KABANATA SIYAM
Kabanata Siyam:
AYESSA'S POV
Tumunog nang napakalakas ang aking alarm clock. Kahit ayoko pa bumangon sa kama ko, bumangon pa rin ako. Wala akong magagawa.
Teka? Bakit nasa kama ako? Ang huli kong natatandaan nasa desk ako at nag-aaral? Baka naman nilipat ako ni Mama o di kaya ni Daddy?
Napahawak ako sa leeg kong nangawit yata kagabi dahil sa pwesto ko at sa pagbabasa ko. Inikot ko ang aking leeg para mawala niyong ngalay.
Habang iniikot at minamasahe ko ang aking leeg, napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Ngayon ko lang napansin ang kulay ng kwarto ko, kulay pink at white. Ang ganda pag masdan.
Ngayong araw na ito, Isang linggo na ko dito sa mundo ng mga tao. Isang linggo...pero marami na nangyari sa akin.
Isang linggo... isang linggo ko na pala hindi nakikita si kuya Gabriel.
Isang linggo... isang linggo na akong walang ginagawang mali sa ibang tao.
Isang linggo... isang linggo na pala ako sa misyon ko pero wala pa rin akong hakbang na ginagawa.
Isang linggo palang pero marami na nagbago sa akin.
Ginawa ko na naman ang routine ng mga tao tuwing umaga. Naligo. Nagsepilyo. Nag-ayos. Niligpit ko na rin pala ang mga notes na nakakalat sa desk ko.
May naalala ako, si Hillary! Nakita ko si Hillary kahapon! Hindi na siguro ako nananaginip diba? Tunay niyon? Nakita ko na talaga siya. T-tao rin siya katulad ko. Pero paano nangyari niyon?
Kailangan ko siya maka-usap. Nagtatatakbo akong bumaba sa hagdan papuntang kusina.
Nadatnan ko si Cedrick doon nakaupo na at mukhang hinihintay ako. Bilib din ako dito, dati hanggang sala lang siya ngayon nasa kusina na siya. Galing!
Umupo ako sa tabi ni dad. Binilisan ko ang pagkain. Muntik pa ako mabilaukan.
"Anak, dahan-dahan lang sa pagkain. Hindi ka naman namin uubusan." natatawang sabi sakin ni dad habang sinasalinan niya ako ng tubig.
Ininom ko agad ang tubig ng isang lagukan. Muntik na talaga mabulunan. O, nabulunan na talaga ako?
* * *
Kaka-park lang ni Cedrick ng kotse, Bumaba agad ako. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako.
Gusto ko na makita si Hillary. Makati na ang dila ko. Kailangan ko na siya makausap.
Naglalakad kami sa field na ito, buti na lang talaga hindi pa gaano mainit. Medyo makulimlim ang kalangitan.
May nakita akong hubog ng isang babaeng tumatakbo papuntang silangang parte ng ekswelahan. Tinitigan kong mabuti ang babae, si Hillary ang babaeng tumatakbo.
Tatakbo na sana ako sa pwesto niya ng pigilan ako ni Cedrick.
"Where are you going,Ayessa? Magbe-bell na." tanong niya sa akin.
Sasagot pa sana ako sa kanya, nang biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang first subject.
Tumakbo agad kaming dalawa, may mga nakakasabay din kaming mga kapwa namin estudyante na tumatakbo. Late.
Nagkalihis kami ng daan papunta sa kanya-kanya naming building.
.
.
.
.
Hingal na hingal ako ng dumating sa classroom, sa kasamaang palad, nandoon na pala ang Prof namin.
Buti na lang hindi ako pinagalitan. Ang sungit pa naman niyon.
Nagtuturo na ang Prof namin sa Filipino ng dumating si Stef, mukhang late itong nagising at mukhang tumakbo 'to papunta dito sa classroom, halata kasi sa pawis niya sa noo.
Sinermonan ni Sir. dela Cruz si Stef bago niya ito papasukin.
Nakinig lang akong mabuti kay sir. Nagsusulat din kapag kailangan. Baka, magkaroon ng surprise quiz si sir.
"Paalam,klase." paalam ni sir sa amin bago lumabas.
