CHAPTER THREE
CHAPTER THREE
KRISTINE'S POV
Nasaan ka nang hinayupak ka‽ Kanina pa ako paikot-ikot dito sa campus.
"Nasa klase ba 'yun? Teka—Umaattend ba 'yun ng klase‽"
"Nakakabaliw na ba ang pagiging sobrang matalino?" may biglang nagsalita.
Porkchop naman oh! Nasa corridor ako na papunta sa canteen. Ako lang mag-isa, nasa klase yung ibang students. Kaya sino yung nagsalita‽ "S-Sinong nandyan? 'Di ako natatakot sa multo!"
Weh? 'Di nga, Tine?
May narinig naman akong mahinang tawa. Apaka porkchop naman!
Sisigaw na sana ako nang may maaninag akong bulto ng tao na para bang nagalaw.
M-Mama!
"Kalma, Miss Kristine."
T-Teka... si ano 'to ha... "B-Bryle?"
"Masyado bang nakakatakot ang kagwapuhan ko?" Naglakad siya papalapit sa akin habang nakangiti. "Shouldn't you be in your class, Miss Kristine?"
"Drop the miss, and I should be, kung hindi niyo 'ko pinagtripan!" Naalala ko na naman ang ginawa nilang pagpapahiya sa akin.
"Not entirely my fault. I tried stopping them and be your knight."
"Well you failed, Mister Trying." Inirapan ko siya at aalis na sana nang may maalala. "Asaan ang magaling mong best friend ha‽"
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako naiilang na sigaw-sigawan si Bryle. "Well," tumabi siya sa akin at humarap sa way papuntang canteen. "diretso ka riyan, tapos kumaliwa, tapos kumanan, tapos yung pinakadulo na room, wala roon si Jai."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at binatukan ko siya. I was about to regret my move nang mapansing natawa siya at hindi nainis.
"Joke lang. Malamang nasa room na malapit sa school garden, kasama pa rin si—"
Hindi ko na narinig ang huling salita ni Bryle dahil nagmamadali akong puntahan 'yung bully na 'yun.
Kahit isang beses lang. As in one time lang, sasapakin ko yung lalakeng 'yun. Sayang yung lesson ngayon sa Intro to Psych! Mas binilisan ko ang pagtakbo ko papunta sa room na tinukoy ni Bryle.
"You told me you'll leave that guy!" narinig kong sigaw ni Jairo.
Aha! Nandito ka talagang hinayupak ka!
"Shh... 'Wag ka masyadong maingay, Jai. Alam mo namang nag-skip lang ako ng class for you eh. Don't do something na magpapahuli sa ating dalawa." May narinig ako na boses ng babae na nagpatigil sa akin sa pagbabalak kong pagpasok ng room.
Wait—I know that voice.
"Blaire, you promised me."
Pakiramdam ko huminto ang mundo ko. B-Blaire? As in Chad's girlfriend‽
"I need him, Jai. Alam mo namang nahihirapan na rin akong pagsabayin ang schedule ko sa volleyball at academics. I need Chad to pass college."
What the hell‽
"I can help you, Blaire. Uutusan ko yung iba na gawin ang homeworks and projects mo."
Napaangat naman ako ng kilay dahil sa mga nalalaman ko.
"You know I don't like that, Jai. Baka kumalat na lately I'm failing my classes. Plus kapag pinaalam natin sa lahat na girlfriend mo 'ko, baka madamay ako sa records mo or worse, sa gang fights niyo."
G-Gang fights?
"So, you think I can't change for you?" Kahit papano, naramdaman ko ang sakit sa tono ng pagtatanong ni Jairo. "You think I can't do better for you‽"
Oo nga naman.
"Let's face the reality, Jairo. That's who you are. You can't change. Pasalamat ka nga at sinagot pa kita eh."
Saglit na naging tahimik ang paligid.
"Thank you and we're done." Medyo hindi na rin ako nagulat sa sagot ni Jairo.
"Ansakit nun," 'di ko napigilang sabihin.
"Alin ang masakit?"
"Ayy porkch—" Muntik na akong mapasigaw dahil sa parang kabute na Bryle.
"You know, it's rude to—hmmm" Tinakpan ko ang bibig niya saka hinatak papunta sa malayo-layong part ng garden, malayo sa lugar nila Jairo, bago ko binitawan. "Anyway as I was saying—"
"Yeah, yeah. It's rude to listen to other people's private conversations," pagtatapos ko sa sentence niya, bago tumingin sa room nila Jai. "Hay! Andami kong nalaman ngayon!"
