22: Pregnancy Test

"Uy, kaibigan mo, o..." Tinuro ni Jacob si Emma na nagbabasa ng libro sa field.

Ilang linggo na nya akong hindi pinapansin. Okay lang naman kasi hindi naman malalim ang pagkakaibigan namin para maapektuhan ako sa pag-iwas nya.

"Hayaan mo sya," Nanatili ang mata ni Jacob sa kanya kahit nalagpasan na namin ang field.

"Inaway mo?"

"Hindi."

Bakit ba mahalaga kay Emma na malaman nya ang problema ko? Ako nga, ni-katiting wala akong pakielam sa buhay nya o kahit na sino.

Bumaba ang tingin nya sa akin, "Hindi pa kita nakitang nagkaroon ng kaibigan..."

Tumawa ako, "Anong tawag mo sa'yo?"

Ngumisi sya saka inakbayan ako, "So, kaibigan mo ako?" Tumaas baba ang kanyang kilay.

"Hindi."

"Lumalaki ilong mo kapag nagsisinungaling ka..." Tumawa sya saka ako piningot.

"Ano ba! Edi oo na, kaibigan na kita!" Sinamaan ko sya ng tingin saka hinimas ang ilong ko. Pakiramdam ko ay namula iyon.

Nagkatinginan kami at sabay kaming natawa. Natawa ako kasi lumaki ang ilong nya sa kakapigil ng ngiti.

"Uy brad!"

Napawi ang ngiti ko. Nagtago ako sa likod ni Jacob. Nagkamayan naman sila at nagkwentuhan ng ilang minuto sa hallway.

"May party si Clyde mamayang gabi sa Time Out. Ano? Game ka?" Tanong ni Jacob.

"Pass muna, dude! Papa-good shot muna..." Ngumisi si James sa hiya.

Good shot? Kanino? Baka sa girlfriend nya. Alangan naman sa magulang, hindi ba? Wala naman madalas sa bahay ang Mommy't Daddy nya kaya imposible talaga.

"Mukhang seryoso ka dyan, a?" Napatingin ako kay Jacob. May alam sya?

Hinimas ni James ang batok nya, "Oo, e... alam mo na,"

"Sige, dude. Pagbutihan mo yan,"

Umalis si James ng hindi manlang ako sinusulyapan. Pinanuod ko syang naglalakad palayo sa amin. Hinila naman ni Jacob ang braso ko.

"M-mukhang bagong buhay na i-iyong k-kaibigan mo, a?" Nag-iwas ako ng tingin.

"Oo nga, e..." Ngumisi pa sya.

Magtatanong pa sana ako nang biglang buksan ni Jacob ang pinto ng classroom ko.

"Pasok ka na... ihahatid kita sa inyo mamaya bago pumunta kila Clyde,"

Hindi ko din talaga maintindihan si James. Three years ago, halos halikan na nya lahat ng madaanan ko, halos lumuhod na sya sa harap ko tapos ngayon dinadaan-daanan nalang nya ako?

Sinabi nya din nung nakila Jack kami na ako pa din daw ang Ronnie nya pero anong ginawa nya kanina? Ni hindi manlang nya ako tinignan. Kahit nagpaalam manlang!

Pumadyak ako sa inis. Para na akong sasabog kaya pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

Really, Veronica? Bakit ka ba naiinis? Wala naman na diba? Kung kaya kang iwasan ni James ngayon na parang hindi ka naging parte ng buhay nya, pwes, magagawa mo din.

Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga kaya napadilat ako. Nakatingin sya sa akin gamit ang mata nyang punong puno ng pagalala.

"Pwede mo naman kasi sabihin sa akin ang problema mo, Nica..."

Tumawa ako, "E kasi wala naman akong problema, Emma... bakit lagi mong ipinipilit na meron?"

"K-kitang kita ko sa mga mata mo kung paano ka nahihirapan. Hindi man ako makatulong, sana gumaan manlang yang pakiramdam mo..."

Lahat ng mga katangian ni Nica ay parang biglang bumagsak. Ngayon, ako nanaman si Ronnie.

Tumayo ako dahilan para tingilain nya ako. Ngumiti ako sa kanya at inalok ang aking kamay.

"H-huh?"

"Mag-cut class tayo?" Ngumiti ako.

Pagkahawak na pagkahawak nya sa kamay ko ay agad kaming tumakbo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko, kailangan kong maging malaya.

