IKALABING LIMA PART 2

Kabanata 15. Part 2.

AYESSA'S  POV

"Okay business students! We here at Mt.Makiling. Dito tayo mananatili ng 3days and 2 nights. Iba't ibang activities ang gagawin natin. Sana ma-enjoy nyo ang pananatili dito. Salamat!" Pagbati sa amin ni propesor Agustin - ang pangulo ng Business course.


"Waaaaaah! 3 days tayo dito Ayessa!!! Ano-ano kaya mga activities ang ipapagawa sa atin? Excited na ako!" Sabik na sabi sa akin ni Stef. 


Mukha naman sa kanya ang kasabikan. Maski ako nasasabik din sa mga mangyayari.

Naglalakad kami ni Stef pabalik sa tent namin ng makita ko si Ranz. May kausap na babae? Biglang sumikip ang dibdib ko at napahawak ako bandang dibdib ko.

"B-bakit Ayessa? May masama ba sayo?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Stef. Naka-focus lang ako kina Ranz at sa babaeng kausap niya. Bakit parang nagseselos ako? Bakit parang gusto kong sugurin at sabunutan nyong babae? Bakit?

Napatingin sa gawi namin si Ranz, nakita kong lumaki ang kanyang mga mata pero bigla ito bumalik sa dati na parang walang nakita.

Hinila niya ang babae sa gawing kanan nila at unting-unti sila naglaho sa paningin ko.

"A-ayessa? Bakit ka umiiyak? M-may masakit ba sayo?" napahawak ako sa pisngi hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"W-wala 'to! Napuwing lang siguro ako. Tara na Stef, magpapalit pa tayo ng damit para maging komportable tayo." pilit kong pinapasigla ang aking boses kasabay nun pinapahiran ko ang aking mga luha.

Nang makita kong pabalik na sina Ranz at mukhang papunta sila sa amin, hinila ko na agad si Stef.

"Bakit ang bilis natin maglakad Ayessa? Wait, dahan-dahan lang baka madapa tayo!!" hysterical na sabi niya pero hindi ako nagpaawat. "Saka, mukhang kakausapin tayo ni Kuya Ranz eh. Kasama pa nga niya Stella." dugtong niya.

Napahinto ako sa sinabi niya. "Stella? Sino siya?"

Imbis na sagutin niya ako pumasok siya sa tent na hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng tent namin.

"You don't know Stella,Ayessa? Myghad! Stella is our Ms.Prim sa school and volleyball captain. Idol ko kaya siya Ayessaaaaaaa!" pagmamalaking sabi niya. "I'm sure crush ni kuya n'yong si Stella. Bagay kaya sila!" dugtong niya sa sinabi. Sa sinabi niya n'yon parang may ilang libong punla ang tumusok sa puso ko.

Hindi ako sumagot sa kanya, naghalukay na rin ako ng damit ko para sa first activity namin. Itutuon ko na lang ang sarili ko sa activities namin dito. Ang pagbabantay sa kanya para sa misyon ko, mukha namang harmless siya eh at mukhang nagbabago na rin siya. Siguro ilang araw na lang babalik na rin ako sa pagiging anghel at itong puso ko, mawawala na 'yong sakit. Babalik na rin ang kaluluwa ng kakambal ko sa katawan niya, sa katawang inaangkin ko sa ngayon.

"All students, please proceed to the front of the stage. All students, please proceed to the front of the stage." paulit-ulit na sabi ng host.

Sabay na lumabas kami ni Stef sa tent namin, nakasuot na kami ng komportableng damit.

Habang naglalakad kami, nakasalubong namin sila Cedrick na papunta rin sa harapan kasama si Franz, naiilang talaga ako kay Franz dahil magkahawig na magkahawig sila ng kambal niya. Urgh!

Lumapit sa akin si Cedrick "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nahilo sa byahe?" tanong niya sa akin.

Bumaling ako sa kanya, "Hindi naman, actually..." naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Stef "Nakatulog kaya si Ayessa sa byahe. Hahahahaha!! Nakakatawa nga n'yong mukha niya, nakanganga kasi siya. Hahahaha!" nakakanganga ba talaga ako?

Nakita ko rin ang dalawang bruho na tumatawa dahil sa sinabi ni Stef. Tsk! Pagtawanan ba ako?

