HULING KABANATA

Huling Kabanata:

THIRD PERSON'S POV

Nang mawalan ng ulirat si Cedrick ay siyang dating naman nina Ranz at ng barkada na nakasunod ang ambulance at mga pulis.

"Ayessa! Cedrick! Ayessa!" Humahangos na lumapit ang binatang si Ranz sa sasakyang naka-salpok sa malaking puno na lulan sina Cedrick at Ayessa.


Nang makalapit sa sasakyan, labis na nanlumo ang binata dahil sa sinapit ng dalawa.

"A-ayessa!!!!! Ayessaaaaaaa!!" malakas na sigaw ni Ranz.

Pilit na lumalapit ang binata sa dalagang si Ayessa pero pinipigilan siya ng kakambal niyang si Franz.

"ANO BA FRANZ!!! BITAWAN MO KO!!!" pilit na pumipiglas si Ranz sa pagkakahawak sa kanya ng kakambal niya.

Pero,ang kakambal niya ay todo kapit lang sa kanya at umiiling-iling habang umiiyak.

Hindi lang si Ranz ang nasasaktan sa nangyari maski sina Raegan, Stef, Stella at Hillary ay nasasaktan at umiiyak na rin.

Inalalayan ni Raegan ang dalagang si Hillary, bakas sa mata ng dalaga ang matinding pagluha...

Nang maisakay sina Cedrick at Ayessa sa ambulance, sila namang pagsakay sa sasakyang dala ni Raegan.


Lahat sila mugto ang mga mata. Lahat sila nasasaktan at umiiyak pa rin dahil sa nangyari kina Ayessa at Cedrick.

Sa kabilang banda, nakaupo sina Hillary, Ranz at Stef sa labas ng operating room, naghihintay sa paglabas ng doktor para malaman kung ano ang nangyayari sa dalaga.

Sina Franz, Raegan at Stella ay nasa isang puting kwarto kung nasan si Cedrick na hanggang ngayon ay wala paring malay.

Sa kanilang dalawa si Ayessa ang mas napuruhan at siya, ay nawalan lamang ng malay.

'A-ang sakit! Ang sakit-sakit na makita mo ang kaibigan mong nakaratay at ginagamot ng mga doctor para mabuhay... Si Ayessa ang pinaka-napuruhan sa kanilang dalawa...' umiiyak na sabi ni Hillary sa sarili.

Tumingin ang dalagang anghel na si Hillary kay Ranz, naaawa siya sa kalagayan ng binata. Kanina pa ito umiiyak at sinisisi ang sarili dahil sa nangyari sa dalawa.

"Kuya Ranz at Hillary, lalabas lang ako ha. Titignan ko kung nandyan na sila tita at tito..." paalam ni Stef. Bakas din sa dalaga na galing siya sa pag-iyak. Mugto pa ang kanyang mga mata at ilong. Labis din siyang nag-aalala para sa matalik niyang kaibigan.

Nang makaalis ang dalagang si Stef. Siyang lapit naman si Hillary kay Ranz.

Alam ng dalaga na nasasaktan ng lubusan ang binata pero kailangan niya itong tanungin...tanungin kung alam na ba niya kung sino si Ayessa sa buhay niya dahil alam ni Hillary na babalik na sa hardin ng mga anghel si Ayessa. Nararamdaman niya ito.

"R-ranz... A-alam mo na ba kung sino si A-ayessa?" Mahinang sabi ni Hillary sa binata.

Unting-unti lumingon ang binata kay Hillary na may bakas pang luha sa mga mata niya. "What do you mean?"

"H-hindi pa ba niya sinasabi sayo, Ranz?" Umiiyak na sabi ni Hillary. "Hindi sana ako ang magsasabi sayo... pero, kailangan mo ng malaman... si Ayessa..."

Hindi pinatapos ni Ranz sa pagsasalita ang dalagang si Hillary "Alam ko... Anghel si Ayessa." sa pagsabi ni Ranz ng pahayag na 'yon, siyang tahimik naman ni Hillary. Imbis na makasagot ang dalaga, napaiyak na lang ito ng lubusan.

"S-sinabi na sa akin ni Ayessa ang lahat-lahat. Na anghel siya at nandito siya para sa misyon niya... misyon niyang sabihin sa akin na wala na ang Ayessang pinangakuan ko nung mga bata pa kami. Ayessang minahal ko ng lubos at Ayessang iniingatan ko. A-alam ko na lahat Hillary..." napahagulgol sina Ranz at Hillary. Alam ng dalaga ang nararamdaman ng binata. Alam niyang nasasaktan ito ng lubos.

Bumaling si Ranz kay Hillary at nginitian niya ito. Nagtaka si Hillary sa reaksyon ni Ranz. "At, alam kong isa ka ring anghel katulad niya." Sa puntong iyon, gulat na gulat na tumingin ang dalagang si Hillary kay Ranz.

"P-paano mong nalaman? S-sinabi ni Ayessa sayo?" nauutal na sabi ni Hillary.

