CHAPTER ELEVEN
CHAPTER ELEVEN
KRISTINE'S POV
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" pangungulit na naman niya.
Simula nang pumayag ako na magpahatid—dahil sa porkchop na ulan—sinusubukan nang sinusubukan ni Jairo na mag-open ng conversation.
"Hayst, fine."
Nanatili akong nakatanaw sa may bintana nang mas marinig akong tumugtog. I-Ikaw ang aking mahal...
T-Teka woi!
Hindi pa ako nakakapag-react nang maayos nang biglang sumabay si Jairo sa pagkanta.
He was tapping his fingers on the steering wheel and swayed his body to the melody.
Gusto kong patayin yung tugtog at the same time, I don't want to.
Kasi, number one, hindi ko 'to sasakyan.
And number two, I like his voice.
Ano ka ba naman, Tine‽ Si Mr. Bully pa rin 'yan at ganyan siya dahil sa spell.
Lumingon siya sa akin bago tumuloy sa pagkanta.
"Tumingin ka sa kalsada at baka maaksidente tayo at mamatay," pagtataray ko saka bumalik sa pagtingin sa bintana.
"Eh ba't ganon?" Bigla siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong ba't ganon?"
Nakatingin na siya sa harap. "Hindi naman ako naaksidente pero..." Tumingin siya sa 'kin. "patay na patay ako sayo." Kumindat pa siya bago ulit tumingin sa kalsada.
Kalma, heart. Hindi si Jairo 'yan kundi yung spell. 'Wag kang maaapektuhan. Paalala ko sa puso kong bumilis ang pagtibok.
"Kinilig ka 'no?" Tiningnan ko siya at nakangisi ang loko.
"Ang taas masyado ng pangarap mo." Napansin ko namang nilalamig pa rin ako. "P-Pwede bang hinaan yung aircon? A-anlamig eh."
Mabilis naman siyang sumunod saka nagtanong sa akin. "Nilalamig ka pa rin kahit naka-jacket ka na?" Inangat niya ang kamay niya at plano ata nung dumikit sa akin pero huminto siya sa ere. "A-Ayos lang ba kung titingnan ko kung mainit ka?" Tumango naman ako. "Sh*t! Wait, f*ck!" Pinark niya muna yung kotse sa gilid ata bago pinatay ng tuluyan yung aircon at may kinuha sa likod. "You have a fever. Here, ibalot mo muna 'to sayo." Kumot pala 'yun. "Anong gusto mo? Dalhin na kita sa ospital o iuuwi kita sa bahay niyo? May mag-aalaga ba sayo roon?"
Pinilit kong magsalita kahit bumibigat na ang pakiramdam ko. "S-Sa bahay na lang."
Hindi na ulit siya nagsalita at nag-drive na ulit. Bigla na lang akong inantok at nawalan ng malay.
Nanaman‽
Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatulog nang maramdaman kong nakahiga ako sa malambot na kama. Pero may iba. H-Hindi ko 'to kwarto! Sinubukan kong umupo pero agad akong nahilo.
"Hey, hey, don't try sitting up by yourself. Antaas ng lagnat mo." May narinig akong nagsalita. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko at agad yung nahinto sa lalakeng nakaupo sa upuang katabi ng kamang hinihigaan ko. "Teka oo nga pala, kakailanganin mong kumain para makainom ka ng gamot."
"N-Nasaan ako?" Porkchop! kahit pagsasalita, nahihirapan ako.
"Nasa bahay ko."
Kung pwede lang lumaki yung mata ko, ginawa ko na pero parang ambigat ng eyelids ko. "B-Bakit? S-Sabi ko—"
"Shh 'wag mong pilitin yung sarili mong magsalita. Nawalan ka kasi ng malay kanina sa kotse, tapos hindi kita magising at walang tao sa bahay niyo. Ayoko namang pakelaman yung bag mo kaya dinala na lang kita rito," page-explain ni Jairo.
Bigla namang may pumasok na babae. Kasing edad lang namin—I think. "Good. You're awake! How are you feeling? Did Jairo feed you already?" Napatingin yung babae sa may table sa tabi ng kama bago hinampas si Jairo sa balikat. "I told you to make her eat even a little once she wakes up! How can she drink her medicine if her stomach is empty?"
"A-Ahm—"
"Don't try to talk. You have a high fever so don't force yourself to move around. And by the way, I'm going to ask the maid to wipe your body to lessen the heat. But for now, you need to eat so," Tiningnan niya si Jairo. "Assist her. Godd*mmit!" sinigawan na naman niya si Jairo. Inalalayan naman ako nitong lalakeng 'to na maka-upo kahit papano. "Now, feed her. She's your patient, not mine. I'll go back to my room, so knock if you need help."
"Thanks, Ayel!" sigaw ni Jairo nang makalabas yung babae. Inabot niya ang noodles na nakapatong sa table bago sumandok at hinipan 'yun.
"I-I can—"
"You can't, Tine. So stop being stubborn for once and let me take care of you." Iniumang niya sa bibig ko yung kutsara. "Say ahh."
"Ehh," pang-iinis ko.
"Umayos ka kung ayaw mong hawakan ko yang baba mo. Mas sweet ba 'yun?" Ngumiti siya sa akin at inirapan ko siya bago pilit na sinubo ang kutsara. "There. At least daw makalahati mo 'tong noodles at kalahatiin mo talaga kung hindi ay yari na naman ako kay insan."
Ahh, pinsan...
"So ano? Kain pa. Para makainom ka na rin ng gamot. And then you can go back to sleep."
This is far from the Jairo Guevarra I've known. He's calm, he's caring, he's a warm person.
Kahit papano, nawala sa isip kong masama yung pakiramdam ko.
This was the first time someone actually took care of me.
Noon kasi sa probinsya, ako ang tagapag-alaga. Bawal akong magkasakit, and if ever man na magkasakit ako, ako lang din ang umiintindi sa sarili ko kasi bata pa yung mga kapatid ko noon at nagtatrabaho si Mama sa palengke, at si Papa naman nasa ibang bansa.
So, this is how it feels like to be taken care of. It feels good.
"Ayos, naubos mo. Next step, medicine." Nilapag niya ang bowl saka kinuha yung basong may lamang tubig at gamot. "Inumin mo 'yan nang gumaling ka kaagad pero ayos lang din kung matagalan, aalagaan naman kita."
Tiningnan ko siya kung nang-aasar lang siya pero hindi, seryoso niyang sinabi yun na may bahid na ngiti. Genuine smile.
Gusto ko sanang magsalita at sabihing hindi totoo yung feelings niya para sa 'kin. Na dahil lang sa spell kaya siya mabait, pero hindi ko kaya.
Ansama pa rin talaga ng pakiramdam ko.
"There." Inalalayan niya akong humiga. "Matulog ka muna ulit. Don't worry, pagkagaling na pagkagaling mo, ihahatid na kita sa inyo. If I'm not mistaken, Ayel tried contacting your guardian pero kasalukuyang nasa trabaho pa at hindi makauwi, kaya nangako akong aalagaan kita hanggang sa gumaling ka."
Siguro dahil masama lang yung pakiramdam ko pero napangiti ako. "Thank you." Kaya lang mahina lang yung boses ko at inaantok na ulit ako.
"Ha? I love you?" Pipilitin ko sanang magreklamo pero napapikit na ako ng tuluyan. "Don't worry, I love you too."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top