Nang makarating sa harapan pumila na kami sa course namin. Nasa harapan ko si Stef at sa likod wala pang nakasunod sa akin.

May tumapik sa balikat ko kaya lumingon ako sa likod ko, nakita ko lang naman si Ranz at si Stella. Gusto ko ikutan sila ng mata pero dahil mabait ang kakambal ko ngumiti ako...ng pilit.

"Ano raw gagawin natin, Ayessa?" bakas sa boses ni Stella ang pagiging mahinhin para siyang si Hillary pero ang pagkakaiba, ayoko sa kanya. Period.

Ngumiti ako ng napakatamis, "Hindi ko alam eh! Tanungin mo n'yong mayor sa atin." sabay lingon ulit sa harapan.

'Ayessa, magpigil ka! 'Wag mong kakalbuhin niyang si Stella, maiiba ang pagtingin ng mga tao sa kakambal mo. Okay? Relax!' habang kinakausap ko ang sarili ko, humihinga naman ako ng malalim. N'yong sobrang lalim. 

Magsasalita pa sana si Stella ng magsalita ang mayor namin, "Guys! Listen to me!! Magkakaroon tayo ng groupings. Ano ba gusto niyo? Kayo ang hahanap ng group kung saan kayo komportable o ako ang mamimili ng kagrupo niyo." tanong niya sa amin.

At, heto na naman kami mukhang nasa palengke na naman. Urgh!

"QUIET!! DOON NA LANG TAYO KUNG SAAN TAYO KOMPORTABLE. OKAY?" sagot ng classmate naming siga - na si Drew Marquez.

Walang nagawa ang iba, dahil kung tatanggi sila, gulpi ang aabutin nila.

"Ilang member kada grupo, Ms mayor?" tanong nang stellang bida-bida. Tsk!

"Group by 6 guys! Okay!" pagkasabi na pagkasabi niya n'yan. Nagkagulo na ang lahat.

"Margaret, sa amin ka na lang!"
"John dito ka ha!"
"Marlon Wala ka pang kagrupo?"
"Nova dito ka sa amin!"

"Tayo-tayo na lang ang magkakagrupo Ayessa at Stef." sabi ni Ranz.

"Sali kami sa inyo! Tara dito Maru. Toxic mga tao dyan." sabi ng barakong si Drew.

"We're complete. We're 6 na! Ang galing." Masayang sabi ni Stella. 

"Hindi pa tayo kumpleto. 'Wag ka nga dito, bawal ang DREW MARQUEZ DITO!!" madiin na sabi ni Stef sa amin.

"Tsk! Hindi ka pa rin nakakamove-on Stef?" bagot na sabi ng isa.

"Urgh! FYI, NAKAMOVE-ON NA AKO SAYO!!" gigil na sabi ni Stef.

"TUMAHIMIK KANA STEFANIE. SILA NA LANG ANG WALANG KAGRUPO. OKAY! TUMAHIMIK KANA!" pumagitna na si Ranz sa kanila.

Ako tahimik lang sa tabi ni Stef, hindi alam kung anong gagawin. Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay para 'wag ng magsalita pa.

* * * * *

"Okay, the first game will be called 'Run the log'. Itong log na 'to ay hihilahin niyo hanggang doon sa may isang log pa at kukunin niyo 'yon then babalik kayo sa pwesto nyo. Game!" sabi ng nagbabantay sa amin.

"Ako muna then sumunod niyong mga girls then ikaw ang huli drew. Basta I-enjoy natin 'to. Okay!" sabi ng epal na si Ranz.

Tumungo naman kami sa kanyang pagiging bida-bida.

Pumila kami ayon sa gusto niya maski ang ibang grupo ay mga pumila rin.

"1...2...3...GO!" Isang malakas na sigaw na sabi ng bantay namin.

Halo-halong ingay ang mga naririnig namin.

"Bilisan mo!"
"Ayan na si Ranz maaabutan na tayo!"
"Bilisan mo aireen!"
"Ang bigat kaya ng log!"
"Nakakapagod ah! Ayoko na!"

Nag-uunahan pa sila, wala namang prize niyan. Jusko!

Nang matapos ang unang laro namin, pinagpahinga niya kami. May next game pa raw kami ngayon araw.

"Grabe!! Magandang exercise nyong ginawa natin ha!" out of the blue-ng sabi ni Maru.

