KABANATA SAMPU

Kabanata Sampu:

THIRD PERSON'S POV

Nang makita ni Ayessa sina Hillary at Raegan sa sulok ng canteen, agad siyang tumakbo sa pwesto ng dalawa.

Hindi alam ni Ayessa, na nakasunod sa kanya si Stef. Hindi lang si Stef kundi ang mga mata rin nina Cedrick at Luigi na nakatingin sa babaeng tumatakbo papuntang sa sulok ng canteen.

Nang makalapit ang dalaga sa pwesto ng huli. Agad niyang hinagkan ang dalagang si Hillary. May tumakas na butil na luha sa mga mata ni Ayessa dahil sa labis na kasiyahan na muling nakita niya ang kaisang-isang kaibigan niya sa Hardin ng mga Anghel.

Bumitaw si Ayessa kay Hillary dahil sa pagtikhim ni Raegan at Stef. Hindi niya batid na nakakuha na sila ng atensyon sa mga tao sa loob ng canteen.

Agad na lumayo at umupo si Ayessa sa tabi ni Hillary. Gusto man magtanong ni Ayessa ay hindi niya magawa dahil nasa tabi lang niya sina Raegan at Stef na pawang may gustong itanong rin.

Naalala ni Ayessa ang pangako niya kay stef.

"Hillary, si Stef pala matalik na kaibigan ni Ayessang tunay este matalik na kaibigan ko." pag-uumpisa ni Ayessa.

"Hi Stef, kinagagalak kitang makilala." mahinhin na sabi ni Hillary sa dalagang si Stef.

Kumaway si Stef kay Hillary "Nice to meet you."

"Ehem..." pagpaparinig ni Raegan sa kanila.

"Ay! Si Raegan Lopez nga pala. Alaga ko- este kaibigan ko." sabi ni Hillary sa kanila.

Muntik pa mabuko si Hillary dahil sa kanyang sinabi.

Tumango lang ang binata sa kanilang dalawa - Ayessa at Stef. 

Hindi alam ng apat na may papunta na rin sa pwesto nila. Sina Cedrick at Luigi.

Nang makalapit ang dalawa, kumuha sila ng kanilang upuan at umupo. Si Cedrick na umupo sa tabi ni Ayessa at si Luigi na umupo sa tabi ng kanyang kapatid na si Stef.

Nagulat sina Stef at Ayessa dahil hindi niya alam na pupunta dito ang dalawa. Wala na siyang nagawa kundi ipakilala din ang mga ito.

"Hillary, Raegan, sina Cedrick at Luigi pala." Sabi ni Ayessa sa kanila.

"Luigi Franz o Ranz?" sabi ni Raegan na nagtataka.

Alam ng lahat na may kakambal si Luigi Franz. Ito ay si Luigi Ranz na ngayo'y nasa ibang bansa at doon nag-aaral.

Bakas naman sa mukha ni Ayessa ang pagtataka.

"Huh? Anong Franz o Ranz?" tanong ni Ayessa kay Raegan.

Sasagot na dapat ang binata... nang sumingit si Cedrick.

"Wala nyon Ayessa. 'Wag mo siyang intindihin." walang patubangan na sabi ni Cedrick.

Gusto man sumabat ulit ni Raegan, pinilit na lang niya manahimik.

"Paano mo siya nakilala,Ayessa?" tanong sa kanya ni Cedrick.

Nakatingin sa kanila ang lahat maliban kay stef.

Nagkatingin sina Ayessa at Hillary. Bakas sa kanila ang kaba.

"Nagkakilala kami sa probinsya - sa marinduque. Doon ko siya nakilala." matapang na sagot ng dalaga.

Sumegunda naman sa kaniya si Hillary na lalong nagpatibay sa salaysay ng dalaga.

Gusto masolo ni Ayessa si Hillary pero hindi niya alam kung paano. Nakabantay kasi sa kanila ang apat, hindi rin nila alam kung ano ang idadahilan sa mga ito once na umalis silang dalawa.

Kinuha ni Ayessa ang kanyang kwarderno na hindi napapansin ng iba. Umalis kasi ang tatlong kalalakihan para bumili ng makakain nila, kaya naiwan lang ay silang tatlo nila Hillary at Stef.

Binigay ni Ayessa kay hillary ang kapirasong papel na hindi napapansin ni stef.

Pagkakuha ni Hillary sa kapirasong papel, binasa niya ang nakasulat.

"Hillary, magtungo ka sa kubeta ng mga kababaihan malapit dito sa canteen,at susunod ako makalipas ng ilang segundo. Kailangan natin mag-usap. Marami akong tanong sayo."

Niyan ang nakasulat sa papel na binigay ni Ayessa.

