6: Kiss

Ilang minuto lamang ay dumating nga ang mga kaibigan ni James. Bumaba ako para pag silbihan sila. Alam ko naman na iyon ang gusto ni James na gawin ko.

"Juice?" Tanong ko sa kanila.

"Whoa!" Gulat na sigaw ni Bryle saka ako ni-head to foot tapos ay si James naman ang sinulyapan nya.

"Leave her alone, dude." Seryosong sabi ni James.

Tumawa si Tres. "Wala bang beer sa option, Veronica?" Naka ngisi pa sya sa akin.

"Uhh... wala?" Yumuko ako.

"Tss..." Tumayo si James at hinila ako sa kusina. Naka t-shirt na sya pero boxer pa din ang suot nyang pang baba.

"Magpalit ka ng suot mo!" Inis na sabi nya. Pinasadahan ko naman ng tingin ang suot ko. Naka dress ako kaso maikli pero hindi naman ganoon ka-ikli.

"What? Anong gusto mong suotin ko?" Kunot noo kong tanong.

"Pajama."

"Pajama? Seryoso ka, James? Buntis ako! Maiipit ng pajama ang tyan ko." Sigaw ko.

Taranta naman nyang nilingon ang sala kung saan naka silip sa amin ang mga barkada nya.

"Whatever. Pagka tapos mong mag timpla ng juice, umakyat ka na sa taas. Huwag na huwag kang bababa!" Bilin nya.

"Bakit? May babae bang darating mamaya?" Matabang kong sabi.

"E ano ngayon sa'yo?" Naka-ngisi nyang tanong. Inirapan ko lang sya.

Hindi nya pwede malaman or makita na nasasaktan ako. Kailangan ki maging matatag, hindi lang para sa akin, para din sa anak ko.

Nag timpla ako ng Juice nila. Nilagay ko iyon sa tray at binuhat. Rinig na rinig ko na ang kwentuhan nila.

"Ikaw nakabuntis kay Ronnie, ano?" Halata ang pangangatyaw ni Jacob sa tanong nya.

"No! Nakiki tira lang sya dito. Actually, katulong namin sya."

Sumipol si Clyde sabay iwas ng tingin nang makarating ako sa sala.

Pagkatapos ko silang pagsilbihan doon ay umakyat na ako sa taas.

Ilang oras akong nagpagulong-gulong dito sa kama. Wala naman akong magawa. Malakas pa din ang ulan sa labas.

Umilaw yung cellphone ni James na nasa table. Tinitigan ko iyon ng ilang minuto bago dinampot.

May password.

Nag isip-isip ako ng pwedeng password nya. Hindi naman siguro sya yung taong ginagawang password ang birthday, diba? Pero walang mawawala kung susubukan ko.

Napangisi ako ng bumukas iyon. Iba talaga gumawa ng password ang mga lalaki, so creative!

Plain lang wallpaper nya pati ang lockscreen. Pumunta ako sa message at since naka conversation to, nakita ko ang mga text nya sa isang numero pero hindi sya nirereplyan.

Can we talk?

Sino to? At bakit parang desperado syang maka-usap sya. Hindi kaya ito yung girlfriend nya?

Sumikip ang dibdib ko. Iniisip ko palang ma yung mga ginagawa sa akin ni James dati ay ginagawin nya din ngayon sa babae nya ay parang mabibiyak na ang puso ko.

Tinignan ko ang labas, kailan ka ba hihina? Gusto ko ng umalis dito.

Tinabi ko ang cellphone nya at natulog nalang. Malamig ngayon at masarap makipag yakapan sa mga unan.

Alas otso na ng gabi nang magising ako. Bumaba agad ako para makapag dinner.

Napaatras ako ng bahagya nang makitang nasa sala pa din sila. Matalim kong tinitigan si James na may kayakap na babae.

Dinaanan ko lang sila at dumiretso na sa kusina. Kakain nalang akong mag isa at matutulog mag-isa!

