My Moon #16

"Kalahati"
Dedicated to @RCaquino

Tingnan mo nga naman.
Andyan na naman ang buwan.
Ang kanyang anyo ay kalahati lamang.
Nakikita ko ang aking sarili sa kanya.

Tama! Para akong kalahating anyo ng buwan.
Kalahating liwanag at dilim sa kalawakan.
Kung iyong titignan, kay gandang pagmasdan.
Tunay ngang napakamaganda.

Kapansin-pansin ang aking kinang,
Ganda at liwanag na para bang masayahing nilalang.
Napakasaya ko kung iyong pagmamasdan.
Ngunit batid mo ba'ng—

Kalahating anyo ko.
Siguro hindi mo napapansin ito,
Sapagkat tanging liwanag ko lang ang kita ng mata mo.
At ang saya at liwanag ko.

Ang dilim na nakakubli sa akin
Ay kailanma'y 'di mo mapapansin.
Pero sige! Akin nang aaminin.
Bukod sa liwanag ko tuwing gabi—

Ang dilim sa aking anyo
Ay ang kalungkotan na aking tinatago.
Lungkot na ni minsan ay di mo masasaksihan.
Sapagkat tanging liwanag ko lang ang kita.

Ako ay may dalawang anyo.
Kagaya ng buwan, Ako—
Ay may saya at lungkot.
Na siyang pinapahiwatig ng kalahating anyo nito.

Ngayong kilala mo na ako.
Tanggap mo ba ako,
Katulad ng buwan at ng kalahating anyo nito?
Mamahalin mo rin ba,
Kagaya ng buwan na hinahangaan mo?

Paano ang iba ko pang anyo?
Handa ka bang makilala ang mga ito?
Tandaan mo at titigan ang maliwanag na buwan.
Ang kanyang mga anyo ay parang Ako lang.

✍️Writer_Lhey

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top