Special Chapter #1
RANZ'S POV:
Naglalakad ako ngayon sa quadrangle ng may tumawag sa akin.
"Bro!" Tumigil ako sa paglalakad ng may umakbay sa akin.
"Ano na naman ba problema mo Cedrick?" bagot na sabi ko. "Si Marie na naman ba?" tumingin ako sa kanya, na ngayon ay kumakamot sa ulo niya.
"Ah-eh! Oo, Bro eh! Hehehe. Ano kasi---" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinakal nang mahigpit.
"Siraulo ka! Ang sabi ko 'wag mong---" Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla siyang nagsalita.
"B-bro!! T-teka lang!! H-hindi ko naman pinaiyak o inaway si Marie eh. A-ayokong multuhin ako ni Ayessa. T-teka lang!" pinakawalan ko na siya. Gusto pa pala niyang masakal muna.
"Tumino ka Cedrick!" nagpatuloy ako sa paglalakad pero itong si Cedrick sumunod na naman.
"Bro naman!" paulit-ulit na sabi ni Cedrick sa akin.
Huminto ako at humarap sa kanyang makita ko ang classroom namin.
"Ano ba?" naiinis na ako sa kumag na 'to.
"Tulungan mo naman ako kay Marie. Anniversary kasi namin ngayon eh..." nahihiya niyang sabi.
One year na pala ang nakakalipas ng mawala na ng tuluyan si Ayessa sa akin at sa amin. One year na pala.
Ang bilis ng panahon, akalain mo n'yon naka-survive ako at nakaka-ngiti na rin ako kahit wala na talaga siya sa piling ko.
Napabalik ako sa sarili ko ng magsalita ulit si Cedrick. "Bro, tutulungan mo ba ako?"
Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong magagawa, kaibigan ko naman ang isang 'to. "Oo na! Mamaya na tayo mag-usap. Mag-uumpisa na ang klase namin." Pagkakasabi ko nun, tuluyan na ako pumasok sa classroom namin.
Nakita ko agad ang kapatid kong si Stef at mukhang badtrip na naman dahil nagkasalubong na naman ang kanyang mga kilay.
Ano na naman kaya ginawa ni Drew sa kapatid ko.
Umupo ako sa tabi niya.
"Good morning my beautiful sister! Bakit iniwan mo ako kanina? Diba sabi ko sayo sabay tayo? Alam mo namang n'yong si Franz nanliligaw pa rin kay Shanti?" sabi ko sa kanya. Imbis na sumagot, tinarayan lang ako.
"Kuya, 'wag ngayon! Baka sayo ko ibuhos ang galit ko kay Drew. Kaya please." sa sinabi niyang n'yon, napailing na lang ako. Kailan kaya magbabago ang dalawang 'to? Lagi na lang sila aso't pusa.
"Kuyaaaaaaaa Ranz!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang kamukhang-kamuha ng Ayessa ko...si Marie ang kakambal niya.
Umupo siya sa kabilang gilid ni Stef na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin.
"Kuya Ranz? Ano n'yong nababalitaan ko?" Bungad na tanong ni Marie sa akin?
Nang dahil sa tanong ni Marie, napunta sa akin ang tingin ng kapatid kong si Stef na mukhang naghihintay rin ng kasagutan.
"Huh?" Takang tanong ko sa kanila.
Anong nababalitaan ang sinasabi nitong si Marie?
"Totoo bang kayo na ni Alice,kuya Ranz? Totoo baaaaa?" Sinong Alice ang sinasabi nito? Hindi ko kilala n'yong Alice na n'yon eh.
Sasagot na dapat ako, nang dumating ang Prof namin.
* * * * *
"Kuyaaaaaaaa! Kuya Ranz!" Sabay na sabi nina Marie at Stef. Magkaibigan nga talaga.
Kanina pa sila paulit-ulit tungkol sa Alice na n'yon. Sino ba kasi n'yong Alice na n'yon?
"Ang kukulit n'yong dalawa! Hindi ko nga kilala n'yong Alice na sinasabi mo Marie!"
"Eeehhh! Kuya Ranz bakit kalat na kalat n'yong balita na n'yon sa tourism building?"
"Ewan ko!"
Naglalakad kami ngayon papunta sa canteen ng makita namin sina Hillary at Raegan.
Buti pa 'tong si Hillary nandito pa rin eh. Hindi pa ba tapos misyon nito? Pagnagkataong umalis na si Hillary, ano kaya mangyayari kay Raegan. Paniguradong mararanasan niya ang sinapit kong paghihirap. Napailing na lang ako sa naiisip ko.
