KABANATA DALAWA
Kabanata Dalawa:
THIRD PERSON'S POV
Naglalakad sa hardin si Ayessa ng makita siya ni Manuel --- ang kanang kamay ni Gabriel.
Tinawag siya ni Manuel "Ayessa, pinapatawag ka ni Gabriel. Magtungo ka na sa kanyang silid. Naroon na rin si Hillary."
Sinamahan siya ni Manuel papuntang silid ni Gabriel. Habang naglalakad sila, may mga matang mapanghusga pa rin ang nakatingin sa kanya. Binalewala na lang niya iyon dahil ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang misyon.
Nang makarating siya sa silid ni Gabriel, nakita niya si Hillary na naka-upo sa harap ni Gabriel.
Tumayo si Gabriel ng makita siya "Handa kana ba sa bago mong misyon, Ayessa?" Panimula ni Gabriel sa kanya.
Lumapit at umupo naman si Ayessa sa tabi ni Hillary. Binalewala na lang ni Ayessa ang tanong ni Gabriel sa kanya.
Nang maka-upo, pinag-usapan nila ang magiging misyon nila. At, sinasabi na ngayon na gaganapin ang kanilang misyon.
Tuwang-tuwa si Hillary sapagkat uumpisahan na niya ang misyon niya kasama ang bago niyang alaga na si Raegan. Pero, si Ayessa hindi alam kung ano ang kanyang nararamdaman.
Tumikhim si Gabriel kay Hillary. "Hillary, pakitawag si Manuel." At dahan-dahan lumabas si Hillary sa silid.
Dalawa na lang sila sa loob ng silid ni Gabriel "Ayessa, may sasabihin ako sayo. Pag hindi mo nagawa ng maayos ang misyon mo, hindi mo makukuha ang iyong pakpak. Pinag-usapan na natin niyan. Kaya gawin mo ang makakaya mo para matapos ang misyon." paalala sa kanya ni Gabriel.
"Alam ko 'yun Gabriel. Tatapusin ko agad ang aking misyon. Pero, sana bantayan mo ako kung tama aking tinatahak o ginagawa sa aking misyon." Malumanay na sabi ni Ayessa.
"Ayoko sana kitang bigyan ng misyon, dahil kapatid kita pero marami na ang nagagalit at naiinis sayo, maski ang mga matataas na namumuno ay iyong ginagawan ng kalokohan. Huwag kang mag-alala babantayan kita."
"Gabriel, bigyan mo na lang ako ng nalalaman mo tungkol sa aking babantayan?" Pagsusumamo ni Ayessa sa kapatid.
"Si Luigi Cordova ay isang anak ng mayaman sa Manila. Lahat ng gugustuhin niya ay nasusunod. Sunod sa luho si Luigi Cordova, panganay sa tatlong magkakapatid ng Pamilyang Cordova. Iyan lang ang maaari kong ibahagi sayo. Ikaw na dapat ang makaalam sa iba niyang katangian." pahayag ni Gabriel.
"Wala bang tungkol sa ugali niya? Dahilan bakit ko siya babantayan? Para mapadali lalo ang aking misyon?" pangungulit ni Ayessa
"Hindi na ako maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa kanya. Sa ngayon, ikaw ay magiging tao para sa kanya."
"P-pero Paano ko siya makikita sa lungsod ng Manila? Malawak ang lungsod na iyon? Diba?" Pag-aalala niya. Sa isip-isip ni Ayessa, imbis na matapos niya agad ang misyon ay lalo lang siyang magtatagal dahil hahanapin pa niya ang babantayan niya.
"Huwag kang mag-alala, kami ang bahala sayo. Makikita mo agad siya." Makahulugang pahayag ni Gabriel.
Magsasalita pa sana siya pero biglang dumating si Hillary kasama si Manuel. Kaya tumahimik na lamang siya.
