CHAPTER FIVE


CHAPTER FIVE

KRISTINE'S POV

Kahit kelan talaga! That guy never failed to annoy the hell out of me! That's it! Kalilimutan ko na lang yung nangyare kanina! Hindi na siya cute! Argh!

Sa sobrang pag-iisip ko kay Jairo, muntik ko nang lampasan yung tindahang bibilhan ko nang kandila.

"Pabili po," pagtatawag ko sa atensyon ng tindera.

"Anong kailangan mo?"" tanong nung aleng tindera.

"Si Chad po," bigla kong sagot.

"Ha?"

I let out an embarrassed laugh. "Ibig ko pong sabihin eh Chandila."

"Ahhhh... kandila..." Galing ni nanay! Alam niya! "Ilan ba, ineng?"

"Ahh ehh..." Ilan ba? madami dapat eh... umm... "Mga trenta po ata."

"Aba'y kay dami namang kandila. Para saan ba?"

Grabe naman 'to si nanay, kailangan pang tanungin? "Ahh ehh magtitirik po ako ng kandila para sa mga patay, gusto mo po ba idamay ko yung mga patay niyo?"

Lihim akong natawa sa rason ko, napansin ko naman kay nanay na medyo 'di niya nagustuhan yung sagot ko.

Ba't kasi nagtanong eh?

Agad kong inabot yung bayad at umalis nang makuha ko na ang mga kandila. Pagtapat ko sa pinto ng bahay namin, huminga ako ng malalim.

Ngayong gabi ko na toh gagawin. Ayoko na ulit masaktan katulad kanina and my most concern is for Chad to not get hurt. Blaire doesn't deserve him. At all.

Kaya naman pagpasok, nagbihis lang ako tapos nagligpit na ako ng mga kalat sa sala at nag-leave ng space para sa mga kandila.

Teka teka teka! Yung spell!

Muli akong pumasok ng kwarto ko at kinuha yung vial at papel kung saan nakasulat ang sasabihin ko mamaya.

Babasahin ko na lang ba or mas okay na i-memorize?

Tinype ko sa phone ko yung spell para marinig kung pano yun sabihin ng maayos.

Hoo! Let's do this? Okay okay.

Inisa-isa ko na ang pagtitirik ng kandila. Nang matapos ako, napansin kong basa na ako ng pawis. Ay kagaling! Bawal ko naman kasing iharap 'yung electric fan sa akin eh. Well, at least buo na yung bilog.

Candles? Check.

Sinara ko na lahat ng bintana at pintuan para naman mabawasan ang ingay na gawa ng 'di kalayuan naming kapitbahay na nagka-karaoke.

Gabing-gabi na't lahat, nakanta pa! Walang patawad sa mga natutulog ng maaga.

Locks? Check.

Siniguro ko nang tahimik ang paligid, well kahit papano.

Peaceful atmosphere? Check.

I sat in the middle of the circle-formed candles. Hawak-hawak ko ang vial at ang papel. Tiningnan ko ang nakasulat sa likod na label ng bote.

One Time Use Only.

Ayy taray, so bawal magkamali!

Ito na. Wala na talagang atrasan toh. Huminga ako nang malalim saka pumikit. Inalala ko ang mukha niya, ang bawat galaw niya kanina.

Bumalik ang alaala ko kanina sa library. 'Yung hinhin niyang kumilos. 'Yung pag-aayos niya ng salamin habang nagbabasa. 'Yung paglilipat ng page. 'Yung seryoso niyang mukha. 'Yung pagtingin at ngiti niya sa aki—

Bigla naman akong nalungkot. Hindi nga pala ako yung nginitian. Pero set that aside, Kristine! Kaya mo nga 'to gagawin diba? Napatango naman ako saka muling inalala si Chad.

Hopefully, after this magiging akin ka na.

Napangiti ako nang maalala ko ang maamo niyang mukha. Ang neatly combed niyang buhok. Ang magaganda niyang mata behind his eyeglasses. 'Yung boses niyang cute. 'Yung simpleng ngiti na binigay niya sa akin.

Kahit hindi naman talaga 'yun para sa akin...

"Please work," sabi ko nang imulat ko ang mga mata ko at tingnan ang vial. Binuksan ko ito at ipinahid sa may pulso ko.

I just have to read this and say his name and that's it.

Muli kong tiningnan ang papel na kanina ko pa inaaral kung paano sabihin at talagang minemorize ko pa para mas sigurado.

Pinikit ko ang aking mata, tinapat ko sa ilong ko ang pulso kong may pahid ng mahika, at saka inalala ang mukha ni Chad habang nakangiti.

Three times, then the name.

"Amabo te mihi in sempiternum."

You will love me forever in Latin.

"Amabo te mihi in sempiternum."

Napangiti ako nang maalala ko ang palakad niya kanina.

"Amabo te mihi in sempiternum."

Masyado akong focus sa pag-aalala sa nangyari kanina nang biglang pumasok sa isip ko ang lalakeng pinaka-ayoko.

Hindi dapat ako maawa sa lalakeng 'yun! Naawa ba siya nung binangga at sinigawan niya ako kanina‽ Hindi naman ah! Bwiset na lalakeng 'yun! Kahit kailan bwiset talaga si—

"Jairo Guevarra."

Napadilat ako bigla dahil sa pagkakagulat. Omyghad!

Late na nang ma-realize ko na nasabi ko out loud yung pangalan niya at bago ko pa 'yun mabawi, nawalan na ako ng malay.

So that's why it's one-time use only.

Potek!

Nang idilat ko ang mga mata ko ay umaga na. Muntik na akong malate sa school dahil sa... well, late na rin akong nagising.

Pagpasok ko sa building namin, may nakahilera na mga estudyante sa corridor.

M-May flagcem ba?

But it's Saturday today.

Ni 'di nga kami required mag-uniform ngayon eh.

Dadaan na lang sana ako sa gilid pero bigla silang nag-give way sa akin. Eh?

Biglang may tumugtog sa school speaker namin. Alam ko yan ah! Ikaw ang aking mahal by VST and Company. Nakita kong naglakad ang bullies papalapit sa akin habang may hawak na mga rosas. Sila rin ang kumakanta ng second voice.

Tuloy-tuloy pa rin sa pagkanta ang bullies pero wala roon sina Bryle at Jairo.

May pagti-tripan ba sila?

Tatabi na sana ako nang harangan ako ng mga estudyante.

"Umm... Excuse me po," sabi ko pa pero ayaw talaga nila akong paadaanin.

Aba mga badtrip 'to ah! Sarap pagbabatukan.

"Miss Maria Kristine Abella?" may tumawag sa akin mula sa likod. Saktong pagharap ko nakita ko si Jairo.

Siya yung kumakanta!

Pero bakit sa akin siya nakatingin‽

Wha-what now‽

Lumapit siya sa akin at nagtilian ang mga babae.

"Kristine, hindi ko lang inaamin 'to pero..."

Sobrang lapit niya! Omayghad! Hinawakan niya ang chin ko at inangat ang aking mukha para tumapat sa kanya.

"Maria Kristine Abella?" halos pabulong na niyang sabi.

"O-Oh?"

Sobrang nakakailang!

"Ikaw lang ang aking mahal," pakanta niyang sinabi sa akin.

P-Potek!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top