33: Reason

"Anong sabi ng Daddy mo?" Inayos nya ang aking buhok na hinahangin.

Ngumiti ako, "Ayos na kami..."

"That's good! Sabihin mo lang kung kelan ka ready, kakausapin ko na sila."

Natahimik ako. It's not that hindi ako sang-ayon sa gusto nya, kakaayos lang namin ni Daddy and I don't think that's a good idea.

"Huwag na muna siguro, James,"

Napawi ang ngiti nya. He's hurt. Kumurap-kurap sya saka dahan dahang tumango.

"It's okay..." Hinila nya ako para yakapin.

It's not okay. Hindi 'ko kayang magalit ulit sa akin si Daddy dahil baka this time, hindi na talaga nya ako mapatawad. Pero hindi 'ko din kaya na mahiwalay ulit sa kanya.

"Sabihin mo lang kapag ready ka na, pakakasalan agad kita, Ronnie..." Bulong nya saka hinalikan ang buhok 'ko.

Napapikit ako. It feels good. Kahit ilang araw, ilang buwan, ilang taon kaming magkayakap ay hindi ako magsasawa.

"Oy!" Napahiwalay ako sa kanya nang may maalala ako. Kumunot ang noo nya.

"Ano 'yun?"

"Si Sab! Hindi mo naikwento kagabi," Umayos sya nang pagkaka-upo.

James' POV

Sabrina:

May party sa bahay nila Ronnie mamayang gabi and you're invited.

Tinapik ni Tres ang balikat 'ko nang mabasa nya din ang text ni Sabrina sa akin.

"Baka tanggap ka na ng Daddy ni Ronnie!" Tinaas nya ang isa 'kong kamay para makipag-apir.

"Goodluck, dude!"

Maaga akong nag-ayos dahil ayokong malate sa party. Tinext 'ko si Ronnie kung ano ang suot nyang dress para materno-han 'ko ngunit wala akong natanggap na reply. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin.

"Goodluck!" Tumawa ako sa ginawa 'ko.

Agad na napatingin sa akin si Mommy at Daddy nang bumaba ako. Sumipol sipol ako habang inaayos ang buhok 'ko.

"Saan lakad?" Tanong ng kapatid 'ko.

Lumapit ako sa kanya, "Wala ka na dun!" Binelatan 'ko sya.

"May date kayo ni Veronica?" Nilapitan 'ko si Mommy at niyakap 'ko sya sa sobrang tuwa 'ko.

"Invited ako sa party sa bahay nila..." Hinalikan 'ko pa sya na syang ikinatawa nya.

Kahit anong aga o bilis ang ginawa 'ko ay nalate pa din ako. Sumilip ako sa mataas nilang gate saka tumingin sa aking wrist watch, 10PM na.

Muli akong sumilip. Nagliwanag ang mukha 'ko nang makita 'ko sya na naglalakad sa garden, kung saan dinaraos ngayon ang party. Akmang tatawagin 'ko sya nang may tumapik sa akin.

"You're here!" Malawak syang ngumiti saka ako niyakap ng mahigpit.

Marahas 'kong tinanggal ang kamay nya, "Sabrina..." Sumimangot sya pero agad ding ngumisi.

"Let's go inside?" Isinabit nya ang kanyang kamay sa aking braso na agad 'ko ding tinanggal.

"Si Ronnie?"

Kumunot ang noo 'ko nang makita 'kong umirap sya.

"Nasa loob sya, kasama ang kanyang fiance..."

Napantig ang tenga 'ko, "Wait, what?" Pagalit 'kong tanong. Matagal 'ko nang nararamdaman ang pagka-inggit nya kay Ronnie pero hindi 'ko alam na aabot sa ganito, na sisiraan nya ang kanyang pinsan.

"You heard me. Gusto mo ba pumasok sa loob nang makita mo kung paano sila maglandian? And oh..." Tinuro nya ang nakasulat sa stage.

"Engagement party..." Mahinang basa 'ko. Umigting ang panga 'ko at hinahanap ng mata 'ko si Ronnie sa loob.

"See? Halika ka na, ikaw ang partner 'ko ngayon." Lahat ng galit 'ko ay nabaling 'ko sa kanya. Matalim 'ko syang tinignan pero wala lang sa kanya, malawak pa din ang kanyang ngisi.

Tinalikuran 'ko sya para umalis na. Mainit ang ulo 'ko ngayon at ayokong kausapin si Ronnie dahil baka kung ano ang masabi't magawa 'ko.

"Aalis ka?" Hinawakan nya ang braso 'ko, "Ayun pala pinsan 'ko, oh!" Nilingon 'ko kung saan sya nakatingin at halos baliin 'ko na ang kamay ni Sabrina na nakahawak sa akin ngayon sa sobrang galit.

"Hindi ako naniniwala..." Matigas na sabi 'ko.

"Then let's hear his Father's anouncement..." Hamon nya sa akin.

Pumikit ako. Ramdam na ramdam 'ko ang init sa buong katawan 'ko dahil sa galit. Hindi 'ko sya sinagot at iniwan 'ko na lamang sya doon. Sumunod sya pero wala ako sa katinuan para pigilan sya.

Dinial 'ko ang numero ni Tres, agad naman nyang sinagot, "Time-Out." Agad 'kong pinatay at sumakay na sa aking sasakyan.

