2: Drunk
James' POV
Naka simangot akong bumaba ng hagdan. Sakit ng ulo ko e. Hangover!
"Naka linis ka na ba ng bahay?" Sigaw ko habang papunta ng kusina.
Imbes na si Ronnie ang nandun, si Mommy pala. Sinamaan nya ako ng tingin habang nagluluto.
Kumunot ang noo ko. "Si Ronnie?" Tanong ko sabay tingin sa wrist watch. 6AM na a?
"Naliligo na. Ikaw bata ka, pinahihirapan mo yung asawa mo, e alam mo namang buntis." Kinilabutan ako nang marinig ko yung asawa mo. Tsss sagwa pakinggan.
Umirap ako. "Dapat lang naman! Nakikitira sya ng libre e," tumalikod na ako para maligo.
Inaayos ko necktie ko habang pababa ng hagdan.
"O diba? Bagay sayo..." nilingon ko si Mommy. Kumunot ang noo ko habang pinapanuod silang dalawa na nag memake up.
"San punta? Party?" Sarkastiko kong sabi. Sabay silang napa lingon sa akin. Nanatili lamang ang mga mata ko kay Ronnie habang naka ngisi.
"Inorder ko sa Tita Jessica mo. Bagay pala pink lipstick kay Ronnie," naka ngiting sabi ni Mommy.
Umirap ako. "Wala namang nag bago..." isinabit ko ang sa isang balikat ko lamang ang bag ko. "Halika na, malelate na tayo,"
Natigilan naman sya. "Sabay tayo?" Gulat na tanong nya.
Iritado ko syang nilingon. "Obvious ba?"
Nahuli ko pa ang ngiti nya bago ako umiwas ng tingin. Nakaka irita lang lalo.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Binubuklat nya ang mga notes nya kaya naprepressure ako. May quiz ba? Ang alam ko wala naman. Bakit nag aaral to?
"Anong inaaral mo?" Nilingon ko sya.
"Wala. Binabasa ko lang," umiling ako.
"Mauna ka na bumaba." Pagka rating namin ng campus. Ayakong makikita ng iba na magka sabay kami, nakaka diri.
"H-huh? Parehas naman.... tayong room," bumaba ang boses nya. Yumuko lang sya at walang sabi sabing bumaba ng sasakyan.
Five minutes, bumaba na din ako. Tinago ko sa magka bilang bulsa ko ang kamay ko habang tinatahak ang daan papunta sa room.
"Si Sandoval," ngumisi lang ako at umiling.
Girls, girls, girls...
Sinalubong ako ni Katy pagdating ko ng room. Hinahanap agad ng mata ko si Ronnie pero wala sya sa pwesto nya.
"Babe, tayo na ba?" Malandi nyang tanong. Hindi ko sya pinansin.
"Hoy, Salcedo, nasan si Samonte?" Kunot noo kong tanong.
"Pakielam mo ba sa babaeng yun, wala na kayo diba?" Tinabig ko ang kamay ni Katy na kumakapit sa braso ko. Tang na, ayako pa nanaman sa lahat yung sumasabat.
Tinaasan nya ako ng kilay, "Tumakbo kanina, pumunta atang CR..."
Nag half run ako papunta sa CR ng girls.
"Ronnie?"
"What?" Iritado nyang tanong.
Lumunok ako. "May ibang tao ba dyan?"
"Wala," walang sabi sabi kong tinulak ang pinto at pumasok.
Gulat syang napa tingin sa akin. Sinulyapan ko ang labado pagkatapos ay tinignan ko sya.
"Are you okay?" Tanong ko.
"Oo, sanay na akong ganito tuwing umaga..." sagot nya habang nag pupunas ng tissue sa labi.
Tinignan nya ako. "Bakit ka nga pala nandito? Hindi mo naman ako hinanap, diba?" Tanong nya.
Inirapan ko sya. "Napa daan lang ako dito." Inilagay ko sa magkabilang bulsa ang kamay ko saka tumalikod at nauna nang mag lakad.
"Tss..." rinig ko pang sabi nya.
"Multimedia daw tayo." Nag sigawan ang buong klase dahil sa anunsyo ng Student Council VP na si April.
"Hi April! Anong gagawin dun? Manunuod?" Naka ngising tanong ni Bryle. Umiling na lamang ako sa kanila.
Nilingon sya ni April, "Yeah? Hiwalay daw ang boys sa girls." Nag martsa na sya paalis.
"Anong kayang panunuorin natin?" Hindi matapos tapos ang excitement nila sa panunuorin namin. Para silang mga babaeng kilig na kilig dahil nandyan ang kanilang mga crush.
"Easy, guys." Iritang sabi ko sa kanila.
Umiling naman sila at kinatyawan ako. Hindi ko naman sila pinansin at inantay nalang ang kung ano man ang ipapalabas nila.
Pumunta si Ma'am Pascual sa harap at hinawakan ang mic. "Sana itong video na ipapanuod nyo ay isa puso nyo. Madami ngayon sa henerasyon niyo ang maagang nabubuntis at nakaka buntis."
Iyon lang ang sinabi nya at pagka alis nya ay agad na nagsimula ang video.
