Special Poem #1
Hagkan ang Buwan
Collaboration piece of @Writer_Lhey and @LawrenceWargrave
Ikaw ang nagsilbing araw sa aking madilim na kalangitan
Binigyan mo ang aking buhay ng lubos na kasiyahan
Mistula kang liwanag na nagsilbing gabay
At dahil sa 'yo'y tuluyang nagbago ang pananaw ko sa buhay
Araw, sa pagsikat mo'y nagpapasalamat ako
Sapagkat pinawi mo ang kadiliman ng mundo
Araw, sana'y huwag ka nang lumisan sa tabi ko
Sapagkat hindi ko kakayanin kung ikaw sa aki'y maglalaho
Naging inspirasyon kita, inibig ko ng lubusan
Inialay ko sa iyo ang lahat ng aking pagmamahal
Ipinagbunyi ka, itinangi't pinakainingatan
Nadama ko rin sa iyo ang pag-ibig na inasam
Mahal, tandang-tanda ko pa na noong tayo'y nasa ikatlong baitang
Lagi tayong nagpapataasan, wari mo'y paang nag-uunahan
Ni hindi nga tayo mapagtabi sa ating kinauupuan
Sapagkat malingat lamang ako'y agad mong sinusunggaban
Hindi ko alam, mainit nga sa akin ang dugo mo
Sa bawat salitang binibitawan mo'y pinapatamaan ako
Ganoon pa man ay mataas ang pagtingin ko sa iyo
Dahil humahanga sa iyo't ika'y aking nirerespeto
Lumipas din ang buwan, ako'y mas napalapit sa iyo
Nakilala ka nang lubusan nitong aking puso
Itinibok na nito ang pangalan mo
At laging hinahanap ang iyong anino
Isang araw ay nag-iba ang ihip ng hangin
Biglang bumait ang pakikitungo mo sa akin
Ang magkalayong mga puso'y nagkalapit din
Sa wakas ay natupad na rin ang matagal ko nang hinihiling
Lumalim pa nga nang lumamim an gating pagtitinginan
Mas malapit pa tayo kaysa sa matalik na magkaibigan
Sinusundo pa kita sa iyong tahanan
Para sa eskuwelahan ay maihatid lamang
Mga bata pa tayo noon ngunit alam ko na
Pag-ibig ang namamagitan sa ating dalawa
Magkasama tayong papasok sa ating eskwela
Naglalakad at nagtatawanan habang nagkukuwentuhan sa kalsada
Magkatabi na ang ating upuan
Kung wala ang guro'y tayo ay nag-aasaran
Kung mapipikon ka'y masama mo akong tititigan
Tapos susuyuin na kita hanggang gumaan ang iyong pakiramdam
Ang bata ng pag-ibig natin, sabi nga nila
Ngunit magulang nati'y 'di na tumutol pa
Sapagkat kung tayo nga talaga ang para sa isa't isa
Ay walang makapagpipigil sa ating nakalaan na tadhana
Sinta, sa iyong mata ko nakita ang tunay na pag-asa
Sinisipag akong mag-aral para lang ikaw ay makita
Ang sarap ng buhay kung nasa iyong presensya
Sapagkat ngiti mo pa lamang pakiramdam ko'y nasa langit na
Sa saya ng pakiramdam ay hindi ko na nawari pa
Na ang lahat ng ligaya'y may katapusan din pala
Nang mabalitaan ko na nagkaroon ka ng sakit na malala
Ay nagsimula na ang lahat ng aking pangamba
Leukemia, iyan ang sabi nilang sakit na dinaranas mo
Unti-unti raw nalalason ang iyong dugo
Nagkaroon na rin daw ng komplikasyon ang iyong puso
May diabetes ka rin na lalo sa aking nagpaguho
"Ayos lamang ako," iyan ang palagi mong sabi
Tapos nagbibitaw ka ng isang pilit na ngiti
Ngunit nakikita ko sa maiitim mong labi
Na tinitiis mo lamang ang lahat ng sakit at hapdi
Sabi mo'y kakayanin mo ang lahat ng iyong dinaranas
Magtiwala lamang tayo sa Diyos na nasa taas
Magtatapos din ang lahat ng ating mga magparusa
At ipinangako mo sa akin na gagaling ka
Tandang-tanda ko pa iyon, nasa ika-anim tayong baitang
Lumala ang iyong sitwasyon at nakaratay ka na lang
Binibisita kita ngunit 'di kita kayang tingnan
Sapagkat hindi kita kayang nahihirapan
Nagtampo ka pa sa akin at sinabing huwag kang kaawaan
Dahil ang sabi mo'y sa sitwasyon mo mas lalo kang nahihirapan
Gusto mong makita na ako'y nakangiti lamang
Ngunit hindi ko naman mapigilan ang lungkot na nararamdaman
Mula noon, araw-araw ay dinadalaw kita
Ayaw kong lumampas ang isang araw na hindi ka nakikita
Sapagkat ang sabi mo'y ako lang ang sa iyo'y nagpapasaya
At nagsisilbing lakas sa pagharap mo sa iyong problema
Mahal, sa panahong iyon ay nagalit ako sa Diyos dahil ika'y nagdurusa
Sa bata mong edad ay pinarurusahan ka niya
Ano ba ang mali nating nagawa?
