KABANATA LABING-APAT

Kabanata 14.

AYESSA'S POV


Nagulat ako ng umalis si Cedrick.
Ang kanyang boses tila malamig. Nagseselos ba siya kay Ranz?! Pero hindi naman ako si Ayessa na kasintahan niya...Ayessa Marie.

Napasapok na lang ako ng noo ko ng maalala na nasa katawan pala ako ng kakambal ko.

Sinundan ko agad si Cedrick, hindi na nga ako nakapagpaalam kay Ranz eh. Alam ko naman maiintindihan niya niyon, ayoko namang maghiwalay ang kakambal ko at si Cedrick kapag nakabalik na sa dati. Ayoko ng ganoon! Kahit napakapilya ko, marunong naman akong  masaktan lalo na kapag kapamilya ko pa.

Buti na lang hindi pa siya nakakalayo, "Cedrick, hintay!!" tumatakbo akong habol sa kanya.

Napalingon naman siya at huminto, "Hintay naman! Nakakapagod kaya tumakbo! Buti na lang nahabol pa kita." hinihingal na sabi ko ng makarating ako sa pwesto niya.

"Bakit ka sumunod? Iniwan mo si Ranz doon!" sabi niya agad sa akin pagkarating ko sa kanya.

Napatanga ako sa sinabi niya. Galit ba s-siya sa akin?

"G-galit ka ba sa'kin?"

"H-hindi ako galit sayo,Ayessa. Diba tinawag mo si Ranz?"

"P-pero, umalis ka kasi eh. Kaya sinundan kita. Saka, ikaw naman niyong kasama ko kanina." sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, "Tara na nga! Hahatid na lang kita sa room niyo. Maaga pa naman kaya hindi ako Mala-late sa klase namin." sabi niya.

Naglalakad na kami papunta sa marketing building habang naka-akbay pa rin siya, naiilang ako sa pwesto namin...hindi naman malayo ang business building nila Cedrick nasa right side lang naman 'to ng building namin.

"Sige na Cedrick! Dito na lang ako, ayun na naman niyong room namin oh! Baka malate ka pa eh!" sabi ko sa kanya.

Nasa floor na naman kami kung nasaan ang room namin. Aangal pa sana si Cedrick pero wala itong nagawa dahil pinagtutulakan ko na siya at tumakbo papunta sa classroom namin.

Nilingon ko si Cedrick at nakita kong paalis na rin siya. Pagkapasok, nakita ko si Stef na nasa pwesto na namin.

"Magandang umaga Stef!" masiglang bati ko sa kanya.

Naalala ko na isa si Stef sa mga naging kaibigan ng kakambal ko.

Hindi ako pinansin ni Stef at nakatingin lamang ito sa pintuan ng classroom. Winagayway ko ang aking mga kamay sa harap niya "Uy! Anong problema mo?"

Magsasalita na sana si Stef, nang may biglang pumasok...Si Luigi Ranz!

Lumakad ng diretso si Ranz papunta sa amin. "Hi classmates! Hi Stef at Ayessa!" Bati niya sa amin.

Wait, diba? May ahead siya sa amin ng isang taon?

Napatingin ako kay stef, "Ayan sana niyong sasabihin ko sayo,bestfriend. Classmate natin si kuya Ranz."

"P-paanong nangyari?" tanong ko sa kanya. Pero sa isip-isip ko, nagtatalon talon na ako sa saya. Hindi ako mahihirapan bantayan siya.

"I don't know! Basta alam ko lang, hindi raw magkatulad ang academic natin sa last school ni kuya. Kaya hindi counted niyon."

Umalingawngaw ang tunog ng bell. Hudyat na magsisimula na ang first period.

Dumating si Prof Dela Vega - our teacher in Math103.

Pinakilala niya sa amin si Luigi Ranz as our new classmate.

Lahat ng mga classmates naming babae ay mga tumitili!

"Ang gwapo niya!"

"Siya niyong kakambal ni Luigi sa business diba?"

"Gosh! Pappy!"

Ilan lang niyan sa mga compliments na sinasabi ng mga classmates namin. Gwapo naman talaga si Ranz - I mean parehas na gwapo ang magkambal na ito.

Nagsisimula ang klase na napakatahimik. Hindi ako sanay na tahimik ang klase namin.

"This integers will be..." naputol ang pagpapaliwanag ng prof namin ng may kumatok sa pintuan.

Lumapit si prof dela Vega para tignan kung sino 'to. Naglakad din siya pabalik na mukhang may sasabihin sa amin.

"Listen! The President of the Marketing have announcement. So,please listen!" Pagkasabi ni prof. sa amin. May lalaki namang lumapit sa harapan. "Ehem! I'm Geo - the President of Marketing course. I have a important announcement for you guys! We will have a field trip, kasama natin ang Business & management course. This will happen on friday! May ibibigay kami sa inyo, Isang waver..." Naglakad si Geo at isa-isa kaming inabutan ng waver. "Kailangan nito 'tong ipakita sa mga parents para malaman namin na nagpaalam talaga kayo. The waver will be collecting on Thursday. Thank you!" Pagkasabi niya, lumapit siya kay Sir. Dela Vega at umalis na rin.

