CHAPTER SIX
CHAPTER SIX
KRISTINE'S POV
Nakatitig lang ako kay Jai—dumbfounded as hell.
Lahat naman ng ibang tao ay nakatingin sa amin at nakangiti. I was about to say something nang makita ko si Tita Winette na tumatakbo papunta sa akin.
"Tita! Ba't ka po nandito sa school?"
But instead of answering my question, out of topic ang sinabi niya na nagpagulo sa akin. "Kristine? Kristine! Pamangks, gising na please naman oh!"
G-Gising na?
Teka nga! Anong oras na ba? Baka late na ako!
Pilit akong naghanap ng orasan or relo pero wala. Omy!
"Kristine!"
"Ayy porkchop!" Bumalik ako sa reyalidad dahil sa malakas na sigaw ni Tita.
"Putek kang bata ka! Akala ko kung anong nangyare sayo!" sabi ni Tita Winette habang yakap-yakap ako. "Ano ba? Nahihirapan ka na ba sa buhay at ibebenta mo na sa demonyo 'yang kaluluwa mo‽"
Nung una hindi ko magets si Tita pero nang tingnan ko ang paligid ko. Oh right. "Hindi 'yun sa ganon, 'ta. Ano po kasi..." Nag-isip ako ng idadahilan. "Nag-search kasi po ako kahapon sa internet kung anong pwedeng pang-relax ng utak kapag po nai-stress... Kumbaga meditation 'to, 'ta."
"Eh ba't nawalan ka ng malay?"
"Nakatulugan ko, 'ta. Nakapikit kasi ako tas a-umm ako nang a-umm. Ayun! Ang ending ko po, tulog." Tinitigan ko ang mukha ni Tita kung napapaniwala ko na.
"Oh siya sige! Kumusta ang pag-aaral mo, ha?" tanong naman ni Tita nang makatayo na kaming dalawa. "Kumain ka man lang ba ng hapunan? Baka naman instant noodles lang na naman ang nginatngat mo ha." Napangiti naman ako. Minsan na lang kami magkaroon ng ganitong moment ni Tita. Minsan Sunday kapag wala akong practice at wala siyang pasok.
"Nagluto naman po ako ng daing, 'ta tapos syempre, mainit na kanin. Solve na!" Napailing si Tita.
"Pasensya na pamangks at 'di kita malutuan ng maayos na pagkain."
"Ayos lang po, Tita. Ang mahalaga po nakakakain pa rin po ako at hindi niyo po ako pinapabayaan tulad ng pangako mo po kila Mama at Papa." Ngumiti siya sa sinabi ko saka nagpaalam na kakain na raw bago matulog. Habang ako naman ay hindi sigurado kung matutulog pa ba o mananaginip ng gising.
Tinitigan ko ang mga kandila saka napabuntong-hininga. Sana hindi totoo 'yung potion potion na 'yun. Napa-facepalm naman ako. Lahat ng kailangang gawin para gumana 'yung spell, lahat 'yun ginawa ko.
So anong mangyayari bukas‽
Naalala ko 'yung panaginip ko.
"Maria Kristine Abella? Ikaw lang ang aking mahal~"
Aisht! Lintek ka, Jairo Guevarra!
Niligpit ko lahat ng kinalat ko sa sala bago pumasok sa kwarto at humiga sa kama at tumulala sa kisame!
Hay! Ano nang gagawin ko‽ Ayoko namang umabsent bukas kasi may quiz kami sa math. Haaayyy! Nako naman talagang kapalaran 'to!
At sinayang ko ang isang oras ko sa pagtutulala at pag-iisip ng pwedeng scenarios mamaya.
Kapag gumana yung spell, iiwasan ko lang ng iiwasan si Jairo. Imposible namang gagawin niya yung nasa panaginip ko, diba?
And if ever namang hindi gumana, ibig sabihin... Nadaya ako ni lola! Sayang dalawang daan ko roon grabe!
Pero hindi naman talaga ako siningil ni lola noon, sadyang nakita ko lang yung presyo sa lalagyanan kaya naman nag-iwan ako ng pambayad.
Nang narinig ko ang alarm ko sa phone, tumayo na ako saka naligo. Papasuot na ako ng damit na kinuha ko sa cabinet nang may mapansin ako.
