30: Anong sabi mo?
Please vote and comment guys. Love you! :D
-----
Tumayo ako dahilan kung bakit napa-angat ang tingin nila sa akin. Sinalubong ako ng parehas nilang nagtatakang mata at kunot na noo.
"O? Bakit ka aalis? Hindi ka naman ginulo, a?" Takang tanong ni Emma.
"Basta..." Huminga ako ng malalim. Hindi ko din kasi alam! Basta ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa.
Bago ako umalis ay minsan ko pang tinapunan ng tingin ang dalawa. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o talagang naka-ngisi sila. Wala naman akong ibang alam na magandang lugar dito sa school kundi sa field lang, kaya doon ako pumunta.
Kanina, hindi nya ako ginulo, diba? Masaya yun, diba? Kasi mananahimik na ang buhay ko. Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi sya makita sa isang araw kasi nasa iisang school lang kami at classmate pa kami sa isang subject. Groupmate, actually.
I met his cold eyes kanina. Ang dating mata nya na punong puno ng emosyon tuwing titingin sa akin ay napalitan ng walang emosyon.
Ay ewan ko sa'yo, Veronica!
Inubos ko ang buong vacant ko sa field. Nahiga ako doon at nagkunwareng tulog, dahil hindi ako makatulog sa dami ng iniisip.
"Sandoval!" Natigil ako sa paglalakad nang marinig ako ang last name nya. Ibig sabihin ay nandito din sya?
Nanlaki ang mata ko nang marealize na nasa harapan ko lang pala sya. Nakangisi sya habang naglalakad palapit sa akin dahilan kung bakit umawang ng kaonti ang labi ko.
Napawi ang ngiti ko nang parang hangin nya lang akong dinaanan.
Nilingon ko sya and there, nakangisi na syang nakikipagkwentuhan doon sa lalaking tumawag sa kanya. Sumimangot ako at dumiretso na lamang sa classroom.
"Kainis!" Patabog kong binaba ang gamit ko sa aking upuan.
"Problema mo?" Kunot noong tanong ni Emma.
"Wala!" Nakakainit ng ulo! Siguro ay malapit na akong magkaroon kaya ganito kainit ang ulo ko. Lahat nalang ginagawa kong issue.
"O sus! Dahil kay Mister, ano?" Tumaas baba ang kilay nya na parang sigurado syang iyon ang sagot.
"H-huh? Ano ka ba, hindi!" Inirapan ko sya. Kinuha ko nalang ang libro ko saka binasa.
"Saka mo lang talaga marerealize ang isang tao kapag nawala na sa'yo..."
Hindi ko na sinagot ang parinig nya. Hindi naman din ako natamaan dahil hindi ako nagsisisi sa mga desisyon ko.
Ilang araw na puro ganoon ang nagyayari. Dinadaanan nya ako na parang hangin lang, ni hindi manlang nga sinusulyapan ng tingin. The fudge! Gulong gulo na utak ko.
"Are you guys ready?" Nakangisi ngunit kabadong tanong ni Jack.
Ngayon ang aming final defense para sa aming research. Hinihintay namin ang isang grupo sa loob tapos ay kami na ang sunod.
"Group hug!" Suggest ni Fern kaya naman nagsi-lapitan kaming lahat at nag group hug.
Tumaas lahat ng balahibo ko sa buong katawan nang maramdaman ko ang braso ni James sa aking balikat. Nasa gilid sya ni Emma ngunit dahil mahaba ang kanyang braso ay naabot ako niyon.
Nilingon ko sya at nagulat ako nang makitang nakangisi sya sa akin. Umiling sya at nag-iwas ng tingin. Uminit ang pisngi ko at kinagat ang aking labi para matigil ang pag ngisi niyon.
"Good luck..." Malalim nyang sabi pero nakatingin naman sa akin. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya o mag-go-good luck din ako.
Sinubukan kong maging cold ang itsura ko buong araw dahil ayakong sabihin nya na nalilihis ang desisyon ko.
Namuo lahat ng pawis sa aking mukha nang lumabas ang isang grupo mula sa room. Ibig sabihin ay kami na ang magp-present. Isa-isa kaming pumasok doon at sinalubong ang nakakaindak na tingin ng mga panel.
Binigyan sila ni Jack ng tig-iisang kopya ng aming docu. Habang nagsasalita kami ay binabasa naman nila ang laman niyon.
"So, how the self become a problem?" Tanong ng isang panelist na sa alam ko'y galing sa ibang school.
"Based on our research, self become a problem in the course of historical developement..." Nagpatuloy si Jack sa page-explain. Nakikisali lang kami kapag sumesenyas sya.
"Edi napag-aralan nyo na din ang bawat ugali nyo?" Tanong ng nasa gitna. Nagpapasalamat ako't tagalog ang tanong nya dahil kung hindi ay baka dumugo na ang aking ilong.
Rinig ko din ang malalim na buntong hininga ni James bago sumagot. "Yes, Ma'am..." Nag explain din sya about sa ugali ng tao na naencounter nya.
Pumalakpak ang isang panel sa gilid, "Very good, guys..."
Pagkalabas namin ng classroom ay nagyakapan ulit kami. Yes, uno!
"Celebrate?" Tanong nila at dahil sa tuwa ay napa-oo kaming lahat.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagsisi kung bakit pumayag ako sa party. Niyakap ko si Wind at kinuha kay Mommy.
"Hindi mo ba nakikita si James sa school nyo?" Gulat na nilingon ko si Mommy. Hindi nya alam na nasa school si James at lalong lalo na't classmate ko pa sa isang subject.