Kailangan ko ng masanay mag-isa. Ayako ng masaktan.

Medyo napapa-iyak pa ako habang kumakain. Rinig na rinig ko ang sigawan at tawanan nila sa sala.

Hello? Nandito po yung asawa- I mean, Nanay ng magiging anak ni James!

Mabilis kong tinapos ang pagkain. Tinabi ko nalang iyon sa sink, tutal alam ko naman na ako ang maghuhugas lahat ng pinag inuman nila.

Dumaan uli ako sa sala. Hindi ko sila tinignan. Dirediretso lang ako sa kwarto.

Binuksan ko uli ang phone ni James. Makiki tawag nalang ako sa kanya. Mukhang may load naman sya lagi, e.

Kinuha ko sa table iyong number ni Liam at tinawagan ko sya.

Ilang ring lang ay biglang hinablot sa akin yung phone. Shit! Si James.

"Never touch things aren't yours." Madiin nyang sabi at binigyan ako ng isang madilim na tingin.

Hindi ako natatakot! Walang mangyayari kung lagi nalang akong takot sa kanya.

"Nakiki-tawag lang!" Umirap ako sa kanya. Tinitigan nya ako saka binalik ang tingin sa phone nya.

"Paano mo nalaman ang password?" Kunot noo nyang sabi.

Ang tanga mo kasi mag-isip ng password!

Hindi ko sya sinagot. Mabilis na tumaas baba ang dibdib ko sa kaba, "Patawag lang. Ikaw din naman may kasalanan kung bakit nasira ang cellphone ko..."

"Sinong tatawagan mo?"

"Si Liam." Inilahad ko ang kamay ko sa harap nya para kunin ang phone nya.

Tumaas ang isang sulok ng labi nya. "Kaya nga sinira ko ang cellphone mo, diba? Tapos ang lakas pa ng loob mong makikitawag sa akin at yung lalaking yun ang tatawagan mo!"

Humakbang sya sa akin palapit. Hindi ako makaatras, parang nafreeze yung paa ko sa sahig.

"E-edi huwag! Magkaka-utang na loob pa ako sayo," umiwas ako ng tingin.

Tumawa sya ng sarcastic. "Madami ka ng utang na loob sa akin, Misis."

Now, I'm scared.

Ibang tao na ang James na nasa harap ko ngayon. Napatingin ako sakanya at wrong move din ata dahil kanina pa pala sya nakatitig sa akin.

Lumapit pa sya sa akin. Pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa instinct.

"Akala mo hahalikan kita?" Taas kilay nyang asar ng naka ngisi.

WHAT THE FUCK!

Sa sobrang inis ko sa kanya ay tinulak ko sya. Pero what do you expect? Babae ako at malakas syang lalaki.

Napaatras lang sya ng kaunti pero hindi pa din sya nalalayo sa akin. Tumalikod ako dahil natatakot nanaman ako sa kanya.

"Kinakausap pa kita..." Bulong nya at hinawakan nya ang braso ko. Marahas ko iyong tinabig kaso bigla nya akong hinila.

Naglanding agad ang labi ko sa labi nya. Napa pikit ako sa naramdaman ko. Goodness!

Lahat ng takot sa dibdib ko ay napawi dahil sa halik nya. Para akong lumilipad sa alapaap.

Nanatili lamang magka-dikit ang mga labi namin. Dumilat ako at nakita ko syang magka salubong ang kanyang kilay habang nakapikit.

Gumalaw ng isang beses ang labi nya. Pagka tapos nun ay hindi na muli sya gumalaw.

Tinapos nya ang halik. Magka dikit lamang ang aming mga noo. Amoy na amoy ko pa ang panlalaki nyang pabango na may halong amoy ng alak.

"I miss your lips..." Bulong nya sa aking tenga. Pagkatapos ay sinunggaban na ako ng isang marahas na halik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top