CHAPTER FIFTEEN


CHAPTER FIFTEEN

THIRD PERSON'S POV

"Ginamit mo na ba?" tanong ng lalakeng kausap ni Mari.

The woman shook her head. "I'm still waiting for the perfect timing." Ang gusto ni Mari ay maganda ang mangyayaring pagpili sa kanya ni Nathan. Ang gusto niya ay yung masasaktan nang sobra ni Xei. She wants her to feel the pain she felt every single time that Nathan chooses Xei over her.

"Hanggang kailan mo ba balak na patagalin 'yan? Ha, Mari? I trusted you because I saw how much you wanted Nathan. Now do your part! I can't wait any longer. I want Xei as soon as possible."

'Di na nagulat si Mari sa narinig. Simula pa lang nang ibigay ng lalakeng kausap niya ang mahiwagang kwintas, iyon na lagi ang bukambibig nito. Sabagay, that was their deal. She uses the necklace and claims Nathan, then he'll have Xei.

"Patience... Kapag nasaktan si Xei, she'll need a shoulder to cry on and a diversion, doon ka pumasok," pakikipag-usap ni Mari.

"Whatever. Just get it done." Tumalikod sa kanya ang lalake at akma nang maglalakad nang magtanong si Mari.

"Bakit ba kasi hindi ikaw ang gumamit?"

Bahagya siyang nilingon ng lalake. "I'm not allowed to do so. Kung pwede ko lang gamitin, matagal ko nang ginawa." Saka ito naglakad papasok ng school building at iniwang mag-isa si Mari.

Sa kabilang dako, Monday na naman at tapos na ang una at pangalawang subjects ng first year. Unlike Kristine's past six years sa STEP UP University, hindi na siya mag-isa sa library habang break time. Ayaw kasi siyang pakawalan ng Concepcion Twins, and since clingy si Nathan kay Xei, kasama rin niya ito. And of course, sinong kasama ni Nathan? Ang Black Dragons.

In short, andami nilang nasa library. Maninita na naman tuloy si Elija, siya pa rin ang student librarian.

"Kumusta naman ang date niyo?" tanong ni John Paul kay Nathan.

"As usual, ang ganda at sweet ni Love." Inakbayan ni Nate ang girlfriend niya. "And we enjoyed the movie."

"Sus! 'Enjoyed the movie' ka riyan. Ikaw ang nagyaya manood ng horror, pero ikaw ang nakatakip ang mata sa ating dalawa," kwento naman ni Xei na ikinatawa ng Black Dragons.

"Huh? Hindi kaya... Inaantok lang ako habang nanonood kaya kinukusot ko mga mata ko," pagdadahilan ni Nathan.

"Ahh... So, buong movie mo kinusot mga mata mo? Okay, if you say so..." Xei playfully rolled her eyes.

"Ehh ikaw naman Love, 'di mo sinabi sa aking 'di ka pala natatakot sa horror movies." Naglalambing na niyakap ni Nathan si Xei sa bewang.

"Isa lang naman kasi ang kinakatakutan ko." Hinarap ni Xei ang mukha ni Nathan papunta sa kanya. "At 'yun ay ang mawala ka sa buhay ko."

Halata namang kinilig si Nathan nang bigla nitong isandal ang mukha sa balikat ng girlfriend niya.

"Uy! Kinilig na naman ang Nate," pang-aasar ni John Paul.

"Asaan na ba yung dalawa?" tanong ni Jairo. Bryle shrugged. Sakto namang pumasok ng library si Cyril. "San ka galing?" bungad ni Jai sa kaibigan.

"Sinabi nang nag-CR eh... Nagsabi naman ako kanina ah." Umupo si Cy sa tabi ni Kristine. "So, nasasanay ka na ba sa new life mo?"

Dumating naman si Sean na halatang bad mood, at pabagsak na umupo sa tabi ni Bryle. "What happened to you?" tanong ni Bryle sa bagong dating.

