13: Concern

After ilang days ay naka-uwi na din kami sa bahay. Masyadong iyakin si Wind kaya hindi mahawakan nina Mommy.

"Pasok na ko..." Binalingan ko sya ng tingin saka tinanguan habang buhat si Baby Wind.

Naging maayos na ang pagsasama namin simula nang dumating sa amin si Wind. Humilom na din lahat ng sugat sa katawan ko pati na din ang sugat sa puso ko.

Inayos nya ang buhok nya sa harap ng salamin at pagkatapos, nilapitan nya kami at hinalikan si Baby Wind.

"Uuwi ako ng maaga,"

Sinamaan ko sya ng tingin, "Dapat lang! Wala kaming kasama dito..."

Well, dito na nakatira si Irene sa bahay at mukhang hiwalay na sila ng asawa nya. Ewan. Di ko naman tinatanong kasi feeling ko ma-o-offend sya.

Inirapan nya lang ako at hindi na sinagot. Nilaro nya pa sandali si Wind saka lumabas na ng kwarto.

Sa aming dalawa lang ni James hindi umiiyak si Wind kaya medyo nahihirapan kami. Walang kapalit sa pagbabantay.

Hindi ko nga din alam kung paano nalalaman ni Wind na hindi kami yung may hawak sa kanya. Siguro sa amoy namin?

Tumingin ako sa pinto ng may kumatok. Binuksan iyon ni Irene na naka-ayos ngayon at mukhang may lakad. Lumapit sa akin.

"Aalis ako, Ronnie, ha?" Ngumiti sya saka nilaro si Wind.

"Sige lang! Ayos lang ako dito..." Ngumiti din ako sa kanya.

Tinignan nya ako, "Pero babalik din naman agad ako!"

"Mukhang improntate yan. Okay lang! Atsaka sabi ni James ay uuwi naman daw sya ng maaga ngayon."

"Basta, try ko din umuwi ng maaga para may kasama kayo dito."

Tumango lang ako at ngumiti. Umalis sya ng kwarto.

"Dalawa nalang tayo dito sa bahay, baby!" Marahan kong sinundot ang pisngi ni Wind.

Ang cute cute ng baby ko!

Maghapon na wala akong kasama sa bahay. Naglinis ako sa sala at walang pang tatlong minuto ay pinupuntahan ko na agad si Wind para i-check kung okay lang sya.

Nakakapagod pero hindi na katulad dati na sobrang hirap. Nasanay na din siguro ako.

Pagtapos kong maglinis ay binuksan ko ang laptop ni James sa harap ko at tinawagan si Liam sa skype.

"Hi!" Kumaway ako ng sagutin nya. Kumakain sya ngayon.

Tumawa sya. "Sorry hindi kita mapuntahan."

"Okay lang! Busy din naman ako sa anak ko."

Natigil si Liam sa ginagawa nya at finocus ang camera sa kanyang mukha.

"Pwede patingin?"

Binuhat ko si Wind at tinapat sya camera para makita nya. Agad namang ngumisi si Liam.

"Kamukha ko!" Proud na sabi ko. Well, hindi ko pa kasi naririnig yung line na yun sa mga nakakakita kay Wind. Puro nalang sila, 'Ay kamukha ni James!' Meron pang, 'Ganitong ganito ang mukha ni Hayme noong bata sya.'

Kumunot ang noo ni Liam. "Huh? Hindi nga e."

Sumimangot ako. Maririnig ko nanaman yang mga line na yan! Puro nalang si James!

Naghintay akong sabihin nya iyon pero nagsimula na syang kumain ay hindi manlang nya binanggit.

Agad akong napa-ngisi. Hindi pa nga pala nya nakikita si James!

"So, janitor pa din trabaho mo?" Binaba ko na din si Wind sa higaan nya.

Tumango sya saka uminom ng tubig, "Kailangan e. Hindi pa din ako nahahanap ni Dad..."

