KABANATA PITO

Kabanata Pito:

AYESSA'S POV

Nakita ko si Hillary. Si Hillary niyon! Hindi ako pwedeng magkamali. N-nandito siya. P-paanong naging tao rin siya?

Flashback:

Palinga-linga ako baka kasi makita ko sila Cedrick at Luigi.

Pero iba ang nakita ko... nakita ko si Hillary.

Si Hillary...

"Hillary! Hillary!" tawag ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa pwesto niya.

May kasama siyang lalaki. Ito yata yung Raegan. Lalapitan ko na sana siya pero bigla dumating sila Cedrick at Luigi.

"Ayessa, san ka pupunta? Sino tinitignan mo?" Takang tanong ni Cedrick sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Palinga-linga pa rin ako baka makita ko ulit si Hillary.

Nawala kasi sila sa paningin ko ng dumating sila Cedrick. Pero hindi kona sila makita.

"Si Stef pala nasaan?" Tanong naman ni Luigi.

"Nag-restroom lang siya." Sagot ko sa kanila habang palinga-linga pa rin ako.

Bumalik na kami sa pwesto namin na hindi ko siya nakita.

Dumating na si Stef  lahat-lahat pero hindi ko pa rin ulit nakita si Hillary.

Alam kong si Hillary niyon. Alam kong nandito lang din siya sa school.

End of flashback.

"Ayessa, are you okay? You looked musing? Kanina ka pa ganyan! I'm not asking you earlier baka kasi ma-worry si Cedrick sayo," tanong ni Stef na nagpabalik sa akin ng ulirat.

Papunta na kami sa marketing building at sila Cedrick papunta na rin sa building nila.

"Ayos lang ako Stef. 'Wag mo akong intindihin. Ayos lang talaga ako." Sagot ko sa kanya na hindi tumitingin sa mga mata niya.

Hindi na sumagot si Stef hanggang nakarating kami sa classroom. May dalawang subject pa kami bago mag-uwian.

Dumating ang Prof namin sa Filipino.

Akala ko magtuturo lang din siya katulad ng mga prof namin na boring ang klase pag nagtuturo na sila pero  may tanong daw siya sa amin.

"Okay class. May tanong ako sa inyo. Naniniwala ba kayo sa reincarnation?" tanong ng prof namin.

Reincarnation? Tunay ba niyon? Kahit isa akong anghel hindi ko alam kung tunay ba niyan.

Nagtaas yung klassmate naming si Jon - ang President ng class.

"Para po sa akin, ang Reincarnation ay totoo po. Bakit? Ayon sa mga nabasa ko sa internet at mga libro, tunay ang Reincarnation. Ang Reincarnation ay pagnamatay ka at ilang years ay mabubuhay ka ulit pero ibang anyo na." Hindi pa tapos magsalita si Jon ng sumabat yung klassmate namin happy-go-luck na si Alvin.

"Do you mean, baka maging bad creatures ka? Like white lady. Awooooo!" Pang-aasar niya. Kaya iba namin klassmate ay nagsitawanan. Mais naman.

"Siguro. Pero baka ikaw lang makakuha ng ganoon pagnamatay kana." Sagot naman ni Jon.

"Abaaa!" tumayo si Alvin at balak ambahan si Jon pero inawat na sila ni Sir.

"Tumigil kayo! Ipagpatuloy mo Jon."

"Salamat, Sir. Ang ibig kong sabihin p'wede maging animal kayo katulad ng paru paro, pusa, aso, ibon at kahit ano pa. P'wede ring anghel. Pero kung hindi kayo naniniwala, magsearch kayo sa internet about Reincarnation." Pagkasabi ni Jon bigla na lang siya umupo.

May mga nagtaas pa ng kamay para magbigay ng hinuha tungkol sa tanong ni sir. May mga hindi naniwala pero halos naniniwala naman.

"Mayroon pa akong tanong, naniniwala rin ba kayo sa mga Anghel?" Tanong ulit ni sir sa amin.

Nagkatinginan kaming mga magkakaklase. Anghel ang topic. Bigla akong kinabahan.

"Ms. Ayessa? May gusto ka bang sabihin?" Tanong sa akin ni prof.

Tumayo ako at tumingin muna kay Stef na ngayon ay naka-ngiti at tumango sa akin.

"Ahm... Naniniwala po ako sa mga Anghel, Sir. Sabi po sa akin ng magulang ko, bawat po isang tao sa mundo ay may mga Anghel na nagbabantay sa kanila kahit mabait at masama ang isang tao. Tinatawag po natin silang Guardian Angel... pero po may mga Anghel din pong mga pilyo o pilya sa madaling salita tinatawag na Mischievous Guardian Angel..."

Huminto ako sa sasabihin ko ng tumikhim si prof sa akin.

"Anong ibig mong sabihin Ayessa na may Pilyang anghel din?" Tanong ni Sir.