Tumabi sa pwesto niya si Hillary at nag-usap sina Gabriel at Manuel. Kinalabit ni Hillary si Ayessa "Mukhang masaya ang magiging misyon natin, lalo na yung sa iyo." Masayang pahayag niya. Hindi na lang sumagot si Ayessa dahil naguguluhan parin siya sa sinabi ni Gabriel sa kanya. Magiging tao siya pero paano? Iyon lang tumatakbo sa isip niya.
Matapos mag-usap sina Gabriel at Manuel, lumapit na ang dalawang lalaki kina Ayessa at Hillary.
"Maaari na kayong mag-simula sa inyong misyon. Babantayan ko kayong dalawa mula sa monitor na ito lalo kana Ayessa." Sabi ni Gabriel sa dalawa at sabay turo sa monitor.
Napatango na lamang sila sa sinabi ni Gabriel. Pinasunod sila Gabriel sa lugar kung saan sila bababa para puntahan ang kanilang alaga.
Unang bumaba si Hillary imbis na mahulog ay lumipad siya at sumabay sa mga lumilipad na ibon. Natakot siya para sa kanya. Pababa na si Ayessa pero kung may anong bagay ang hinatak si Gabriel sa likod niya at sabay tulak sa kanya ni Gabriel. Hindi na niya mapatigil ang pagbulusok niya pababa pero napatingin pa siya kay Gabriel na nagsalita ng "Mag-iingat ka kapatid ko."
* * * *
"Ma'am Ayessa! Ma'am Ayessa! Gumising na po kayo. Pinapatawag na po kayo ng Mama niyo." Sabi ng boses babae habang tinatapik si Ayessa. Hindi alam ni Ayessa kung susundin niya ang utos ng boses na iyon.
May pumasok na magandang babae sa loob ng kwarto kung nasaan si Ayessa na natutulog.
"Ma'am, ayaw pong gumising ni Ma'am Ayessa, eh." Sabi ng babae na gumigising kay Ayessa. Na humihingi ng paumanhin sa babaeng kararating lang.
"Sige na Manang, ako na bahala dito." nakayukong lumabas ng kwarto ang babae. "Ayessa Carlos! Hindi ka ba babangon diyan? Naka-alis na ang papa mo, ikaw nandito ka parin. May pasok ka pang bata ka!" paulit-ulit na sabi ng maganda babae sa harap ni Ayessa.
Naka-dilat na ang isang mata niya pero ayaw pa rin niyang bumangon. Pero wala siyang nagawa dahil hindi siya titigilan nito hanggat hindi siya bumabangon.
Pagka-bangon niya sa higaan. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Lumaki ang kanyang mata na malaman na wala na siya sa hardin ng mga Anghel. Tinignan niya ang buong paligid at pilit na inaalala kung anong nangyari.
Nang maalala niya bigla na lang niya kinurot ang kanyang pisngi, nang dahil doon napa-aray siya sa kanyang ginawa. Tinignan niya ang magandang babae sa kanyang harap. Isa lang ang masasabi niya, napaka-ganda ng babaeng sa harapan niya.
"Ano ka bang bata! Hala! Sige bumangon kana. May pasok ka pa!" Sigaw ng magandang babae sa harap niya.
"S-sino po kayo?" Magalang na tanong niya.
"Lasing ka ba Ayessa? O nagpapalusot ka para hindi ka pumasok ngayon? Mama mo 'to. Hala sige, maligo kana." Sabay walk-out ng mama niya.
Sa isip-isip ni Ayessa 'Hala! N-nasa mundo na ako ng mga tao. P-pero bakit Ayessa pa rin ang pangalan ko?'
Naghanda na lang siya para pumasok kagaya ng sinabi ng nagpakilalang mama niya. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin, siya pa rin naman 'to. Walang nagbago sa kanyang physical appearance pero parang may mali.
Pagkababa niya, sumalubong sa kanya ang isang medyong matandang babae at may sinabi sa kanya pero binalewala na lang niya ito. Dire-diretso siyang pumunta sa kusina para kumain dahil kanina pa ito kumakalam. Ang mga alaga niyang sawa ay nagugutom na.
