KABANATA LABING-LIMA

Kabanata 15:

THIRD PERSON'S POV

Nang makapagpahinga si Ayessa galing sa school. Pumunta siya sa basement para tignan kung ano nga ba ang kanyang itsura nung bata pa siya.


Hinanap niya ang mga album at nakita niya ito sa isang box na may 'Memories of Ayessa Mary and Gabriel'. Nakita niya ang tatlong album. Binuklat niya ang isa, puro mukha ni Gabriel ang nakalagay doon. Hinaplos ni Ayessa ang larawan ng kanyang kuya, kitang kita sa larawan ang kagwapuhan ng binata. Matangos na ilong, Makapal ang mga kilay, medyo bilugan ang mga mata at ang labi niya ay manipis.

Tinabi ni Ayessa ang album ng kanyang kuya, kumuha ulit ng isa, sa pagkakataon na ito, album naman nila ng kambal niya ang kanyang nakuha.

Unang bumungad sa kanya ang mga larawan nila noong nasa sinapupunan pa sila ng kaniyang ina. Habang binubuklat niya ito, nakikita na niya ang pagbabago hanggang makita niya ang kanilang larawan noong 1 year old sila. Kinuha niya ang kanyang larawan, nalaman niyang sa kanya nyon dahil may sulat ito sa likod baby Ayessa Mary. Bakas sa mukha ni Ayessa ang saya. Nakita din ni Ayessa ang larawan ng kanyang kakambal. Pinagkumpara niya ito at may nakita siyang pagkakaiba sa kanila.

Ang kanyang mata ay medyo singkit na bilugan, ang kanyang kilay na katamtaman sa kapal at ang kanyang labi na medyo manipis at maliit. Kumpara sa kanyang kakambal niya at ang kanyang kakambal may nunal sa bandang ilalim ng labi.

Binuklat niya ulit ang album, hindi namamalayan ni Ayessa umiiyak na pala siya. Sa kanyang pagbuklat ulit, nakita niya ang larawan ng isang batang babae at batang lalaki na naglalaro sa isang parke. Tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

Agad niya itong kinuha at bumaba para tignan kung tama nga ang kanyang hula.

AYESSA'S POV

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Gusto kong malaman kung tama ang hula ko.

Nang makarating sa harap ng kwarto, napahawak ako sa bandang puso ko ito na naman siya bumibilis na naman.

Hinanap ko agad ang larawan na nakuha ko sa kwarto ni Ranz. Pinagkumpara ako ang dalawa, parehong pareho ang pagkakakuha. Tinalikod ko ang dalawang larawan, nagulat ako sa nakasulat. Ngayon, alam ko na! Alam ko na kung sino ako sa kanya!

* * * * *

"Ayessa, Anak! Bumaba kana diyan! May niluto akong meryenda." sigaw ni mama sa akin.

Nasa kwarto ako ngayon at nag-aayos ng gamit para bukas. Wiiiih! Excited na ako sa field trip namin!! Sa laguna kami pupunta, ewan ko ba saan sa laguna. Basta excited na ako!

Sumilip ako sa pintuan ng kwarto ko "Ma, susunod po ako! Nag-aayos pa po ako ng gamit ko para bukas po! After ko po dito, bababa na po ako!"

"Okay! Basta nyong mga sinabi kong dadalhin mo 'wag mong kakalimutan!" sagot ni mama sa akin.

Pumasok ulit ako para mag-ayos ulit. 3 days and 2 nights kami doon. Ano kayang gagawin namin. First time ko ulit 'to!!

Tinabi ko sa gilid ng kama ang bag pack ko. Para madali ko makuha.

Pagkababa ko, nakita ko si Mama na may inaasikaso sa kusina. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang ginagawa niya.

"Oh nandito kana pala anak! Inaayos ko na 'tong mga dadalhin mong pagkain bukas. Baka kasi dalhin mo na naman ay puro junkfoods." masamang lumingon si Mama sa akin. Gulp!

"Kumain kana lang diyan, baka lumamig na niyan! Nilagay mo ba sa bago mo niyong mga sinabi ko sayo?"

"Opo mama." sabi ko sa kanya habang kumakain.

"Sure Ayessa? Titignan ko niyong gamit mo baka may nakalimutan ka pa. Niyong papa mo pa naman kung mag-alala sayo wagas. Muntik ka pa ngang hindi pinayagan, n'yong papa mo talaga overprotective sayo!" sermon sa akin ni mama habang inaayos ang paglalagay ng mga pagkain ko. Mukhang halos lahat ng pagkain namin dito nasa bag ko na.

"Ayos na ba ang mga dadalhin mo bukas,iha?" sabi ni daddy sa akin.

Sumilip si daddy sa kwarto ko para magtanong din. Parehas talaga sila ni mama.

"Opo daddy. Lahat po ng kailangan ko na lagay ko na po sa bag pack ko." sabi ko kay daddy.

