My Moon# 15

"Ligaw na Bituin"
Dedicated to @Sheislicaa

Ako ay isang ligaw na bituin.
Nagniningning sa kalangitan tuwing gabi.
Ang 'aking buwan' ang palaging katabi.
Sandali, Bakit kita inaaangkin?
Akin ka ba?

Paumanhin, Hindi ka pala akin.
Hindi ko rin alam kung posible bang mapasaakin.
Sapagkat ang katulad kung bituin—
Ay kailanma'y hindi mo mapapansin!

Aking mahal na buwan,
Pinapalibutan ng mga Naggagagandahang bituin.
May iba't-ibang kulay, laki at kinang.
Hindi maipagkakailang lahat ay kapansinpansin.

Ako'y isang ligaw na bituin.
Pagitan namin ay sobrang lapit.
Ngunit ewan ko ba kung bakit?
Ang aking kinang 'di mo mapan-mapansin.

Ilang araw, linggo at buwan na ba tayong ganito?
Sa kalawakan ay pinagtatagpo't pinaglalayo.
Paulit-ulit pero bakit di mo batid?
Na ako ay nandito lamang at kumikinang para sayo.

Minsan sa isip ay aking natanong,
Pagiging manhid mo ba ay isang talento?
Batid ko kasi ang iyong husay dito.
Tila ba ay eksperto ka na sa larangang ito.

Gusto ko lang namang mapansin mo.
Ano ba ang pwede kong gawin sayo?
Lalapit pa ba ako?
Sisigaw at ipaparinig sa iyo?
Na ikaw ang tinitibok ng puso ko.

Ngunit paano kung mawalan na ako ng pag-asa?
Paano kung mawala na ang aking kinang?
Paano kung tuluyan nang mawala sa kalawakan?
Ako ay hahanapin mo ba?

Aking buwan...

✍️Writer_Lhey

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top