CHAPTER SEVENTEEN


CHAPTER SEVENTEEN

KRISTINE'S POV

Classes are done! At ni anino ni Jairo ay 'di ko nakita.

"Are you sure na ayaw mong ihatid kita?" pag-uulit na naman ni Bryle sa tabi ko. "Pero kapag si Jai, payag ka," bulong niya na narinig ko rin naman.

Nilingon ko siya. "May sinasabi ka?"

"Joke lang. I was just kidding. Nagkukunwari lang nagtatampo tapos 'di gumana. I'm sad." Nagpa-cute pa ang lalake.

"Bahala ka na nga dyan. Umuwi ka na. Salamat ulit sa libro, ibabalik ko kaagad sayo. Babye, Mr. Trying!" At naglakad na ako palabas ng campus.

Bigla naman akong may nakasalubong na babae, akala ko lalampasan niya lang ako pero humarang siya sa dadaanan ko. The weird thing is that she... smiled at me.

"Hi! You're Kristine Abella, right?"

I don't know her but the way she looks at me, it's as if she knows me. Why?

"Well? Are you Miss Kristine Abella?" pag-uulit niya.

"'Di mo sure," simple kong sagot, dadaan na sana ako sa kabilang side nang harangan na naman niya ako.

Nang tingnan ko siya, hindi na siya nakangiti. "I was asking you nicely but you're pissing me off." Bigla niyang hinila ang buhok ko at may itinakip na panyo sa bibig at ilong ko. "We could've done this easier," huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

~•~

THIRD PERSON'S POV

Nang mawalan ng malay si Kristine ay agad na tumapat ang puting van sa gilid ng kalsada. Lumabas naman doon sina Kent at ang kapatid ni Crystal. Kinuha ng babae ang ID ni Kristine bago ibinigay sa boyfriend.

"Nice work, babe." Niyakap ni Kent ang girlfriend at hinalikan bago humarap sa mga tauhan ng kapatid ni Crystal. "Ipasok na yan sa van, come on! Let's move fast."

"I told you this will be easy, but my part is not done yet." Crystal kissed Kent's cheek before pushing him back to the van. "Now go! I love you!"

"I love you too, babe. Act well!" Kumindat pa si Kent bago sila tuluyang umalis at naiwan sa kalsada si Crystal para tapusin ang parte niya sa plano nila.

~•~

NATHAN'S POV

"Oh! Akala ko nakauwi ka na," sabi ni Sean nang makita namin si Bryle na nasa parking lot pa rin.

"I was supposed to, but I'm still trying to remember stuff. Baka may naiwan na naman ako sa locker ko like last time," sagot naman niya.

"So may nakalimutan ka ba?" tanong naman ni JP.

"Nah, wala na naman." Napansin ko namang ansama ng tingin ni Jai kay Bryle at mukhang napansin niya rin 'yun. "Bad mood?" Bryle asked his best friend.

"Very much. I hate it when people try to steal what's mine."

"Mmm-hmm... I know that very well. Just make sure that it's really yours."

Ito na nga ba yung tinutukoy naming gulo. Muntik na rin 'tong mangyari noon pero mukhang mas malala ngayon.

There was a moment of silence before I broke the tension. "Uuwi ka na ba agad, Bryle?" Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

Sasagot na sana siya nang may marinig kaming sumisigaw na babae. "Help! Someone needs help!"

Agad kaming tumakbo papunta doon sa nagsisisigaw. May nakita kaming babaeng tumatakbo rin papunta sa dereksyon namin.

"Miss, anong nangyari?" tanong ni Cyril. Halatang hingal na hingal ang babae at bakas sa mukha niya ang takot.

"I—I saw a group of men kidnap a woman." May inaabot siya sa amin.

Tinanggap naman 'yun ni Sean. "ID 'to ni Kristine." Humarap siya sa babae. "Saan pumunta yung mga lalake?"

"T-They were in a white van. G-Going in that direction." Tinuro nung babae yung kalsada papuntang highway.

"Come on! Baka mahabol pa natin!" sigaw ko sa kanila.

"Don't come after her." Narinig naming salita ni Jairo. Nang lingunin namin siya ay hawak niya ang phone niya. "They only want me to come after her."

"Did they text you the address?" agad na tanong ni Bryle kay Jai na siyang tumango.

