CHAPTER ONE


CHAPTER ONE

KRISTINE'S POV

'Maria Kristine Abella - 97'

I sighed in contentment. Buti 'di pa ako bumababa sa ninety-seven kahit na nagkaproblema last quarter. I smiled and walked away from the Batch's list of honors.

Lumapit naman ako sa bulletin board kung saan nandoon ang top three graduates last year.

'Maria Kristine Abella - Salutatorian

Motto: No to friends, no to parties, no to distractions, just study hard, and love Dan Brown's books.'

Medyo natawa ako sa motto ko. That's the reason why I'm always alone. I really don't like distractions and that includes socializing.

"G-Good morning, Cha-Chad!" narinig kong sigaw ng campus bullies kay Chad bago nila ito pinatid at hinayaang bumagsak sa lapag.

"Lalampa-lampa kasi," dagdag pa ng leader nila na si Jairo. Nakita ko pang sinipa nilang magkakaibigan ang mga nahulog na libro ni Chad.

"Hoy!" Pinalakas ko ang loob ko nang sigawan ko sila. "Ano sa tingin niyo 'yang ginagawa niyo?" tanong ko habang patakbong lumapit sa kanila, specifically kay Jairo. "Tingin niyo ba ika-uunlad niyo 'yan, ha?"

Agad akong binatuhan ng tingin ng leader nila. "Sino ka ba sa tingin mo?" Napapansin kong lumalapit sa akin si Jairo, kaya dahan-dahan akong humahakbang patalikod. "Alam mo, Miss... 'wag kang nangengealam sa trip ng iba, unless..." Nagulat ako nang pader na ang nasandalan ko, pero mas nagulat ako nang harangan ni Jairo ang dalawa kong gilid gamit ang mga kamay niya.

"A-anong unless?" Sinubukan ko pa rin magmukhang matapang sa harap niya kaya obvious namang hindi talaga kaya.

Medyo naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko nang tingnan niya ako diretso sa mga mata. He even smirked! "Unless, trip mo 'ko."

Narinig ko ang pagtawa ng mga kaibigan niya sa likod niya. Pakiramdam ko naman naubusan ako ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Buti na lang at nag-ring na ang bell kaya umalis sa harapan ko si Jairo.

"Hay, sayang naman. Sa susunod, 'wag ka nang mangealam. Ha, Miss?" pang-aasar niya sa akin bago sila tuluyang maglakad papalayo.

Bwiset na lalakeng 'yun! Kung hindi lang malapit sa akin yung mukha niya, baka nasapak ko na siya eh.

Napansin ko namang nasa lapag pa rin si Chad at parang may hinahanap. Nang mapansin kong malayo sa kanya yung salamin niya, 'yun muna ang kinuha ko at inabot ko sa kanya. "S-Salamat," salita ni Chad pagkatapos niyang makuha sa akin ang eyeglasses niya at maisuot ito. Tinulungan ko siya sa pagkuha ng mga libro niya bago kami tumayo. "S-Salamat ulit, M-Miss."

"No problem."

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Unlike sa typical nerdy-story, I don't have a crush on a bad boy. Iisang lalake lang ang nakakuha ng atensyon ko simula Grade 8, and that's Chad Enriquez, the campus nerd, male version.

"So, umm... saan ka pupunta? tulungan na kita riyan sa mga libro mo," pag-aalok ko ng tulong. At nagtanong pa ako kahit alam ko namang sa library rin siya pupunta.

"Ahh ehh... ano... a-ayos lang ako... s-sa library lang n-naman ako eh..."

See? Ang cute cute niya! "Umm... Sige... If you say so, basta kapag inaway ka na naman ng mga lalakeng yun, magsabi ka na sa guidance. Pero kung nahihiya ka, sabihan mo na lang ako tapos ako na lang ang magsusumbong."

Nakita ko siyang ngumiti na nagpatigil sa akin.

Shemay! Lumiwanag ata yung paligid! Sinong nagbukas ng ilaw‽

"A-Ayos lang t-talaga, Miss. M-maraming salamat n-na lang." May problema talaga si Chad sa pagsasalita kaya naman madalas siyang pagtripan nila Jairo.

"Sige... umm... alis na ako... till next time. Bye," pagpapaalam ko. Bahagyang yumuko lang siya saka naunang naglakad kesa sa akin.

Hay ang talino na nga, cute pa tapos mabait pa. Kaya lang kasi...

"Hi, babe. Sa library ka ba ulit?" Nakita ko pang nilapitan ni Blaire si Chad at ipinalupot ang kamay niya sa braso nito. "Sa canteen muna kami ng mga kaibigan ko, tapos puntahan kita doon, ha?"

"S-Sige, b-babe." Inabot ni Blaire ang notebooks niya kay Chad bago tuluyang umalis.

That's my kaya lang. Chad is already in a relationship with the captain of the women's volleyball team, Blaire Sanchez.

Hay! Nakakainggit! Sana ako na lang si Blaire. Sana ako na lang ang girlfriend ni Chad.

Hanggang sa paglalakad ko pauwi, 'yun pa rin ang hiling ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang bumuhos ang ulan. Buti na lang at may isang parang gift shop na malapit kaya pumasok muna ako para makisilong kahit saglit lang. Pagbukas ko ng pinto, agad bumungad sa akin ang pinaghalong red and black decors. Kulay pula rin ang ilaw sa shop. Medyo creepy pero mukhang 'yun ang gusto ng may-ari ng shop.