"Baka naman mataranta ka bukas ha. Naku anak ha!" Lumapit si Daddy sa bag pack ko at binuksan ito.

"Ano daddy? Lahat dala ko po diba? Hehehe"

Lumapit si Daddy sa akin at ginulo ang buhok ko. Urgh! "Ibaba ko na 'tong gamit mo ha! Para hindi kana magbitbit bukas. N'yong mga hygienes mo ba nasa iisang lalagyan lang ba?"

"Opo daddy. Nasa isang bag na maliit po pati po nyong toothbrush, toothpaste, sabon at shampoo ko po, pati nyong mga needs ko pa rin po."

"Okay! Matulog kana, maaga ka pa bukas. Good night sa Bunso namin." hinalikan ako ni Daddy sa noo ko at lumabas bitbit ang aking bag.

* * * * *

"AYESSA! BUMABA KANA DIYAN! NANDITO NA SILA STEF, SINUSUNDO KANA!" Sigaw ni mama sa akin.

Halos mataranta ako, hindi pa ako nag-aayos. "Opo mama! Ito na po! Bababa na ako!"

Nagmamadali akong nagsapatos, para akong tanga kasi hindi ko maayos ang sintas ko dahil sa taranta.

"Ikaw talagang bata ka! Sabi ko sayo maaga kang matulog, ayan hindi ka na makakakain. Ito breakfast mo! Sa bus mo na niyan kainin!" sabi ni mama sa akin sabay bigay ng baunan ko.

"Ayessa, sige na lumabas kana, kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo. N'yong paalala ko sa'yo, mag-iingat ka doon. Okay?" paalala ni daddy sa akin.

Tumango lang ako kay Daddy at niyakap siya ganun din si mommy.

Pagkalabas ko nakita ko sina Stef, ang kambal at si Cedrick naghihintay na sa akin.

"Bestfriend, nandito na ang mga gait mo! Tara na! Baka maiwan tayo!" Masayang sabi ni Stef.

Pumasok na ako sa kotse at tumabi kay stef. Ang pwesto ay ganito; nasa passenger seat si Ranz at nasa unang loob kami ng kotse ni Stef at nasa dulo sina Franz at Cedrick

"Ayessa, excited na ako! Ano kaya gagawin natin doon. Kyaaah!" Yugyog ni Stef sa akin.

Hindi nga halata sa kanya na excited siya eh! Hindi talaga!

"Stefanie, 'wag ka ngang malikot! Alam mong kumakain si Ayessa eh. Kinakausap mo pa, paano kung mabulunan niyan?" sabi ni Ranz sa gawing kanan namin. Kahilera lang namin siya.

"Eeehhh! Kuya naman eh! Excited lang naman ako!" sabi niya sa kuya niya at tumingin sa akin "Bilisan mo na kumain para makapag-usap tayo hihihi. Basta magkasama tayo sa tent ha!" dugtong niya.

Dahil nga kumakain ako, tumango na lang ako.

"Sayang, wala sina Hillary at Raegan! Masaya lalo kung kasama natin sila."

Habang bumabyahe kami, tuloy pa rin sa pagdaldal si Stef, mukhang maraming energy ang binaon niya para rito. Pero, mukhang para rin siyang selpon, nalolowbat din.

Kaninang madaldal at maraming energy, ngayon tulog at humihilik pa na nakasandal sa balikat ko. Si Stef talaga oh!

Hindi ko namalayan...nakatulog na rin pala ko.

"Ayessa! Ayessa! Ayessa! Gising! Uy! Ayessa!" May naririnig akong boses. Boses na paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ko na may kasamang tapik sa pisngi.

"Ayessa, gumising kana! Nandito na tayo! Ayessa!"

"Uhmmmm!" Ungol na sabi ko. Inaantok pa ako pero n'yong tumatapik sa akin parang walang konsensya na gisingin ako.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Mapupungay na mga mata ang sinalubong ko sa kanya...

Para akong nahimasmasan ng makita kong si Ranz pala ang tumatapik sa akin. Ang lapit ng kanyang mukha.

"Sa wakas! Nagising ka na rin! Tayo ng lang ang naiwan dito, halos lahat sila nasa tent na." Panimula niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, "S-si Stef nasaan?"

"Pinauna kona sa tent nyo, kanina kapa niya kasi ginigising eh!" Hindi ko na lang siya pinansin at luminga-linga sa upuan ko para hanapin ang bag ko.

"Nandoon na sa tent nyo nyong bag mo. Hinatid ko na doon." naging balisa ang reaksyon ko "Pero 'wag kang mag-aalala nandito pa si Stef kanina." Mukhang nahalata niya ang reaksyon ko.

Sabay kami bumaba ng bus at hinatid niya ako papunta sa tent namin ni Stef. Mukhang camping ang tema ng field trip namin.

.
.
.
.

- to be continue -
- part 2 -

A/N:
May part 2 po 'to. Pinaghiwalay ko po!

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW

Thank you!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top