Nagmahalan lang naman tayo ng tama ngunit sa panahon na maaga
Graduation natin niyon at pagkatapos ay dumiretso ako sa iyo
Iniabot ko pa sa iyo ang diploma mo
Nagkaroon pa nga tayo ng maliit na salu-salo
At abot hanggang langit ang kasiyahan mo
Pero parang biglaan ang nangyari sa iyo, aking mahal
Maya-maya pa'y nahimatay ka nang biglaan
Ito na nga ba ang aking kinakatakutan?
Panginoon kong Diyos, sana'y huwag naman
Dali-daling tumawag ng nurse ang iyong mga magulang
Nag-aatubili silang tumungo sa iyong silid
Pinalabas kami ng kuwarto mo ngunit ako'y nag-alinlangang
Sumunod sapagkat hindi ko kayang iwan ka kahit saglit
Mahal, ikaw ay ipinagpasa-Diyos ko na lamang
Kabutihan mo lang naman ang aking kagustuhan
Kung kunin ka niya sa akin ay ayos lamang
Basta't pangako mong sasaya ka sa kaniyang kanlungan
Nakita ko ang pagkuryente nila sa katawan mo
Parang bumagal ang ikot ng aking mundo
Dahan-dahan kong bumagsak sa kinahihigaan mo
Hindi na gumagalaw, hindi na rin kumikibo
Nilapitan ng iyong ina ang doctor at pinakiusapan
Kung hindi mo na kaya'y hayaan ka na lamang
Sapagkat ayaw ka na nilang makikitang nahihirapan
Alam nilang ito na ang panahon na ang mga pagdurusa mo'y wakasan
Sa totoo lamang ay ang mga katagang iyon ay mahirap pakinggan
Pero naisip ko na siguro'y tama ang iyong mga magulang
Dahil hindi lamang ikaw ang nahihirapan
Pati kami sa tuwing nakikita kang nagkakaganyan
Nang umalis na ang mga doctor, agad kaming lumapit sa iyong tabi
Nabalot ang aming puso ng purong pighati
Naglaho nang tuluyan sa iyong labi ang ngiti
Payapa ka na lamang na nakahiga, 'di ko mapigil ang dalamhati
Itinabi ko sa iyo ang iyong diploma na kanina'y dala-dala ko
Hindi ba't ito ang dahilan ng huling kasiyahan mo?
Bago kita tuluyang takpan ng kumot ay hinagkan ko ang pisngi mo
Naramdaman ko ang luha mo na rito ay tumulo
Pumayapa ka na, mahal ko
Kakayanin kong mag-isa sa mundo
Mahal na mahal kita, iyan ang pagpapakatandaan mo
Mamahalin kita hanggang malagot ang hininga ko
Ikaw ang nagsilbing araw sa madilim kong kalangitan
Ngunit ikaw ay lumubog na't madilim na naman
Kasabay ang pagsilip ng buwan, binalot ako ng purong kalungkotan,
Na siyang simbolo ng aking nararamdaman.
Araw, sa pagdating mo'y nagpasalamat ako
Ngunit nang iniwan mo'y nabalot sa dilim ang aking mundo
Bakit ka lumisan sa tabi ko?
Akala ko ay hindi ka na maglalaho
Simula nang araw na iyon ay nawala na ang sigla at liwanag.
At purong dalamhati lamang ang aking naramdaman
Hindi na ako ngumiti magpakailanman
Ang kalungkutan ay hinagkan ko na lamang
Hagkan ang buwan, itinakwil ko na ang araw
Mayroon pa bang dahilan ng kasiyahan?
Sa tingin ko'y naglaho na ang lahat nang ikaw ay lumisan
Dahil tuluyan nang nawalan na ako ng pakiramdam
Hagkan ang dilim, itakwil na ang liwanag
Dahil puso ko'y lumamlam na't 'di na kailangan pa ng sinag
Hagkan ang dilim, itakwil na ang liwanag
Dahil sa bangin ng kalungkuta'y tuluyan nang nalaglag
Hagkan ang buwan, itinakwil ko na ang araw
Simula nang mawala ka'y mundo ko na ay nagunaw
Kahit na ang aking puso, sa kalungkutan ay natunaw
Pangakong mamahalin kita hanggang sa araw ng aking pagpanaw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top