My Moon #34

"Ang kwento nating dalawa"
Dedicated to @Riihii WP

Ilang gabi na ang lumipas simula noong huling masilayan
Ang buwan na sa tuwina ay pinagmamasdan.
Dama ko man ang pangungulila ngunit ako ay hindi nangangamba.
Sapagkat hindi man kita ng mga mata alam kong palaging nariyan siya.

Parang ang kwento nating dalawa.
Naalala mo ba noong tayo ay bata pa?
Palaging magkasama kahit saan magpunta.
Kahit sa pagligo ay kasa-kasama kita.

Sa pagpasok natin sa eskwela hanggang sa mag-uwian—
Ay palaging magkasabay at hindi iniiwan.
Pag-inaapi ng iba'y palaging nandyan ka.
Hindi ko maisip kung paano ako pag wala ka.

Pangako sa isa't-isa na kailanma'y hindi magkakahiwalay.
Palagi lamang magkasama at hindi iiwan ang isa't-isa.
Ngunit mapaglaro ang tadhana, sinubok ang pagkakaibigan.
Tayo ay pinaglaro at na wala'y sa isa't-isa.

Walong taon na rin pala ang nagdaan.
Hindi kita nakausap at nakasama sa pagdadalaga.
Naging malungkot ang mga taon na lumipas—
Sa akin at nagmistulang malungkot ang buhay dahil 'di kita kasama.

Ngunit batid 'kong sa muli nating pagkikita ay—
Tayo parin ang dating mga bata na sabay sa lahat ng bagay.
Nangakong pagkakaibigan ay panghabang-buhay.
Na walang nagbago sa ugnayan kahit na pinaghiwalay.

Iniisip ko pa lang ay labis na ang tuwa na nararamdaman.
Matagal-tagal narin kasi nung huli kang nakita at nakasama.
Asahan mo na ako ay hindi nagbago at ang pangako ay hindi napako.
Sapagkat ikaw lamang ang iniisip at inaalala sa buong buhay ko.

Kagaya ng buwan, ikaw ang pinakamamahal.
Hindi ka man masilayan ng pagkatagal-tagal.
Umaasang palaging nariyan ka kahit na di kita ng mga mata.
Malungkot man ngunit hindi ko ito dinadamdam.

Sapagkat ikaw ay ang aking at kailanma'y hindi ipagpapalit sa iba.
Ikaw lamang kahit matagal ng nawalay.
Ikaw pa rin ang aking mahal na kaibigan.
Kagaya ng buwan, ikaw ang aking pinakamamahal.

✍️Writer_Lhey

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top