KABANATA LABING-ANIM

Kabanata 16:

THIRD PERSON'S POV:

Hinang-hina pa si Ayessa ng dumating sa bahay. Parang binugbog ng mga tambay ang kanyang katawan.

Gusto man niya maligo at iligpit ang mga gamit niya, pero ang kanyang katawan ay ayaw sumunod sa kanya.

Nahiga siya sa malambot niyang kama at tinalukbong ang kanyang sarili ng kumot. At, hindi niya namalayan nilamon na pala siya ng kadiliman...

Nagising si Ayessa sa isang lugar na napaka-pamilyar sa kanya...isang lugar na ilang taon siyang namalagi...ang Hardin ng mga Anghel.

'Bakit ako nandito? Tapos na ba ang misyon ko?' tanong ni Ayessa sa kanyang sarili. Naglakad ang dalaga sa hardin ng mga anghel. Nakita niyang ganoon pa rin ang ayos ng lugar kung ano ang kaniyang naiwan.

Umupo siya sa paboritong lugar nila ni Hillary. Malaya niyang nakita ang kabuuan ng hardin. Habang namamahinga sa upuan na natatakpan ng malaking puno ng mansanas, may umupo sa tabi niya.

Napalingon ang dalagang anghel, sa paglingon niya nakita niya ang dalawang tao na gustong gusto niyang makita...ang kanyang mga kapatid.

Hindi alam ng dalaga kung anong gagawin niya,pero kusang umangat ang mga kamay niya para yakapin ang mga ito.

"K-kuya! K-kambal!" Sabi ng dalaga habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata.

"K-kuya, t-tapos na ba ako sa misyon ko? B-bakit n-nandito na ako ulit sa hardin ng mga Anghel?" tanong ng dalaga sa nakakatandang kapatid nila.

"Ayessa, hindi pa tapos ang misyon mo. Marami ka pang hindi nalalaman. Nandito ka dahil may gusto kaming sabihin sayo ni Marie - ang kakambal mo..." dumako ang paningin ng binata sa dalagang kahawig ni Ayessa - ang kakambal niyang si Marie.

"Kakambal, may sasabihin ako sayo, dapat mong malaman na kayo ni Ranz..." Hindi na tuloy ng dalaga ang kanyang sasabihin, "K-kami ni Ranz? Ano?"pagtatakang tanong ng dalaga sa kakambal.

"Patapusin mo muna siya Ayessa bago mag-conclude dyan." sabi ni Gabriel - nakatatandang kapatid nina Ayessa.

"Okay...Hehehe!" natatawang sabi niya.

"Naalala mo ba nyong nakuha mong picture sa kwarto ni Ranz? At, ang nakuha mong larawan sa basement? Picture ng dalawang bata na naglalaro sa parke? Kayo ni Ranz n'yon Ayessa. Nangako kayo sa isa't isa noon na paglumaki na kayo...magiging kayong dalawa..." dahil sa sinabi ni Marie sa kanyang kakambal, gulat ang unang makikita kay Ayessa.

"H-hindi ko maalala niyon. Bakit hindi ko maalala ang tungkol doon?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko alam, bakit hindi mo maalala pero ako naaalala ko ang lahat-lahat. Ang saya mo pa nga nung nagkukwento ka tungkol kay Ranz, excited ka na lumaki pero nagbago lahat nun ng umalis si Ranz sa bansa at nung araw rin nun,nasagasaan kayo ni kuya..." Hindi na nakapagsalita si Marie, ang narinig na lamang sa kanya ay mga malalakas na hikbi...

Bumuhos na rin sa mga mata ni Ayessa at ni Gabriel ang panibugho sa kanilang mga mata.

"Sinabi sa kanya na patay kana pero hindi siya naniwala dahil nakikita niya ako...akala niya ako ikaw. Kaya nagalit siya kay Cedrick. Ayessa, sabihin mo kay Ranz ang lahat-lahat..."

"Ayessa, ayan ang tunay na misyon mo. Ang sabihin lahat kay Ranz. Ang ipaintindi na wala kana..." sabi ni Gabriel.