Makikisilong na nga lang ako, huhusgahan ko pa 'yung design ng lugar. 'Di tama 'yun.

Bigla namang kumulog na saktong namatay ang ilaw. Ilang saglit lang ay bumukas ulit ito.

"Iha..."

Napasigaw ako nang may isang matandang babae na nasa likuran ko ang biglang nagsalita. Nang masigurado kong totoong tao siya, kumalma na ako. "P-Pasensya na po 'la. Nagulat lang ho ako sa inyo."

"Ayos lang iha. Napaka magugulatin mo pala. Pagpasensyahan mo na rin ako," pagpapaumanhin ni lola.

"A-Ayos lang din po." Tiningnan ko ang suot ni lola. "Kayo ho ba ang may-ari po nitong gift shop?"

Tinitigan ako ni lola. "Gift shop ba kamo?" Tumango ako. "Aba'y oo. Sa akin ito." Tumingin si lola sa may bintana bago siya muling tumingin sa akin. "Mukhang matatagalan pa ang pag-ulan, gusto mo bang makita ang mga ibinebenta ko?"

Inisip ko muna kung may dala ba akong pera, bago ako pumayag. Baka mamaya bawal pala ang window shopping dito eh. Niyaya naman ako ni lola papasok sa isang kwarto na mayroong glass cabinets. Kitang-kita ko tuloy yung mga naggagandahang mga necklace, at iisa lang ang designs nila. Puro heart.

"Naniniwala ka ba sa mahika, iha?" biglang tanong ni lola sa akin. Nandoon siya sa kabilang side ng kwarto. Nasa may lalagyanan ng mga.... umm... vial?

'Yung mga katulad sa SM. 'Yung mga nilalagyan ng cellphone na binebenta sa Cyberzone. Nasa ganong lalagyanan 'yung mga vial. "Mahika po? As in abracadabra?" Magician ba si lola?

"Oo, iha. Mahika. Mga spell, potions," pagpapaliwanag ni lola habang nakatingin pa rin sa mga vial.

"Ahh... ehh... Sa libro lang naman yung mga ganon, 'la." Sinamahan ko pa ng mahinang pagtawa ang sinabi ko para 'di gaanong seryoso pero hala! mukhang seryoso talaga si lola.

Medyo kinabahan ako nang bigla niya akong tingnan diretso sa mata. "Hindi ba't may nagugustuhan kang lalake, iha?" Naglakad si lola papunta sa upuan saka naupo, pero hindi niya tinanggal ang tingin niya sa akin. P-Pero teka...

"L-lahat naman po ata, 'la, may nagugustuhang tao." Sinubukan kong pagaanin ang atmosphere pero wa epek.

"Kasing edad mo siya. At dalawang taon mo na siyang labis na ginugusto." E-eh‽

"P-Paano niyo po nalaman?"

"Halika, iha." Pinaupo ako ni lola sa katapat niyang upuan. "Nais mo siyang mapasaiyo ngunit mayroong ibang nagma-may ari sa kanya, tama?" Oh my ghad! Ba't niya alam 'yan‽ "Kung tunay mo siyang iniibig at nais na makuha ang atensyon, handa ka bang maniwala sa mahika?" Welp! If it means making Chad mine, then yes!

"O-opo, 'la."

May inabot si lola na vial sa akin. "Tandaan mo, iha, lahat ng sasabihin ko kung gusto mo siyang mapasaiyo ng buong-buo"

"Sige po, 'la."

"Una, sa lugar ka kung saan tahimik. Walang mang-iistorbo sa iyo."

Sa bahay ko. Tutal mag-isa lang naman ako eh.

"Pangalawa, dapat sa gitna ka ng nakabilog na mga kandila."

Wengya! Bibili pa ako ng mga kandila. Bawas na naman sa budget ko.

"Pangatlo, kailangang klaro ang isip mo. Gawin mong blangko."

Ibig sabihin ba non, 'di ko iisiping huminga?

"Pang-apat, isipin mo lang ang taong gusto mo. Siya lang dapat at walang ibang kasama."

Ay madali lang 'yan. Siya lang naman lagi ang laman ng isip ko eh.

"Panlima, ipahid mo sa may pulso mo itong laman ng bote, saka mo amuyin."

"Ba't 'di na lang derekta sa bote?"

"Sapagkat kailangang magdikit ang tibok ng iyong puso at ang mahika," sagot ni lola.

Hala nasabi ko pala nang malakas.

"At panghuli, sabihin mo ang mga salitang ito." May inabot sa aking papel si lola.

Wait... This... is in Latin.

"Paalala lang, iha. Isang beses mo lamang maaaring gamitin ang mahikang ito."

"Paano po kung hindi gumana?" nakakunot noo kong tanong.

"Ibig sabihin lamang nito ay may tunay na siyang napupusuan." Dahan-dahang tumayo si lola kaya naman sinabayan ko siya. "Halina't titila na ang ulan, kailangan mo nang lumisan."

"H-ho?" Hindi na ako sinagot ni lola at pinabalik sa may harap ng shop. "Ayy, 'la, may tanong pa po ako—" Biglang kumulog at muling namatay ang ilaw. Pagbalik ng kuryente ay nawala na si lola sa likod ko at biglang tumigil ang ulan. "B-Ba't nawala si lola?"

Nagsisimula na akong matakot kaya naman lumabas na ako ng shop pero mas nagulat ako nang mapansin kong walang bakas ng ulan sa paligid. Hindi basa ang kalsada o ang kahit ano.

Sa sobrang takot ay nagmamadali akong umuwi sa bahay. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top