3: Jealous
"Oh! Gising na pala si Hayme." Napatingin ako sa hagdan, gulong gulo pa din ang buhok nya at naka kunot ang noo.
"Anong ginagawa mo dito, Ate?" Nailipat ang tingin nya sa akin. Umiwas ako. Siguro hindi na nya natatandaan ang mga nangyare kagabi.
"Kailangan ko pa bang sagutin yan?" Iritang sabi ni Irene.
Hinilot nya ang sentido nya at hindi na sinagot si Irene. Dumiretso sya sa kusina, para siguro maka inom ng gamot laban sa hangover.
Ngumiti sa akin si Irene, "Kamusta naman pagbubuntis mo? Sinasamahan ka ba nung unggoy na yun pag nagpapacheck-up ka?"
Ngumiwi ako. "Actually, si Mommy ang sumasama sa akin..." mahinang sambit ko. Ayakong lumabas na parang nag susumbong ako dahil hindi naman. Ayos na din na si Mommy ang kasama ko dahil alam nya kung may mali ba.
"Tss... batang yun talaga!"
Sumulpot si James sa harap namin. Hawak nya ang isang baso ng tubig na punong puno nang ice.
"Busy ako... tsaka wala naman akong alam sa mga iyon, baka mag tanungan lang kaming dalawa." Umiirap na sagot nya.
"Kahit na! Wala ka ba talagang pakielam sa baby mo?" Kunot noong tanong ni Irene. Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya, baka mapikon si James.
Tamad na tumingin sa akin si James, "Sa baby, meron. O? Ano? Nag away nanaman kayo ng asawa mo kaya ka nandito?"
"Hindi no! Nasa court sila ngayon kasama sila Chad." Sumandal naman sya sa couch at nilipat lipat ang channel ng TV.
"Sakto, kailangan ko magpapawis ngayon!" Aniya saka umakyat.
Bumuntong hininga si Irene. "Nuod tayo? Sama ka?" Nagka tinginan kami saka sabay na tumango.
Nag bihis ako ng dress dahil bawal na ako mag pantalon. Inipit ko nalang ang buhok ko.
Gulat na napatingin sa akin si James nang makalabas sya sa Cr. Naka tapis lang ang baba nya ng towel.
"San ka pupunta?" Tanong nya. Hindi pa din sya umiiwas ng tingin kahit na nagbibihis sya.
"Uh... sinama ako ni Irene sa court, manunuod daw kami." Yumuko ako at inayos ang bangs ko.
"Tapos?" Itinali nya ang tali sa jersey short nya.
Nagkibit balikat ako. "Yun lang naman daw,"
Nag iwas sya ng tingin at bumuntong hininga. Kinuskos nya ang towel sa ulo nya oara patuyuin ang buhok nya habang topless.
"Kilala ko si Ate, mag bo-boy hunting lang iyon. Huwag ka nang sumama." Sambit nya nang hindi ako tinitignan.
"May asawa si Irene, diba? Hindi naman siguro," sagot ko na syang ikina-inis nya.
Ilang minuto syang hindi nagsalita. Kunot ang noo nya. Tinignan nya ako, "Hard headed..." matabang nyang sabi.
Lumunok ako. "P-pero kung ayaw mo naman-"
Galit nya akong binalingan, "Sumama ka na."
"Look! Number 25, Cordova." Rinig kong sabi ng isa sa kaibigan ni Irene.
"Shit! Si Londi?" Nanlaki ang mata ni Irene saka sila nagtitili.
Pa-simple ko namang tinignan kung sino ang pinag uusapan nila. Kalaban ng team nila James iyong Cordova. Sakto, nasa kanya ang bola ngayon. Diretso syang tumakbo saka nag dunk.
Wow! Napa palapak ako ng wala sa oras. Tumingin sya banda sa amin dahil sa tili ng mga kaibigan ni Irene. Ngumisi sya kaya napangiti din ako. Nakakahawa.
"Girl, nginitian ka!" Bahagya akong tinulak ni Irene.
"Huh?" Gulat na tanong ko. Halos mapa talon ako sa gulat nang ihagis ni James ang bola. Hala shit! Naka limutan ko sya.
"Wala nang oras para makipag ngitian, Cordova! Kung gusto mo, kausapin mo nalang mamaya kung sino ang nilalandi mo." Aniya saka pumwesto na.
"Beastmode yung kapatid mo, be. Mukhang pangit na score nila Jigs!" Ani Louise.
"Hayme, ano ba! Umayos ka ngang ungas ka!" Sigaw ni Irene. Napa tingin naman sa akin si James at inirapan ako.
Hinila ako ni Irene sa baba pagka tapos ng game. Natalo sila dahil sa pambubulakbol ni James, pero tinawan lang ng team nya.
"Si J talaga nagpatalo e." Sabi nung asawa ni Irene. Hindi naman nya iyon pinansin. Lumakad sya direksyon ko, mag sasalita na sana ako nanag lagpasan nya ako. Lumingon ako, si Ley ang habol nya.
"Hindi ka pa naman uuwi diba?" Rinig kong tanong nya. Yumuko nalang ako.