"I-ibigsabihin h-hindi tunay na masama ang ugali ni Ranz. Kaya pala...kaya pala..." Umiiyak na sabi niya.

"May dapat ka pang malaman Ayessa... kayo ni Ranz, hindi kayo nara--"Hindi natuloy ni Gabriel ang kanyang sasabihin dahil may narinig silang boses...

"Anak...Ayessa,anak! Gumising kana oh! Ayessa!" Isang tapik sa pisngi ang nagpabalik sa kanya.

Dahan-dahan binuksan ni Ayessa ang kanyang mga mata, "Anak, umiyak ka ba? Bakit namumula ang mga mata mo?" tanong sa kanya ng ginang.

Bumaba si Ayessa sa kama at pumunta sa salamin para tignan ang sinasabi ng kanyang ina. Nakita nga niya ang kanyang sariling mga mata na namumula at bakas pa sa mata niya na galing siya sa iyak.

Yumuko na lang siya "Wala 'to ma! Siguro sa pagtulog ko lang 'to. Sige na ma, mag-aayos pa ako. May pasok pa po ako bukas. I love you, ma." Sabi ng dalaga sabay halik sa pisngi ng ina.

Nagtataka man ang mukha ng ginang ay binalewala niya ito "Sige anak, Bumaba ka nalang pagtapos kana. Kakain na tayo. Okay? Dadating na ang daddy mo." Sabi ng ginang at lumabas na.

* * * * *


Naglalakad si Ayessa sa quadrangle ng St.Angelica School. Hindi niya paano sasabihin kay Ranz ang lahat ng nalaman niya. Ito na naman siya, may mapapaiyak na naman siyang tao.

Imbis na maglakad papuntang marketing building, pumunta siya sa garden. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin. Gusto niya muna alisin ang lahat ng problema...pero mukhang hindi umaayon ang tadhana sa kanya.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ng katabi niya.

Sa boses palang ng nagtanong, kilala na niya kung sino ito. Lumingon siya sa gilid ng puno, nakita niya roon si Ranz na nakahiga sa ilalim ng puno kung nasaan siya naka-upo.

Umayos ng upo si Ranz at tinanong ulit ang dalaga "Ano ginagawa mo dito?"

Imbis na sumagot ang dalaga, tinitigan na lamang niya ang binata.

Nagtaka si Ranz dahil hinawakan ni Ayessa ang kanyang magkabilang pisngi. Hindi man niya aminin, parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.

Nagulat na lang ang binata na umiiyak na pala si Ayessa. "Ayessa, bakit ka umiiyak? May nangyari ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Ranz.

Umiling lang ang dalaga sa kanya "W-wala 'to! Natutuwa lang ako dahil nakita ulit kita Hehehe." tanggi ng dalaga.

"Are you sure? Alam kong may problema ka. P'wede mong sabihin sa akin ang lahat,Ayessa. Maaasahan mo ko diyan." sabi ng binata.

"Huwag kang mamagulat ha..." tumango ang binata sa sinabi ni Ayessa. Huminga muna ng malalim ang dalaga "R-ranz, M-may gusto ako s-sayo." sa pagsabi ng dalaga, gulat naman ang namayani kay Ranz.

Bumukas-Sara ang bibig niya, parang may gustong sabihin.

"M-may sasabihin pa ako sayo... Ranz, p-patay na si Ayessa..."

Sa pagsabi ng dalaga ng pahayag na iyon, "Ano pinagsasabi mo Ayessa? P-patay ka na? Eh, ano 'to? Sino 'tong kaharap ko? P*tcha naman Ayessa oh! Kung ayaw mo na sa akin, Okay! Huwag mo lang sabihin patay kana!" galit na pahayag ni Ranz.

Umiiyak na lang si Ayessa sa tabi, "Nagsasabi ako ng totoo... Ranz, ang tunay kong pangalan ay Ayessa Mary Carlos. May kakambal ako na si Ayessa Marie Carlos. P-patay na ako Ranz. 2 years ago..."