Hindi namin siya pinansin dahil abala kami sa pagpupunas ng pawis at pag-inom ng tubig. Nakakahingal ang unang laro namin ha. Sila Cedrick kaya kumusta na? Gan'to rin kaya nyong sa kanila?

After 15 mins break, "Okay! Tumayo na ulit kayo, isusunod na natin itong game na'to habang hindi pa masyadong dumidilim. Itong game ay tatawaging 'cooperation' kayong grupo ay dapat magkaisa sa larong ito, isusuot niyo ito sa inyong mga paa, at Sabay-sabay kayong maglalakad paikot doon sa lata at pabalik diyan sa lugar nyon. Maliwanag ba?" orient ng bantay namin. Hindi ko alam kung anong tawag sa kanila, basta alam ko sila nyong nagbabantay sa amin dito.

Nagplano ang lahat ng team,maski kami ay nagplano. "Ganito gagawin natin, magiging pwesto natin ay lalaki - babae- lalaki, alternate. Para may aalalay sa mga girls,Okay?" pamumuno ni Drew.

Maganda nyong ideya niya, alam niyang magiging pabigat kami sa kanila.

"Left. Right. Left. Right." sabay-sabay naming sabi para walang madapa sa amin.

"Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa."

"Right. Left. Right. Left."

"Wait lang! Nahulog si aireen...okay, Left. Right. Left. Right."

Sa larong ito, nanguna kami dahil sa plano ni Drew. Walang nahulog o natapilok sa amin, kahit pinapanalangin kong si Stella ang mahulog o matapilok pero hindi nangyari. Sayang.

* * * * *

2nd day. Pangalawang araw namin sa camping. Ang daming nangyari sa araw na 'to. Paunahan sa cr dahil sa sobrang dami namin, Anim lang ang cubicles dito. Hays!

Tatlong activities ang ginawa namin: paunahan makarating sa finish line pero with a twist dahil may hinihila kayong dalawang kawayan, tas sa kawayan may nakakapit doon na may hawak na tubig. Take note hindi dapat ito matatapon. Ang saya lang kasi ang nakaupo si Stella - gusto ko sana ihulog pero hindi kami pinagpahila ng mga boys kaya na raw kasi nila.

Pangawalang activities namin, parang pareho lang sa una pero ang pinagkaiba nakaupo naman ang binubuhat at ang tubig nasa ulo ng mga bumubuhat kaya pag-once na hindi maganda ang lakad mababasa sila. Ako pala ang pinili nilang umupo doon. Akala namin ni Stef, si Stella na naman eh.

Pangatlong activities na ginawa namin. Para sa akin ito ang mahirap pero worth it, tinatawag itong 'Conquer Makiling' sa pangalan pa lang ng activities nakaka-thrill na. Pumunta lang naman kami sa isang lugar kung saan puro may pagsubok. Pero, ang magandang nangyari doon nasa likod ko lagi si Ranz. Siya ang umaalalay sa akin. Bleh kay Stella. Hehehe.

Ewan ko ba bakit naaasar ako kay Stella simula kahapon. Pakiramdam ko kasi may gusto si Stella kay Ranz. Basta.

Sabi ng nagbabantay sa amin may last activity pa kami ngayon, pero gaganapin mamayang gabi. Maganda raw nyon at nakaka-excite daw sabi ng mga classmate at ka-course namin.

Ngayon, sama-sama kaming kumakain ng hapunan. Nandito kami ngayon malapit sa tent namin ni stef. Kasama namin sina Cedrick at ang kakambal ni Ranz - na si Franz. 

Nagtanong kami kina Cedrick at Franz kung anong activity ang gaganapin mamaya pero pati sila walang alam.

"Okay students!! Please fall a line, NOW!" Dumagundong na sabi ng host sa mic.

What the?! Hindi pa kami tapos kumain, tapos pinapapila na kami. Hala siya!!

Dali-dali kaming mga tumayo at tumakbo sa mga pila namin at pumila ng tuwid.

Wala pang ilang minuto, lahat kami ay nakapila na ng maayos.

"Ngayon, magsisimula na ang huling activities natin. This is called 'Trust your friend' - maniwala ka lang sa kaibigan mo at pagginawa mo n'yong walang mangyayari sayo. Ang friend na tinutukoy namin ay ang mga taga-bantay nyo. Sila ang magiging guide nyo sa activity natin..." Hindi natapos ni propesor Agustin ang sinasabi niya ng may magsalita "Paano namin sila magiging guide? Do you mean..."

