23: Too Late

Binato ko kay Fern ang plastic, "Oh ayan na!"

Ngumisi sya pero puno pa din ng pawis ang kanyang noo. Maging kami ni Emma ay namumutla na sa sobrang kaba.

"Wala bang nakakita sa'yo?" Tanong nya.

Umirap ko. "Wala sana..."

Nagtalo kami kanina kung sino ang bibili nun. Kaya nauwi sa bato-bato pick hanggang sa natalo ako, kaya ako ang bumili.

Tumango sya, "Salamat, Nica!" Inabot nya kay Saff ang plastic.

Kabado kami habang inaantay sya. Sumadal nalang ako sa sink habang si Emma ay nasa pinto, taga-tingin kung may papasok. Si Fern naman ay inaalalayan si Saff sa ginagawa.

"O anong result?" Dumungaw si Emma sa hawak ni Saff.

"Five minutes pa..." Pumikit si Saff saka huminga ng malalim.

Hinagod naman ni Fern ang kanyang likod, "Okay lang yan... nandito lang ako."

Pinagmasdan ko si Saff. Ilang buwan na syang delay. Well, may boyfriend naman sya kaya hindi na nakakagulat kung positive ang result.

Ang problema lang ay kaibigan ng kapatid ni Saff ang boyfriend nya at matagal ng alam ng Kuya nya na wala na sila.

"Ano man ang result neto, maging grateful nalang tayo..."

Mabuti nalang at nandito si Fern dahil sya ang nagpapalakas ng loob ni Saff. Kahit na may anak na ako ay hindi ko pa din kayang magbigay ng advice pagdating sa ganitong bagay.

"So, ako nalang pala ang virgin sa ating apat?" Sabay sabay kaming napalingon kay Emma. Nakasimangot sya habang nakasandal sa pinto.

Kumunot ang noo ni Fern, "Apat?" Nilingon nya ako kaya nanlaki ang mata ko.

"A-ah... I m-mean ano... Hmm, alam nyo namang mysterious si Nica, diba? H-hindi ko alam kung..."

Nanlamig ako habang sinusuri ako ni Fern. Shit, Emma! Sabi ko na nga ba't madaldal ka, Ineng.

Magdadahilan pa sana ako kaso biglang humikbi si Saff. Tatanungin ko sana sya nang bumaba ang tingin ni Fern sa hawak ni Saff.

Two lines. Positive.

"Paano na ako?" Nilagay nya sa kanyang mukha ang dalawang kamay habang umiiyak.

"Kilala ko si Michael, Saff... alam kong pananagutan ka nun." Niyakap sya si Fern.

Lumapit naman si Emma at naki-yakap na din sa kanila. Ayako sa drama kaya pinanuod ko lang sila.

Napagdesisyunan nila na mag-overnight ngayon kila Fern para doon sa kanilang bahay makakapag-usap si Saff at ang kanyang boyfriend. Hindi ko pa alam kung sasama ako. Baka kasi hanapin ako ni Wind.

Tulala ako habang naglalakad sa hallway. Inayos muna namin si Saff bago kami lumabas ng CR at since parehas kami ng subject ngayon ay sabay-sabay na kaming pumasok.

Diretso lang ang lakad ko hanggang sa upuan. Nilabas ko ang notes ko dahil baka may surprise quiz mamaya, para handa ako. At dahil wala na din akong magawa.

"Psst!"

Sanay na akong maingay ang paligid habang nagaaral ako. Hindi ko naman sila mapagbawalan dahil hindi naman library tong classroom.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may mabato sa akin ng ballpen. Galit na nilingon ko iyon, and there, si Jacob na ngiting ngiti. Katabi nya si James.

"What?" Kunot noo kong tanong. Classmate pala kami dito. Late na sya pumasok kaya mamaya pa nya malalaman ang grupo nya.

Nginuso nya si James na nakatingin sa bintana. Inirapan ko sya pero bigla nyang tinuro ang kanyang pisngi at labi na namumula. Mukha atang napaaway sila, pero wala namang galos si James.

Nanlaki ang mata ko nang binaba nya ang kanyang tingin sa akin. Our eyes met. Agad akong yumuko at nagkunware'ng nagsusulat sa aking notebook. Kinagat ko ang labi ko sa hiya.

Maagang natapos ang klase namin dahil na rin sa project na pinagawa nya. Napunta si Jacob sa Group L-O dahil ang kanyang last name ay Madriaga.

