CHAPTER FOURTEEN


CHAPTER FOURTEEN

KRISTINE'S POV

"Jowa mo ba 'yun, pamangks? Ba't andami mo nang kaibigang yayamanin?" bungad agad sa akin ni Tita pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.

"Tita Winette naman eh. Hindi ko po 'yun jowa." Nagmano ako sa kanya at dumiretso sa kwarto kung saan sinundan niya pa rin ako.

"Sus pamangks. 'Di mo 'ko maloloko!" Tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka. "Gusto ka nung binata, 'no?"

Opo. Kasalanan ng katangahan ko po feat the magic spell. Pero hindi ko masabi, nakakahiya naman kasi eh at baka 'di ako paniwalaan. "Hindi po, Tita. Ka-eskwela ko lang po 'yun."

"Ayy jusmiyo marimar! Ako pa talaga ang iyong niloloko ha?" Umupo siya sa tabi ko. "So, anong nangyari sa date niyo?"

"'Ta! Hindi po kami nag-date! Nakita mo naman po kung sino yung naghatid sa akin at nagyaya nung tanghalian po ah." Nandito na kasi si Tita sa bahay nung dumating kami ni Ayel.

"Aba'y bahala ka na ngang bata ka." Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko bago muling nagsalita. "Nakapag-grocery na nga rin pala ako kaninang umaga. Makakapagluto ka na ng Tinolang Manok." Napangiti naman ako sa sinabi ni Tita pero naalala kong may gusto pala muna akong i-try.

Agad akong nagbihis ng pambahay at saka dumeretso sa kusina. Hmm... Spanish dish? Kinuha ko kaagad yung phone ko at nag-search sa Google.

Easy Spanish Recipes

01 Catalan Beef Stew - Estofado de Ternera a la Catalana

Nagcheck ako sa ref kung may beef kami. Haist! Wala.

02 Pork Chops a la Madrilene

Pero need ng paprika?

03 Salmon in Salsa Verde

04 Bacalao con Pimientos y Cebolla

05 Murcian Style Clams

Ano ba 'to? Ang hihirap naman.

Kanina pa ako focused sa pags-search to the point na 'di ko napansing katabi ko na pala si Tita at nakatingin na na rin siya sa phone ko.

"Anong hanap mo, pamangks? Pantalon? Shorts? Maong?"

"Tita naman eh. Umm... Anong madaling lutuin na Spanish dish?"

Tinignan ako ni Tita—Nope! More like tinitigan. "Hmm... Paella o caldereta."

"Hmm..." Sinearch ko yung mga sinabi ni Tita. Goat meat talaga dapat pero pwede rin in ibang meat kaya pork na lang.

After an hour or so, tapos na rin. Tinikman ni Tita at pasado naman daw.

"Kailangan kong mag-practice nang mag-practice."

"'Wag naman, pamangks. 'Wag mong sabihing araw-araw 'yan ang ulam natin."

"Ayy ayaw mo, Tita?" Natawa na lang ako nang sunod-sunod siyang umiling. Inayos ko na yung kakainan namin, magdidinner na rin naman eh, nang may kumatok. "Tita, may kumakatok po ata sa main door."

"Ayy hindi, pamangks, sa pinto ng kwarto mo yung kumakatok."

"Tita naman, ang daming sinabi."

"May sinasabi ka, pamangks?"

I let out a nervous laugh. "Wala po, Tita." Naglakad na ako papunta toon sa pinto at binuksan 'yon.

"Hey, may pinapabigay si cuz."

A-Anong...

"Oh! Ikaw ulit! Ikaw rin yung kanina, tama ba?" Tumango naman si Jairo. "Anong pangalan mo iho?"

"Jairo Guevarra po." Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap sila. "May pinapabigay lang po yung pinsan ko kay Kristine."

"Babae ba o lalake yung pinsan mo?"

"Babae po."

"Ikaw ba iho eh manliligaw ng paman—"

"Okay! We're done here, Tita. Pasok ka na po ulit. Aayusin pa po yung para sa hapunan." Tinulak ko nang pilit si Tita papunta ng kusina bago lumabas ng bahay at hinarap si Jairo. "A-Ano yung pinapabigay ni Ayel? May nakalimutan ba ako sa bahay niyo?" Hindi ako makatingin nang maayos sa kanya.