"Ihahatid ko muna si Miss papunta sa pwedeng sakayan ng taxi," biglang salita ni Cyril. Um-agree naman sila Jai, dahil mukhang natrauma rin yung babae.

"What's your plan?" tanong ni Sean.

"I'll go there. I have to save her." Nagmamadaling naglakad si Jairo pabalik sa school.

"Without backup‽ What if it's an ambush‽ You know that there are tons of gangs who want to get back at you!" pagsasalita ni Bryle, which is totoo naman. Baka mamaya pagtulungan si Jairo.

"I don't give a hell, Bryle! I just want to save her!" sigaw ni Jairo. Akmang sasakay na siya sa kotse niya nang magring ang phone niya. "What is it, Ayel‽—W-What‽ F*ck! Saang ospital‽ F*ck sh*t!"

"Anong nangyari?" Halata sa mukha ni Jairo na naguguluhan siya, nag-aalala at hindi mapakali.

"M-My dad's in the hospital."

Ano ba naman yan‽

~•~

KRISTINE'S POV

"Oh, ano? Sumagot na ba?" May naririnig akong nagsasalita pero 'di ko alam kung sino.

Naka-blindfold ako at nakagapos sa upuan. Kahit ang bibig ko ay may takip. I can feel my hands and feet tied up. Medyo nahihilo pa ako at masakit ang ulo ko. Nang pilitin kong alalahanin ang nangyari bago ako makarating dito, pumasok sa isip ko ang babaeng humatak ng buhok ko bago ako paamuyin ng pampawala ng malay.

"Gising na siya," May narinig na naman ako. "Asaan na ba si boss?"

Mayamaya lang ay may narinig akong bumukas at sumara na pinto. Kasunod nito ay tunog ng hinila na upuan, tumigil ito sa tapat ko. Naramdaman kong may humawak ng baba ko at pilit na pinapaangat at pinapaharap sa taong nasa harap ko.

Pilit kong iniiwas ang mukha ko, I keep shaking my head para lang bitawan ng taong 'to yung mukha ko pero bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak gamit ang isang kamay.

"Pwede ba? Tumigil ka sa kakalikot! Nakakapikon eh." Halata sa boses nitong lalake na naiinis na siya.

I can't let them sense that I'm scared of them! Baka kung anong gawin nila sa akin.

"Ang bagal naman ng lalakeng 'yun. Baka naman 'di ka talaga importante sa kanya."

S-Sino bang tinutukoy niya?

"Dapat ba yung isang babae ang kinuha natin?" tanong ng isang lalakeng nasa 'di kalayuan.

Ano bang pinag-uusapan nila?

"Hmm... Let's see," sagot na naman nitong nasa harap ko.

Ilang saglit lang ay may narinig akong kumalabog sa labas. Kasunod noon ay ang malakas na pagbukas ng pinto.

"Bakit—" 'Di na natuloy nung lalake yung sasabihin niya kasi—ewan. 'Di ko naman nakikita eh.

Akala ko ligtas na ako kasi parang may dumating nang tulong kaya lang hindi pa pala.

Bumalik ang takot sa katawan ko nang may humatak ng buhok ko at may maramdaman akong nakatutok sa leeg ko. Ang sakit ng pagkakahila ng buhok ko, nararamdaman kong namumuo na yung luha ko.

"One wrong move at hindi ako magdadalawang isip na saksakin 'to."

A-Ako yung sasaksakin? P-Pano sina Mama at Papa? Yung mga kapatid ko! B-Bawal pa akong mamatay!

Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko. H-Hindi pa ako pwedeng mamatay. Please naman Lord.

J-Jairo...

"Anak ka ng—" Naramdaman kong nawala ang pagkakatutok sa akin ng kutsilyo at sunod nito ang tunog ng pagkakabalibag sa lapag ng kung ano man 'yun.

Biglang may nagtanggal ng piring ko at takip sa bibig. Nung nag-adjust ang mga mata ko, nakita ko kung sino ang nagligtas sa akin.

Jairo...

Bakit hindi ikaw?

"You're safe now," sabi sa akin ni Bryle, bago ako pinangko, at dahil medyo nanghihina pa rin ang katawan ko ay hinayaan ko na lang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top