My Moon#20
"Liwanag"
Dedicated to @ammethyst
Ilang gabi na ba ang dumaan?
Noong huli kang masilayan.
'Yong liwanag na dumaan
Sa maliit kong bintana.
•
Ang aking silid ay balot ng dilim.
Lungkot na galing sa akin.
Aking buwan na iniibig
Malapit na namang magtakip-silim.
•
Maari ko bang malaman?
Kung ngayong gabi, ikaw ba'y magpapakita?
Ang puso ko ay may dinaramdam.
Umaasa na ako'y iyong dadamayan.
•
Sumilip ka naman kahit saglit.
Kulayan ang malungkot kung silid.
Ngiti sa aking labi ay iguhit.
Ang iyong liwanag ay ang laging hahanapin.
✍️Writer_Lhey
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top