CHAPTER SEVEN


CHAPTER SEVEN

KRISTINE'S POV

"Girl, alam mo na ba yung latest news?" Narinig kong sabi ng babaeng katabi ko ng locker.

"Ang alin?" tanong naman nung kasama niya.

"May nililigawan na raw si Jairo Guevarra."

"T-Talaga? Hala sanaol!" Bigla akong namula. Hindi pa rin nang dahil sa kilig, kundi sa inis!

"And magugulat ka kung sino yung girl." Tuluyan nang nakuha ni Ate yung tenga ko.

"Sino ba?"

"'Yung babaeng lumalandi kay Papa Bryle natin."

"D-Don't tell me yung mala-nerd."

"Yes, girl. Kristine Abella. Kung anong ikinatalino, 'yun din ang ikinalandi."

"No way!"

"Yes way, girl. Hindi na siya nahiya sa panlalandi kay Bryle, at talagang dinamay niya pa si Jairo—"

Napatigil sila sa pagsasalita nang malakas kong sinarado ang pinto ng locker ko. Kahit yung mga naglalakad, napahinto. Tumingin sa akin yung dalawang nag-uusap kanina. Nakatitig pa rin ako sa locker ko.

"K-Kristine," nasabi na lang nila.

"Sinong..." Tiningnan ko sila ng masama. "malandi‽"

"Kristine..."

Magsasalita sana ako pero may nauna na sa likod ko. "Ikaw raw, Tine. Payag ka riyan?" Lumingon ako at nakita ko ang grupo ng bullies maliban kila Bryle at Jairo, at si Nathan ang nagsalita.

"Nah, imposible 'yan," dagdag ni Cyril.

"'Yan si Miss Matapang ni Bryle eh," sabi ni John Paul habang nakangiti.

"Then show them what you got, Miss Kristine," nakatingin sa akin si Sean.

"Don't worry, we got your back," huling sabi ni Nathan bago ako tumingin sa mga babaeng 'to.

Ang weird ng kinikilos ng bullies pero hayaan na, 'di sila ang priority ko.

"Anyways... How did I become a flirt?" Nilapitan ko sila at sila naman ang umatras. "As far as I know, wala akong nilandi."

"K-Kristine... k-kasi... sabi nila p-pinagsasabay mo y-yung dalawa."

Natawa naman ako. "Sobrang ganda ko naman kung ganon." Narinig ko ring natawa ang bullies.

"Tine, sorry na," sabi naman nung isa.

"Mmm-hmm... Sorry? After spreading false accusations about me? I don't think so."

"Woo!"

"Go, Tine!"

Ang ingay ng bullies at ang weird nila kaya kahit papaano ay nawawala yung pagkainis ko

"But sure..." Napatingin sila sa akin ng diretso, parehong naluluha ang mga mata. Sino bang hindi? Sinabi lang naman ng isa sa mga bully slash pamangkin ng principal na they have my back. "I'll let this one slide..." Tiningnan ko sila nang masama. "for now. Kasi isang beses pa na may narinig akong maling accusation about me. We'll see each other at the principal's office."

"Y-Yes, Kristine." Yumuko silang dalawa saka tumakbo paalis sa harap ko.

Sakto namang nakarinig ako ng slow claps... Na nanggagaling sa bullies.

"Sabi ko sa inyo, she doesn't need help eh," sabi ni Cyril bago lumapit sa akin. "Hi, Miss Kristine. I hope we'll be on good terms from now on." Nakangiti pa siya.

"Sorry nga pala sa panggugulo sayo ng girlfriend ko at ng kakambal niya," Nathan said.

"Ba't kayo nandito?" I couldn't stop myself from asking.

"Bakit? Pagma-may ari mo ba 'tong corridor?" pamimilosopo ni Sean.

"Point taken. Aalis na ako," pagpapaalam ko. Hanggang ngayon 'di pa rin ako maka-get over sa tanong ni Jairo kahapon.

I kept convincing myself na effect yun ng love spell, pero ayaw pumayag ng utak ko. In the back of my mind, I'm assuming na tinanong ni Jairo yung ng buong puso.

Pero bakit ko yun iniisip‽ Haist!

Pumasok muna ako sa library, wala akong ganang maglunch eh. Nagulat naman ako nang pag-upo ko ay nagsi-upuan din ang bullies.

"Anong—"

"Maliwanag ang utos niya sa amin. Bantayan ka raw namin, hanggang sa matapos lahat ng klase mo," pagpapaliwanag ni John Paul. Sinong siya? Itatanong ko sana pero tinatamad ako.

"Naturingang pinagsamang pangalan ng apostoles ni Jesus ang pangalan mo tapos bully ka." Tinawanan naman nila yung linya ko.

"Iyak ka na, JP," pang-aasar ni Nathan na mas nagpatawa sa kanila.