"Ah...Eh... Sila po 'yung mga makukulit at pasaway na mga anghel na kailangan turuan ng aral kaya pinatapon dito sa lupa este pinagbantay ng mga makukulit na bata rin at saka po isa po kasi ako sa kanila, ang ibig ko pong sabihin sa mga nababasa ko po. Hehehe." Muntik na akong madulas.

Sabay-sabay tumawa ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Ipapahiya ko pa sarili ko.

"Okay, umupo kana Ayessa."

May tinawag pa ulit si Sir. Hanggang nagdedebatehan na sila tungkol sa Anghel.

Biglang nag bell hudyat na next subject na.

Sa next subject namin, ito ang masasabi ko B-O-R-I-N-G! Kanina pa kami humihikab at yung iba mukhang nakatulog na sa kani-kanilang mga desk. Kami ni Stef,  nakapalumbaba habang nakatingin sa kanya na kunwaring nakikinig.

Ang bagal naman mag-bell gusto ko na umalis dito. Nagdidiscuss lang si ma'am - medyo matanda na kasi siya saka yung boses niya na mala-lullaby kaya siguro nakaka-antok.

Ring!!! Ring!!! Ring!!!

Nag-bell na rin sa wakas!

Wala ng nagawa si ma'am ng marinig ang bell kahit hindi pa siya tapos magturo ay umalis na siya sa classroom.

Lahat kami ay nagsitayuan na. Mga nag-ayos ng gamit.

Sabay kami lumabas ng classroom ni Stef para puntahan na ang boys sa parking. Kanina pa sila roon. 30mins na sila naghihintay. Hehehe.

Naglalakad kami ni Stef ng makita ko ulit si Hillary.  Wala na akong inaksayang oras at tumakbo na ako papunta sa pwesto ni Hillary na may katabing lalaki. Hinabol din ako ni Stef.

Nang makarating ako sa pwesto nila. Lumaki ang dalawang mata ni Hillary. Hindi makapaniwala na nagkita kami.

Yinakap ko siya ng mahigpit na mahigpit 'yung tipong hindi ko na siya pakakawalan.

"Hillary... nandito ka nga!" Bakas sa boses ko ang pagkatuwa dahil nandito ang bestfriend ko. Si Hillary.

"Ayessa, ba't bigla-bigla kang tumakbo." Hingal na sabi ni Stef. Pero hindi ako sumagot.

"Kumusta kana Hillary? Bakit nandito ka?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Ayessa, sino siya?" tanong ulit ni Stef. 

"K-kaibigan ko Stef. Si Hillary."

Napatingin ako sa kasama ni Hillary. Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"Magkaibigan kayong dalawa? Akala ko wala kang kakilala dito?" tanong ng lalaki kay Hillary.

"Ah.. ano kasi Raegan, hindi ko kasi alam dito pala nag-aaral si Ayessa.  Diba Ayessa!" Pinalakihan niya ako ng mata.

Kaya tumango tango na lang ako.

"Ayessa, ayoko sana putulin ang kasiyahan mo pero Cedrick and Luigi texted me na. So, come on." Aangal pa sana ako pero nagsalita si Hillary.

"Bukas na lang tayo mag-usap Ayessa. Sige na hinahanap na kayo."

Kaya wala akong nagawa kundi sumunod kay stef.

"Sige, Hillary. Babye!" Kaway na sabi ko kay Hillary habang palayo sa kanila.

Tumingin ulit ako sa pwesto nila, nag-uusap na sila nung lalaki - si Raegan. Yung pinapabantayan sa kanya. 

Habang papunta na kami sa parking nagsalita si Stef.

"Saan mo siya nakilala Ayessa?"

"Ah... sa probinsya ko siya nakilala." Sana maniwala ka. Please.

"Ah okay! Tara na."

Nakita namin sila Cedrick na mukhang naiinip na sa sobrang tagal namin.

"Ang tagal niyo naman. Sa'n pa kayo dumaan?" Sabi ni Luigi sa kapatid niya.

"Nakita kasi ni Ayessa yung kaibigan niya. Sino nga ulit nyon Ayessa?" Sagot ni Stef kay Luigi.

"Ah! Si Hillary... nakilala ko siya sa probinsya namin." Sagot ko sa kanila.

"Ipapakilala ko kayo sa kanya bukas." Pagpapatuloy kong sabi.

Lumapit na ako kay Cedrick.  Pinabuksan niya ako ng pintuan. 

Bakas sa kanyang mukhang ang pagkakabahala.

"Ayos ka lang ba Cedrick?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako. Siguro napagod lang ako. Dami kasi namin ginawa kanina." Malumanay na sagot niya.

Hindi na ako umimik. Hanggang makarating kami sa bahay namin.

Bago ako lumabas may sinabi pa siya sa akin, "Sabay ulit tayo pumasok bukas. Sige na, goodnight."

"Goodnight."

Sabay harurot niya ng kotse...





Ipagpapatuloy...

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top