Special Poem #2
Ang Aking Nagsilbing Buwan
Dedicated to all Bubblheys
Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko ang magsulat,
Ni minsan ay hindi ko naisip ang pag-aralan kung paano ang tamang pagsulat,
Ang tamang bantas, salita, titik at tugma sa aking mga tula
Ay buhat lamang ng pagmamahal ko sa buwan.
•
Gabi-gabi ay pinagmamasdan ko ang buwan sa kalangitan
Minamahal ang bawat liwanag niya na dumadampi sa aking mukha,
Pinapangarap na kahit isang beses ay magawa ko siyang mahawakan,
Palagi ko rin siyang kinakausap kapag may problema.
•
Mahal ko ang buwan kasi ni minsan ay hindi niya ako hinusgahan
Mahal ko ang buwan kasi nandiyan siya kapag kailangan
Mahal ko siya kasi palagi niya akong pinapakinggan,
Minsan man ay hindi makita ng mga mata ay alam kong ako'y binabantayan.
•
Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya ay—
Sumulat ako ng tula,
Isang tula na umaasang maririnig niya
At matutuklasan na merong "Ako" na nagmamahal sa kaniya.
•
Isang tula lamang iyon ngunit
Kaya batid kong kulang, parang ang ikli,
At baka may mali, kaya gumawa ulit
Ako ng tula, tulang para sa kaniya, tulang may kilig.
•
Hanggang sa makagawa ako ng tatlong tula,
Naisip ko na baka tama na,
Na baka ayos at sapat na ang aking mga nagawa,
Tatlong tulang nagsasabing,"Mahal kita, aking buwan"
•
Pero pakiramdam ko hindi parin ako masaya,
Para pa rin akong nasa dilim, nangangapa kung may tao bang nandiyan.
Kaya sinubukan kong ibahagi sa iba
Ang mga tulang nagawa ko para sa aking buwan.
•
Hindi ako nagyabang kasi alam ko namang hindi ako perpekto
Kahit ang mga bantas, titik at tugma na pinagdugtong ko
Ay alam kong may hindi wasto
Ngunit laking gulat ko nang malaman kong may nagbabasa dito.
•
Ibang saya ang naramdaman ko,
Kinuwento ko ito sa buwan at ngiti ang wangis niya sa gabing iyon
Sobrang saya ang naramdaman ko
Kaya naisip kong hagkan ang buwan kahit hindi ko siya abot.
•
"May nagbabasa," bulong ko sa sarili,
Paano kung lumikha akong muli?
Paano kong gumawa ako ng isa pa, dalawa o hindi kaya ay sampo?
Sapat na kaya iyon? May magbabasa rin kaya ng mga iyon?
•
Tinuloy ko ang aking nasimulan,
Inaral at nilapat ko ang aking mga natutunan
Nakagawa ako ng mga tulang para sa aking buwan na pinakamamahal
Na ngayon ay hindi ko lubos na mabilang kung ilan.
•
Sa aking paglalakbay ay marami akong natutunan,
Sa aking paglalabay ay marami rin akong nakilala,
Mga kritiko na siyang naging susi ng aking pag-unlad,
Mga kapwa manunulat na ako'y sinuportahan.
•
Nakilala ko rin ang aking mga mambabasa,
Mga mambabasa na natuwa, kinilig, umiyak at nasaktan
Sa bawat piyesa na aking nilalahad sa kanila,
Lubos akong nagpapasalamat pagdating nila.
•
Sa bawat paglalakbay ng isang manunulang kagaya ko
Ay naranasan ko ring dumaan sa madilim na pasilyo
At naranasang husgahan at batuhin ng mga walang basehan na opinyon.
•
Naranasan kong umiyak dahil doon
Pero ang pinakamadilim na sulok na aking sinuong
Ay ang pagtutol ng mga magulang ko.
Natuto akong mahalin ang pagsusulat dahil napapasaya ako nito
Ngunit sa paningin nila ito ay isang biro.
•
Walang saysay at pawang pag-aaksaya lamang ng oras at panahon,
Itigil ko na raw dahil walang patutunguhan ang pagsusulat ko,
Wala rin akong makukuha sa ginagawa ko
At sa aking pagmamahal dito ay hindi sila suportado.
•
Tumigil ako ng ilang linggo,
Naging malungkot ako sa mga panahong iyon,
Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Ay siyang pagtulo rin ng mga luha sa aking mga mata.
•
Wala ang buwan sa bawat gabi ng aking paghikbi
Ang aking silid ay walang kasing dilim
Palaging naninikip ang aking dibdib
Umiiyak rin ako kahit sa aking panaginip.
•
Ngunit nandiyan ang aking mga mambabasa,
Tinatangkilik at minamahal ang aking mga piyesa,
Palagi akong kinakamusta at sinasabing "ayos lang iyan!"
"Magiging ayos rin ang lahat".
•
Pinagpatuloy ko ang pagsusulat,
Palihim akong nagsusulat,
Para sa aking mambabasa na nagbigay sa akin ng pag-asa,
Nagsilibing buwan at naging liwanag sa kadilimang tinatahak.
•
At ngayon, mag-iisang taon na akong nagsusulat,
At nilikha ang aking unang katha,
Mga tula para sa aking buwan,
Na siyang minahal ng aking mambabasa simula sa una.
•
Mambabasang hindi ako iniwan,
Mambabasang hindi ako hinusgahan katulad ng iilan,
At mambabasang sinuportahan at minahal hindi katulad ng aking mga magulang,
Mambabasang nagsilbing aking buwan.
•
Ngayon ay tuloyan ko na itong tatapusin
At ang pahinang sinusulat ko ngayon na ang panghuli,
Nawa'y sa pagsusulat kong muli ng mga tula para sa buwan na iniibig
Ay hindi kayo mawala at patuloy parin itong mahalin.
Nagmamahal,
Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top