Tawa kami ng tawa nang makarating kami sa Lake Tana. Umupo kami sa damuhan.

"Baka may prof na nakakita sa atin, lagot tayo..." Tumawa lang ako sa sinabi ni Emma.

"Gusto mong malaman ang sekreto ko, hindi ba?" Nilingon ko sya. Napawi ang tawa nya.

Huminga ako ng malalim. Kahit na ilang linggo lang kami nagkakilala ay hindi ko maikakaila na tunay syang kaibigan.

"May anak na ako..."

Nalalag ang panga nya at nanlaki ang kanyang mata. Akala ko kanina ay maiiyak ako kapag sinabi ko sa kanya pero natawa nalang ako sa reaksyon nya.

"P-paano?"

"Hello? Paano pa ba? Edi isang lalaki, isang babae... boom putok!" Tumawa ako.

"A-ang ibig kong sabihin... ang h-hinhin mo kaya,"

"Porket mahinhin, hindi na pwedeng maging tanga?"

Tumawa sya, "E ano pinoproblema mo?"

"Eto ang hindi ko pa masasabi sa'yo... basta ang clue, schoolmate natin ang tatay ng anak ko."

"Tss... mahirap nga iyan. Alam kong hindi kayo maayos nung t-tatay ng anak mo kaya laging ganyan ang mukha mo..."

Pagdating ulit namin ng school ay nakasalubong namin si Fern at Saff. Puno ng pawis ang mukha nila.

James' POV

Napabuntong hininga ako nang malagpasan ko sila. Mahirap para sa akin na makita syang may kasama na iba, lalo na't sa kaibigan ko pa.

"Tol, hindi sa kinakampihan kita, a? Pero mali talaga yang ginagawa ni Jacob, e..." Lumagok si Tres.

Tinignan ko sya habang nilalaro ang aking shot glass. Hindi ko sya sinagot dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang tama sa mali. Ayako nanamang magkamali dahil sa kagaguhan ko.

Tumawa si Tres at kinantyawan ako, "Wala kang irereact, tol? Talo-talo na tong nangyari sa inyo ni Jacob!"

Bumuntong hininga ako, "Hayaan mo na, pre... mukha namang masaya sila."

Umiling si Tres saka binagsak ang kanyang shot glass sa table, "Hindi ko alam na may martyr pala sa tropa..."

"Gago! Hindi martyr tawag dito."

"Tanga?"

"Acceptance, bro. Tanggap ko na na hindi ako mapapatawad ni Ronnie. Hindi to kwento kung saan ako ang madedecide ng ending namin..."

Inayos ko ang mga gamit ko habang nagmamadaling naglalakad. Naparami ang inom namin ni Tres kagabi kaya napasarap din ng tulog.

"WHAT THE FUCK?" Sigaw ko nang mabunggo ako sa hallway.

"Sorry..." Tumayo sya.

Biglang umatras ang dila ko nang makita ko ang kanyang mukha. Tagatak ang kanyang pawis sa noo at parang wala sya sa sarili. Pinulot ko ang mga gamit nya sa sahig.

"Ako na! Kaya ko na!" Mabilis na pigil nya pero hindi ko sya pinansin.

Inayos kong mabuti ang mga libro nya saka inabot sa kanya. Aalis na sana ako nang makita na may naiwan pa syang gamit sa sahig. Akmang pupulutin ko iyon nang mabilis nyang kinuha.

Umigting ang panga ko at napalunok. Magtatanong pa sana ako nang mabilis na syang tumakbo pababa.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Malinaw kong nabasa kung ano iyon!

Fucking fuck! Imbes na pumasok ako ay mabilis akong tumakbo para hanapin si Jacob. Nasaktan ko na si Ronnie, hindi ako makakapayag na masaktan ulit sya.

Bumagsak agad si Jacob sa damuhan ng makita ko sya sa field. "Tang ina, bro, para saan yun?"

"Gago ka! Anong ginawa mo kay Ronnie?" Patuloy lang ako sa pagsuntok sa kanya.

"A-anong? Dude, what are you talking about?!"

Tumigil ako. Nanghina ako bigla at ngayon ko lang naramdaman ang sakit. Sobrang sakit. Para akong sinampal ng milyon milyong tao sa sobrang sakit.

Humikbi ako, "Putang ina, pare! Bakit may pregnancy test si Ronnie?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top