"Kuya Raegan! Ate Hillary!" sigaw ni Stef sa dalawa.
Huminto ang dalawa sa bungad ng canteen.
Nang makalapit kami sa kanila sabay na kaming naghanap ng mauupuan.
"Hillary, alam mo ba tungkol kay Alice?" Tanong ni Marie ng maka-upo na kami.
"Alice? Sino n'yon?" nagtatakang tanong niya sa amin.
"Duh?! N'yong Alice na sikat sa tourism." pagtataray ni Stef.
Mukhang badtrip pa rin 'tong isang 'to.
Tumingin sa akin si Hillary. At, binuka ang bibig ko ang salitang "Drew" sa kanya.
"Sorry ate Hillary! Naiinis kasi ako kay Drew! Hmmp! N'yong Alice na sinasabi ni bestfriend Marie eh n'yong GGSS sa tourism department. Ang pinagkakalat niya ngayon, sila raw ni kuya Ranz!" mahabang sabi ni Stef sa amin.
"Oo Hillary! Nakakainis n'yon! Gusto ko nga sabunutan kanina eh. Kung hindi ko lang naalala na bawal makipag-away sa mga hayop." Inosenteng sabi ni Marie. Parehas talaga sila ng kakambal niya. Ito nga lang si Marie, mukhang inosente.
"HAHAHAHAHAHA!! You're so funny Marie! HAHAHAHA!" tawang-tawa na sabi ni Hillary.
Isa rin 'tong anghel na 'to.
"Guys! Anong nakakatawa? Narinig kasi naming yung tawa ni Hillary eh!" Sabi ni Drew na kadarating lang.
"Oo nga guys? Hillary, anong nakakatawa?" Segunda ni Cedrick.
Nasa likod na niya sina Maru at ang kakambal kong si Franz. Teka, nasaan si Stella?
Pagkaupo palang ng mga kumag.
"Nasaan si Stella,Maru?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa acting club." sagot niya.
"Paano naman kasi... may babae na naman nagsasabing sila ni kuya Ranz. Duh? Dream on?!" Mataray na sabi ni Stef kay Drew.
"Bro, ang lakas mo talaga!" sabi ng mga gunggong at sabay-sabay tumawa.
Binalewala ko na lang sila. Sanay na ako eh!
Naghihintay ako rito sa tapat ng kotse para hintayin ang maarte kong kapatid.
"Bro!" Nakita ko si Cedrick na humahangos na papunta sa akin.
"Ano na naman?" sabi ko sa kanya.
"Akala ko ba tutulungan mo ako sa anniversary namin ni Marie. Bro, naman eh!"
Oo nga pala. Nakalimutan ko ang tungkol sa anniversary nila ni Marie.
"Ano ba gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Yung hindi ko pa nagagawa." Napa-isip ako sa sinabi niya.
"Siraulo ka! Ano? Mag-iisip pa ako? Sapakin kita eh!" Galit kong sabi sa kanya "Ano nga?"
"Ito naman hindi mabiro. Dinner date sa garden nila Bro! Alam mo naman parents ni Marie, sobrang strict sa kanya." Lalo ngang nag-higpit parents nina Ayessa kay Marie. Unica hija na lang kasi nila ito.
"Oh sigesige! Kailan ba gaganapin?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon sana Bro. Kayo lang ng barkada ang may alam. Nandoon na sila Raegan at Hillary sa bahay nila Marie!"
"Okay-sige! Pupunta na ako roon. Hintayin ko lang si Stef."
Sasabihin ko palang dapat ng biglang dumating na si Stef.
"Kuya Cedrick, hinihintay ka na ni Marie sa garden." sa sinabi ni Stef nyon, umalis na si Cedrick.
"Alam mo rin..." bungad ko sa kanya.
Pumasok na siya sa loob ng kotse at pumasok na rin ako.
"Duh kuya! Of course... bestfriend ni Marie at ni ate Ayessa. Duh?! Saka alam lahat ng barkada!" Naku! Kung hindi ko lang kapatid 'tong isang 'to.
Teka?! Alam ng barkada? Hays!
Nakarating kami sa bahay ng Pamilyang Carlos, kumpleto na ang barkada.
"Ang tagal niyo naman?" Bungad sa akin ni Raegan na inaayos ang lamesa para sa magiging dinner slash garden date ng dalawa.
"Bilisan niyo magkikilos-kilos! Matatapos na'tong niluluto ko!" napatingin ako sa sumigaw. Si Drew lang pala.
Dumaan siya sa harapan ko na may hawak na mangkok.
"Ano niluto mo?" tanong ko sa kanya.