Pagka-upo niya, tinignan siya ng kanyang mama at may sinasabi pero binalewala lang din niya. Ang nasa isip niya ngayon kung saan niya hahanapin ang Luigi Cordova na iyon.
Habang naglalakad palabas ng bahay nila, iyon pa rin ang iniisip niya ng biglang may ulit sa kanya. Sa puntong iyon ay lumingon na siya at nakita ang isang lalaking gwapo, matipuno, matangkad at mukhang ka-edad niya lang. Ang puti ng kutis niya na kasing-tulad ng akin, makapal ang kanyang kilay na bumagay sa medyong singkit niyang mga mata, ang ilong niyang matangos at ang mga labi niya na kasing-pula ng rosas. Gulp!!!
"Hey! What happened to you? I'm waiting so long for you. Are you okay?" Alalang-ala ng lalaki sa kanya.
Hindi maalis ang kanyang paningin sa lalaki. At tanging lumabas lang sa kanyang bibig ay "S-sino ka?"
Naguguluhan ang mukha ng lalaki sa narinig niya kay Ayessa. "Are you okay, Ayessa?" Alalang tanong ulit sa kanya ng lalaki, hihipuin sana ng lalaki ang noo ni Ayessa pero biglang itong humakbang patalikod. "I'm Cedrick, your boyfriend." Napatulala na lang si Ayessa, at sumagi sa isip niya 'boyfriend ko siya?'
Tumingin ulit siya sa mukha nung Cedrick, "Ah! Ito naman binibiro ka lang. Hahaha!" Sabay sabi niya kay Cedrick na ngayon ay naka-ngiti na. Napa-whoo na lang si Ayessa sa isip niya.
"Come on! We will go to school." binuksan ni Cedrick ang passenger seat at pinapasok si Ayessa. Tumakbo naman siya papunta sa Driver seat. At pinatakbo ang kotse papuntang School.
Pagkarating sa school, napa-wooh si Ayessa sa isipan niya, binasa ni Ayessa ang name ng school nila 'St. Angelica School'. Habang naglalakad sila, maraming mga estudyante ang tumitingin sa kanila. May nakita pa siyang nagbubulungan at sabay kikiligin sila. Ang weird para sa kanya.
Naglakas loob si Ayessa na magtanong kay Cedrick kung bakit sila tumitingin "C-Cedrick? Bakit sila tumitingin sa atin?" Mahinang tanong niya sa binata.
"Huwag mo silang pansinin. Come on! Baka naroon na ang barkada." Sabi niya. At dire-diretsong naglakad na parang walang tumitingin sa kanya.
Naglakad na lang si Ayessa sa tabi ni Cedrick. Pinabayaan na lang din niya ang mga estudyanteng tumitingin sa kanila.
Hindi siya mapakali, parang may kung anong tumitingin sa kanya, may mga matang sumusubaybay sa kanya. Ang mga matang iyon ay hindi galing sa mga estudyante na sumusulyap sa kanila. Hindi rin mga mata ni Gabriel ang tumitingin sa akin.
Nawala ang kanyang iniisip ng huminto si Cedrick at dahil hindi niya alam na huminto ito, nabunggo niya ito.
"Are you okay?" Pag-aalala na tanong ng binata habang hinihipo ang ulo ni Ayessa.
May matining na boses ang tumawag sa kanya "Ayessa, Omg! Are you okay? Nag-alala kami kahapon sayo." Pagsusumamo ng babae sa kanya.
Napa-huh na lang siya at napa-isip na puro 'are you okay' ang naririnig niya sa mga 'to. Ano bang nangyari sa akin.
"Ha?" Tanging nasagot na lamang niya sa babaeng nagtanong sa kanya.
"Omg! Baka nabagok niyang ulo mo. Cedrick, napa-check up na ba siya?" alalang tanong ng babae kay Cedrick.