"Umm... ito oh..." Ngayon ko lang napansin yung bitbit niyang dalawang box at isang paper bag. P-Puro may tatak. "Nakalimutan daw niyang ibigay sayo kanina habang namimili kayo."

E-Eh‽ "Ha? A-Ayoko. 'Di ko matatanggap yan."

"Alam ni Ayel na sasabihin mo 'yan, kaya naman ito yung sunod niyang inutos na sabihin ko." Tinitigan niya ako sa direkta sa mata. "Maria Kristine Abella, accept these gifts or accept me, Jairo Guevarra, into your mind, heart, and life." Ilang beses naman akong napakurap. "So choose. I mean, ayos lang naman sa 'kin na maging sayo ako—"

"Hep hep hep! Manahimik ka dyan. A-Akin na nga..." Kukuhanin ko na sana yung boxes nang bigla siyang umatras.

"Ayaw mo talaga sa 'kin?" Tiningnan ko siya pero 'di ko masiguro kung nang-aasar ba siya o may nakita akong hinanakit sa mga mata niya, pero bigla siyang ngumiti sa akin. "Joke lang." Ibibigay na sana niya yung regalo ni Ayel pero bumukas yung pinto at nagpakita si Tita.

"Ang tagal niyo kasi eh, gutom na ako." Tumingin si Tita kay Jairo. "Iho, sumabay ka na rin sa amin sa paghahapunan. Si pamangks ang nagluto. Caldereta. 'Di ko lang alam kung bakit."

Tita! "Ahh ehh... 'Ta, baka busy si Jairo, gabi na oh, baka—"

"No, it's fine. Para na rin po ako na yung maglalagay nito sa loob po." Medyo inangat ni Jairo yung bitbit niya.

"Ayy hala sige. Tara na!" Hinatak ni Tita si Jairo sa may braso papasok ng bahay.

Nang matauhan ako sa ginawa ni Tita ay agad ko silang hinabol, pero syempre sinarado ko muna yung pinto. Naabutan ko si Tita na inutusan si Jairo na ipatong yung mga bitbit nito sa may lamesa na katabi ng cabinet namin sa sala.

"Iho, upo ka na ha? Masarap naman talagang magluto si pamangks, kaya lang first time niyang niluto 'yang Caldereta. Naghahanap ng Spanish dish—"

"Tita, k-kain na po tayo." Napatingin ako kay Jairo at nakangiti naman ang loko habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya saka kumuha ng kubyertos na gagamitin niya. "Oh."

"Thank you, Kristine." Hindi ko alam kung nang-aasar lang siya o ano eh. Inirapan ko ulit siya saka umupo sa upuan sa harap niya.

"Magdasal muna tayo bago kumain," sabi ni Tita, at 'yun na nga ang ginawa niya. "Oki oki! Kain na tayo!" Inabutan ni Tita si Jairo ng kanin, sumunod naman eh ulam.

Tapos akong pamangkin eh 'di inasikaso.

"So Jairo, magka-eskwela kayo ni pamangks?" pagbabasag ni Tita ng katahimikang kanina ko pa dinadasal na magkaroon habang nandito si Jairo.

"Yes po."

"Paano kayo nagkakilala?" Aba porkchop naman, 'Ta! "Tatahimik kasi 'tong batang 'to, 'di mahilig makipagkaibigan kaya nagulat ako nang may dumating na babae kanina rito at sinabing kaibigan ni pamangks. Tapos ikaw rin. Hinatid mo si pamangks dito at ikaw rin ata ang nag-alaga sa kanya kahapon, tama ba?"

This time might not be a great time to make daldal, Tita!

"Yes po, ako po yung kausap niyo po, pero po pinsan ko po yung una niyong kausap, at yung kaninang kasama ni Kristine para mag-mall." Ilang po yung sinabi ni Jairo?

"Aba'y lupit naman! So, paano nga kayo nagkakilala ni pamangks?" At inulit na naman ni Tita yung tanong.

Nasabi ko na bang kumakain lang ako habang nag-uusap sila? Pero napatigil ako sa tanong ni Tita. Napatingin ako kay Jairo at hinihintay siyang magsalita. Sasabihin niya bang binully niya kasi noon si Chad kaya nagulo buhay ko?

