44: Siguraduhin

Masakit ang ulo ko kinabukasan. Walang tao sa kwarto kaya bumaba ako habang sapo ang aking noo. Kamusta kaya sila Irene?

Muntik na akong madapa nang maisip kong hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi. Nagtaxi ba ako? Tinext ko ba si James o sila Cole?

"Hi be!" Parang zombie na bati sa akin ni Elle na kumakain ngayon ng sandwich.

Nagulat ako nang nakabusangot na lumabas sa kusina si Jigger saka inabutan ng kape si Louise. So, dito sila natulog?

"Goodmorning! Dito pala kayo natulog?" Tanong ko.

"Oo yata..." sagot ni Irene na nanunuod ng TV. Anong yata?

Kumunot ang noo ko. Magtatanong sana ako kung bakit nang biglang sagutin ni Trigger ang sinabi ni Irene.

"Hindi nyo alam kasi pare-parehas kayong mga lasing..." inis na sabi nya. Irap lang ang sinagot ni Irene sa kanya.

"Hala, oy sorry! Hindi ko naman alam na malalasing kami..." pag hingi ko ng pasensya.

"Ayos lang yun, Ronnie! Huwag mong pansinin tong mga kupal na to." Sabi ni Louise saka humigop ng kape.

Bumaba si Mommy kasama si Cole na parang pinilit lang gisingin.

"Goodmorning, tita!" Bati nila.

"Goodmorning! Feel at home lang, okay?" Tumango naman sila at literal na nag-feel at home.

"Si Hayme?" Tanong ko.

"Nasa labas, kasama nila Rain..." sagot ni Jigger. Tumango ako at hinayaan nalang sila.

Naging busy kami ni James nang araw din na yun. Araw nalang ang binibilang namin sa kasal kaya hindi na namin naasikaso sila Irene. Mabilis lang din naman sila makisama kaya close na agad nila sila Mommy.

"Tapusin lang namin to tapos magsu-swimming tayo..." sabi ni James sa kanila. Sumang-ayon naman sila.

Tumulong sila sa pagbabalot ng mga give-aways at mga invitation. Nagbibiro sila kaya tawa kami ng tawa.

"Si Trigger kaya mukhang natatae nun!" Sabi ni Chad na agad namang umilag sa binatong papel ni Trigger.

"Baka naman!"

"Anong baka naman? Putlang putla ka kaya nun!" Humagalpak kaming lahat sa tawa.

Ang kaninang tumatawang si Jigger ay sya naman ang napagdiskitahan ni Chad. Inasar nya to ng inasar kung gaano katanga noong college palang sila.

"Umaasa lagi kay Trigger, palibhasa kambal..."

"Ganun talaga kapag pogi." Sagot naman nya saka ngumisi kay Louise.

"Pogi nga, tanga naman. Anong mapapala ko sa'yo?" Asar ni Louise.

"Anong wala? Edi sweldo ko! Wala ka ng binigay sa akin... ako nagtatrabaho pero ikaw naman nakikinabang. Aba-" hindi na nya natapos ang dapat sasabihin nang pingutin ni Louise ang kanyang tainga.

Umiling si James habang tumatawa, "Under!"

"Tignan natin kung hindi ka ma-under pagkatapos ng kasal nyo..." hamon ni Jigger.

"Ha! Ako, ma-uunder?" Tumingin sya sa akin kaya matalim ko syang tinignan. Tumawa naman sya ng pilit saka umiwas ng tingin, "Proud to be ako!"

Umalingawngaw sa buong bahay ang pinagsamang tawa ni Chad, Trigger, Jigger at Dylan.

"Power of Veronica Samonte-Sandoval!" Tumatawang sabi ni Emma.

Pabalik balik ng bahay si Mommy dahil sa pagaasikaso ng kasal. Kasama nya ang Mommy ni James at sila Wind, Rain at Zech. Ginawa nilang driver si Cole kaya inis na inis si kupal.

"Okay lang yan, Cole. Para naman sa akin!" Sabi ni James saka kumindat pa kay Cole. Bumaling ang tingin ng lahat kay Cole saka tumawa.

Malutong na mura ang inabot ni James sa kanya. Medyo hapon na nang matapos kami.

"Wala akong dalang damit!" Reklamo ni Fern.

"Edi maghubad ka nalang para hindi mabasa..." biro ni Chad na agad hinabol ni Fern kaya naghabulan sila. Tinulak ni Chad si Fern sa pool nang mahawakan nya ito.

"Wala sabi akong damit, e!" Inis na sabi ni Fern. Tinawanan namin sya.

"Pahiramin nalang kita." Sabi ko. Umahon sya sa tubig saka hinabol si Chad na ngayon ay nagtatago sa likod ni James.

Umupo ako sa duyan at pinanuod ko nalang silang nag-aasaran. Laging magugulo at maiingay kapag sila Irene ang kasama namin.

Tumabi sa akin si James na ngayon ay topless. May hawak syang beer at basa na ang kanyang buhok. Tumutulo ang tubig sa katawan nya.