"Bumaba ka." Kalmado 'kong sabi kay Sabrina na hanggang dito sa kotse ay sumunod sa akin.

"Why not? Kailangan mo ng kaibigan ngayon, James. Niloko ka ng pinsan 'ko-"

"I said get out!" Sigaw 'ko. Napatalon sya sa gulat pero hindi pa din sya bumaba.

"Sasama nga kasi ako!"

Umiling ako saka pinaharurot ang sasakyan. Tili ni Sabrina ang umalingawngaw sa buong sasakyan 'ko. Pinalo nya ang braso 'ko nang makarating agad kami sa bar.

"Natakot ako-" Reklamo nya pero agad na akong bumaba sa sasakyan. "Hoy James!"

Inis na nilingon 'ko sya, "Sinabi 'ko bang sumama ka?"

Taas noo pa din sya kahit na ramdam 'ko ang takot nya, "Hindi! Tara na nga sa loob." Isinabit nyang muli ang kanyang kamay sa braso 'ko pero agad 'kong inalis iyon.

"Dude! Kamusta?" Tumayo si Tres para makipagkamay sa akin. Umupo ako saka binuksan ang isang beer at agad na nilagok.

"Kasama mo si Ronnie?" Tanong ni Jacob na nakatingin kay Sabrina sa aking tabi.

"Pwede ba, huwag nyo na muna babanggitin ang pangalan ng babaeng iyon!"

Tumawa si Clyde, "Selos ka?" Biro nya.

"Bakit naman ako magseselos kung alam 'kong panalo na ako?" Umirap sya saka niyakap ako.

Marahas 'ko syang tinulak, "Get your hands off me!" Agad napahiya si Sabrina.

"Uh-oh!" Clueless na sabi ni Bryle.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa bahay nila. Ayokong maniwala kay Sabrina dahil alam 'kong hindi magagawa sa akin ni Ronnie iyon. Agad akong hinarang ng guard.

"Boi, anong sadya mo dito?"

Pinigilan 'ko ang sarili 'kong masapak 'tong guard na 'to na tuwing madaling araw ay tulog kaya madali akong nakakapasok sa loob.

"Veronica Samonte..." Sagot 'ko.

"Ay si Ma'am Ronnie? Wala sya ngayon, lumabas sila kasama si Madame Cecil."

"Saan pumunta?"

"Sino ka ba? Spy ka, ano?" Umirap ako sa sinabi nya. Kung spy nga ako, matagal 'ko nang magawa ang dapat 'kong gawin. Sarap lagi ng hilik nya, alas dose palang ng hating gabi.

"Mukha ba akong spy?" Tinaas 'ko ang isa 'kong kilay.

Sinuri nya ang mukha 'ko, "Hindi. Pero ganito ang bago nilang technique, pogi at mukhang mayaman para hindi halatang spy. Teka at tatawag ako ng pulis..."

At nagpaalam pa talaga? Kung totoo nga ang bintang nya, babarilin 'ko na sya ngayon para hindi na makatawag ng pulis. Tss.

"Boyfriend ako ni Ronnie..." Pinakita 'ko sa kanya ang aking wallpaper na picture naming dalawa.

Agad nyang binaba ang telephone saka tinitigan ng mabuti ang picture. "Uy ang ganda ng ngiti mo dito, ah?" Tinapik nya ang braso 'ko.

Umirap ako, "So nasaan nga?"

Natahimik sya at nag-isip, "Ikaw ba si sir Liam? Sorry po, a? Wala kasi ako nung Engagement party nyo kaya hindi 'ko kayo kilala hehe!"

"Liam?" Kunot noo 'kong tanong.

Tumango sya saka tinuro ako, "Yung fiance ni Ma'am Ronnie? Ang pogi nyo po pala talaga..." Kinamayan nya pa ako.

Tumaas lahat ng dugo 'ko sa aking ulo. So, totoo nga ang sinabi ni Sabrina?

"Pasok po kayo, pumuntang mall sina Ma'am Ronnie, nagpapasukat po ata ng gown..."

Bullshit!

Hindi 'ko na kailangan ng paliwanag nya. Umalis ako dahil baka mabasag 'ko ang mukha ng guard. Fuck, Ronnie!

"Baka gusto nyang gawin kang kabit?" Tumawa si Bryle saka lumagok. Hindi ako nagsalita. Kabit, huh?

"Hindi 'ko alam na ganun ang ugali ni Ronnie. Ganda pa naman, dude!" Umiling iling si Clyde. Agad 'ko syang kinweluhan.

"Anong sabi mo?" Naningkit ang aking mata.

"Chill!"

Tumayo ako, "May balak ka bang taluhin ako?" Tinaas 'ko ang kamao 'ko at ready nang dumapo sa mukha nya.

"Relax, James..." Inawat ako ni Jacob.

Malutong akong nagmura, "Tataluhin ako, eh!" Tinuro-turo 'ko si Clyde.

Tumaas ang dalawa nyang kamay, "Hindi ganoon ang ibig 'kong sabihin, dude! I know bro-code, J!"

Kumalma ako. Pumikit ako saka hinilamos sa aking mukha ang dalawang kamay. Ang sakit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top