Ayos. Para pala to sa akin e. Napa lingon ako sa gilid kung nasaan ang mga babae. May salamin lamang na naka harang. Kitang kita ko si Ronnie na sobrang focus sa pinapanuod nya. Siguro ay ganito din ang kanila.
Napa ngiwi ako nang makunan ang babaeng bida dun sa pinapanuod namin.
Tinapik ko si Kiah. "Bakit nakunan?"
Nagkibit balikat sya. "Hindi pa pinapalabas e."
Umiling nalang ako. Bakit ba ako nag tanong sa top student? Hindi naman sila sumasagot ng maayos.
"Putres! Ang sama naman nyan!" Rinig kong sabi sabi nila saka dinuro duro iyong lalaki na utos ng utos sa babaeng buntis.
Napalunok ako at seryosong nanunuod. Para akong umiilag sa imaginary-ng arrow na tumatama sa akin.
Natapos ang palabas at halos pumasok na sila sa loob ng screen sa sobrang inis nila doon sa lalaki.
Umakyat si April sa stage. Napa lingon ako kila Ronnie, ang kanila naman ay ang President na si Earl.
Tumawa si April. "So ano kayang purpose, bakit namin pinanuod sa inyo to?"
"Para gulpihin yung lalaki! Bwisit, e. Kaya nasasabihan na nananakit ng babae ang mga lalaki." Kumento ni Tres.
"Anyway, pinanuod namin to sa inyo para maging aware kayo na dapat hindi sinasaktan ang mga babae. Charot."
"Humugot na si Abril!"
"Nakita nyo naman kung paano pahirapan nung lalaki yung asawa nyang buntis, diba? Madami na ngayon ang mga lalaking maagang nakaka buntis." Tumawa muna si April bago itinuloy ang sasabihin. "Maging warning sana ito sa mga nag tatangka dito na gawin kung ano ang ginawa ng lalaki sa asawa nya."
"Wala nun dito! Sinong tao ang gagawa nun sa kapwa nya tao? Alam na buntis tapos pahihirapan? Tss..." ani Jacob.
Sinulyapan ko ang gilid ko at nagulat ako dahil nakatingin pala dito si Ronnie. Puno ng pag aalala ang mga mata nya.
"Okay ka lang?" Bulong na tanong ko at sinenyasan sya para maintindihan nya kung ano ang tinatanong ko. Tumango lang sya at ngumiti.
Napa irap ako. Kahit ano ang gawin ko ay punong puno talaga ng galit ang puso ko. Wala na akong nararamdaman para sa kanya kundi galit na lamang.
Veronica's POV
"Sige, Ronnie. Nandito kami sa Kanpai."
Nag madali akong nag palit. Walangya talaga! Bakit nanaman uminom ang isang yun? Gusto na ba talaga nyang mamatay.
Tinuro ko sa driver nila James kung saan ang daan papunt sa Kanpai. Hindi na sya nag tanong nang bumaba ako.
Naka pasok na ako dati dito nung kami pa ni James. Naka hiwalay ang mga naninigarilyo kaya hindi mausok sa loob.
Agad kong nakita ang kumpol kumpol na lalaki sa gilid. Tawa sila ng tawa.
"Aalis na ako, ha? Ikaw na bahala sa mga yan..." ani Earl saka umalis na.
Tinitigan ko lang si James na tatawa tawa. Ang iba naman ay nakatulog na sa mesa.
Napa tingin sya sa akin saka ngumisi. "Dude tignan mo, ang ganda nya." Malakas na bulong nya kay Bryle.
Nanliit ang mata ni Bryle sa kalasingan habang naka titig sa akin at sinuri ako. "Hindi naman..." WOW. Medyo kainis ha?!
"Hi Miss! May boyfriend ka?" Ngising tanong sa akin ni James saka sumulyap kay Bryle at tumawa.
"Wala na. Papatayin ko na sya mamaya," inis na sambit ko saka ko sya kinaladkad.
Lumingon sya kay Bryle habang nagpapahila sa akin. "Balitaan nalang kita! Mukhang type din ako neto,"
Humiga agad sya sa kama at niyakap ng mahigpit ang unan pagka rating namin sa kwarto. Amoy na amoy ang alak sa buong katawa nya.
"Maligo ka muna! Ang baho mo na." Hinila ko sya patayo at tinulak sa CR.
Marunong naman na sigurong maligo yun kahit lasing. Humiga na ako para matulog. 2AM na, hindi maganda to sa baby ko.
Nagising ako nang makaramdam ako ng halik sa likod ko. Biglang tumaas lahat ng balahibo ko at naka ramdam ng kung ano.
"Ronnie..." bulong nya habang patuloy pa din sa pag halik.
Lumanding ang kamay nya sa dibdib ko. Fuck this pregnancy hormones!
Humarap ako. Tinitignan nya lang ako at hinalikan ang leeg ko.
Pareho na kaming hubad pero kanina ko pa napapansin na hindi nya hinahalikan ang labi ko!
Tinaas ko ang ulo nya at sasalubungin ko sana sya ng halik.
"No..." mariin nyang sabi saka pinasok ang kanya sa akin.
Pagod na humiga sya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano dapat ang gagawin ko! Fuck. Hindi nya manlang ako hinalikan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top