"Mommy!" Saway ko.
"Baka lang naman gusto nya makita ang anak nyo..." Napalunok ako. Gusto nya. Gustong gusto pero hindi na ako papayag.
"Cecil!" Napatalon ako nang marinig ko ang seryosong boses ni Daddy.
Literal na nanlamig ako habang pinapanuod syang bumababa ng hagdan. Lumapit sya sa amin.
"Hindi ba't sinabi ko na, na ayaw kong marinig ang pangalan ng lalaking iyon dito sa loob ng pamamahay ko?" Napaatras ako at nagtago sa likod ni Mommy.
"Fernando, may hinahabol iyong tao dito sa atin at wala tayong karapatan na itago sa kanya ang anak nya..."
Sinulyapan ako ni Daddy. Yumuko ako. Lumipat naman ang tingin nya kay Wind kaya mahigpit kong niyakap ang anak ko.
"Kung bakit ba kasi gumawa ng kalokohan itong anak mo!" Sigaw nya saka dinuro ako.
"Matatakot sa'yo ang bata!" Pigil ni Mommy. Sinulyapan ko naman si Wind na nanlalaki ang mga mata at handa nang umiyak.
"Sinira mo ang buhay mo, Veronica! Wala nang lalaki ang tatanggap pa sa'yo... ano? Habang buhay kang palamunin dito sa bahay ko?!"
"Fernando!"
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagiyak ng malakas ni Wind. "Shhh!" Inalog alog ko sya habang humahagulgol ako.
Nagulat ako nang tumulo ang luha ni Daddy, "Matagal na akong nagtitimpi, Cecil, alam mo iyan. At ngayon, sabog na sabog na ako! Gusto kong malaman nya to lahat nang magtanda na sya!"
"Daddy..."
"Huwag mo akong matawag tawag na Daddy! Subukan mo ulit na sumama o makipagkita sa lalaking iyon at kailanman hinding hindi na kita tatanggapin!"
Kung kanina ay nagsisi pa ako kung bakit ako pumayag sa party, ngayon naman ay gustong gusto ko na makarating doon. Nagpaalam ako kay Mommy at pinayagan naman nya ako.
"Mauna na ako sa Hide Out, ha?" Tumawag si Emma para lang sabihin nya iyan. Excited na daw sya dahil first time nya ako makakasama sa bar pero kailangan nya daw mauna dahil baka makita sya ng kanyang tiyahin.
"Tumakas ka ba?" Kunot noo kong tanong pagka-upo ko. Kararating ko lang at may iilan pang wala doon, wala pa din si James.
Hindi sya sumagot. Kinuha nya ang shot glass nya na may laman saka tinaas iyon at sumigaw sabay lagot.
"Hanep!" Sarcastic kong sabi.
"Nandoon si Fern sa dance floor..." Aniya na hinihingal pa. Pinasadahan ko naman ng tingin ang dance floor at nakitang nakikipag sayawan sya kay Jack.
"Sila Cameron, wala pa?"
Tinaasan nya ako ng kilay, "Sila pa ba magpapalate? Ayun, o! Lasing na nga si Theo..."
Nilingon ko iyon. Kasama nila si James at tig-iisa sila ng babae. Hindi na din bago iyon kay James dahil noon pa man ay gawain na nya iyan, nag-iinit lang talaga ang ulo ko ngayon.
"Mister mo!" Siniko nya ako saka nginuso ang ngising ngising Hayme.
Umirap ako, "Hayaan mo sya. Malaki na iyan, kaya na nya sarili nya..." Kinuha ko ang isang beer sa gilid saka nilagok din. Nag-init ang loob ng tiyan ko kaya napangiwi ako.
"Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na may anak kayo."
Nginitian ko sya, "Huwag kang magalala, hindi ka nag-iisa. Kahit ako ay hindi din makapaniwala..."
Tumayo sya at sinabing sasayaw daw kami pero tumanggi ako kaya sya nalang mag-isa pumunta doon. Ngayon, ako nalang mag-isa sa table.
Naisip ko nanaman iyong sinabi ni Daddy kanina. Kahit sino namang magulang ay hindi papayag kapag ang girlfriend ng anak mo ay may anak na.
Wala ng tatanggap sa akin.
Lumagok ulit ako ng isa pang beer. Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang halakhak ng babae. Bumubulong sa tainga niya si James saka sila umupo sa harapan ko. Napairap ako.
"Binitibitin mo ako, e..."
"Later, babe..." Malanding bulong ni James saka hinalikan pa ang pisngi nung babae. Napangiwi ako sa pandidiri. Nakakadiri silang dalawa!
Kahit na masakit na ang leeg ko kakatingin sa dance floor ay hindi pa din ako tumitingin sa side nila. Baka masuka lang ako. Humigikhik nanaman ang babae.
"Hay nako, kabataan nga naman ngayon..." Hindi napigilang sabi ko.
May binulong pa ang babae kay James pero sinenyasan nya iyon. Ngumisi sya sa akin lumapit ng kaonti sa akin.
"Anong sabi mo?"
Nilingon ko sya sa inirapan, "Wala! Hindi naman ikaw ang kausap ko..."
Tumaas ang isang kilay nya na parang nang-aasar pa, "Okay. Akala ko kasi sinasabihan mo ang sarili mo..." He chuckled.
Nanlaki ang mata ko, "What the fudge?" Gulat at kunot noo kong sabi. Nagulat ako sa sinabi nya pero umiling lang sya saka tumawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top