Nagsi-ingayan ulit ang mga classmates namin para tuloy kaming nasa palengke.

"Quiet!! Itabi niyo na niyan, baka mawala niyo pa. Let's proceed to our lesson."

Wala kaming nagawa kung hindi nakinig ulit kay sir.

* * * *

"Ayessa! Sumama tayo ha! Wiiiih! Excited na ako!" masayang sabi ni Stef habang papunta kami sa cafeteria.

Tapos na ang tatlong subject, dalawa na lang after nitong breaktime.

"Ay! Hindi natin kasama sila Hillary at Raegan, sayang!" dugtong niya.

"Kaya nga eh! Sayang!" segunda ko sa kanya.

Nagulat kami ni Stef ng tumigil si Ranz sa paglalakad. Magtatanong pa sana kami ng tumakbo si Ranz sa gawing kaliwa ng building.

Magpapatuloy na sana kami ng paglalakad ng maalala ko na kailangan ko pa siyang bantayan.

Tumakbo ako sa direksyon kung saan siya tumakbo, naririnig ko pang tinatawag ako ni Stef pero hindi ko siya pinansin. Ang nasa isip ko si Ranz baka may gawing kalokohan niyon at lalo pa ako tumagal dito.

Tumigil ako sa pagtakbo ng makita ko siyang pumasok sa may cr...ng boys? Ibigsabihin, nasi-cr lang siya. Gosh! Nakakahiya!

Tatakbo na sana ako pabalik sa cafeteria ng may humila sa kamay ko.

"Bakit mo ako sinundan Ayessa?" napahinto sa pagtibok ang puso ko. Kilala ko kung kanino niyong boses na n'yon.

Unti-unti ako lumingon, Tama nga ang hula ko. Si Ranz nasa harapan ko na.

"AH-EH! MAGSI-CR DIN SANA AKO! HEHEHEHE!" Sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay ko at tumakbo.

Gosh! Nakakahiya! Lupa este langit kunin mo na ulit ako!!

Nang makarating ako sa cafeteria, umupo agad ako sa tabi ni Hillary at Stef na parang walang nangyari.

"San ka pumunta bigla ka nalang tumakbo?" pag-uusisa ni Stef sa akin.

"N-naiihi na kasi ako Hehehe. Kaya hindi ko na magawa makapag-paalam." Maniwala ka naman oh!

Napatingin ako kay Hillary, mukhang alam niyang nagsisinungaling ako. Yari!

"Ah okay! Ayan na pala sila Kuya oh!" turo ni Stef kina Cedrick at sa kambal na sina Luigi.

.
.
.
.

"Ang dayaaaaa!!! Bakit kami walang field trip!!" reklamo ni Hillary sa amin. Napagkwentuhan kasi namin ang tungkol sa field trip na mangyayari sa Friday.  Kaya si bruha nagrereklamo hahaha.

"Ewan namin bakit wala kayo." kibit balikat ni Stef sa kanya.

"Raegan, bakit walang ganon sa atin? Ang daya naman ng kurso natin!" pagrereklamo pa rin niyang sabi kay Raegan.

Imbis na sumagot si Raegan, nagkibit-balikat nalang din siya.

"Magrereklamo ako sa president ng college natin. Ang dayaaa!!"

Panay ang paghihimutok ni Hillary sa amin. Hindi na lang namin siya pinapansin, imbis pinagtatawanan namin siya. Ngayon ko lang nakitang naghihimutok ng ganito si Hillary.

* * * *

Lumipas ang ilang araw, lagi kong sinusundan si Ranz, saan man siya magpunta nandoon ako ng palihim.

Marami akong nalaman sa kanya, hindi naman pala siyang kasing sama ng ibang tao.

Flashback:

Isang araw. Mainit na tanghali ang sumalubong sa akin ng makita ko si Ranz sa parke, sinundan ko si Ranz. Hindi ko alam kung saan siya papunta, wala akong ideya.

Sinusundan ko lang siya kung saan man siya papunta. Huminto siya sa tapat ng isang 'condominium' base sa pagkakabasa ko sa pangalan ng building.

Hindi ko alam pero sinundan ko pa rin siya. Tinignan ko ang ginamit niyang papunta sa pupuntahan niya. Para itong malaking kahon na tapos umaakyat ito.

Tinahak ko ang hagdanan, sa 7th floor ang pinindot niya. Umakyat ako ng napakabilis hindi alintana ang hingal at sakit ng binti

Nang makarating ako sa 7th floor, nakita ko si Ranz na papasok sa isang pintuan buti na lang naabutan ko pa siya. Nagmumukha na akong stalker nito.