"Kaya nga dapat 'di ka nakinig."
Nilingon ko si Bryle. "Nandito ka pa pala."
"At nandito ka pa rin pala. Gusto mo pa ring makichismis sa buhay nila Jai?"
"Pakialam mo ba? At ba't ka ba nandito? Are you stalking me, Mister Trying?"
"Paano kung sabihin kong oo, Miss Matapang?"
"Then 'di ka magaling na comedian, 'di nakakatawa 'yang joke mo."
Natawa naman si Bryle. "Damn! Antibay mo, Miss Matapang." Mukha pa siyang nasisiyahan sa sinabi niya. "Anyways, you still have forty minutes before your next class, wanna waste it with me?"
Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ng lalakeng 'to? "No, thanks. I would rather waste my time reading inside the library than spending another minute with you." Tinalikuran ko na siya at naglakad na pabalik sa room ko. Well, the library is near my classroom naman eh, I should stay there for a while. Hay! Sayang ang psych class ko, pero panigurado 'di na ulit ako papapasukin ni Miss April.
"So, you're going to the library?"
And ladies and gentlemen, I present Mister Trying, right here by my side.
"Yow, Miss Matapang. Would you mind if I tag along?"
Argh! "Yes, I would mind." Tuloy pa rin ako sa paglalakad kahit naaasar na ako dito sa lalakeng 'to.
"I'll pretend I didn't hear that," nakangiting sabi ni Bryle.
Anlakas naman ng trip ng taong 'to! "Ba't ka ba sumusunod?" naaasar kong tanong.
"Let's just say, I'm stalking you. Ayaw mo nun? You should feel good about yourself. A handsome guy like me is stalking you."
Feel good about myself‽ "Mister Trying, wala ka bang klase ha?"
"Well, supposed to be, meron but I saw someone run out from her room and began talking to herself."
Ako ba yung tinutukoy niya? "Is that someone... me?"
Bryle winked at me before asking me to hush kasi nasa harap na kami ng library. "What do you wanna read?" bulong sa akin ni Bryle.
"How about 'Wag mo nang alamin?" I sarcastically answered.
"May ganong libro? Maganda ba?"
Napa-facepalm na lang ako sa sinagot niya. I went to the Psychology section and took books about our current lesson. Para naman hindi tuluyang nasayang ang oras ko.
"You skipped class and then 'yan ang babasahin mo?" tanong niya nang makaupo ako. Umupo naman siya sa harap ko, he was holding a book, Dan Brown's.
"You read his works?" 'di ko napigilang tanungin.
"Mmm-hmm... Natapos ko na yung Da Vinci Code and Angels and Demons. So, Origin naman."
Woah.
"You seem shocked, why is that?" tanong niya sa akin.
"I just didn't imagine someone like you reading English novels," I honestly answered.
"Well, my group is full of bullies and troublemakers pero hindi naman kami magpapahuli sa academics," Bryle proudly said.
Bigla ko namang naalala ang usapan nila Jairo at Blaire kanina, about Blaire's failing classes and Jairo's offer. "So, bakit pa ipapagawa ni Jairo yung works ni Blaire sa iba kung kaya niya namang gawin?" mahina kong bulong sa sarili habang nakafocus ang tingin sa librong hawak ko.
"Because Jairo has lots of things on his plate as of now," biglang sagot ni Bryle.
Saglit akong napatitig sa kanya dahil narinig niya pala ako, pero agad ding nakabawi. Napatango na lang ako at nagsimulang magbasa.
I was in the middle of reading nang makita ko si Jairo na dumaan sa labas ng library, saka ko naalala ang mga narinig ko kanina.
He's still a bully in my eyes pero hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya. What Blaire said was below the belt, and I think she really did hurt his feelings.
"Hey, Miss Matapang." Bryle was waving his hands in front of me.
"Wha-what?"
"Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo 'ko naririnig."
"Oh... I'm sorry."
"Forgiven. Anyways, your next class is about to start. You might wanna leave now."
"Ah..." Tiningnan ko ang relo ko. "You're right. Well umm... una na ako. Ikaw rin. Bye."
Binalik ko ang librong binasa ko, saka lumabas ng library at pumasok sa classroom. The conversation I heard was still in my mi
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top