"Ayaw mo maligo?" Tanong nya. Tumingin sya ng diretso sa akin saka lumagok.

Umiling ako, "Tinatamad ako..."

Tumango sya. Bumaling din sya sa pool at pinanuod silang nagkukulitan. Si Jigger at Louise ay nagaaway nanaman habang si Trigger at Irene ay nagbabasaan sa pool.

"Hoy yung mga feeling teenager dyan!" Parinig ni James. Siniko ko sya habang tumatawa.

"Hayaan mo nga sila..." tumawa din sya at hinarap nalang ako.

"Hayaan ko nalang sila at ikaw ang atupagin ko?" Tanong na sabi nya. Ngumisi sya na parang enjoy na enjoy makita ang reaction sa mukha ko.

"Hayaan mo sila at sarili mo ang pakielaman mo..." pagtatama ko. Umiling lang sya at tumawa.

Ilang minuto kaming tahimik. Tatawa lang kapag may kabulastugan na ginagawa sila Chad.

"Binuhat kita kaninang umaga kaya alam kong mabigat ka. Baboy!" Asar ni Chad kay Fern. Agad na kumunot ang noo ko nang maalala ko nanaman ang kanina ko pang tanong. Nilingon ko si James na umiinom ng beer sa tabi ko.

"Tinext ba kita kagabi?" Tanong ko.

Humalakhak sya sa tanong ko, "Paano mo ako itetext, e lasing na lasing ka?" Sabi nya nang hindi ako nililingon.

"Lasing ako? Hindi naman ako masyadong uminom, a?" Dahil sa sinabi kong iyon ay mabilis nya akong nilingon. Magkasalubong ang kilay nya ngayon at alam kong iritang irita na sya.

"Kaya pala may pa "para sa single!" pa kayo, ha? Hindi pala uminom ng marami..." sarcastic nyang sabi. Ginaya nya pa ang boses ko dun sa para sa single at tinaas pa ang beer na hawak.

"Sinabi ko yun?" Gulat na tanong ko. Hindi ko alam na kapag lasing pala, hindi mo talaga maalala pinag-gagagawa mo. Kala ko nun, oa lang ang mga ganung tao. Totoo pala.

"Hindi lang ikaw. Kayong mga nanay na!" Tinuro nya sila Joy na ngayon ay masayang naliligo sa pool.

"Sila Emma?" Tanong ko.

"Tulog sa couch..." umirap sya sa akin at umiling. Pinalo ko ang braso nya.

"Yung totoo kasi, Hayme!"

"Totoo yun! Ako na din pala ang nagbayad ng bill nyo... imabot kayo ng 10K, baka gusto mong malalaman."

Hindi ko alam na ganun kadami pala ang ininom namin. Ang alam ko ay order lang ng order sila Emma ng pulutan.

"Bakit, magkano ba bill nyong mga lalaki?" Tanong ko.

Tinaasan nya ako ng kilay, "Bakit gusto mong malaman?"

"Hello? Magiging asawa mo po ako!" Ngumisi sya sa sinabi ko. Kinagat nya ang lower lip at pinigilan pang tumawa.

"Kinikilig ako!" Bulgar na sabi nya kaya natawa na din ako.

"So magkano nga?" Balik-tanong ko.

"Basta!"

"Bakit ayaw mo sabihin? Siguro bumili kayo ng babae, ano?" Naningkit ang mata ko.

"Babae nanaman... hindi nga ako nambababae!" Inis na sabi nya saka ginulo pa ang kanyang buhok.

"Sasabihin mo lang naman kasi kung magkano, e!" Sigaw ko sa kanya.

"Fine, 12!"

Kumunot ang noo ko. Paanong naging 12, e inumin lang naman ang order nila? Syam lang din naman silang lalaki.

"Bakit inabot kayo ng ganun?" Tanong ko.

"Basta! Pera ko naman yun, e..." umiwas sya ng tingin sa akin kaya sinabunutan ko sya para mabaling sa akin ang tingin nya.

"Bumili nga kayo ng babae no?"

"Aw! Hindi nga!"

"E ano pala?"

Malalim syang bumuntong hininga at inalis ang kamay ko sa buhok nya, "Bumili sila ng yosi sa loob!"

Natahimik ako. Ang alam ko kasi mahal talaga ang yosi kapag sa loob ng bar ka bumili.

"Nakailang kaha at sino sino ang nanigarilyo?" Tanong ko.

"Sila lang!"

"Sinong sila?"

"Sila Jigger..." mahinang sabi nya. Lumapit sya sa tainga ko, "Huwag mong sasabihin kila Ate, ha?"

Matalim ko syang tinitigan, "Siguraduhin mo lang na hindi ka din nanigarilyo, James Sandoval dahil alam mo na kung ano ang gagawin ko sa'yo..."

-----

Isang chapter nalang po ang natitira kaya nagrerequest po ako na sana magcomment na po kayo! Haha. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top