Nakangiti si Jairo nang magsimulang sagutin si Tita. "Well, nakilala ko po siya noon pa. It was back in grade seven, I guess. She was one of the new students and ang hilig niyang tumambay sa library." Mas lumaki yung ngiti ni Jairo. "Siya po yung naka-assign na student librarian noon, then nakailang beses akong nang hiram ng libro noon para lang makabalik-balik ako sa harapan niya." Naramdaman kong bumilis 'yung tibok ng puso ko nang tumingin siya sa akin. "Do you remember the guy who exceeded his limit of borrowing books?" Eh‽ "I was that guy, Kristine. But you didn't even bother looking at me." He smirked bitterly pero agad din niya yung pinalitan ng ngiti, a fake one that js. "Don't worry, I'm fine with it. Ang mahalaga, nagiging close na tayo ngayon."

Wala nang umimik after that. Ehh‽ Ano ba kasing dapat sabihin‽ Malay ko bang may ganon pala... or baka pinagtitripan niya lang ako. Hayst!

Nang matapos ang dinner, inutusan ako ni Tita na ihatid si Jairo palabas ng bahay.

"Hmm... Masarap yung Caldereta," sabi niya nang nasa labas na kami.

"Buti naman at nagustuhan mo—I mean kasi unexpected visitor ka namin kaya naman mabuti na rin at ayos para sayo yung pagkain." Porkchop ka, Tine.

Mahinang natawa si Jairo. "Thank you for—I don't even know if it's the right word—inviting me for dinner."

"Pagpasensyahan mo na yung tita ko ha?" Nakakahiya!

"Ayos lang." Ngumiti si Jairo. Pakiramdam ko naman bumagal 'yung takbo ng oras. A-Anong nangyayari‽ "Kristine? Hey, Kristine." Jairo was waving his hand in front of me.

"Oh, oh. I'm sorry."

"Sus! Gwapong-gwapo ka na naman sa akin 'no?" pang-aasar ni Jairo. Kung noon naaasar ako, ngayon 'di ko alam kung bakit umaagree ako.

Ano ba talagang nangyayare sayo, Kristine‽ "You wish!" Inirapan ko siya pero may naalala ako. "Yung... Yung kinwento mo kanina kay Tita... Totoo ba 'yun?"

Ngumiti siya sa akin. Hindi ba siya tumitigil sa kakangitI‽ "Well, yes. At totoo ring 'di mo 'ko pinansin noon pero ayos lang, magkasama na naman tayo ngayon eh, at malapit mo na rin akong sagutin." He winked at me and I rolled my eyes.

"Asang asa ka talaga eh 'no?" He laughed. "Umuwi ka na nga," pagtataboy ko sa kanya.

"Ito na nga, aalis na. Kinikilig ka lang eh," pang-aasar na naman ng porkchop.

"Tigil-tigilan mo 'ko, Guevarra ha?"

"Hindi kita titigilan hanggang maging akin ka, Mrs. Guevarra." Ngumiti siya sabay tawa. "Grabe! Namumula ang misis ko."

"Porkchop kang lalake ka! Lumayas ka! Alis! Alis!" Tawa lang nang tawa si Jairo hanggang sa makasakay ng kotse niya at nagba-bye bago nag-drive paalis.

Hayst! Kahit kelan talaga yung lalakeng 'yun eh! Maria Kristine Abella-Guevarra, not bad—ano ba, Tine‽ Pati ba naman ikaw‽

Umiiling na pumasok ako sa bahay. Sakto namang nagliligpit na si Tita ng pinagkainan at inutusan na lang ako na bitbitin yung mga pinadala ni Ayel sa kwarto. Eh‽ Nakalagay sa paper bag eh Prada, at sa boxes naman ay Chanel.

Nang buksan ko 'yun, agad nanlaki yung mga mata ko. Ito yung mga nagustuhan ko kanina sa mall! May nakalagay na note sa loob ng box ng bag.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

My Dearest Kristine,

I knew you liked these and since I like you for my cousin and as a friend, accept these as thank you gifts from me. Wear this when you feel like wanting to be gorgeous and all.

In short, wear this if ever you have a date with my cousin. Love lots!

Love, Ayel

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tinanggal ko yung mga gamit sa lalagyanan nila at tiningnan nang mas maayos. Omyghad! Ang ganda talaga! Thank you so much, Ayel! Ipagluluto kita ng Italian dish, promise yan! Muli kong binasa yung note. At ayaw nang umalis ng mga mata ko sa huli niyang sinabi.

'Wear this if ever you have a date with my cousin.'

Ba't ko naman ide-date 'yun? Hayst! Basta ang ganda nito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top