh!" 'di ko maiwasang sumigaw sa sobrang sakit ng puso ko. Para itong iniipit at pwersahang pinipiga.
"Inilagay mo ang dugo mo sa kwintas kasama ang dugo ni Nathan. Binigkas mo na rin ang mga katagang magpapagana sa mahika. Kailangan mo na lamang 'yan suotin, bakit hindi mo pa gawin‽" Halata ang galit at pagpapikon sa mukha niya.
"H-Hindi pwede! Kailangan sobrang masaktan si Xei—" Mas lalong lumakas ang sigaw ko. Muli na namang inipit ang puso ko.
"Iniinom mo ba 'yung binigay ko sayo noon?" Walang pag-aalala sa tono ng pananalita niya. He was just asking me coldly.
"Ubos n-na."
May kinuha siya sa pocket ng pantalon niya saka inabot sa akin. "Kailan mo balak gawin ang plano mo?"
Ininom ko muna ang nasa bote saka dahan-dahang naramdamang nawala ang sakit sa puso ko. Huminga ako nang malalim saka tumingin sa kanya.
"Next week Friday, I'll end their love story." Saka ako naglakad paalis ng hardin.
~•~
SEAN'S POV
"Thanks, Coach! Bukas ulit!" Kinawayan ko sila nang makalabas ako ng gym.
Gabing-gabi na at halos wala na ring tao sa campus maliban sa aming basketball players.
Nasaan na ba yung si Cyril? Ba't 'di umattend ng practice?—Teka! Si Chad 'yun ah! Anong ginagawa niya sa school garden ng ganitong oras?
"Bro!" Bigla naman akong nagulat nang may humawak sa balikat ko, paglingon ko, si Cyril lang pala.
"Lagot ka kay Coach! 'Di ka nagpaalam," pananakot ko.
"Yeah yeah, whatever." At sabay na kaming lumabas ng campus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top