24: Misis


"Whatever you say, James... It's too late!" Akmang aalis ako nang higitin nya ang braso ko. Mabilis syang lumuhod sa harap ko at hindi ko alam kung bakit tumutulo ang luha ko ngayon.

"I didn't stop loving you I just decided to stop showing it... Kasi-"

"I cared, you didn't. I cried, you laughed. I was scared, you fucking smiled!" Yumuko sya sa mga sinabi ko. "I move on, you realize what you had. Too late!"

"Hindi pa huli, Ronnie... Bigyan mo lang ako ng second chance, magbabago ako." Sinalubong nya ako ng tingin.

Pumiglas ako sa hawak nya. Mabilis akong nakawala dahil nanghihina na sya. Nanatili syang nakaluhod at nakayuko.

I smiled just to stop tears from falling, "Thanks for hurting me..."

Hindi ako magiging matatag kung di ako nasaktan. Hindi ako magiging mabuting ina para kay Wind. Yes, I'm not perfect but atleast I tried to be the best Mom, Wind can have.

Umalis ako doon. Iniwan ko sya sa ganung ayos. Hindi ko naman sinabing lumuhod sya doon.

Nawalan na ako ng gana kaya hindi na ako nagpaalam kay Mommy tungkol sa overnight kila Fern.

"Uy, ano na?"

"Hindi ako pinayagan, e..." Dumapa ako sa kama dahil sa iritasyon.

"H-huh? Baka mapipilit mo pa? Sayang tong girl bonding natin!"

"Girl bonding? E tutulungan lang naman natin si Saff para makausap yung boyfriend nya." Ilang minutong tahimik si Emma sa kabilang linya. Mukhang nagulat sa sinabi ko.

Kung sinunod nalang kasi sana ni Saff yung Kuya nya na hiwalayan si Michael, edi sana hindi nangyari sa kanila yan! Tss.

"Tutulungan natin sya kasi kaibigan natin sila..."

"Sinasabi mo ba yan sa akin o sa sarili mo?" Naningkit ang mga mata ko.

Ganito ba talaga magkaroon ng kaibigan? Parang kinokontrol na nya ako sa mga desisyon ko, e. Simula sa sekerto ko hanggang sa mga sumunod na desisyon ko.

"Nica-"

"Tsaka hindi ko sila kaibigan, Emma..."

"P-pero tinulungan natin sila kanina, diba? I-ikaw pa nga bumili ng-"

Lalong nag-init ang ulo ko. May nakakita sa akin na may hawak ako nun! Paano nalang talaga kung ibang tao ang nakakita nun at hindi si James?

"Huwag mo ng ipilit, Emma. Buong buhay ko, hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Kinaya ko lahat ng sarili ko lang at walang taong nandyan para sa akin..." Hindi ko alam kung bakit pero parang nag-oopen ako sa kanya ngayon. Nag-oopen ako tungkol sa nararamdaman ko and I hate it.

"Pero Nica, iba na ngayon... You have me. At alam kong hindi ka din iiwan nila Fern..."

Hindi ko pinansin ang sinabi nya, "Nobody notices. Nobody knows. Nobody cares..."

Huminga ako ng malalim nang patayin ko ang cellphone ko. Maayos naman ako, diba? Ano bang nagawa ko at parang binabalik lahat ng sakit sa akin.

Hina-hunting ako at patuloy na sinasaksak. Winawasak. Why does everything have to be so complicated? Ang gusto ko lang naman ngayon ay makapagtapos ng pagaaral at mabigyan ng magandang buhay ang anak ko.

Bakit kailangan ko pang mainvolved sa mga taong nasa paligid ko?

Inabot ako ng hating gabi sa kaiisip ng mga ganoong bagay. Hindi ko mahuli ang tulog ko dahil ayaw akong tantanan.

Damn this midnight thoughts!

All I want to do right now is cry, scream and let it all out because it's killing me inside.

Bagsak ang balikat ko kinabukasan dahil hindi ako nakatulog. Nakailang buntong hininga ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang aming classroom.

Nakasalubong ko sa hallway kanina si Jacob pero sa tuwing nakikita ko sya ay naaalala ko yung ginawa nya kahapon. Kaya pati sya ay iniiwasan ko.

Maghapon akong walang kinausap. Sumasagot lang sa mga tanong ng prof namin at pagkatapos ay tatahimik na ulit ako. Nung lunch, magisa lang ako sa table. No one dares to sit beside me or maki-table manlang.

