CHAPTER TWELVE
CHAPTER TWELVE
KRISTINE'S POV
"Aren't you supposed to be leaving?" May narinig akong nagsalita pero 'di ko muna idinilat ang mga mata ko. "Angelo called already, and he told me that you're late for your fight." Mukhang si Ayel yung nagsasalita.
"I have a patient, remember?" Narinig ko naman ang boses ni Jairo. "Besides, lagi namang talo 'yang grupo ng boyfriend mo, at nandoon naman si Bryle."
"Six versus five isn't a fair game," salita ulit ni Ayel. "You know that they play fair, unlike the other gangs."
"Still, Yel. I can't leave Kristine alone."
"So what am I? A ghost? And we got lots of maids, they can all take care of her, cuz."
"Haist!" Matagal na 'di nagsalita si Jairo. "Fine. Fine. But if something bad happens to her, I'm blaming you and I'll send your boyfriend to the hospital."
"Whatever. Now go! Leave!"
"Lower your voice, d*mn it! Can't you see she's resting?"
"My bad. Now, babye!" Saka ko narinig na bumukas at sumara yung pinto. "By the way, I know you're awake," biglang sabi ng pinsan ni Jairo. Kaya naman dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko.
"H-How did you know?"
"My voice was too loud. It can wake any sleeping being." Umupo siya sa dating kinauupuan ni Jai at humarap sa akin. "By the way, I'm rooting for you." Naguluhan ako sa sinabi niya at mukhang napansin niya yun sa mukha ko. "I really don't like Jairo's ex-girlfriend. I already sensed Blaire's b*tchiness ever since she entered our home." Ngumiti siya sa akin. "But as for you, all I sensed was very strong will and kindness. So please, take care of my cousin. He may seem like a complete idiot, bully, and flirt but he's actually a softie. If you know what I mean."
"H-Hindi naman po kami."
"Then be together! Would you mind if I ask you to completely steal Jairo from Blaire? I think he really likes you. When he came home yesterday carrying you, the worry was all over his face. He doesn't really know how to take care of a sick person because we have maids for that, but he was so possessive of you. He wanted to be the only one to take care of you." Natawa si Ayel. "So, I don't know what you did to my cousin, but I'm happy with what's happening. That's why I'm asking that from you, Kristine." Hinawakan niya yung kamay ko. "Also take care of my cousin. That's all."
But it's the spell's doing... Gusto ko sanang sabihin pero nakakakaba kung anong mangyayari once na nalaman nila ang about sa spell. Kaya naman ngumiti na lang ako bago nagsalita. "Sige po... Utang na loob ko na rin po sa inyo ang pag-aalaga niyo sa akin." Hay... Bahala na nga.
"Goody good. But first, how are you feeling?" nakangiti niyang tanong sa akin.
Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. "Much better than yesterday."
Mas lumapad naman ang ngiti niya. "That's good. Can you try standing up? So we can eat in the dining area together? I asked our chef to cook Pasta Con Pomodoro E Basilico, Mushroom Risotto, and Pistachio Panna Cotta." Halata naman sa mukha niyang excited siya.
A-Anoo daw?
"Come on! Just try. If you really can't then I'll send the food here."
Bigla naman akong nahiya kaya sinubukan kong tumayo at maglakad. And instead of calling maids to assist me, just how I imagined it, siya na mismo ang umalalay sa akin hanggang sa makarating kami sa dining table nila.
Hindi ko tuloy maiwasang i-compare ang buhay ko sa buhay ni Jairo. Malayong-malayo. Hindi bagay.
Inalalayan na naman ako ni Ayel na umupo bago siya. Their maids served the dishes in front of us at porkchop! napaka-sarap nilang tingnan.
Tinititigan ko ang mga pagkain nang magsalita si Ayel. "That is Pasta Con Pomodoro E Basilico." Tinuro niya yung parang spaghetti na nasa plato ko. "That's my favorite Italian pasta. Now this one is the Mushroom Risotto." Tinuro niya yung kanin na may mix ng mushroom. "And lastly, my favorite Italian dessert, Pistachio Panna Cotta." 'Yung gelatin na may pistachios. "I love Italian dishes, while Jairo loves Spanish dishes." Nginitian niya ako. "Take note of that, so you can cook one for him." Kinindatan ako ni Ayel bago kami nagdasal at kumain ng tanghalian.