"Baby backribs ala Drew!" Sagot ni mokong sabay kindat.
Hays! Napailing na lang ako.
"Ranz!" Tumingin ako sa tumawag sa akin.
Nakita ko sina Hillary at Stella kasama na ngayon si Stef na mukhang pinagtutulungan ang magiging banner at arrangement ng bulaklak.
"Bakit?" sabi ko sa kanya ng makarating ako sa pwesto nila.
Tinignan ko ang mga ginagawa nil. Si Drew taga-luto. Si Maru at Raegan nag-aayos ng lamesa at ibang props. Si kambal naman inaayos ang magiging kanta mamaya. Eh, ako? Anong gagawin ko?
"Tulungan mo naman sina Raegan at Maru. Dadating na kasi sina Marie at Cedrick. Ayusin mo lang 'to at i-form ng hugis puso." Sabay abot niya sa akin ng mga maliliit na kandila na nasa lalagyan.
"Huh? Saan ko ilalagay?" Tanong ko sa kanya medyo marami itong binigay niyan sa akin.
"Palibot mo siya sa lamesa nila. Ganito magiging itsura nyan." May binigay ulit siya sa akin. Picture na nakaprint. Mukhang ito n'yong pinaggayahan nila.
Natapos namin lahat. Nang matapos na namin, biglang umilaw ang cellphone ko.
Nakita ang pangalan ni Cedrick.
From: Cedrick
Bro, nandito na kami sa labas ng gate.
"Guys! Tara na! Ang lover boy nasa labas na." Pagkakasabi ko nun bigla sila naging flash.
Nandito kami ngayon sa likod bahay nila Marie, para kaming mga tanga rito nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Tara na kaya guys! Pabayaan natin sila." sabi ko sa kanila. Para silang walang narinig. Hays.
Tinignan ko si Drew. Nag-kibit balikat lang si mokong.
"Sssshhh... Ayan na!" kinikilig na sabi ni Hillary.
Itong anghel na 'to.
No choice na rin ako kundi makinig na rin.
"M-marie... alam kong napakabilis nito pero..." napakamot pa sa ulo si Cedrick.
"Nagpaalam na rin ako sa mga magulang mo maski sa kuya mong si Gabriel at sa kakambal mong si Ayessa..." huminga ng malalim si Cedrick. Kitang-kita namin dito kung paano magtaas-baba ang balikat ni Cedrick.
May kinuha sa bulsa si mokong, "T-take this ring..." naghiyawan ang mga babaeng kasama namin. Babae nga naman oh. "As my promise to stay with you...forever." sa sinabi ni Cedrick, walang antubaling tumango si Marie. Dahil sa ginawa ni Marie na pagtango, lumabas ang mga babae sa pinagtataguan namin maski pala ang parents ni Marie ay nakikinig.
"Congrats guys!"
"Bestfriend! Congrats!!"
"Brad, congrats!"
Kanya-kanya silang lapit at bumati sa dalawa.
Huli akong lumapit sa kanilang dalawa. "Congrats Bro. Ingatan mo si Marie! Kung hindi...lagot ka sa akin at kay Ayessa." Pabirong sinakal ko siya.
"Oo naman Bro!" Mabilis na sumagot si Cedrick.
* * * * *
Ala-una na ng madaling araw. Pero, heto ako nasa puntod ng babaeng mahal ko.
Wala akong pake kung madaling araw na. At, sinasabi nilang may mga multo sa sementeryo.
Nag-alay ako ng tulips at hinalikan ang lapida ng babaeng mahal ko.
"Hi Pilyang anghel ko, one year na pala. Pero, heto pa rin ako, ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. Marami akong sasabihin sayo. Si Cedrick at ang kakambal mong si Marie engaged na. Pero, 'wag kang mag-alala uupukan ko pa rin si Cedrick once na makita kong umiyak si Marie..." May kinuha akong pagkain...pagkain na alam kong paborito ni Ayessa. "Sa pinakamaganda at pinakamamahal kong babae sa buong mundo... egg sandwich at fries para sayo, alam kong gustong gusto mo'to!" Inalay ko sa kanya ang pagkain dala ko.
Tumayo ako at kinuha ang tent na tutulugan ko. Nang maayos ang tent, pumasok ako sa loob kung nasaan ang lapida ni Ayessa.
"Miss na miss na kita. Mahal na mahal pa rin kita. Hindi nyon magbabago."
Kinain na ako ng kadiliman.
A/N:
Charaaaaan! Special chapter para sa unang babies ko. Maraming salamat sa mga sumusuporta at patuloy na nagbabasa nito. Maraming salamat.
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top