Well, I don't care. Napagdaanan ko na to noon, wala ng bago ngayon.

Umuwi ako ng bahay na ganoon pa din. Pinilit kong maging normal sa harap ng pamilya ko at kay Wind.

"Nakita ko si James kanina sa palengke, Hija..."

Napawi ang ngiti ko at kunot noo ko syang hinarap. Eto ang ayako kay Mommy. Kung gaano ka-tigas ng puso ni Daddy ay iyon naman ang kina-lambot ng puso ni Mommy.

"Hindi mo habang buhay matatago si Blake, Ronnie..." Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Pero Mom, nakita mo naman kung ano ang hitsura ko nung umuwi ako dito galing sa kamay nya!" Hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko.

"Alam ko. Hindi ko kailanman makakalimutan iyon pero let's try to forgive. Hindi ka makaka-move on sa past mo kung hindi ka marunong magpatawad, Anak..."

"Naka-move on na ako, Mommy, kahit na hindi ko sya pinapatawad."

Bumuntong hininga sya, "It's one of the greatest gift you can give to yourself, Veronica... to forgive. Forgive everybody."

Nanahimik ako. Alam kong tama sya. Mother knows best nga, e.

"Bakit si Daddy? Hindi nya pa din ako napapatawad..." Yumuko ako.

Hinagod nya ang likod ko, "Matagal ka ng napatawad ng Daddy mo... Kahit nung hindi ka pa humihingi ng tawad sa kanya,"

"Bakit-"

"Trust me. Napatawad ka na nya..."

Imbes na matulog ako sa gabi dahil hindi ako nakatulog kahapon ay ito nanaman ako, nagiisip ng mga bagay-bagay.

Ako lang ba yung ganito? Na kapag gabi or midnight ay punong puno ako ng thoughts? And it's 4 am in na.

Totoo pala yung, 4 am knows all your secrets.

Mabilis kong tinabihan si Emma sa classroom. Nagulat sya pero pinagpatuloy na lamang nya ang pagsusulat sa kanyang notes.

"U-uh... Kamusta si Saff?"

Hindi ko kayang humingi ng sorry. Besides, wala naman akong kasalanan. Ako na nga tong nakikipag-ayos.

"Okay na sya..." Hindi nya ako inangat ng tingin.

Hindi ko na sya nakausap nang dumating ang mga prof namin. Nung lunch naman ay tinabihan ko sya sa table pero hindi kami naguusap.

"N-nasaan pala sila Fern? Hindi ba sila sasabay sa lunch?" Tanong ko. Kanina ko pa nililinga ang buong canteen pero ni-anino nila ay hindi ko nakita.

"Nakila Kel..."

"Kel?" Sino yun? Ngayon ko lang narinig yung ganoong pangalan.

Tinignan nya ako, "Nickname ng boyfriend ni Saff..." Ngumiti sya saka yumuko ulit para kumain.

Michael. Kel. Oo nga.

Pakiramdam ko ay outdated na ako sa buhay nila. Okay lang! Hindi ko naman ninais na malaman ang lahat sa kanila.

We all have stories we won't ever tell.

Nagulat ako nang umattend si Fern at Saff sa subject namin. Pinagbigyan kami ng profesor namin na pumuntang library ngayon para ituloy ang aming research.

Lumapit si Fern kay Jack, "Pwedeng hindi na kami sumama ni Saff?" Tinapunan agad sya ni Jack ng matalim na tingin.

"Bakit?"

"Basta! Email ko nalang sa'yo ang mga mahahanap kong pwedeng makatulog sa research..."

"Hindi pwede. Grupo tayo, kaya grupo din tayong gagalaw!"

Walang nagawa ang dalawa kaya sumama nalang sila sa library. Kunot ang noo ni Jack at halatang nawala ang mood nya.

Naghanap agad ako sa internet ng pwedeng decription about sa self. Sila naman ay nagpuntahan na sa mga books para may mailalagay kami sa references.

Sinulat ko ang mga tingin ko ay makakatulong. Sinulat ko din kung saan galing at ang url.

Putlang putla si Saff nang makarating ako sa table namin. Nilapitan ko sya at hinanap si Fern. Nakikipag usap sya ngayon kay Jack at halatang nagkaka-initan sila. Kung hindi lang siguro library dito ay baka nagsigawan na sila.

"You okay, Saff?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

Ngumiti sya. "Okay lang! Medyo nahihilo..."