"Ssshhh! Aren't you all aware that this is a library?" galit na saway ng assistant librarian na si Elija. Humina lang ang volume ng tawa ng boys pero di pa rin sila tumigil sa pagtawa.

"Anyways, 'di ka ba magla-lunch, Tine?" pabulong na tanong ni Sean.

"As far as I know, 'di tayo close kaya 'wag niyo 'kong tawagin sa nickname ko." At nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Pa'no tayo kakain ng lunch kung nandito tayo sa library?" rinig kong reklamo ni Cyril.

"Bili kayo sa canteen ng pagkain ni Sean, tapos dalhin niyo rito. Kapag pinagalitan tayo, edi sisihin natin si Nathan." Napansin kong binatukan ni Nathan si John Paul.

"Mamaya na lang tayo kumain. Nasaan na ba kasi 'yung dalawang 'yun?"

Si Bryle at Jairo ba yung tinutukoy ni Sean?

"Alam mo namang may away ulit bukas, diba?"

"So, anong connect?"

"Share ko lang, bawal?" At muling binatukan si John Paul.

"Miss Kristine—"

"Drop the miss," salita ko bago nag-turn ng page sa libro.

"Kristine, sasagutin mo na ba si Jai?"

I sarcastically looked at Sean before asking him. "What do you think?"

"Hay! Paktay nga naman si Jai. Ba't kasi si Miss Matapang pa ni Bryle?" Narinig kong comment ni Nathan.

"Bakit naman?" tanong ni John Paul.

"Sus! Tingin mo 'di pa halata si Bryle?" sagot ni Cyril.

"Uh-oh mukhang magkakagulo," react ni Sean.

'Di naman 'to considered as eavesdropping, diba? I mean, nag-uusap sila sa harap ko at aware sila sa presence ko. Pero ba't magkakagulo?

"Kristine?"

Bumalik ako sa reality nang may tumawag sa akin. "Hmm?" Napatingin ako sa kanila at nakita kong lahat sila ay nakatitig sa akin.

"Kung papipiliin ka, si Bryle o si Jairo?" tanong ni John Paul sa akin, lahat sila ay naka-abang sa sagot ko.

"Wala," walang emosyon kong sagot saka ako bumalik sa pagbabasa.

"Kung wala sa kanila, ako na lang, pwede?" Binatukan naman ni Nathan si Cyril.

"Mag-aaway na nga yung dalawa, makikigulo ka pa."

I frowned. Mag-aaway?

"Nate, anong ginagawa niyo rito?" Narinig kong boses ng isang babae.

"Mari! Inutusan kami ni boss na bantayan si Kristine eh." Inangat ko ang ulo ko para makita yung babae.

Mariella Beltran, isa sa mga best friend ni Blaire. The best setter sa volleyball team ng school.

"Ahh..." Sinulyapan ako ni Mariella bago ibinalik kay Nathan ang atensyon. "So, umm... Available ka ba bukas? My lunch offer still stands." Nakita ko pang inipit niya yung buhok niya sa tenga niya. Ipapatong sana ni Mari yung kamay niya sa balikat ni Nathan pero may pumigil sa kanya.

"As far as I'm concerned, Nathan is busy because he has a date with his girlfriend." Inilayo ni Xei ang kamay ni Mariella bago ito binitawan. They gave each other glares. "And that's me."

"Love, kalma lang." Hinila ni Nathan si Xei palapit sa kanya saka siya nito niyakap sa bewang. "Alam mo namang tapat lang ako sayo, diba?" Hinalikan pa ni Nathan si Xei sa pisngi.

Mas lalong sumama ang tingin ni Mariella kay Xei—ano ba yan? Nagmukha pa akong narrator sa love story ng iba!

"Let's go, Mari."

Boses yun ni Blaire ah! Wait, nandito pala siya all this time?

Napansin ko namang may sinabi si Mariella kay Xei bago sila umalis. Pero 'di ko na pinakinggan. Jusmiyo naman! Mukha akong narrator sa isang KDrama!

"Tine! Tine! Tine!" pasigaw na bulong ni Hyaciel bago tumabi sa akin. "Girl! So ano? Sinagot mo na si Jairo?" tanong pa niya.

Porkchop! Itong issue na naman na toh!

Padabog akong tumayo saka nagpaalam sa kanila. Agad namang tumayo ang boys at akmang susundan ako nang magsalita ako.

"Pupunta ako sa CR. Ano? Sasama pa kayo?" Napabalik sila sa pag-upo kaya dumiretso ako sa paglabas ng library.

Pagpasok na pagpasok ko sa CR ng girls ay biglang sumara ang pinto, kaya napalingon ako.

"A-Anong kailangan mo?" unang tanong na pumasok sa isip ko.

"Ikaw," sagot niya.

Potek!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top