Amporkchop! Ito yung suot ko sa panaginip! Kaya naman nagmamadali akong nagpalit ng damit.
"Pati ba yung underwear?" tanong ko habang nakaharap sa salamin. Ay porkchop! Bahala na nga!
Kumain lang ako ng breakfast at inayos yung pantanghalian ko at ni tita saka lumabas ng bahay at naglakad papuntang school.
If I'm not mistaken, muntik na akong ma-late sa panaginip ko. Kaya naman nagmadali ako para maging maaga. At ayun! Wala pang six-thirty AM ay nasa campus na ako. Sumilipsilip pa ako sa may gate ng school at baka may nakahilerang mga estudyante.
"Ayos ka lang?"
"Ay popcorn!" Umagang umaga, siya pa ang makikita ko‽
"Good morning din, Miss Matapang."
"Walang good sa morning kapag ikaw ang unang makikita." Saka ko siya inirapan at sumulyap ulit sa loob ng campus.
Teka lang! Wala si Bryle sa panaginip ko, tapos nakita ko siya ngayon. So, ibig sabihin, hindi magkakatotoo‽ Yehey!
"On second thought, very good morning din, Mister Trying." Ngumiti pa ako bago tuluyang pumasok sa school.
"'Wag mo kong nginingitian nang ganyan, Miss Matapang. Mahina 'tong puso ko." Humawak pa siya sa may dibdib niya habang nagkukunwaring worried.
"Oh sige. Very bad morning, Mister Trying." Saka ako tumuloy sa paglalakad, naririnig ko siyang tumatawa pero hindi ko na muli siya kinausap.
"I take it back. Mag-good morning ka na ulit sa akin with matching ngiti. Susubukan ko na lang napigilang mahulog ang puso ko sayo." Tiningnan ko siya ng masama. "Just kidding, Miss Matapang." Saka ito tumawa.
Hindi nga nangyari ang nasa panaginip ko, pero ang aga naman ng pang-badtrip na 'to.
"Mauna na ako sa room ko, Miss Matapang ha? 'Wag mo 'ko masyadong mami-miss." Babatukan ko na sana siya pero agad siyang umiwas. "See you later, Miss Matapang."
Whatever.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang room, buti na lang wala raw yung teacher namin. May meeting daw ata, pero may iniwan na gagawin.
"And we're back, Tine." Nasa harap ko na naman ang Concepcion Twins.
"Don't worry. What we asked yesterday was just pure curiosity," sabi ni Hyaciel.
"And of course, kilig!" dagdag ni Xei. "So, ano ngang meron sa inyo ni Bryle at ni Jairo?" tanong niya nang makakuha sila ng upuan na malapit sa akin at umupo sa harap ko.
"'Wag kang mailang. Nacu-cute-an lang kasi kami ni twin. Nakikita namin kayo ni Bryle na magkasama."
Are they aware na hindi ako mahilig makipag-usap?
Oh well, why not try for a change?
"O kaya naman ni Papa Jairo," sabi ni Xei habang kinikilig.
"Aren't you Nathan Guzman's girlfriend?" hindi ko napigilang tanungin.
"Oh yes yes! I'm Xei Concepcion, his one and only girlfriend. Gwapo ng boyfriend ko 'no?"
Gwapo nga, masama naman yung ugali.
Ngumiti na lang ako ng peke saka bumalik sa pagbabasa at pagsasagot kuno, tapos ko na naman yung activity kaya lang, kailangan kong mag-mukhang busy.
"Anyways, balik tayo. Anong status niyo ni Mister Playful?" If I'm not mistaken, si Bryle ang tinutukoy ni Hya.
"Wala," I honestly answered. I mean wala naman talaga eh.
"Hmm... hindi ako naniniwala, pero how about Mister Bad boy?" Si Xei naman ang nagtanong. I was about to answer the same thing pero may nagsalita mula sa pintuan ng room namin.
"Nandito ba si Maria Kristine Abella?"
Ay porkchop! Ba't nandyan 'yan‽
Sabay-sabay akong itinuro ng mga kaklase ko, kahit sina Hya at Xei ay tinuro rin ako.
Naglakad nang dahan-dahan si Jairo papunta sa kinauupuan ko at nang tumigil siya, wala akong choice kung hindi ay tumingala.
"Maria Kristine Abella, will you be my girlfriend?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top