39: Nananapak ako
"Hala! Kamukha nga ni James!" Mabilis nyang binuhat si Wind saka pinaggigilan.
"Mausog 'yan, Emma..." Natatawang sabi ni James saka dumiretso kila Irene. Hinila ko naman si Emma at Fern doon.
"Paano, una na kami?" Paalam nila sa amin. Mauuna silang aalis ng bahay, samantalang sila Emma naman ay hanggang mamaya pa daw hapon.
Huminto ang sasakyan namin sa harap nila at binuksan naman iyon ni James, "Ingat kayo..."
Kinurot kurot pa muna nila ang pisngi ni Wind saka pumasok na sa sasakyan.
"Hindi mo sinabi na ang po-pogi ng tropa ni James!" Siniko ako ni Emma habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Oo nga! Ilakad mo naman kami sa mga 'yon. Ay teka, single ba sila?" Tanong ni Fern.
Tumawa ako, "Kay James kayo magpa-tulong..." Sabi ko sabay turo kay James na kausap ngayon si Kuya Grey.
Umupo kami sa couch. Nilalaro ni Emma si Wind pero nakikisali rin sa usapan namin ni Fern.
"Gusto ko 'yung si Sky, Nica!" Aniya. Sabi na, eh. The way she looked at Sky, alam ko na agad na type nya ito.
"Gusto ko naman 'yung medyo chinito! 'Yung Dylan ba 'yun?"
Sky is single, but I don't know much about Dylan.
"Huwag nga ako ang tanungin nyo. Ayan, James!" Tinuro ko si James na paparating sa pwesto namin. Kumunot ang noo nya 'nang ituro ko sya.
"What?" Matigas na tanong nya saka umupo sa tabi ko.
"Ilakad mo daw kay Sky at Dylan."
Nilagay nya ang isang braso sa back rest saka tinignan sila Emma, "Sky is too dangerous, matinik 'yon!"
"How 'bout Dylan?" Tanong ni Fern. Tinignan naman sya ni James.
"Alam ba ito ni Jack, Fern?" Ngumisi sya.
"Ha? Bakit nasali si Jack dito?" Kunot noong tanong ko. Alam ko close sila kasi tropa nga ni Jack ang tatay ng anak ni Fern.
Nagbaba ng tingin sa akin si James, "'Di ba halata?"
"Itatanong ko ba kung nahahalata ko? Stupid..." Inirapan ko sya.
Nalaglag ang panga nya. "Ano nanamang inaarte mo?" Nakangisi sya ngayon na parang amuse na amuse sa pagiinarte ko.
"So ano nga!"
"Wala namang something sa amin, close friend lang!" Si Fern na ang sumagot.
"Hindi ganyan ang kwento sa akin ni Jack..."
Umirap si Fern, "Huwag mo nalang nga sagutin ang tanong ko. Kainis ka naman!"
Humalakhak si James, "Mabait iyon si Dylan. At single na single!"
Nagpakwento ang dalawa tungkol sa mga kaibigan ni James. Nag-angat ako ng tingin sa pababang si Cole. Naka jersey sya at may hawak na bola na nakaipit sa bewang nya at sa likod nya ay si Kuya Grey na may hawak pang isang jersey.
"Maglalaro pala kami..." Biglang tumayo si James sa tabi ko at kinuha ang jersey sa kamay ni Kuya.
"Ang lakas mang-hamon ang south, kulelat naman..." Ani Cole saka umiling.
"Palit lang ako,"
"Bakit pinayagan ba kita?" Masungit na sabi ko sa kanya. Napatigil sya sa paglalakad saka nilingon ako.
"Bawal ba akong maglaro?" Gulat na tanong nya.
"Kj naman ni Ate! Hindi naman mambababae 'yan, maglalaro lang kami." Irap ni Cole.
Hindi nalang ako nagsalita. Hindi umalis si James sa harapan ko hangga't hindi nya naririnig mismo sa akin na pinapayagan ko sya.
"Oo na nga! Maglaro ka na."
"Seryoso? Hindi ka magagalit sa akin?" Parang batang tanong nya.
"Hindi nga. Hala sige, magpalit ka na bago magbago isip ko!" Kumaripas sya papuntang cr para magpalit.
"Hindi ako sanay na possesive ka kay James, Nica..." Nilingon ko si Emma na sinusuri ako.
Hindi ko nalang sya pinansin. Naging abala silang dalawa kay Wind habang sila Cole naman at Kuya ay nag-uusap tungkol sa game nila.