"Wala," simpleng sagot ni Sean na mas lalong nagpa-intriga sa mga tao sa lamesang inuukupa nila. Well, maliban kay Kristine na pinipilit mag-focus sa librong binabasa niya.

Magtatanong pa sana si Cyril nang mag-ring yung bell.

"Ayan! Magsilayas na kayong ang iingay niyo," bigla na lang salita ni Elija sa kanila. Tumingin ito kay Nathan. "Palibhasa pamangkin ka ng principal kaya kahit papano eh takot akong sawayin ka."

Natawa naman ang magkakaibigan. "Takot ka pa ng lagay na 'yan, Eli?" tanong ni Nathan.

"Oo, kaya lumayas na kayo at time na! Aalis na rin ako." Dumiretso si Elija papunta sa mismong librarian at nagpaalam nang aattend ng klase.

"So, Kristine, duty ka mamaya sa canteen, tama?" tanong ni Hya habang palabas sila ng library.

Simpleng tango lang ang sagot ng babae dahil busy pa rin siya sa pagbabasa, or let's just say nagbu-busy busyhan para lang maiwasan si Jairo.

Kasalanan kasi 'to ng regalo ni Ayel eh! Kung ano-ano tuloy naiimagine ko! reklamo ni Tine sa isip niya.

And that's true. Nang subukan niyang suotin kagabi ang mga regalo ni Ayel, ang laman na lang ng isip niya eh kung kelan siya yayayain ni Jairo mag-date, kung saan sila magde-date, kung anong gagawin nila sa date. Puro na lang date!

Sino ba talaga ang naapektuhan ng love spell? Si Jairo ba o ako‽ Napailing si Kristine sa naisip.

"Ayaw mong samahan kita?" Napabalik si Kristine sa wisyo nang marinig niya ang boses ni Jairo.

"Ha?" Nice one, Tine.

"Ang tanong ko eh kung gusto mo bang samahan kita mamaya sa pagserve sa canteen." Pinalibot ni Tine ang tingin sa paligid. Sila na lang palang dalawa ang natira at konting kembot na lang eh nasa tapat na sila ng room niya.

"Ahmm... 'Wag na. Kaya ko na yun." Maglalakad na sana si Tine papuntang room niya nang pigilan siya ni Jairo sa braso at bigla na lang niyakap. "Jairo...."

"Sorry if I'm doing this. Feeling ko kasi na-miss kita." Ang bilis ng tibok ng puso ni Tine dahil sa pangyayari.

Nakatingin naman si Blaire sa scene na meron a few meters away from her. Napatingin din sa kanya si Jairo na agad ding iniwas ang tingin. Blaire was so mad and jealous. She wasn't supposed to be in school kasi suspended siya pero bigla siyang tinawagan sa bahay nila at pinapapunta ng Principal.

Damn that woman for stealing Jairo from me! Nagdadabog na naglakad si Blaire papunta sa principal's office.

Nang makaalis si Blaire, pinakawalan na ni Jairo mula sa yakap si Kristine. Ang babae naman ay parang tulala at naubusan ata ng hangin.

"Hey, Tine... male-late ka na... pasok ka na..." Natawa naman si Jairo nang makita parang wala sa sariling tumango ang babae at naglakad papunta sa room nito. Always the cutest.

Nakangiti sanang maglalakad si Jairo papuntang classroom nang maka-receive siya ng text from an unknown number.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: 0915XXXXXXX

Bantayan mo na ang pinakamamahal mo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Eh? Another threat? 'Di pa ba nagsasawa lahat ng nakaka-away ko? Isip-isip ni Jairo. Nang dahil kasi sa gang nila, hindi na sila nauubusan ng threats. Sanay na rin silang magkakaibigan, 'di rin naman natutuloy eh. Mga duwag. Napailing na lang si Jairo at nagpatuloy sa paglalakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top