Nagsimula na naman mag-ingay ang klassroom namin, para kaming nasa palengke na naman.
"Ayessa, nasundan mo ba 'yung sinasabi ni sir?" tanong ni Stef sa akin.
"Oo, Stef. Ito oh!" abot ko sa kwarderno ko.
"Stef, samahan mo naman ako kay Hillary oh!" pag-aaya ko sa kanya.
Kailangan kong makausap si Hillary. Marami akong itatanong sa kanya.
"Hillary? Niyong kinausap mo kahapon? Niyon ba niyon?"paninigurado ni Stef sa kanya.
"Oo, niyon nga. Samahan mo ako ha."
"Paano mo siya nakilala,Ayessa? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Bestfriend mo'ko pero hindi mo siya pinakilala sa akin." malungkot na sabi ni Stef.
P-paano ko ba sasabihin sa kanya. Bahala na nga.
"Ah-eh! Nakilala ko siya sa probinsya. 'Yun nga! Naalala mo ba nyong pumunta kami sa marinduque dati? Doon ko siya nakilala."
Sana maniwala ka sa akin! Sana.
"Ah okay! Pakilala mo ako sa kanya mamaya ha. Wait, saan natin siya makikita?" tanong ulit sa akin ni Stef.
Naniwala nga siya. Ang galing ko pa rin talaga gumawa ng kwento. Teka, saan nga ba namin siya makikita? Alam ko na!
"Kay Raegan. Kilala mo ba si Raegan,Stef? Kaklase siya ni Raegan." proud na sabi ko.
"Raegan Lopez? Sino ba naman hindi makakakilala doon? Si Mr. Perfect niyon eh. Walang masyadong pinapansin niyon." sagot ni Stef.
"Oo, siya nga. Si Raegan Lopez. A-anong kurso niya? Puntahan natin?"
"Education. Education kurso niya. Tara puntahan natin si Hillary mamaya. Pakilala mo ako sa kanya ha, Ayessa!" pagpupumilit ni Stef sa kanya.
"Oo naman."
Kailangan ko talaga maka-usap si Hillary. Ang dami kong tanong sa kanya. Kagaya ng paano siya naging tao? Kaya kailangan ko siya makita at makausap.
Nag-uusap pa rin kami ni Stef about sa girls thingy.
.
.
.
.
Bumalik sa lahat ang dati nang dumating ang susunod na prof namin - si Ginang Factor. Si Ginang Factor ay propesor ng asignaturang English, hindi Math. Maraming nagkamali na isa siyang math propesor dahil sa apelyido niya.
Nagturo siya tungkol sa Past tense, present tense at future tense. Lahat kami ay alerto dahil siya niyong propesor na nagtatawag. Kaya bawal ang papatay-patay sa asigatura niya.
Maraming nakatayo dahil mga hindi agad nakasagot sa tanong ni Ginang Factor.
.
.
.
.
Natapos ang klase namin sa kanya, kalahati sa klase namin ang nakatayo. Nagkaroon tuloy sila ng parusa. Buti na lang hindi kami natawag ni stef. Mahal pa rin pala ako ng maykapal.
Nagligpit na kami ni Stef ng mga gamit para puntahan ang klassroom nila Raegan at Hillary.
Tumakbo kami ni Stef papunta sa building ng Education.
Gusto ko na talagang kausapin siya. Hindi na ako makapaghintay.
Pagkarating namin sa klassroom nila, wala na kaming nadatnan ni isa. Nanlumo ako.
"Baka nasa canteen sila ngayon. Breaktime rin ng Education ngayon. Tara tignan natin sila baka nandoon sila."
sabay hila sa akin ni Stef, wala akong nagawa kundi magpahila na lang sa kanya.
Pagkarating namin sa canteen, nakita namin sila Cedrick at Luigi pero hindi sila ang hinahanap namin, inikot pa namin ang aming mga paningin...
Nakita ko na sila... nasa sulok sila ng canteen. Kasama niya si Raegan.
Wala akong inaksayang oras at tumakbo ako papunta sa pwesto nila...
.
.
.
.
- end of chapter 9 -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW. LET'S SPREAD ANGELS!
Thank you!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top