"Panigurado kasama nila si Tobias..."
"Iyon lang naman ang panlaban nila kaya hindi 'yun mawawala."
Nag-aayos ng buhok si James 'nang dumating sya sa sala. Sakto sa kanya ang jersey ni Kuya Grey.
"O tara na!"
"Saglit..." Tumingin sya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Nilapitan nya ako saka hinalikan sa pisngi, "Babalik din ako mamaya!"
Nagpaalam din sya kila Fern. Kinantyawan pa sya na ang corny nya daw.
"Daddy!" Binuhat nya si Wind.
"Maglalaro muna si Daddy, okay? Si Mommy muna bahala sa'yo. Sumbong mo sa akin kapag pinalo ka!"
"Sama ako!"
Ginulo ni James ang buhok ni Wind, "Kapag big ka na isasama kita. For now, bantayan mo muna si Mommy at baka ipagpalit ako..."
"James!" Pagbabanta ko. Kung anu-ano ang tinuturo sa bata.
Tumawa lang sya saka binigay ulit kay Emma si Wind.
"Bili mo ako ng fries!" Sigaw ko bago sila tuluyang lumabas ng bahay.
Tinanong ko si Fern about kay Jack at inamin nyang nagpaparamdam ito sa kanya pero hindi pa sya ready lalo na kaibigan pa 'yun ng ex nya.
"Ano naman?" Sabay na tanong namin ni Emma.
"Anong ano naman? Big deal 'yun 'no! Bestfriend sila. Bestfriend!"
Hindi ko nakita kung saan dun ang mali. Pwede naman 'yun dahil in the first place, hindi nagpaka-lalaki 'yung kaibigan ni Jack kaya wala talagang karapatan 'yun sa bata.
Naubos ang oras namin sa pagkukwentuhan at kay Wind. Aliw na aliw sila sa kadaldalan nya.
"Sino mas love mo? Tita Emma or Tita Fern?" Tanong ni Emma.
"Tita Irene!" Masiglang sagot nya saka tumawa pa. Natawa naman ako sa reaction nila Emma.
"Wala sa choices ang Tita Irene mo. Kami na muna! Tita Emma or Tita Fern?" Tanong ulit nila.
Umiling si Wind, "Wala..."
Imbes na tanungin ulit nila si Wind ay natawa nalang din sila.
"Chicks 'tong anak mo, Nica!" Natatawang sabi ni Fern.
Paalis na sila Emma 'nang bumalik sila James. Hinatid namin sila sa gate. Kinukuha niya si Wind kay Emma pero ayaw ni Wind dahil pawis pawis daw si James.
"Baho mo!" Ani Wind saka humarap sa akin para magpabuhat.
Pinahatid namin sila sa driver namin. Nagpupunas ng pawis si James gamit ang jersey habang naglalakad kami papasok ng bahay.
"Kung nakita mo lang 'yung dunk ko!" Kunwareng nagsho-shoot pa sya sa ere saka umiling.
"Feel mo magaling ka na?" Sarcastic kong sabi.
"Magaling naman talaga ako! Hindi manlang ako nahirapan dun sa kalaban namin..."
"Oo nga. Hindi nga. Kaya pawis na pawis ka," Inirapan ko pa sya 'nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko. Kinuha nya ang damit nya saka nagpalit.
"Totoo nga kasi. Kung nakita mo lang kung paano magcheer sa akin 'yung mga babae dun..." Matalim ko syang tinitigan. Nasa pamamalit sya naka-focus. Inangat nya ako ng tingin at nalaglag ang panga nya 'nang makita ako.
"Anong sabi mo?" Nanliit ang mata ko.
"H-ha? May sinabi ba ako? Wala 'yun, ano ka ba!" Napalunok sya. "Ang init! Kailangan ko atang maligo..." Pilit na ngumiti sya saka dumiretso sa cr.
"Huwag mo akong talikuran, James!" Matigas na sabi ko. Bumalik sya ulit sa harap ko.
"Ano ba 'yun?"
"May nagcheer sa'yong mga babae? Kaya pala gustong gusto mo maglaro!"
Nilapitan nya ako saka hinawakan ang braso ko. "H-hindi. Mas maganda ka naman sa mga iyon! Tsaka mas sexy pa." Ramdam ko ang panginginig ng kamay nya.
"At nasaan ang fries ko?" Hindi sya nagsalita sa tanong ko. "Nananapak ako pag galit, James..." Seryosong sabi ko. Namuo ang pawis sa buong mukha nya at hindi na makangiti sa harap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top