KABANATA APAT
Kabanata Apat
AYESSA'S POV
Nagising akong masakit ang aking ulo at buong katawan ko. Naiiyak na naman ako. Bakit hindi ako gumanti kanina. 'Ayessa, hindi ka naman mahina ha.' Sinasabi ko sa sarili ko. Kaya ko nga silang tatlo kanina, hindi ko nga lang alam bakit ayaw ng katawan kong gumanti.
Pero, bago ako nahimatay kanina, nakita ko siya. Pero, sabi ni Cedrick babae raw ang naghatid sa akin dito sa clinic. Guni-guni ko lang ba niyon? Dahil sa tindi ng sabunot nila? Pero parang siya eh.
Naguguluhan na ako. Naguguluhan ako sa sarili ko. Naglalakad kami ni Cedrick papunta sa kotse niya. Iuuwi na niya ako dahil hindi ko talaga kaya. Sumasakit pa rin ulo ko.
Kanina ko pa tinitignan si Cedrick, bakas pa rin sa mukha niya ang galit, galit dahil sa nangyari sa akin. May bigla naalala akong naalala.
"Cedrick, sabi niyo nabae ang nagdala sa akin sa clinic? Sino siya?" Tanong ko sa kanya habang papasok ako sa kotse niya.
Umikot siya papuntang driver seat, "Hindi nagpakilala yung babaeng naghatid sayo sa clinic, sabi ng mga nurse sa clinic. Basta ka na lang nya iniwan sa mga nurse at umalis bigla. Doon na dumating si Stef." Sagot niya sa tanong ko kanina habang nagmamaneho na siya.
Tumingin ako sa bintana tinatanaw ang mga bahay na nadadaanan namin "Hindi ba namukhaan ng mga nurse kung sino yung babae na naghatid sa akin? Taga-St Angelica ba siya? Baka makasalubong natin siya sa school."
"Hindi ko na tanong sa mga nurse kung namukhaan nila. Pero itatanong ko bukas sa mga nurse at sa mga taong nakakita sa kanya kanina." Sagot ulit niya habang nakatutok pa rin sa daan.
Hindi na ako nagtangkang magtanong. Tumahimik na lang ako hanggang makarating kami sa bahay.
Pagkababa namin sa kotse niya, inalalayan niya ako papasok sa bahay. Naabutan namin si Mama - Mama ni Ayessa.
Dali-dali niya kaming dinaluhan ni Cedrick ng makita niya kami. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala niya sa akin o sa madaling salita sa anak niyang si Ayessa.
Agad niya akong hinawakan at dinala sa sofa. Nakasunod naman sa amin si Cedrick habang buhat ang aking bag.
Umalis si Mama at pumasok sa kusina, Maya-maya ay lumabas na rin siya na may bitbit na pagkain.
"Alam kong nagugutom ka Ayessa. Ano ba kasi ginawa mo sa kanila anak bakit inaway ka nila." May bahid na lungkot ang pahayag niya. Maswerte ang tunay na Ayessa. May ina siyang maalalahanin. Kami kaya ni kuya Gabriel? Ganyan din ang amin Nanay? Naaalala ko na naman, yung paano namin lisanin ang mundong ito.
"Kuya Gabriel? Doon tayo oh. May titignan lang ako. Bilis!" Pangungulit ko kay kuya Gabriel.
"Wait lang, Ayessa. Si ashsgsj pa." May sinabi pa si kuya Gabriel pero hindi ko na siya pinansin at pumunta ako sa isang store na puro pink ang laman.
Bitbit ko ang mga pinamili ko, patay naman ako kay Daddy ubos na naman allowance ko. Hehehe.
Nang papunta na ako kung nasaan si kuya Gabriel kasama si... biglang may ilaw na nasa mukha ko at malakas na bumisina. Dahan-dahan akong lumingon nakita ko ang 10-wheeler truck na papunta sa akin. At hindi ko inaasahan na yakap na pala ako ni kuya Gabriel na puno ng dugo na rin katulad ko.
Unting unti naglalaho ang aking paningin ng may makita akong isang matandang lalaki at babae na may hawak-hawak na batang babae na...
"Ayessa, ayos ka lang ba? Tulala ka na diyan. Kainin mo na niyang tinapay na binigay sayo nang mama mo." Sabi ni Cedrick, nang siyang nagpabalik sa aking sarili.
Naalala ko na naman kung bakit kami nawala pero hanggang doon lang ang naalala ko. Yung matandang Babae at matandang lalaki at 'yung batang babae, ang mga mukha nila Malabo sa paningin ko. Hindi ko sila makilala.
Napatingin ako kay Cedrick na ikaway niya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko. "Tulala ka na naman. 'Wag mong alalahanin nyon. Ako bahala sa kanila." Malamya na sabi ni Cedrick.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya "Nasaan yung mama ni Ayessa." Nagtatakang tumingin sa akin si Cedrick at napa-'huh' siya sa sinabi ko.