"Hindi. Hindi sinabi ni Ayessa sa akin. Naramdaman ko lang. Nakita kita noon sa isang puno, pinapanood sina Stef kung anong gagawin nila kina Aubrey. At sa puntong niyon, alam kong mahalaga rin sayo si Ayessa, hindi nga ako nagkakamali...isang anghel ka rin pala..." tumingin ang binata sa mata ni Hillary "at, ang alaga mo ay si Raegan. Tama ba ako?"

Umiiling-iling na lang si Hillary sa binatang si Ranz. "W-wala akong masabi sayo Ranz. Hahaha. Ang lakas ng pakiramdam mo! Pero, 'wag mo sana sabihin sa kanila lalo na kay Raegan..." tinitigan din ni Hillary ang binata at tumungo na lang si Ranz bilang sagot.

Out-of-the-blue, nagtanong si Hillary kay Ranz. "Handa ka na bang palayain si Ayessa,Ranz? Handa ka na ba limutin siya?" matapang na tanong ni Hillary.

Tumingin sa kanya si Ranz at taas noong sumagot "Hindi ako magsisinungaling sayo. Hindi pa ako handa palayain siya pero kung n'yon ang gusto niya para matahimik na siya...gagawin ko. Pero, ang kalimutan siya? Hindi ko magagawa. Mawawala ang physical aspect niya pero ang pagmamahal ko sa kanya. Nandito pa rin. Nasa puso ko. Dahil kahit baliktarin man ang mundo, siya lang ang mamahalin ko habang buhay..."

Ngumiti lang si Hillary dahil sa sagot ni Ranz. 'Ang pag-ibig nga naman.' Umiiling na sabi ng dalaga sa sarili.

Hindi na nakapag-usap ang dalawa ng dumating ang mga magulang ni Ayessa kasama si Stef na hanggang ngayon mugto pa rin ang mga mata.

Nailipat na sa kwarto si Ayessa. Pagkarating kasi ng mga magulang ni Ayessa, ilang minuto lang lumabas na rin ang doktor at sinabing ligtas na ang pasyente.

Nandito silang lahat, pati sina Franz, Raegan, Stella, Maru, Drew at si...Cedrick ay nandito rin. Humingi siya ng tawad sa barkada, lahat ay pinatawad siya pwera lang kay stef na hanggang ngayon ay galit na galit pa rin sa kanya.

"Stef...pasensya na oh! Hindi ko na sasaktan bestfriend mo..." pagsusumamo ng binatang si Cedrick.

"NO pa rin ang sagot ko. Che!!" pagtataray sa kanya ni Stef. Wala naman sila magagawa eh!

"Beybe...wag mo na sungitan si Cedrick, humihingi na nga ng sorry eh." sabi ni Drew kay stef.

"What! Hoy! Wag mo ko matawag-tawag na Beybe. Hindi kita kilala!" nagagalit na sabi ni Stef kay Drew. Si Drew naman ay tumatawa lang.

Kaya napatawa na rin ang barkada. Lumabas naman kanina ang mga magulang ni Ayessa para bumili ng makakain nila at gamot para kay Ayessa.

Sa kabilang banda, hindi alam ng lahat na si Ranz ay nakatulog na sa isang sofa.

'Nasaan ako?' Sabi ng binatang si Ranz sa sarili habang nililibot niya ang isang lugar  na hindi pamilyar sa kanya.

Habang naglalakad siya, napaupo siya sa isang upuan na gawa sa kahoy. Ang sarap titigan ng paligid dahil sa mga iba't ibang bulaklak ang nakatanim dito.

Tumayo siya para lapitan ang mga bulaklak. Sa paglapit niya, may nakita siyang babae... babaeng kahawig ng mahal niya... babaeng laman ng puso niya.

"A-ayessa..." tumingin sa kanya ang dalaga na naka-ngiti.  Sa puntong iyon, umiyak na naman siya.

Lumapit ang dalagang si Ayessa kay Ranz. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" inosenteng sabi ni Ayessa.

"W-wala..." Sa puntong niyakap na lang ni Ranz ang dalaga habang umiiyak siya rito at nakasubsob ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga. Habang nakasubsob, pangalan ni Ayessa ang paulit-ulit na binabanggit ni Ranz.

"Sigurado ka bang ako si Ayessa na iyong minamahal? At, hindi si Ayessa na kasintahan ni Cedrick?" Mapaghamon na sabi ni Ayessa sa binata.

Humiwalay sa yakap si Ranz at dahan-dahan tumango kay Ayessa

"Paano mo na sabi na ako si Ayessang mahal mo?" tanong ulit ng dalaga.

Walang kaundangan na sumagot ang binata. "Dahil dito. Dahil sa puso ko. Ikaw lang ang nakakagawa nito." Kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at nilagay sa bandang dibdib niya kung nasan ang puso niya na sobrang bilis na ngayon.

"Nararamdaman mo ba? Ang bilis ng pagtibok ng puso ko? Ikaw lang ang nakakagawa nito. Ikaw lang." ngiting sabi ni Ranz kay Ayessa.

Umihip ang malakas na hangin at nag-iba ang anyo ng paligid.

