42: Ayokong ituloy ang kasal
Nanuod kaming tatlo ng movie na dapat panunuorin niya kasama sila Trigger. Hindi ko alam kung totoong masaya sya o nagkukunware lang dahil kami ang kasama nya.
Agad na nakatulog si Wind kaya natira kaming dalawang kumakain ng popcorn.
"Naiwan ko brief ko kila Trigger..." Aniya. Binalingan ko sya at matalim na tinignan. Iba nanaman ang reason nya, huh?
"Subukan mo lang talagang lumabas ng bahay na 'to, Hayme..." Banta ko sa kanya.
Bumagsak ang balikat nya at tamad na sinubo ang popcorn, "Pinagbibigyan kita kapag may girl talk kayo nina Emma, ako hindi?"
"Kasi girl talk lang naman talaga ginagawa namin."
"Boy talk din gagawin namin." Parang bata nyang sabi. Siguro kung hindi ko pa alam na ikakasal na kami ay naghinala na ako na may plano sya.
"Akala ko ba nakalimutan mo brief mo?"
"Yun din! Nakalimutan ko din pala..."
Bumuntong hininga ako saka pinatay ang TV, "Matulog na tayo. Subukan mo lang umalis ng kwarto, pupugutan kita ng ulo."
"Ulo saan?" Inosente nyang tanong kaya binato ko ng unan. Sapol naman sya sa ulo.
"May iba pa bang ulo maliban dyan?" Iritang tinuro ko ang ulo nya.
He smirked. "Hehe." Malandi nyang tawa. Tumayo sya para tanggalin ang saksakan ng TV at tumabi na kay Wind.
"Alam mo, sabi ni Mommy sa akin nung bata ako bawal daw nasa gitna ng magulang ang anak..." Bulong nya.
"Bakit?" Simula bata ako ay may sarili na akong kwarto. Si Cole lang ang tumagal sa tabi nila Mommy.
"Ewan?" Hindi ko na pinansin ang sinabi nya at tuluyan 'nang natulog.
Kinabukasan ay hindi kami masyadong nagkita sa school dahil busy kami parehas sa dami ng requirements. Kailangan naming matapos agad 'to para sa kasal ay wala na kaming alalahanin.
"Nica, paturo sa derivative!" Sigaw ni Emma kahit na nasa tabi ko lang naman sya.
Tinuro ko naman sa kanya. Nalilito sya sa mga signs kaya mali-mali ang sagot nya.
"Feeling ko pasado na ako neto sa Math!" Aniya saka ako nginitian.
"Madali lang naman talaga ang Math..." Sabi ko at nagpatuloy nanaman sa research. Deadline neto ay sa sabado pa pero kaya ko namang tapusin ngayon.
"Kilala mo 'yung drummer ng bandang Error 404?" Tanong nya. Umiling naman ako.
"Wala akong interes sa mga banda-banda..." silang dalawa lang naman ni Fern ang madalas manuod ng practice ng mga iyon pagkatapos ng klase.
"Si Allen kasi may girlfriend na!" Nagkunware syang umiiyak.
"Pakelam ko?"
"'To naman, kainis! Wala pa kasi si Fern, e. Kapag nalaman nya 'to, magluluksa din ang isang 'yun..." umiling ako sa kadramahan nya.
'Nang mag lunch kami ay hindi sumabay sa amin si Theo at James. Sabi ni Fern ay madami pa daw silang ginagawa kaya hinayaan ko nalang.
"Saan sila kakain kung ganun?" Kunot noong tanong ko.
"E-ewan? Baka hindi kakain." Nagkibit balikat sya saka nagpatuloy sa pagkain. Umiwas ng tingin sa akin si Emma.
Pinag-usapan nila ang bandang gusto nila habang kumakain. Hindi ko naman sila maintindihan kaya hindi ko nalang pinansin.
"Buti nalang at si Makki ang gusto ko doon!" Ani Fern.
"Sana nga si Tobias nalang natipuhan ko, pero Allen talaga, e..."
Umiling ako at inisip nalang si James. Dalhan ko kaya ng pagkain? Alam ko naman ang paborito nyang ulam kaso baka maka-istorbo ako.
Pumila ako sa counter saka nag-order ng ulam. Ipapadala ko nalang kay Fern tutal ay magclassmate naman sila ngayon.
"Fern!" Lumingon sya sa akin. "Paabot naman kay James, o... Baka kasi magutom 'yun."
Nilingon nya si Emma, hindi nya alam kung tatanggapin nya ba ang binibigay ko o hindi. Kumunot ang noo ko. Bakit naman hindi nya tatanggapin? Hindi ko naman ipapabayad sa kanya 'to.
"A-ah sige..." Pilit na ngumiti sya.
'Nang maguwian ay hindi din sumabay sa akin si James. Hindi ko alam kung bakit pero baka dahil sa group project nila. Sinundo ako ng driver namin.
Hinahanap ni Wind si James pagdating ko sa bahay.
"May projects si Tatay..." Sabi ko saka kinuha ang towel para punasan sya.
Kumain kami ng dinner na wala pa ding James na nagpapakita. Tinetext ko sya pero hindi nagrereply.
"Mauna na po tayo, baka busy sa projects..." Ngiwing sabi ko.