Ngumiwi ako. Bigla kong naalala sila Mommy. Ngayong nanganak na ako, matatanggap na kaya nila ako? Si James?

Pero kilala ko ang pamilya ko. Kapag ayaw, ayaw.

"Buti hindi ka pa din nahahanap..."

Medyo parehas kami. Kaso nga lang, ako, pinalayas dahil nabuntis ako tapos sya naman ay umalis sa kanila dahil hinahanap nanaman sya ng bagong mapapangasawa.

"Baka naman hanapin!" Sarcastic kong sabi saka tumawa. "Hindi na ako hinahanap ng mga yun kaya safe ako!"

"Good, then. By the way, nakita ko nga pala si Sabrina sa bar nung sabado. Naka-usap mo na ba sya?"

Isa pa yan! Hindi ko pa din malaman kung ano ang meron sa kanila ni James. Sana naman wala.

"Hindi..." It looks like, wala na talagang pakielam sa akin ang mga pamilya ko.

Nakita ko namang kumunot ang noo nya at tinignan akong mabuti. Maitim at malalim ang mga mata nya, matangos ang ilong at may maganda din syang jaw line.

"Galingan mo nalang magtago! Kapag nahanap ka, kasal agad parusa mo..." Tumawa ako. Ngumisi lang sya at umiling.

Bandang tanghali ay dumating si James sa bahay na may dalang pagkain.

"Vacant ko ngayon. Balik ako ng mga alas dos..." Nilapag nya sa mesa ang dala nya.

Bumalik sya sa sala para kunin sa akin si Wind. Binigay ko naman at inayos ko na ang pagkakainan namin sa mesa.

"Na-miss mo si Daddy? Yiee! I miss you too, baby..."

Nilingon ko sila. Naka-uniform pa si James habang buhat si Wind.

"Kain na!"

Umupo sa harap ko si James habang hawak si Wind. Ano na kaya topic nila sa school? Si Kiah pa din kaya ang top one? Ngumisi ko. Next sem, papasok na din ako.

"Akin na muna si Wind para makakain ka ng maayos..." Alam kong pagod sya sa klase at hindi sya makaka-kain ng maayos kung buhat nya si Wind.

"Ayos lang!" Hinayaan ko naman sya at kumain nalang din.

"May Acquiantance sa sabado..." Biglang kwento nya. Nilingon ko naman sya habang kumakain.

Tumango ako. "Anong theme?"

"Black and White..."

"May isusuot ka na?"

"Hindi naman ako pupunta."

Nagulat ako. "Huh? Bakit?"

Inirapan nya ako. "May pamilya na ako. Hindi na ako binata... tsaka mas gusto kong makasama nalang si Wind kesa pumunta pa ako doon."

Hindi ako sumagot. Siguro kung pumapasok pa ako ay malamang pupunta ako doon.

Pinasadahan nya ng tingin ang buong bahay. "Naglinis ka?"

Tumango ako. "Ooㅡ"

"Fuck! Ronnie, alam mong kapapanganak mo palang!" Biglang sigaw nya kaya umiyak si Wind.

Mabilis naman nyang hinele si Wind.

"Huwag ka kasing sumigaw! Nagulat tuloy si Baby..." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ikaw lang kasi inaalala ko. Baka mabinat ka. Wala ka talagang utak!" Mahinahon pero inis na sabi nya.

"Tss... huwag ka ngang umarte na concern sa akin!" Nag-iwas ng tingin.

Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko! Diba yun naman gusto nya una palang? Ayako pa naman sa lahat yung pinapagalitan ako!

Hindi naman sya sumagot pero ramdam ko ang matalim nyang titig sa akin.

"Akala mo concern talaga..." Bulong ko habang kumakain.

"So what if I am!"

Tapos sisigaw sigaw pa sya! Kapag ako naman ang dahilan kung bakit umiyak si Wind ay malamang magagalit pa din sya.

"Concern nga ako! Ano ngayon?"

Ang selfish nya! Gusto lagi sya iniintindiㅡ

Wait, what?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top