"Bullsh*t! Huwag mo nga ako pinagloloko Ayessa. Pare-parehas lang kayong sinasabi. Pusanggala naman oh!" sa puntong ito namumula na si Ranz sa galit.

"Totoo 'to Ranz. Maniwala ka sa akin! D-diba may pinangako tayo nung mga bata pa tayo, na paglaki natin magiging tayong dalawa pero hindi ko na matutupad 'yon, p-patay na ako." May kinuha ang dalaga sa bag niya, isang picture...picture nila nung bata sila.

"S-san mo 'to kinuha? Ako at si Ayessa lang meron nito. Noong tinanong kita, hindi mo alam tungkol dito. P-paano?" nagtatakang tanong ni Ranz.

"Dahil ako ang Ayessa mo. Ako n'yong kalaro mo sa parke. Ako n'yong kababata mo. Ako n'yong pinangakuan mo pero hindi ko na matutupad..." Umiiyak na sabi ni Ayessa.

"H-hindi... hindi totoo na patay kana. Ano 'to?" niyakap ng binata ang dalaga "Bakit nayayakap kita? Hindi totoong patay ka na. Hindi Ayessa! Hindi!" todo iling ni Ranz sa dalaga.

"D-dahil...hiniram ko lang ang katawan ng kakambal ko... katawan ng kakambal ko 'to! Pinahiram ng kakambal ko ang katawan niya para sabihin ang lahat ng ito..." Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Ayessa.

"Sabihin mong nagsisinungaling ka lang Ayessa. Please, Ayessa!" niyakap ng mahigpit ni Ranz si Ayessa, tipong ayaw na niya ito pakawalan. "Ayessa, mahal kita. Mahal na mahal kita. Please 'wag kana umalis..." Pagsusumamo ng binata.

"Ranz, mahal na mahal din kita. Pero, hindi maaari...katawan ng kakambal ko 'to." lalong napaiyak ang dalaga.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, nakikita na sila ni Cedrick na galit na galit ngayon sa kinatatayuan niya.

CEDRICK'S POV:


Bullsh*t! Ano 'tong nakikita ko!! Umalis ako sa garden at dumiretso sa business course.

Pumasok ako sa classroom namin na nakakuyom ang mga palad ko.

Wala akong naintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga propesor namin.

Dahil nasa utak ko lang ngayon ay galit at poot kina Ranz at Ayessa.

Ring!! Ring!! Ring!!

Tumayo na ako ng marinig ko ang pag-ring ng bell.

"Bro, saan ka pupunta?" tinatawag ako ni Franz pero hindi ko siya pinansin. Baka pagnakita ko lang siya, sa kanya ko lang maibuhos ang galit ko sa kakambal niya.

Dumiretso ako sa marketing building. Paliko pa lang ako sa corridor ng 3rd floor, nakita ko na agad sina Ayessa at Stef, nasa likod nila sina Stella at Ranz. Bumalik ulit ang galit sa puso ko.

Hinila ko agad si Ayessa at kinaladkad pababa ng hagdan. "Cedrick, ano ba! Dahan-dahan naman! Nahahatak mo na ako!" Nagpupumiglas ni Ayessa sa pagkakahawak ko sa kanya.

Hindi ko siya pinansin at hinatak ko na lang ulit siya.

Nasa quadrangle na kami ng marinig ko ang boses ni Stef "Cedrick, nasasaktan si Ayessa sa ginagawa mo! Bitawan mo siya!" hinahatak ni Stef ang kamay ni Ayessa sa akin.

Walang antubili kong tinulak si Stef kaya napaupo siya sa sahig. Hindi ko pinansin at hinatak ulit si Ayessa.

"Bakit mo tinulak si Stef! Ano ba Cedrick, Bitawan mo ko! Ano ba!" pilit pa rin siya sa pagpiglas.

Nakarating kami sa parking, at pinasok siya sa kotse ko. Umikot ako sa Driver seat at papasok na sana ng may humila at sumuntok sa akin para mapaupo ako sa sahig.