"Mga naka-blindfold kayong lahat. Kami lang ng mga staff at prof niyo ang makakakita sa inyo. Pakibigay na ang mga blindfold."

Pinagbibigyan kami ng mga black blindfold. "Lahat ba meron na? Suotin n'yo na ang mga niyan. At, magsisimula na ang activity natin."

"Oh my ghad! Anong nangyayari Stef? Bakit ang bilis mong maglakad?" tanong  ko sa kanya. Siya kasi ang nasa unahan ko.

"HINDI KO ALAM! SI DREW KASI ANG BILIS MAGLAKAD!" Sagot niya sa akin.

Todo kapit ako sa kanya, pakiramdam ko nasa roller coaster kami dahil sa sobrang bilis.

"OY BRO! DAHAN-DAHAN NAMAN!!" sigaw ni Ranz sa likuran ko.

What the? Ang sakit sa tenga ah! "Oy Ranz, 'wag ka nga sumigaw ang sakit sa tenga!" sabi ko sa kanya.

"Pasensya na!"

"PAKER! HINDI AKO MABILIS MAGLAKAD,MAY NAKAHAWAK SA AKIN AT HINIHILA AKO! TUMATAKBO SIYA KAYA ANG BILIS NATIN! WAG KAYONG BIBITAW!!" sigaw ni Drew sa harapan.

"BWISIT! AYOKO NA! NANDITO PA RIN PALA TAYO! KUNG MAKAPAGSABI N'YONG NAGBABANTAY SA ATIN, MAY SANGA RAW SA HARAPAN NATIN. AKO NAMAN SI TANGA, SUMUNOD!" nanggigigil na sabi ni Drew. Tsk! Paano naman kasi siya nyong nasa unahan namin at sinasabi niya sa amin kung ano ang sinasabi sa kanya.

"Don't worry Bro, kami rin naman nagmukhang tanga dahil sumunod kami sayo." gatol ni Maru sa kanya.

Nagtawanan kami sa sinabi ni Maru, Tama naman siya sumunod kami sa sinasabi ni Drew kanina. Nahuli kong nakatingin sa akin si Ranz, pero umiwas din siya agad. B-bakit kaya?

Tapos na kami sa last activity namin at Bukas ay uuwi na kami.

Pinapanood namin ang ibang estudyante na hindi pa tapos sa activity na 'to. Gusto namin tumawa pero hindi namin magawa.

Nang makita namin sina Cedrick at Franz, na sumusunod sa mga sinasabi ng tagabantay nila. Pagsinabing Yuko, yumuyuko sila. Pagsinabing, hakbang na malaki, hahakbang sila ng malaki. Natatawa kami pero pinipigilan namin. At, itong si Stef vinideohan pa ang dalawa. Hahaha. Parang nakita namin ang sarili namin sa kanila kanina.

* * * * *

3rd day. Last day namin dito sa Mt. Makiling. Ang saya ng field trip slash Camping namin. Mukhang may dadagdag na naman sa grupo namin - sina Drew, Maru...at Stella kahit labag sa akin. Kidding.

Magkakasama kaming namimili ng mga pasalubong, ang dami ko ng nabili halos lahat yata ng souvenir shop dito napuntahan at nakabili na kami. Halos mapuno na ang gamit ko at may nadagdag na naman akong dadalhin. Hays.

Suot ko na ang bag pack ko at papunta na kami ni Stef sa bus namin ng hilahin ako ni...Ranz.

"B-bakit?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"M-may s-sabihin kasi ako sayo...ano kasi Ayessa, Ma..."

Naputol ang sasabihin niya ng mga marinig akong tumatawag sa akin. "Ayessa! Ayessa! Ayessa, buti na lang naabutan pa kita. Ako na magbibitbit nitong dalahin mo." Sabi ni Cedrick sa akin at kinuha ang dalahin kong puro maruruming damit.

Tatanggi pa sana ako "Tara na hahatid na kita sa bus nyo." hila niya sa akin. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Ranz na malungkot sumunod sa amin.

Alam kong may importante siyang sasabihin sa akin pero hindi na tuloy dahil sa pagdating ni Cedrick. Tatanungin ko na lang siya bukas.

- end of part 2 -

VOTE. COMMENT. SHARE.

Thank you!!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top