CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-EIGHT
KRISTINE'S POV
"My my! Don't move, Tine," paki-usap ni Ayel sa akin habang mine-make up-an ako.
"K-Kailangan ba talaga niyan?"
"Well, of course! You're about to attend your first ball."
Nakwento ko kasi sa kanyang hindi ko talaga inaattendan 'yung mga ganitong event noong mga nakaraang taon.
"Hindi naman na siguro requirement 'yan. 'Di naman isa-isang titingnan at iche-check ng mga teacher yung mukha namin kung may makeup o wala eh," sagot ko sa kanya.
She flatly looked at me. "I thought you wanted to confess to my cousin."
Agad naman akong nakaramdam ng pagka-init ng pisngi ko. "A-Amin na nga..."
"Then make yourself extra pretty! I want my cousin to drool when he sees you, okay?" Tumango na lang ako at nagtuloy na ulit si Ayel sa pagme-make up sa akin.
Nang kausapin ko kahapon si Ayel about my true feelings for Jairo. Siya na nag-volunteer na ayusan ako para sa ball ngayon. She really wants me for her cousin, and I really am falling for him... or maybe... I already fell hard.
"What's your actual plan?" Ayel asked after finishing my makeup.
"I don't know. Still not sure. Maybe sa garden ng school? I'll take him there and then confess?"
Hindi ko pa talaga naisip o napagplanuhan ang pag-amin ko. Ang sigurado ko lang ay gusto—no wait, scratch that—mahal ko na si Jairo.
I won't care about the love spell anymore. I'll forget that it did happen. I'll keep him and be selfish. Kahit isang beses lang sa buhay ko. Gusto kong ipagdamot si Jairo sa posibleng totoong mamahalin niya. Gusto ko ay akin lang siya. I'll love him with all I can.
Titigil lang ako, kapag sinabi na niyang hindi na niya ako mahal. Even if that's just a thought, it actually pains me.
"Hmm... Okay... I'm pretty sure that whatever happens, he will still like your confession." Tumayo si Ayel para lumapit sa dress na susuotin ko. "I mean he's obviously head over heels in love with you, what could possibly go wrong?"
If the spell wears off... I sighed and slightly shook my head. It won't wear off, don't think like that. Bigla namang pumasok sa isip ko ang mukha ni Jairo habang nakatingin at nakangiti sa akin. 'Di ko rin naiwasang mapangiti. Hay! I really have fallen for him.
"So! Wear this now! And then I'll do some finishing touches." Agad niya akong pinatayo. "Move faster, Tine! We don't have all day!"
Nagmamadali naman akong pumasok sa walk-in closet ni Ayel. Dito raw ako magsuot ng damit kasi may malaki siyang mirror, mas kita ko raw ang magiging itsura ko.
No time to waste! Kailangan ko nang bilisan yung pag-aayos. Magsisimula na ang ball!
Nagmamadali kong sinuot yung dress na binili ni Ayel para sa akin, and of course, it's Versace. I've gotta stop her from buying me expensive things.
"Anytime now, Kristine!" rinig kong sigaw ni Ayel mula sa labas.
"Almost done!" Tiningnan ko yung sarili ko.
Myghad! Red really does look good on me.
Lumabas na ako kesa pumasok si Ayel. Nakita ko naman ang paglaki ng ngiti niya nang makita niya ang buong itsura ko.
"Let's see if my cousin would still let you go. My gosh! I'm such a fairy godmother! Great job, self!"
"U-Umm... Magugustuhan niya kaya?"
"Girl! If my cuz won't accept that, then he must be crazy. I am telling you." Tumayo na si Ayel mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa akin. "Make each other happy." She genuinely smiled, and I politely nodded. "Now now, we have to move. The SU Feest is about to start."
Nagmamadali kaming bumaba ni Ayel saka lumabas ng bahay nila. Ihahatid niya rin daw ako para hindi ako magco-commute ng naka-gown.
"Nervous?" Napatingin ako kay Ayel.
"Super." Nginitian niya lang ako kaya bumalik na ako sa pagtingin sa labas ng bintana.
Bakit parang ayoko na tumuloy? Hay! Sobrang kabado ata ako sa pag-amin sa kanya.
Ilang saglit lang ay nakapasok na agad kami sa school. Nakikita ko na rin ang iba naming ka-batch. Ang gaganda ng damit. Oh well, maganda rin ang damit ko. Sponsored by Ayel pa.
"We're here!" Nasa tapat na pala kami ng ballroom. Ako lang ang pinalabas ni Ayel ng kotse since 'di naman siya taga-school namin. "Make my cousin officially yours, okay?" bilin niya pa bago nila ako tuluyang iwan.
Agad namang sumalubong sa akin ang mga flash ng camera.
Red Versace dress, red stilettos, wavy hair down, and simple red makeup. Idamay mo pa yung mga pinasuot sa akin ni Ayel na silver accessories.
It's like a different me.
Hawak ko yung white purse na binili sa akin ni Ayel noon. Nasa loob nun yung binili noon na Sunglasses for Jairo. Siguro naman today is the perfect day for me to give him that.
I took a deep breath before entering the ballroom. Pero bago pa ako tuluyang makapasok, I felt my phone vibrating. It was a text from Jairo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
From: Jairo
Go to the school's garden.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Eh? Inunahan niya ba ako?
Was he planning on something sweet?
I can't help but smile. Ba't ako kinikilig? Nako ka, Kristine!
A wide smile was plastered on my lips. Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako, o bibilisan yung paglalakad, o tamang bagal lang para mas dama yung moment. Natawa ako sa sarili kong kalokohan.
Baka naman sa sobrang tagal kong pagmomoment nainip na si Jairo sa paghihintay. With that thought in mind, medyo binilisan ko na lang ang paglalakad ko.
Nang makarating ako sa garden, nakita ko na siya. Nakatalikod nga lang. Pero gosh! Likod pa lang, ang gwapo na. Bagay pala sa kanyang naka-tuxedo.
"Jai—"
"I know you'll come back to me, Jai." Bigla akong nakarinig ng boses ng babae. Mukhang hindi nila ako napansin kaya medyo nag-iba ako ng anggulo para makita ko kung sino ang kausap ni Jairo.
"That's because I love you." Para namang piniga ang puso ko nang marinig ko yung sinabi ni Jai.
Ang pinakamasakit pa roon, nakita ko silang naghalikan ni Blaire.
...A-Ano 'to?
After their kiss, mukhang pupunta na sila sa ballroom kaya humarap sa direksyon ko si Jairo.
T-Teka... Andaming pumapasok sa isip ko.
S-So, Jairo's really in love with Blaire?
So... Ano ako?
Walang spell... O si Blaire talaga ang true love niya?
Sh-Should I be happy?
My past self will surely be... But not at this time... not this me...
I-I need to get away from here.
I-I need to run. And so I did, pero may biglang humawak ng braso ko.
"Tine..."
Jai... "L-Let me go... please..." I need to think... I'm suffocating...
"I'm sorry, Kristine. I really am." I can feel my heart breaking. "You're a great woman, pero mahal ko talaga si Blaire." And breaking... "I just used you to make her jealou—" I—I slapped him.
"Kanina nag-iisip pa ako kung hindi ba dapat ako magalit sayo, pero ngayon alam ko na." I pulled my arm and faced him. "Falling for you was my most stupid mistake." Then I ran.
I hate you, Jairo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top