CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SIXTEEN
KRISTINE'S POV
And here we go, canteen duties!
Buti na lang hinayaan nila akong kumain ng lunch nang mabilis bago tumulong dito sa canteen.
"Ano 'ga ulit pangalan mo iha?" tanong ni Nanay Bernadeth, ang head nila rito sa canteen.
"Kristine po. Saan po ako tutulong?"
Pinunasan niya muna yung kamay niya bago humarap sa akin. "Pwede ka namang kumuha at magbigay ng orders ng mga estudyante, nandoon si Hershey o kung gusto mo, eh tumulong ka sa pagluluto, nandoon si Jon Jon na aalalay sayo. At ang pinakahuli ay paghuhugas ng pinggan, nandoon naman si Jaynilo. Lahat sila ay kapareho mo lamang ng taon sa pag-aaral, at mga naatasan ding tumulong dito sa Canteen," pagbibigay ni Nay Berna ng options ko. Bigla namang tumingin si Nanay sa likod ko at mukhang may kinausap. "Tutulong ka ba talaga, iho?" Wala naman sana akong dahilan para lumingon, kaya lang narinig ko ang boses ng nasa likod ko.
"Yes, Ma'am. Minsan lang naman po eh." Pagtingin ko, bumungad sa akin ang nakangiting Bryle. Eh‽
"Ayy hala sige... Narinig mo naman siguro kung ano-ano ang maaari niyong gawin dito. 'Wag lang kayo magkakalat sa lugar ko, 'wag tutunganga, at 'wag mag-iingay ng walang dahilan o isusumbong ko kayo sa principal, nagkakaintindihan tayo?"
"Opo," sabay naming sagot ni Mister Trying. Nang maka-alis si Nanay Berna, muli ko siyang nilingon. "Anong ginagawa mo dito? 'Wag mong sabihing tutulungan mo ko."
"Edi 'di ko sasabihin." Kinindatan niya ako bago siya nagsuot ng apron, hairnet, at plastic gloves. "Ms. Matapang, usong gumalaw. Baka mahuli ka ni Nanay Berna na nakatunganga, yari ka sa principal." Natatawang dumiretso si Mr. Trying papuntang kusina para tulungan si Jon Jon na magluto.
Marunong siyang magluto?
Napailing na lang ako at pumunta kay Hershey para tumulong. Saglit lang ay dumami na ang mga estudyante at nabusy kaming lahat.
"Ano pong order niyo?" normal kong tanong sa sumunod na estudyante.
"Hi! Can I please have Maria Kristine Abella?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Sasamaan ko sana ng tingin pero nakangiting Jairo ang nasa harap ko. "Well? Can I have her please?"
Bwisit na lalakeng 'to! Ba't parang nawala yung pagod ko nang makita ko siya? Umayos ka nga, Tine!
"Ahm... Nope! You can't have her, she's currently busy. So, care to state your order?" pananaray ko sa kanya.
"Well, kung 'di na siya busy, can I have her?" pamimilit niya.
"If you don't mind me saying sir," Tumingin ako sa pila sa likod niya bago tumingin ulit sa kanya. "but you're holding up the line."
"And I don't actually care. 'Di naman sila makakapagreklamo eh." Sinulyapan ni Jairo si Nathan na kumaway pa sa akin.
"And I do care, Mr. Jairo. Hindi kami makakaalis dito kung 'di pa tapos yung pago-order ng mga estudyante." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hayst! Fine, I give up. Pero 'di ka naka-assign dito mamayang break time, diba?"
"Lunchtime lang ako naka-assign."
"Good. Sabay tayo mamayang break time, sunduin kita sa room mo mamaya. Babye, Mrs. Guevarra."
"Ano mo 'ko? Nanay? Layas na!" pagtataboy ko sa kanya. Narinig kong tumawa yung mga estudyante sa likod ni Jairo.
Sinamaan naman niya 'yun ng tingin bago muling humarap sa'kin. "Hindi nanay ko, kundi nanay ng mga magiging anak ko," banat na naman niya.
"Gagawin mo pa akong surrogate mother, lumayas ka na nga." At tuluyan na nga siyang sumuko sa kababanat.
"Basta mamaya sabay tayo—"
"Ms. Matapang, ba't—Jai! oorder ka?" Bigla na lang sumulpot out of nowhere si Mr. Trying.
Napansin kong dumilim ang mukha ni Jairo. "So, ito pala yung sinabi mong importante mong gagawin."
Ngumiti si Bryle. "Yeah... Tutulungan ko lang sila." He referred to us.
"Kelan ka pa nag-student service?"
"Ngayon lang."
"Ehem—Excuse me lang, ha? Kung mag-uusap din naman kayo, 'wag yung nakakaistorbo sa iba. Hindi lang yung mga estudyanteng nakapila ang naaapektuhan eh, mga porkchop kayo." Pareho naman silang nawalan ng imik at sabay na nagpaalam sa isa't isa bago bumalik sa pinanggalingan nila. Ayan! Maayos na! "Okay! Ano pong order niyo?" And I went back to my work.
Masaya naman pala maggaganito, though I still prefer spending my break times alone.
"Tara na Kristine! May klase pa tayo," pagyayaya sa 'kin ni Hershey.
"Sige lang, una ka na." Tinapik naman ako ng nasa likod ko. "Yes?"
"Beh, 'di ako kinakausap ni Bryle kaya next time, kung kaya mong magluto, sa kusina ka na rin, ha? Ang boring ng walang kausap," reklamo ni Jon Jon sa akin.