Agad nya akong nilapitan at pinatong ang kanyang kamay sa tuktok ng aking ulo. Magpapaalam sana ako kay Emma kaso naabutan ko syang lalag ang panga at gulat na pabalik-balik ang tingin nya sa akin at kay Jacob.

Alam ko na kung anong iniisip nya. Bumuntong hininga ako at binalingan ng tingin si Jacob. Inosente ang kanyang mukha habang pinagmamasdan si Emma.

"Weirdo..." Mahina syang tumawa saka umiling. Hindi naman iyon pinansin ni Emma dahil sumama na sya kina Fern at Saff.

Naglakad na din ako kasunod nila. Agad naman akong hinabol ni Jacob habang tinatawag si James.

"Mauuna na kami, Nica... tumawag ka nalang kung makakasunod ka," Ngumiti sa akin si Saff.

Tumango ako. "Sige..."

Lumitaw si Jacob sa gilid ko habang akbay akbay si James. Nagkatitigan kami pero agad din akong nagiwas.

"Mauna na kayo, may dadaanan pa ako..." Kahit wala naman. Naiilang ako kapag nasa paligid si James at alam kong alam iyon ni Jacob kaya mapapatay ko talaga sya dahil sya pa ang dahilan kung bakit malapit si James sa akin ngayon.

"Huh? Saan? Pwede kang ihatid ni James..." Ngumisi sya ng pagkalawak-lawak.

Inirapan ko sya. "Kaya ko sarili ko."

"O? May sinabi ba akong hindi mo kaya? Ang sinasabi ko lang ay sasamahan ka nya..."

Pasimple ko syang kinurot ng pino sa kanyang tagiliran kaya napatigil sya sa paglalakad at namilipit sa sakit.

Hinarap ko sila. Agad naman silang tumayo ng tuwid at parehas na hindi makatingin sa akin, "Sabihin nyo nga... may kailangan kayo, ano?"

"Wow, talino mo talaga! So, mauna na ako? Bye." Tinapik nya muna ang balikat ni James saka kumaripas na sya ng takbo at iniwan kaming dalawa.

Umiling ako habang nakatingin sa daang tinakbuhan nung hayop na yun.

"A-ah... kung ayaw mo naman akong kausapin, kahit ihatid nalang kita."

Blanko ko syang hinarap. "Sundan mo ako..." Nauna akong naglakad at ramdam kong nakasunod sya sa akin.

"Ulitin mo nga ang gusto mong mangyari?" Tanong ko nang nasa field na kami. Safe magusap dito kaya dito ko sya dinala.

"A-ano..." He cleared his throat. "I-ihahatid kita?"

Tumawa ako, "Oh really? Tingin mo talaga maihahatid mo pa ako sa bahay?" Sarcastic kong sabi.

Nagiwas sya ng tingin, "May gusto sana akong itanong..."

"Ano?" Tamad na tanong ko.

"K-kanina... nabangga kita sa hallway, right?" Tumigil sya ng ilang minuto kaya tumango ako para sabihing ipagpatuloy nya ang kanyang sasabihin.

"M-may na kita kasi ako sa gamit mo..." Kinamot nya ang kanyang batok. "Pregnancy Test Kit..."

"And?" Pilit kong pinipigilan ang kaba ko. Shit! Mapapatay ko talaga sila Fern! May nakakita sa akin! Paano nalang kung hindi si James iyon? Edi may issue na sana ko ngayon na buntis ako!

Diretso nya akong tinignan sa mata, "Sa'yo ba iyon?"

"Ano ngayon kung akin nga iyon?"

Bumagsak ang balikat nya, "Hindi pwede, Ronnie..."

"Bakit?" Ang kapal talaga ng mukha nya!

"I already promised my whole life to you kaya hindi pwede..."

Nagulat ako sa sinabi nya. Promise? Sa buong pagsasama namin noong buntis ako ay kahit isang promise nya ay wala akong narinig tapos ani etong sinasabi nya ngayon?

"Ang kapal ng mukha mo." Iyan nalang ang lumabas sa bibig ko. Sa lahat ng ginawa nya at ginagawa ngayon ay yan ang tamang salita para sa kanya.

"Noong umalis ka, nagising ako sa katotohanang mahal na mahal pala kita. Kaya nangako ako na ikaw lang. Hahabulin at hahabulin kita kahit ayawan mo ako..."

"It's too late, James..." Ganitong James ang gusto kong humarap sa akin noon pero wala. Ganyang mga salita ang pinapangarap kong marinig mula sa kanya noon pero hindi ko narinig. Ngayon na maayos na ako, tsaka nya iyan sasabihin? It's too late!

"It's never too late to start again, baby..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top