Bumuntong hininga si Daddy at nagsimula 'nang kumain. Kinakabahan ako dahil baka nadisappoint nanaman sya.
"Fern, kasama mo si James?" Sya na ang tinawagan ko dahil hindi sinasagot ni James o dikaya naman ni Theo ang kanilang phone.
"Umuwi na ako kanina pa, e. Tinanong mo ba kay Theo?"
"Hindi sinasagot..." Kinabahan na ako. Alas diez na at wala pa din syang text simula kaninang umaga.
Nakatulog si Wind kakahintay sa Daddy nya. Paikot ikot ako sa kwarto habang sinusubukang tawagan si James.
"Irene!"
"Hello Ronnie, bakit?" Maingay ang background at halata namang nasa party sya or what.
"Kasama mo ba si Trigger?" Tanong ko.
"Oo, magkakasama kaming lahat. Bakit?"
"Si James kasi kanina ko pa hindi matawagan... Nag-aalala na ako," matagal syang nanahimik. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao sa kabilang linya.
Mapapatay talaga kita, Hayme kapag nalaman kong nag-bar ka.
"Hindi, e... Wala sya rito. Wala ba syang nabanggit sa'yo?"
"Meron naman. Sabi nya ay gagawa sya ng project..." At alas diez na, imposibleng bukas pa ang school ng ganitong oras!
"Ah ganun ba? Baka pabalik na 'yun, hintayin mo nalang. Bye!"
Hindi pa ako nakakapag-paalam 'nang agad nyang pinatay ang tawag. Sinubukan ko ulit tawagan ang cellphone nya na hanggang ring lang, walang sumasagot.
"Humanda ka talaga sa akin, Hayme..." Bulong ko sa sarili ko habang madiin na pinipindot ang cellphone para sa isang text.
Thirty minutes ang lumipas at dumating na din sya. Agad ko syang sinalubong at piningot ang kanyang tenga.
"Saan ka galing?" Famous line.
"A-aray! Gumawa nga ng project, diba? Pinasabi ko kay Fern!" Pumikit sya habang nakanganga at hawak ang kamay kong nasa tenga nya.
"Ng ganitong oras?"
"Ouch! Bakit hindi ba pwede?!" Sigaw nya. Binitawan ko sya.
Bumilis ang hininga ko at pumikit para pigilan ang luha na nagbabadyang bumagsak. Kanina pa ako nagaalala sa kanya, sana naman sinagot manlang nya ang tawag ko.
Kinalabit nya ako. Winaksi ko lang ang kamay nya at patuloy na pinapakalma ang sarili.
"Misis, sorry na..."
"Magbihis ka na at magpahinga." Hindi ko sya tinignan. Dumiretso ako sa kama.
Rinig ko ang buntong hininga nya at ang hakbang nya papunta sa akin. Hinawakan nya ang buhok ko, nanatili naman akong nakapikit.
"Uy sorry na..." Malambing nyang sabi.
Hindi ako nagsalita. Hindi nya manlang naisip na baka nagaalala ako sa kanya o itext manlang na ayos lang sya at makakauwi sya ng ganitong oras.
"Psst..."
Agad na pinunasan nya ang gilid ng mata ko 'mang tumulo iyon ang luha na parang inaasahan na nyang luluha iyon.
"Hindi na mauulit..."
Dumilat ako. Nakita ko ang mata nyang nagsisisi sa ginawa at ang kamay nyang nasa gilid pa din ng mata ko.
"Ayoko 'nang ituloy ang kasal, James..." Sabi ko.
Nagulat naman sya sa sinabi ko. Rinig ko ang mahina nyang mura at ang pag-iwas nya ng tingin.
"Huwag ka namang maging isip bata, Ronnie... Napaghandaan na 'nang magulang natin 'to tsaka dahil lang dito?" Hindi makapaniwalang sabi nya.
Bumangon ako, "Anong 'lang'? Halos hindi ako makakain kasi nagaalala ako. Kung kumain ka na ba, kung ayos ka lang! Hindi mo manlang ako tinext."
Tumayo sya at sinapo ang noo, "Jusko naman, Ronnie project naman 'yung ginawa ko! Para sa kasal, wala na akong ibang iisipin kundi ikaw lang..."
"Sobrang busy ka ba na hindi manlang ako tinext o sinagot manlang ang tawag ko?!"
Nilapitan nya ako. Umamo ang mukha nya, "Be matured, Ronnie... Hindi kailangan icancel ang kasal dahil lang dito."
"Bakit ba? Desisyon ko 'yun, anong magagawa mo kung ayaw ko?!" Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ko ngayon basta pakiramdam ko ay may gusto akong gawin nya.
"Paano ang gastos, Ronnie? May venue na tayo, sa susunod na linggo ay susukatan ka na."
"Gastos lang? Hayaan mo, babayaran ko sa magulang mo 'yun..." Matapang na sabi ko pero wala naman talaga akong pera na ipambabayad.
Ginulo nya ang buhok nya. Malalim ang mata nya at halata ang itim sa ilalim neto, halatang pagod na pagod ang mukha nya.
"Yan ba talaga gusto mo?" Hindi ako nakasagot. Napalunok ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko.
"Oo..." Matapang na sagot ko.
"Okay then," pagod nyang sabi saka ako tinalikuran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top