Tumingin sa paligid si Ranz nakita niya ang parke kung san una niya nakita si Ayessa.

Tinignan niya si Ayessa, naging bata ulit ito. Ito ang Ayessang nakita niya. Ang batang Ayessa. Napatingin din siya sa kanyang kamay nakita niya rin na bumalik siya sa pagiging bata.

"Ranz... tulak mo ko dito oh. Bilis!" sabi ng batang Ayessa sa batang si Ranz.

Tumakbo si Ranz sa isang swing kung nasan si Ayessa. "Hawak kang mabuti ha. Baka makabitaw ka." tumango na lamang ang batang Ayessa.

Naglaro sila buong araw sa parke. Kagaya ng dati.

"R-ranz... uuwi na ako. Hinihintay na kasi ako ni kuya Gabriel eh. At, hinihintay ka na rin nila. Hinihintay ka na ng mga kaibigan natin..." tumingin si Ranz sa dalaga. Nakita niya na umiiyak na ito at bumalik na rin sa pagiging dalaga si Ayessa. Pati rin siya ay bumalik na rin sa dati.

"A-ayessa... please 'wag ka na umalis oh! D-dito ka lang sa tabi ko. Please! Dito ka lang oh! 'Wag kana umalis." Mahigpit na yumakap ang binata sa dalaga. At umiiling-iling ito.

"H-hindi pwede Ranz... diba napag-usapan na natin 'to? Please Ranz, palayain mo na ako. Nandito lang ako palagi. Palagi kitang babantayan. Saka, alam mo ba Ranz... kilala ko na kung sino makakatuluyan mo." ngiting sabi ni Ayessa. Hindi pinansin ng binata ang sinabi ni ayessa "Si s-stella ang makakatuluyan mo. Alam mo ba kahit bawal na tignan kung sino ang makakatuluyan mo sa future, tinignan ko pa rin para malaman ko kung magiging masaya kaba sa kanya. At, alam ko magiging masaya ka. Alagaan mo siya ha!" Dugtong ni Ayessa.

Umiiyak pa rin si Ranz, "W-wala ako pakealam Ayessa.  Ang gusto ko lang, ikaw at ako sa future. Please dito ka lang oh!"

"Hindi maaari Ranz. Siguro kasama tayo sa 'pinagtagpo lang tayong dalawa pero hindi tayo in the future.' Alam kong masakit pero Ranz palayain mo na ako pero wag mo sana ako kalimutan. Ranz, pakibantayan sina mama at daddy pati na rin sa kambal." Tumingin sa kalangitan si Ayessa para pigilan ang namumuong luha. "Mahal na mahal kita, Ranz... mahal na mahal. Sige na bumalik kana." sa huling pagkakataon, hinalikan ng dalaga si Ranz sa labi.

"AYESSA!" Bumalikwas ng higa si Ranz sa sofa. Pawis na pawis at may namumuong luha pa sa mga mata niya.

"Ayos ka lang ba kuya? Nananaginip ka yata? Okay na si Ayessa, kuya." sabi sa kanya ng kapatid niyang si Stef. 

Tumingin naman siya kina Cedrick at Hillary na parang alam nila na kung anong nangyari kay Ranz.

"Okay lang ako. Napaginipan ko lang siya." sabi ng binata. Tumango naman sa kanya ang barkada.

Tumabi sa kanya si Hillary "napanaginipan mo siya?"

Tumango ang binata "n-nagpaalam na siya..." pilit na pinipigilan ni Ranz ang umiyak. "Ang sakit pala kapag alam mong wala na talaga siya..." Tinapik lang ni Cedrick ang balikat ni Ranz. 

"Sorry Bro! Kung hindi sana sa akin..." Hindi natuloy ang sasabihin ni Cedrick.

"Wag na natin ungkatin Cedrick. May hinabilin sa akin si Ayessa, Alagaan mo raw ang kakambal niya at titignan kita kung inalagaan mo nga." tumango naman ang binata.

"Aalagaan ko talaga ang kakambal niya." At lumapit ulit si Cedrick sa kama kung saan nakahiga si Ayessa Marie.

Pagkarating ng mga magulang ni Ayessa Marie, siya namang gising niya. Nagulat ang lahat dahil gising na si Marie.

Tumawag ng doktor sina Maru at Drew.

"Mama... Daddy... n-napanaginipan ko po sina kuya Gabriel at si kambal... May sinabi po sila sa akin, mahal na mahal po nila kayo pati ikaw Ranz mahal ka raw ng kakambal ko..." nang dahil doon nagsiiyakan ulit sila. 

Lalo na si Ranz na ngayon ay bumalik ulit ang hapdi sa puso niya. Lumapit sa kanya si Stella, habang inaalo siya. Naalala na naman ng binata ang sinabi ni Ayessa, si Stella ang makakatuluyan niya in the future.

- end -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank you!❤

A/N:
Hindi pa po ito tapos. Mayroon pa pong POV si Ranz. Alamin natin ang side ni Luigi Ranz Cordova 😊

PS: thank you sa book cover @ladyqueen_elle ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top