Alam ko ang ganitong pakiramdam. Normal lang sa buntis ang sumakit ang ulo at madalas na mahilo pero sobrang sakit neto! Kapag ganito ang nangyayari sa akin noon ay naka-higa lang ako sa kama dahil tuwing gagalaw ako ay parang umiikot ang mundo ko.

"Umuwi ka na, Saff..." Hinahanap ko din si Emma na nasa bandang dulo, naghahanap ng libro kasama si James.

"M-magagalit si Jack..."

"Hintayin mo ako dito, Saff... Umub-ob ka muna para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo." Sinunod naman nya ako.

Tumayo ako para lumapit kila Jack at Fern na nagaaway. Hindi pa ako lubos nakakalapit sa kanila ay rinig na rinig ko na ang sagutan nila.

"Ngayong araw lang naman kami aalis, Jack!"

"Ngayong araw ko din kayo kailangan so please stop! Ang mabuti pa ay maghanap ka na ng libro mo dahil kailangan na natin next meeting ng iprepresent..."

"Jack..." Tawag ko.

Malalim na bumuntong hininga si Fern at hinilot ang kanyang ulo. Nilingon naman ako ni Jack.

"Nakahanap ka na ba?" Tanong nya pero hindi ko pinansin.

"Hayaan mong umalis na si Fern at Saff. Ako nalang ang aako ng mga kailangan nilang ibigay sa research..." Mabilis na dumilat si Fern sa gulat.

"As I was saying kanina, grupo tayo kaya hindi mo kailangang gawin to, Nica."

"Ayos lang naman sa akin! Kung gusto mo, ako nalang din ang magtatapos ng lahat..."

Umiling si Jack saka binalingan ng tingin si Fern, "Bago ako pumayag ay pwede ko bang malaman kung bakit kailangan mong umalis?"

Nag-iwas ako ng tingin sa titigan nila.

"Basta, kailangan naming umalis!"

"Bakit nga muna?" Kahit ako ay natatakot sa tono ng pananalita ni Jack.

"Bakit kailangan mong malaman? Hindi naman kita tatay!"

Umigting ang panga ni Jack at nag-iwas ng tingin. Tumayo na lamang sya para sabihin na pwede ng umalis sila Fern.

Nilingon na muna nya ako bago puntahan si Saff, "Thank you, Nica!"

Binigay sa akin ni Jack ang lahat ng kailangan kong tapusin sa research. Ang iba ay kunting revise nalang at ang iba naman ay kailangan pang i-type.

"Sigurado ka bang kaya mo?" Tumango nalang ako.

Nauna na akong umalis sa kanila. Buhat buhat ko ang madaming libro sa aking braso.

"Nica!" Bahagya akong tumigil at hinarap sya.

"N-nalaman ko iyong ginawa mo..." Nakita kong pinisil pisil nya ang kanyang kamay at hindi makatingin ng diretso sa akin. "Alam kong kahit ganyan ang ugali mo ay mabait kang tao. Hindi ko kailanman pinagdudahan iyon at salamat sa tulong mo. Lagi mo lang tatandaan na kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Kami nila Fern at Saff..."

Nakangiti ako habang naglalakad pauwi. I guess, tama ang lahat ng payo sa akin ni Mommy. Hindi ko man aminin ay naging malapit na talaga ako sa kanila at tinuring ko silang kaibigan.

Sa gitna ng ngiti ko ay may kotseng tumigil sa gilid ko. Bumaba ang bintana at lumawa ang isang James na ngising ngisi sa harap ko.

"Sakay ka na..."

Inirapan ko sya at patuloy lang ako sa paglalakad. Lahat ata kaya kong patawarin at gawing kaibigan pero ang isang to, kahit kailan ay hindi ko magawang mapatawad.

"Sige na, Miss! Dami mo pa namang dala." Muli akong napalingon sa kanya dahil sa Miss na itinawag nya sa akin.

"Miss?" Naningkit ang mata ko. Miss na ngayon? Hindi na Ronnie? Hindi na Veronica? O kahit Nica manlang?

Ngumisi sya saka ngumuso, "Ano bang gusto mo? Misis?"

Dahil sa gulat ko ay agad kong nabato sa mukha nya ang isang libro na hawak ko.

"Ang kapal ng mukha mo! Huwag kang magpapakita sa akin at baka patayin ko lahat ng lahi mo!"

Pulang pula ang mukha nya kung saan sya natamaan ng libro. Tumawa sya saka malutong na nagmura.

"Pinapansin mo ako tuwing inaasar kita... I guess araw-araw na kitang aasarin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top