My Moon #49

"Pangarap"
Dedicated to @TRIMMYSHINE

Matagal na kitang pinagmamasdan
Inaasam na makamit at mapasakamay.
Pangarap na gustong matupad
At pilit inaabot ng kamay.

Hinahabol kita ngunit ikaw ay humahakbang palayo.
Binibilisan ko naman ang aking kilos
Ngunit isang libong milya ang layo.
Saan patungo ang distinasyong ito?

Pangarap na kita ng mata,
Liwanag na nagpapasaya sa isang bata.
Kailan ka kaya niya mahahawakan?
Kailan kaya niya mapupuntahan ang iyong kinaroroonan?

Ano kaya ang mainam na gawin niya?
Languyin ang karagatan?
Maglakbay sa lupa't himpapawid?
O isilid ang sarili sa daang makitid?

Nakakapagod kang habulin,
Nakakapagod kang abutin,
Kapag wala ka sa gabi't
Kapag kapag hindi ka sumisilip.

Ngunit nabubuhayan ng loob
Kapag natatanaw ang munting linawanag na dala mo.
Nabibigyan ng pag-asa kapag naabot ng liwanag na dulot mo.
Mas lalong nagpupursigido ako.

Tag-ulan lang naman ang kalaban ko
Dahil doon nawawalan ng lakas ng loob
Hindi kasi batid kung kelan titila ito
At kung ilang araw na naman ang hihintayin ko.

Bawat pagpatak ng ulan sa bubong
Ay siyang pagbuhos rin ng luha sa mga mata.
Natatakot na baka mas lumabo
Ang makita at maabot ka.

Matagumpayan kayang makamit ang pangarap?
Kung kasing layo ng buwan ang kinaroroonan.
Kung katulad ng buwan, minsan ito ay hindi lumilitaw,
Lumalabo at natatakpan ng ulap.

Nawa'y sa aking pagtakbo,
Sa bawat paghakbang ko palapit sayo.
Ay may dulo ang tulay na ito
Kung saan maaabot ko na ang buwan na pinapangarap ko.

—Writer_Lhey✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top