Nagkatingin silang dalawa, hudyat na aalis na si Hillary.

"Paumanhin, magc-cr lamang ako." sabay yuko ng dalagang si Hillary at umalis.

Nang makaalis si Hillary, sila namang dati nina Cedrick, Luigi at Raegan.

"Nasaan si Hillary?" Tanong ng binata na si Raegan.

"Pumunta sa restroom." sagot ni Stef kay Raegan.

Tumayo si Ayessa na kinalingon ng apat.

"Puntahan ko lang siya, nac-cr din ako eh." Sabi ni Ayessa sabay umalis sa upuan niya at nagtungo sa pintuan ng canteen.

Nang makarating si Ayessa sa tapat ng restroom, may sumitsit sa kanya, na kinalingon niya.

Nakita niya si...

.
.
.
.

Luigi? 'Si Luigi ba nyon?' tanong ni Ayessa sa sarili niya. Titignan pa niya sana ulit si Luigi sa pwesto ng may magsalita sa likod niya.

"Ayessa, ang tagal mo sumunod. Akala ko binibiro mo lang ako eh. Aalis na dapat ako." sunod-sunod na sabi ni Hillary sa kaibigan.

Hindi siya pinansin ng kaibigan "Oy! Ayessa! Anong tinitignan mo diyan?"

"Ah-eh! Nakita ko yata si Luigi doon sa may likod ng puno." sabi ni Ayessa kay hillary.

"Eh, nasa canteen si Luigi. Imposible namang nakasunod agad siya o kung magc-cr siya dapat sa kabila siya pumunta." dugtong ni Ayessa. Na mukhang nalilito na sa nangyayari.

"Ayessa, makinig ka sa akin. Makinig ka!" Sigaw ni Hillary sa kanya.

Lumingon ang dalaga sa kanya.

"May sasabihin ako sa'yo. Pero Huwag dito, marami makakarinig." naghanap  ng tagong pwesto si Hillary. Nang makakita, hinila niya agad si Ayessa.

"Ayessa, may sasabihin ako sayo. Napakamahalaga 'to! Kaya naging tao ako katulad mo dahil dito. Makinig ka, niyong inaalagaan mo hindi mo pa rin nakikita..."

"A-anong s-sinabi mo? Nakita ko na siya. Si Luigi diba? Niyong kasama natin sa canteen. Siya niyong alaga ko!" giit ni Ayessa sa dalaga.

"Makinig ka Ayessa.  Patapusin mo muna ako. May kakambal si Luigi. At hindi siya ang alaga mo. Ang buong pangalan ng alaga mo ay Luigi Ranz Cordova. At, ang Luigi na nasa canteen ay si Luigi Franz Cordova! Naiintindihan mo ba ako? Tsaka, may dapat ka pang malaman tungkol sa sarili mo at kay kuya Gabriel. Ayessa, may..." naputol ang pagpapaliwanag ni Hillary kay Ayessa.

"Nandito lang pala kayo, kanina pa namin kayo hinihintay. Lumalamig na niyong pagkain na inorder namin." sabi ni Cedrick.

"Teka lang Cedrick may sasabihin pa sa akin si Hillary eh."

"Wala na akong sasabihin sayo Ayessa. Ang ganda ng mga lugar na sinabi ko sayo diba? Sa susunod pumunta ka ulit sa marinduque ha. Tara na!" Paglilihis ni Hillary sa usapan.

"Oh, Tara na Ayessa.  Alam ko nagugutom kana rin." sabay alalay ni Cedrick kay Ayessa at Hillary.

Dumating sila sa canteen, at sinimulan na nila kumain.

Hindi nagkibuan ang dalawang dalaga pagkarating sa pwesto nila.

Ang nasa isip lang ni Ayessa ngayon 'hindi pala si Luigi na nasa harapan ko ang alaga ko. Kung hindi siya, nasaan ang alaga ko. Nasaan si Luigi Ranz Cordova? Siya ba niyong nakita ko kanina? Siya ba?'

.
.
.
.

Nag-uwian na ang lahat, ang problema niya, kung saan niya makikita si Luigi Ranz Cordova. San niya ito mahahanap para matapos na niya ang misyon niya.

* * *

Hindi alam nina Ayessa at Hillary, na kaninang nag-uusap sila malapit sa restroom, may nakatingin sa kanila sa malayo o madaling sabihin tinitignan si Ayessa sa malayo.

'Malapit na...malapit na ako makahanap ng lugar...malapit na ako makipagkita at makipagkakilala sayo. Diyan na rin ako mag-aaral.'

Sabay alis ng lalaki sa puno kung saan siya nagtatago at nakita ni Ayessa. 

- end of chapter 10 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW. LET'S SPREAD ANGELS!
Thank you!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top