Naghintay ako ng matagal dito sa 7th floor, hindi kasi ako makakapasok sa pintuan na pinasukan niya sarado kasi. Ilang segundo ang lumipas, lumabas na siya. Dali-dali akong nagtago para hindi niya makita.

Nakita ko siyang lumabas na hawak ang telepono (selpon) niya, "Yes mommy! I'm on the way! What about Ayessa,mom? I love her! Urgh! Okay! Okay!" at sumakay ulit siya sa malaking box  (elevator).

Anong mayroon sa akin? Mahal niya ako o ang kakambal ko? Bakit ganito ang puso ko bumibilis ang pagtibok.

* * * *

Miyerkules. Inimbitahan kami ng pamilyang Cordova para sa munting salo-salo nila para sa kaarawan ng padre de pamilya nila.

Simple lang ang sinuot kong isang puting bestida na hanggang tuhod ko.

Nagustuhan ko ang ayos ko, mukha talaga akong anghel...pilyang anghel.

Nang makarating sa bahay ng Pamilyang Cordova, nakita ko agad si Stef - lumulutang ang kanyang ganda sa suot niyang pulang bestida. Maski ang kambal ay gwapo ngayong gabi.

Nagkukwentuhan ang lahat ng mga bisita, nandito rin ang pamilya nila Cedrick. Masaya ang gabi para sa kanila, pero kami ni Stef ay nakaupo lang.

Niyaya niya ako umakyat sa kwarto niya para doon magpalipas oras.

Nang maka-akyat, na kita namin ang nakabukas na pintuan sa kanan bahagi. "Si kuya Ranz talaga, hindi sinasarado mabuti ang kwarto niya." sinarado niya ang pinto.

Kwarto ni Ranz. Napahawak ako sa bandang puso ko, bakit bumibilis na naman ang tibok nito.

Humiga kami sa kama ni Stef ng makarating kami sa kwarto niya. Ang lambot, ang sarap matulog.

Lumabas si Stef, hinahanap kasi siya ng kanyang ina. Bumaba na rin ako, baka kasi umuwi na rin kami dahil may pasok pa bukas.

Nang madaanan ko ang kwarto ni Ranz, may nag-uudyok sa akin na buksan ang pinto, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, bumungad sa akin ang itim at puti na pintura sa kwarto niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa malaki at malinis na kwarto parang hindi lalaki ang natutulog dito.

Hindi ko sinasadya na masanggi ang isang box na nakalagay sa study table niya. Bumungad sa akin ang mga litrato ko o litrato ng kakambal ko? Ang daming litrato ang nasa box, may isang litrato na na-agaw pansin ko, kinuha ko ito at tinignan ng malapitan. Isang larawan ng batang lalaki at batang babae na masayang-masaya na naglalaro sa isang parke.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko na parang gusto na niyang lumabas. Sa pagmamadaling makalabas ng kwarto at baka may makakita sa akin, kinuha ko ang litratong niyon at binalik sa dating pwesto ang box.

Bumaba ako na parang walang nangyari. At, ang sunod ko na lang namalayan ay nakauwi na ako sa bahay namin, tinignan ang larawang kinuha ko sa box ni Ranz at tinignan ang larawang na nasa study table ko - larawan ng kakambal ko, parang may mali hindi kamukha ng kakambal ko ang larawang kasama ni Ranz. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng malaman ko n'yon.

End of flashback.

Huwebes. Maaga kaming pinauwi dahil nga sa field trip namin kinabukasan. Absent si Stef dahil nag-aasikaso na siya para bukas.

Naglalakad ako ngayon papuntang gate,nang makita ko si Ranz na naglalakad papuntang parking.

Binagalan ko ang paglalakad pero pag minamalas nga naman oh! Nakita ako ni Ranz kaya lumapit siya sa akin.

"Sabay kana sa akin Ayessa! Mamaya pa uuwi sila kambal at si Cedrick. Tara!" yaya niya sa akin.

Tatanggi sana ako, 'tong utak ko hindi nakisama "Sige ba!" Halaaaa ka! Dumikit ang mga balat namin pero 'tong puso ko mukhang nagdedeliryo na naman. Ang bilis.

Mabilis niyang hinarurot ng andar ang kanyang kotse. Jusko! Mukhang kaskasero pa. Unti-unting bumagal ang pagmamaneho niya at mukhang nakaramdam siya.

Wala pang ilang minuto nasa bahay na kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Isasara kona sana ang gate ng marinig ko ang sinabi niya...at hindi ko lang alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o guni-guni ko lamang.

Walang hiyang puso 'to, tumibok na naman ng mabilis.

* * * *

- end of chapter 14 -

A/N:
Ito na niyong pinakamahabang na-update ko. First time 'to hahahaha😂
SANA MAY NAGBABASA PA NITO!

VOTE. COMMENT. SHARE.

Thank you!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top