"Hindi. May inuman kami kila Trigger e." Sagot naman ni Ley.
"Sama ako!" Nanliit ang mata ko. Ano? Uuwi nanaman syang lasing tapos ako nanaman mag aalaga sa kanya? Diba dapat ako ang alagaan kasi ako ang buntis!
"Hindi! Buntis tong girlfriend mo, eto atupagin mo." Sabi nung lalaking hindi ko kilala.
"Ang KJ naman neto ni Sky! Minsan ka na nga dito, tsaka kaya na nyan sarili nya. Nakikipag ngitian nga kanina..." matalim nya akong tinitigan.
"Hindi naman ako yun, a?" Paliwanag ko. Dahil talaga yun sa tili nila kaya ngumiti. Pa-famous siguro!
"Weeeeeh! E nginitian mo nga din, paanong hindi ikaw yun?" Mariin nyang sabi.
"Na-amaze lang naman ako sa dunk nya." Kinurot kurot ko ang kamay ko.
"Bakit ako? Ilang beses naman akong naka-shoot, ba't di ka na-amaze?!" Wtf! Syempre simpleng shoot lang naman ang ginagawa nya. Buti sana kung nag sisi-ikot muna sya bago i-shoot, baka ma-amaze pa talaga ako!
Mag sasalita pa sana ako ng explanation ko nang mapansin kong kami nalang pala ang nagsasalita. Pabalik balik lamang ang tingin ng mga kaibigan nila sa akin at kay James.
Napa hawak ako sa tyan ko, "Sige na, uuwi na ako!"
"Okay." Tumalikod ako at nag lakad na. Bwisit talaga! Kung alam ko lang na eto ang makukuha ko sa panunuod ko ng laro nya, sana nagbake nalang ako sa bahay.
"Hey," tinapik nya ako sa balikat. Lumingon ako, Oh! Si Mr. Cordova pala. Hindi ko sya pinansin at patuloy pa din sa pag lalakad. Hindi talaga nya ako sinundan!
"I'm Londi, and you are?" Hinarangan nya ang harap ko kaya napahinto ako sa pag lalakad.
Sarkastiko ko syang nginitian. "Excuse me!"
Tumawa sya. "Oh! Hi, Excuse me."
Napahawak ako sa tyan ko ng biglang sumakit eto. Shit! Wag naman ngayon! Kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapa sigaw.
"Oy! Are you okay?" Umiling ako sa tanong nya. Hinawakan nya ang braso ko.
"Alin ang masakit? Umaarte ka lang ba? Muka ka namang ayos kanina, a?" Sunod sunod nyang tanong.
Madalas sumakit ang tyan ko pero agad naman iyong nawawala. Pero shit! Pinakalma ko ang sarili ko, wala pa din!
"Aaaaaahhhh!!" Hindi ko na napigilan, napa sigaw ko.
"Ronnie!" Hindi ko namalayang si James na pala ang naka hawak sa akin. Binuhat nya ako at pinasakay sa kotse, hindi ko nga lang alam kung kanino eto.
"Look at me." Nakapikit lang ako, hindi ko kayang imulat ang mga mata ko.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. Parang iniipit ng kung ano ang tyan ko sa sobrang hapdi.
"Kalma, J!"
"Shit! Hindi pa naman sya manganganak, diba?" Rinig kong tanong nya. Pinaypayan nya ako. Ramdam kong hinalikan nya ako sa noo ko.
"Unggoy ka ba? Malamang hindi pa! Five months palang yan e." Si Irene.
"Dammit! Wala na bang mas bibilis pa dito, Chad?!"
"Paliparin ko na kaya, gusto mo?" Sarkastiko namang sagot nung Chad.
Binalingan nya ako. "Kaya mo yan! Natandaan mo nung naoperahan ka ng appendix nung second anniversary natin? Sobrang takot ka nun kasi sabi mo, ayaw mo sa hostpital, pero pagkatapos ng operation, parang wala lang sayo."
Tumango ako. Parang ganito din yun, pawis na pawis ako at sobrang sakit ng tyan ko pero nasa tabi ko sya nun at pinapalakas ang loob ko katulad ngayon.
"Hindi mo ba eexample nung first nyo? Masakit din yun-"
"Fuck you, Jigger!"
James' POV
"Nahihilo na ako sayo." Inis na sambit sa akin ni Chad. Umirap lang ako sa kanya at nagpatuloy pa din sa paglalakad.
"Ayan kasi, puro ka selos." Napatingin ako kay Ate. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Ako? Selos?" Tumawa ako pero agad ding napawi dahil kabado ako.
"Paano kapag sabihin kong kinukuha ni Cordova ang number ni Veronica?" Tinignan nya akong mabuti.
"Bakit? Malaki na tyan ni Ronnie, tanga na sya kung hindi nya alam na buntis yung tao!" Sigaw ko.
"Wala naman daw syang pakielam kung buntis e." I clenched my jaw.
"Nasan sya ngayon?" Parang nangangati kamay ko, gusto dumapo sa mukha nya.
"See? Someone's jelly!" Masayang sabi nya. Napailing nalang ako. Hindi ako nagseselos, naiinis lang! Magkaiba yun tsk.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top