Ba't ko naman lulutuan 'yung bully na 'yun—Bigla kong naalala ang mukha niya habang inaalagaan ako. Sige na nga! Sa susunod lulutuan ko siya.
Tiningnan ko muna ulit ang mga pagkain bago ko sinubukang kainin. Lumipas ang oras at 'di ko namalayang naubos ko na lahat ng pagkain sa plato ko. And I'm currently enjoying the dessert.
Legit na masasarap yung mga pagkain! Sana matikman din ng mga kapatid ko, pati nila Mama at Papa, yung gantong kasasarap na pagkain.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ayel kaya napatingin ako sa kanya. "Looks like you'll regain your full strength in no time." Napailing siya habang nakangiti at nahiya naman ako. "Oh! Oh! After lunch, wanna go shopping with me? I really miss shopping, but I don't have anyone to go with. My boyfriend is busy and my only cousin doesn't like shopping." Nalungkot naman yung mukha niya.
Kahit gusto ko siyang samahan, wala naman akong pambili. "Ahh ehh... wala kasi akong budget para mag-shopping pero pwede naman kitang samahan, if you want," pag-aalok ko. Utang na loob ko rin sa kanila na 'di lumala yung sama ng pakiramdam ko.
Agad lumiwanag ang mukha ni Ayel. "Really? Really‽ Oh my! Let's go! And don't worry, it's my treat."
"Hala! 'Wag na! That's too much."
"No, it's not. Besides, just think of it as a gift. A wedding gift." Lumaki ang mata ko. "Just kidding, you're still not saying yes to my cousin, so maybe a Congratulations, you're not sick anymore kind of gift." Pareho kaming natawa. "We'll use my car, I'll drive you to your house first so that you can change clothes." Hi-hindi sana ako pero naalala kong kahapon ko pa suot 'tong damit ko.
Kaya naman tinapos na lang namin ang pagkain saka siya umakyat para magbihis at ako naman ay naghintay sa sala.
~•~
SEAN'S POV
"Pwede bang bilisan natin matapos 'to? May date pa ako eh," angal ni Nathan.
"Mahiya ka naman sa ka-date mo. Pupunta ka roon nang basag yang mukha mo," sagot ni Serge, isa sa miyembro ng kabilang grupo.
Simula nang dumating si Jairo ay nagsimula na rin ang laban. 'Yun naman ang maayos sa lider ng grupo na 'to, ayaw niya ng hindi patas na laban.
Bigla namang nakibanat si JP sa asaran nung dalawa. "Ang yabang naman talaga ng kasama niyo."
"At napaka-reklamador ng inyo," salita ni Charles, taga-kabila rin.
Naka-ngising pang-asar naman si Cyril na sinaway silang lahat. "Pwede ba? Manahimik na lang kayo."
Nagsimula na namang sumugod ang kabilang grupo. Panay iwas ako kay Kent nung una, pero nang makakita ng pagkakataon, sinuntok ko ang tyan niya saka sinipa ang kaliwang binti.
"Ang ganda pala ng kapatid mo, Nathan?" Narinig kong nagsalita si Devon habang kalaban si Nathan. "Kaklase ko siya ngayon at..." Naiwasan ni Devon ang suntok ni Nathan. Muntik ko nang 'di makita ang akmang suntok ni Kent dahil sa pakikinig. "Binigyan niya ako ng tsokolate at note."
"'Wag kang asyumero. Imposibleng mapansin ka ni Natasha," sagot ni Nathan bago iwasan ang tadyak ni Devon.
"Nah, it's not impossible. You can ask her if you want. At sigurado akong aamin siya." Halatang naasar si Nathan. He's overprotective when it comes to his sister.
'Di ko na ulit sila binigyan ng atensyon at tinapos ang pakikipaglaban kay Kent. The result of the fight never changed. Panalo pa rin kami pero 'di mo makikitaan ng pagkapikon ang leader nila.
"We lost again. Next time babawi kami." There was sportsmanship in Ryan's voice.
"Practice lang lagi, Ry. 'Pag naman kalaban niyo yung ibang gang, 'di rin sila nananalo sa inyo." Jairo was calm but he's actually in a hurry dahil daw may sakit si Kristine.
Lahat kami ay maayos na nagpaalam sa isa't isa, maliban kay Kent. Narinig ko pa siyang bumulong kay Ry. "Bakit ka ba laging pumapayag na natatalo tayo‽ Nakakahiya 'to, Ry!"
Napailing na lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top