Nakita ko si Ranz na galit-galit sa akin para siyang mananakmal dahil sa itsura niya. Gumanti rin ako ng suntok sa kanya, napahiga siya at doon ko siya nasuntok ng paulit-ulit.

Nang makita kong hindi na siya makagalaw, pumasok na ako sa kotse ko. Nakita kong tumatakbo sina Franz, Raegan, Stef, Hillary at Stella.

Inistart ko agad ang kotse ng makita kong nakatayo na si Ranz.

"ANO BANG NANGYAYARI SAYO CEDRICK!" sabi ni Ayessa sa akin. Nakikita kong galit na siya sa akin pero mas galit ako sa kanya.

"TINATANONG MO AKO KUNG ANONG NANGYAYARI SA AKIN? BAKIT HINDI MO TANUNGIN SA SARILI MO HA AYESSA? T*NGINA NAMAN AYESSA!! MAHAL KITA EH. BINUHOS KO ANG PAGMAMAHAL KO SAYO TAPOS SUSUKLIAN MO LANG AKO NG GANITO HA?" Galit na galit na sabi ko sa kanya.

Tinignan ko siya saglit at tinuon ulit ang tingin sa kalsada. Baka sa mukha niya ang pagkakalito.

"A-ano sinasabi mo?" sa haba ng sinabi ko, nyan lang sasabihin niya.

"Huwag mo kong gawing tanga Ayessa. Nakita ko kayo ni Ranz kanina sa garden. Narinig ko rin n'yong sinabi mo sa kanya. Langya naman oh!" napasuntok na lang ako sa manibela dahil sa sobrang galit.

Hindi siya makapagsalita dahil tama ako. Langya naman!

"M-mali ka ng hinala Cedrick! H-hindi ako ang girlfriend mo. Hindi ako si Ayessa Marie. Ako si Ayessa Mary, Cedrick!" pagpapaliwanag niya sa akin.

"Ta*ena naman! Huwag mo ko lokohin! 'Wag ako!" mahigpit na ang pagkakahawak ko sa manibela.

"Makinig ka sa akin please lang Cedrick. Sasabihin ko sayo lahat, lahat-lahat. Please, makinig ka lang sa akin." Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero tumango ako sa kanya
"Urgh! What the f*ck!" Pagkatapos niyang sabihin ang dapat na malaman ko, ito ako ngayon inuumpog ang ulo ko sa headrest ng kotse.

"Cedrick, Tama na niyan! Hindi gusto ng kakambal ko ang makitang sinasaktan mo ang sarili mo. Please, Tama na niyan!" nagmamakaawang sabi ni Ayessa Mary sa akin.

"Langya naman! Anong mukha ang ihaharap ko sa kaibigan natin! Nauna ang galit ko, bago ako makinig sa inyo! Urgh!" Sumisigaw na sabi ko.

Imbis na magsalita si Ayessa, isang tili na lamang ang narinig ko sa kanya.

"CEDRICK! MAY KOTSENG PAPARATING SA ATIN!!!" sa isang iglap may kotseng pagewang-gewang ang babangga sa amin, niliko ko ang kotse pakanan, hindi ko rin namalayan sumalpok kami sa isang puno.

Pilit ko dinidilat ang mga mata ko, nilalabanan ko ang antok sa akin.

Maya-maya lang narinig ko na ang huni ng ambulance at mga sumisigaw na boses ng mga kaibigan ko.

Lumingon ako sa passenger seat, nakita ko si Ayessa na nakasandal sa upuan at may dugo sa kanyang noo.

Ang huli ko lang narinig "Ayessa! Cedrick! Ayessa!" Isang boses na matagal ko nang gustong marinig ulit... ang boses ng matalik kong kaibigan - si Ranz.

Sa puntong iyon, nilamon na ako ng kadiliman.


- end of chapter 16 -

VOTE. COMMENT. SHARE.

Thank you!!❤

A/N:
Kung may tanong po kayo, just comment lang po. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top