"Pasalamat ka nga at may kasama ka eh. Pano naman ako? Kawawa ako sa paghuhugas," biglang sulpot ni Jaynilo. "Ayy, by the way, hanggang kelan ka naka-duty dito, Kristine?"
"Bukas na last day ko," sagot ko.
"Ayy minor 'no?" Jon Jon was referring to the intensity nang pagkakabreak ng school rule. Tumango naman ako.
"Umm... excuse me. But can I have Kristine now? Ihahatid ko lang sa room nila," biglang salita ni Bryle mula sa likod ko.
"S-Syempre naman, Bryle," sagot ni Hershey.
"Iyong-iyo na, beh, saksak mo sa baga mo," salita ni Jon Jon "Charot!"
"Tara na, Ms. Matapang," pagyayaya ni Bryle. Nagpaalam naman ako sa mga kasama namin bago naglakad kasabay si Mr. Trying. "So... Anong gagawin mo mamayang break time?"
I shrugged. 'Di ko talaga alam eh. 'Di ko alam kung susunduin ako ni Jairo at seryoso na sabay kami.
Teka nga, Tine! Ba't mo ba iniisip yun ha? pwede ba? Itigil mo yan! Under spell si Jairo, hindi siya ang gusto mo! At hindi ka niya totoong gusto! That statement hit me hard. Hindi naman talaga niya ako gusto eh. Ba't ba kung ano-ano pa 'tong iniisip ko?
"So ano? Library tayo?" Tumango na lang ako sa sinabi ni Bryle at pumasok ng room nang makarating kami. "See you later, Ms. Matapang!" sigaw pa ni Bryle, kaya naman lahat ng atensyon na naman ng mga kaklase ko eh nasa akin.
"Ops! Baka kung ano na naman ang ipagkalat niyong mga walang magawang matino sa buhay," nakapameywang na sabi ni Hyaciel sa mga kaklase namin.
Umupo naman ako ng maayos sa pwesto ko, sinandal ang noon sa desk at nanahimik.
"I believe that Bryle likes you." Narinig kong salita ni Xei kaya napatingin ako sa kanya. "Yes, you, Kristine. So kung papipiliin ka sa dalawa. Bryle o Jairo?" Deretsahan talaga, Xei?
"No one," simple kong sagot at bumalik sa pagkakayuko.
"Hay sabagay, parehong gwapo, mayaman, matalino, kaya lang kasama sa gang." Ang ingay naman ni Hyaciel eh.
"But still, both men have different ways of approaching Kristine." Isa pa 'tong si Xei.
"Whatever. Buti na lang ako, walang love life. Edi walang stress sa buhay." Wala rin naman dapat akong love life, Hyaciel eh. Well, maliban kay Chad. Teka musta na ba 'yun?
"Good afternoon, class. Bring out a sheet of the intermediate pad, a pencil, eraser, ruler, and a piece of graphing paper. You have three minutes to do that. Ang ma-late, 'di na magkakajowa," bungad agad sa amin ni Sir Rosas.
Nagtaas ng kamay si Hyaciel. "Sir! Paano kung ayokong magkajowa? Pwedeng malate?" Tumawa naman ang buong klase, kahit si Sir, well maliban sakin.
"Pwedeng-pwede malate, at pwede ka ring maminusan sa activity natin, Miss H Concepcion," pang-aasar ni sir Rose. Hyaciel playfully pouted.
"Ayy sir!" May isa pang kaklase namin ang nagtaas ng kamay. "Kumusta po pala kayo ni Miss April? Sinagot ka na ba, Sir?"
"Hindi pa. Hayaan niyo, kapag sinagot na ako ni Miss April niyo eh magpapa-pizza ako." Para naman silang nag-celebrate. "Pizza ng trolli ha? Yung candy," pang-aasar ni Sir.
After that, gumawa na kami sa activity. Nang matapos ang Math, English naman. Madali lang, nagpaquiz and short discussion tas nagpa-early dismiss si Miss.
So, break time!
Since maaga kaming nadismiss, nauna na akong dumeretso sa library. Well, dito naman talaga ang usual hang out place ko. Yung kambal naman ay magca-canteen.
I was busy reading a book, nang may naglapag ng libro sa harap ko. The Lost Symbol... Dan Brown!
Napa-angat ako ng tingin. "Saan ka nakahanap niyan?" agad kong tanong kay Mr. Trying. Antagal ko nang ginustong mabasa 'to kaya lang 'di ako makabili, tapos wala sa mga library.
"May nakita ako kahapon sa Book Sale, then I bought it para na rin mabasa ko. Pero wanna borrow it?"
Agad nagningning ang mga mata ko. "Kung pwede!" I've always wanted this book!
"Sige lang. Dami ko pa namang binabasa sa bahay eh." Agad kong binuklat yung libro. Hmm... ang bango ng libro.
"Thank you, Mr. Trying,"
"No problem, Ms. Matapang. Anyways, dito ka lang talaga tatambay buong break time?" Sinimulan ko nang basahin ang libro bago tumango. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. "Sige na nga, I won't bother you. Enjoy reading."
Akala ko ay aalis na siya at iiwan ako, pero mali ako. He took the Science book I was reading a while ago and he began reading it. Ako naman ay tuluyan nang nag-sink sa story.
~•~
JAIRO'S POV
"Yow, Jai! Akala ko sabay kayo ni Kristine ngayon? Ba't ka nandito?" tanong ni Nathan nang makarating ako sa canteen.
"She's already busy."
Naalala ko na naman ang nakita ko kanina nang mapadaan ako sa library.
So he really does like her...
Too bad, she's mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top