"Ah. Eh. Sabi ko si Mama nasaan?" Palusot ko sa kanya. Dapat masanay na talaga akong tawagin siyang mama.
"Ah! Nasa garden nyo. Tinawagan niya ang school na hindi ka muna makakapasok ngayon at hanggang bukas." Pagpapaliwanag niya sa akin.
Kinain ko nalang 'yung tinapay na nasa kamay ko. Buti na n'yon na hindi muna ako papasok para hindi ko muna sila makita. Malakas naman ako. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Pero, bakit kanina hindi ako gumanti? Dahil ba niyon ang tunay na ugali ng may-ari ng katawan na ito?
Sa Hardin ng Anghel, ako ang pasimuno sa gulo roon. Ako ang nangungunang mag-asar sa kapwa anghel ko. Pero ngayon baligtad na. Alam ko na kung paano awayin.
Nagpaalam si Cedrick na uuwi na siya. Hinatid ko siya sa labas ng gate para magpasalamat sa kanya.
Papasok na dapat ako ng may pumaradang sasakyan. Lumabas ang isang matandang lalaki na naka-mahabang damit na kulay puti na may patong na mahaba rin na kulay itim naman at may suot siyang itim sa ibaba. 'Anong tawag sa damit niya?' Sa isip-isip ni Ayessa.
Lumapit sakanya ang matandang lalaki na puno ng pag-aalala. Bigla lamang siya niyakap ng mahigpit.
"A-ayos ka lang ba anak? May masakit ba sayo?" Alalang sabi ng matandang lalaki sa akin. Bakas sa kanya ang pag-aalala.
Dali-dali akong tumango sa kanya. Hindi ko makapagsalita, naka titig lang ako sa kanyang mukha.
"Gabby, nandyan ka na pala. Pumasok na tayo, doon tayo mag-usap sa sala." Sabi ni mama sa matandang lalaki. Gabby pala ang pangalan niya. May pagkakahawig ang kanyang pangalan kay kuya Gabriel. Kumusta na kaya siya?
"Tara na Mommy sa sala. Pag-usapan natin ang nangyari dito kay Ayessa." MOMMY? Kapatid ko siya? Pero mas mukha siyang matanda kay mama?
"K-kapatid po kita? Bakit ang tanda niyo? Mas matanda pa kayo kay mama?" Sabat ko sa kanilang dalawa.
Napatingin ako sa dalawa na tumatawa sa sinabi ko. Anong nakakatuwa doon?
"Ayessa, anak, malakas ba ang pagkakasabunot sayo ng mga umaway sayo? Anak, Mommy/Daddy ang tawagan namin ng mama mo. Ikaw talaga." sabi nung Gabby. Tapos Ginulo niya ang buhok ko. Ayyy.
"Anak, Daddy mo siya. Jusko! Ikaw talagang bata ka. Pumasok na tayo at doon tayo mag-usap." sabay pasok ni mama sa loob ng bahay.
Inakbayan ako ni Gabby - este ni daddy. Habang naka-akbay siya may sinabi siya "Yari na naman tayo sa mama mo." Pagkasabi niya nyon tumawa siya ng malakas sabay tumakbo papunta kay mama.
Narinig ko pa ang sinabi ni Daddy na "mukha pa talaga akong bata, Mommy hahahaha" Habang naka-akbay siya kay mama.
Bakit ganoon, may kamukha si Daddy. Hindi ko lang alam kung sino at saan ko siya nakita.
***
Pagkarating ko sa sala, nag-uusap na sila ni mama tungkol sa nangyari kanina. Napalingon sila sa akin.
"Ayessa, Anak, Gusto ka namin ilipat ng Mommy mo sa ibang school. Ayaw naming inaaway ka. Pinalaki ka naming may takot sa diyos at sa lahat ng tao." Sabi ni Daddy pagkaupo sa sofa.
Hindi agad rumihistro sa akin ang mga sinabi niya. Nang ma-absorb ko ang sinabi niya agad akong tumutol "D-Daddy wag na. Ang tagal ko na doon nag-aaral eh. S-saka hindi na mauulit." Dire-diretso kong paliwanag sa kanila. Kaya pala hindi ako makalaban kanina dahil sa tunay na may-ari nito ay hindi lumalaban.
"Pero anak, hindi naman kasi..." bago pa makapagsalita si Mama pinutol na siya ni Daddy. "Okay anak 'pag may hindi na naman magandang nangyari sayo. Aalis kana doon." Maotoridad na sabi ni Daddy.
Wala akong nagawa kung hindi sumagot na "O-opo."
Natapos ang usapan namin ng ganoong paraan. May kondisyon sila sa akin. Dapat hindi na mauulit niyon. Dapat hindi ako mapalipat, nandoon sa St. Angelica School si Luigi. Dapat matapos kona ang misyon ko. 'Miss ko na si kuya Gabriel. Kumusta na kaya siya? Binabantayan kaya niya ako?'
Napapapikit na ang aking mga talukap. Hudyat na kailangan ko na kainin ng madilim na lugar.
Ipagpapatuloy...
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top