"Ah! Oo, sabi ng doctor wala naman daw damage eh. Kaya okay siya." Sagot ni Cedrick.
"W-wait lang ha? Kalma? Ano bang nangyari?" pagtatanong ni Ayessa sa mga 'to.
"Myghad! Nagkaroon ng amnesia si Ayessa, Cedrick!" Hysterical na pagtatanong niya.
"Wag ka ngang OA, Stef! Napaka-OA mo talaga." sabi ng isang lalaki na papalapit sa kanilang tatlo.
Lumaki ang mga mata ni Ayessa ng mapatingin sa direksyon ng lalaki... ang lalaki na iyon ay ang kanyang hinahanap... si Luigi Cordova!
"Eeehhh! Kuya nag-aalala lang naman ako sa bestfriend ko eh! Kapag nakita ko n'yang Aubrey na iyan, mata lang niya ang walang latay. Hmmmp!" Gigil na sabi ng babae na nangangalang Stef o Stefanie Cordova -- Kapatid ni Luigi Cordova na babantayan ni Ayessa.
Hindi pa rin niya naaalis ang kaniyang mga mata kay Luigi. Sa loob-loob niya, mapapadali ang kanyang misyon, pero parang wala namang masama sa kanya. Huh?!
"Bro, Okay na ba si Ayessa? Pasensya na sa ginawa ni Aubrey ah!" Aniya ni Luigi kay Cedrick.
"Wala niyon, Pare. Buti nalang walang masamang nangyari sa kanya kung hindi, hindi lang iyon ang nagawa ko. Pasalamat nalang din siya dahil gf ka niya!" sagot ni Cedrick kay Luigi.
"Bro, wala na kami. Nakipag-hiwalay na ako sa kanya. Hahaha! Masarap pala maging single." Masayang pahayag ni Luigi.
Hindi parin inaaalis ni Ayessa ang mata niya kay Luigi, nang "Ayessa, Tara na! Mala-late na tayo. Kuya, Cedrick, Una na kami ah!" Paalam ni Stef sa dalawang binata sabay hila kay Ayessa.
Habang papunta sa classroom, hindi pa rin mawala sa isip ni Ayessa si Luigi. Kaibigan nila si Luigi at hindi na siya mahihirapan doon.
Nang makarating sa silid, umupo sila ni Stef sa pinaka-likod. Tinanong ni Ayessa ang dalaga "Anong nangyari kahapon?"
Galit na tumugon si Stef kay Ayessa "Inaway ka ni Aubrey. Sinabunutan ka na niya! Kakainis! Salamat siya nag-cr ako, baka naman sinadya niya na umalis para walang tutulong sayo! Kapag nakita ko talaga niyon! Buti nalang nandoon si Kuya! Hmmmp!!"
Hindi makasagot si Ayessa sa sinabi ni Stef, nakatingin lang siya sa dalaga. "Don't worry! Nakipag-break naman na si kuya sa kanya, eh! Sl*t kasi siya!" dugtong ng dalaga.
May mali talaga eh, masama ba talaga si Luigi? Mukha naman hindi eh! Tinapik niya yung mukha niya 'Ayessa, kakakita mo palang sa kanya ngayon. Baka nagpapakitang tao lang iyon.' sabi niya sa isip niya.
Hindi namalayan ni Ayessa na tapos na ang kanilang klase ngayon araw. Buong araw siya tulala at binabagabag ng mga iniisip niya. Ngayon ay papunta na siya sa parking lot kasama si Cedrick.
Nakauwi na siya lahat-lahat pero 'yun pa rin ang bumabagabag. Hindi niya naintindihan yung mga sinasabi kanina ni Cedrick sa kotse. Feeling niya lutang siya sa araw na iyon!
Winaksi na lang dalaga ang mga nangyari ngayong araw. At natulog ng mahimbing...
Ipagpapatuloy...
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top