11: Baby

James' POV

"What the fuck, dude?" Tumatawang sambit ni Tres saka sinuntok ang braso ko.

"Bakit hindi nalang si Ronnie ang gawin mong fuck buddy? Tutal katulong mo naman pala sya..."

Uminit ang bigla ang ulo ko at nangati ang kamao ko.

"Get your fuckin' hands off me."

Tinaas ni Bryle ang kamay nya na parang sumusuko.

"Easy! Nagsuggest lang," humalakhak pa sya.

Suggest? E nagawa ko na, e. Pero hindi ko sasabihin sa kanila!

Sinaktan naman din ako ni Ronnie, a? Kaya nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Tapos babaliks sya sa akin na parang wala syang kagag*hang ginawa?

Fuck her!

Bumuga ang usok sa bibig ni Clyde bago nag salita. "Sus! Alam kong may nangyare sa inyo ni Ronnie!"

Namula ang pisngi ko. Damn it!

Tinaas naman nung tatlo ang kilay nila bilang pagtatanong sa sinabi ni Clyde.

Humagalpak muna sya sa tawa, "Pregnancy Hormones, dude!"

"Weeeh! Totoo ba yun?" Tanong ni Bryle.

"Totoo! Buntis si Scarr nung may nangyare sa amin last week." Taas noo nyang sabi na para bang proud na proud ang unggoy.

"Scarlett Morgan? Sino naka-dale?!" Gulat na tanong ni Jacob.

Kanina pa sya tahimik at hindi nakikigulo sa usapan.

"What the fuck!" Inakbayan ni Tres si Clyde na para bang bilib na bilib sya dito.

Umirap nalang ako. Kung pwede lang hindi makinig sa mga kabulastugan nila, e.

"What the fuck talaga!" Ngisi nya. Kahit buntis, pinatulan. Tss...

Natahimik si Bryle habang naka tingin ng masama kay Clyde.

"Fuck boys..." Umiiling na sabi ko.

Sinuntok ni Tres ang braso ko, "Makapag-salita, ha!"

"Lakas talaga ng kutob ko na anak mo yung dinadala ni Ronnie." Tinadyakan ni Jacob ang tagi-liran ko. Seryoso sya.

"Matagal na kaming wala."

"So? Kung ako nasa kalagayan ni Ronnie, sa tatay ng anak ko ako unang pupunta." Ngumisi sa akin si Clyde.

"Fuck you!"

Tumawa lang sila.

"Clyde..." napawi ang tawa nila ng mag salita si Bryle. Maging ako ay napa tingin sa kanya.

"What?"

Ang talim ng titig nya kay Clyde. "May nangyare talaga sa inyo ni Scarr?"

Ow! Tapos na kami sa topic na yan, diba? Ang tapos, di na dapat binabalikan pa.

"Oh tapos?" Boring na sagot ni Clyde.

Mabilis lumapit si Bryle saka kinwelyuhan si Clyde. "Tang ina mo!"

Agad naman kaming pumagitna sa kanila.

Tumawa si Clyde na parang nang aasar pa, "Bakit type mo?"

"Parang kayong mga bata! Babae lang yan, dude."

Tahimik silang dalawa sa sinabi ni Tres. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya nabitawan ko si Bryle. Akmang susugod uli sya kay Clyde ng biglang sinuntok sya ni Tres.

"Tang ina nyo naman, e! Bros before hoes, diba?"

Muntik ko na ding sugurin si Tres sa sinabi nya. Bobo!

"Hello?" Inis na bati ko ng mabasa ko kung sino ang tumatawag. Baka magpapabili nanaman to ng Carbonara nya.

"J-james..." hinihingal nyang sabi kaya kinabahan ako.

"Ano nanamang drama mo, Ronnie?" Kunot noong tanong ko.

Natahimik naman sila ng marinig ang pangalan ni Ronnie. Lumapit sa akin sila Tres at nilapit ang tenga sa cellphone kong nasa tenga ko. Susuntukin ko na sana ang mukha nya...

"Ang sakit ng tyan ko!" Mabilis syang huminga na parang galing sa mahabang pag takbo.

"Natatae ka lang, Ronnie." Tinadyakan ko si Tres na nasa gilid ko.

"Aw! Fuck!" Napa upo sya sa gilid.

"Yan kasi..." inosenteng lumapit naman sa akin si Clyde at sya na ang nasa pwesto ni Tres kanina.

"M-may tubig, James!"

"Malamang! Pang hugas ng pwet, Ronnie!" Inis na tinulak naman ni Bryle si Clyde at sya naman ang pumalit sa pwesto nya.

"Tawagin mo si Mommy." Ibaba ko na sana ang tawag ng bigla nanaman syang sumigaw. At parang gusto kong mag teleport ngayon papuntang bahay! Dammit!

"Manganganak na ata ako!"

Tumakbo si Clyde habang hila hila ang damit ni Bryle.

"Dalian mo, Hayme! Fuck!" Sigaw nya habang halos mapa subsub naman si Bryle sa sahig.

Binatukan ng malakas ni Bryle si Clyde sa ulo kaya napa tigil si Clyde sa pag takbo.

Litong tinignan nya si Bryle tapos ako. Bigla nyang binitawan si Bryle at pumunta sa akin tsaka ako naman ang hinila nya.

"Dude!!! Tatay na tayo!" Sigaw ni Tres habang tumatakbo.

Kalmado lamang si Jacob sa gilid namin. Bigla syang tumayo at naglakad papuntang parking lot.

"Bakit ba tayo tumatakbo? May sasakyan naman!" Napa tigil kami sa pag takbo ng marinig namin ang sinabi ni Clyde.

Agad naman kaming bumalik sa parking lot. Napa ngiti ako habang nag dadrive.

Fuck! Tatay na ako.

Hininto ko ang sasakyan sa harap ng bahay saka bumaba. Rinig ko sigaw ni Ronnie.

Nilingon ko sila para magpatulong sa pag buhat kay Ronnie kaso napa hinto ako ng makita ko sila.

Mahigpit ang kapit ni Tres habang naka tagilid. Si Bryle ay naka higa. Si Clyde, naipit ang damit sa pintuan at si Jacob nasa passenger's seat na agad bumaba.

"Tulungan nyo ako!" Sigaw ko sakanila.

"Akala ko mahihila na ako ng sasakyan! Buti nalang nasara ko yung pinto." Binuksan ni Clyde at pinto. Punit punit ang laylayan ng damit nya.

Tumakbo ako papasok. Nakita ko doon ang kapit-bahay namin na babae. Napa lingon sya sa akin.

"Andito ka na pala, Ijo. Hindi na kaya ng asawa mo kapag dadalhin mo pa sa ospital..." nakabuka ang legs ni Ronnie sa harap nya.

"Ronnie!" Rinig kong sigaw nila.

Damn! Agad akong tumakbo papunta sa kanila para pigilang pumasok.

"Ano ba! Gusto kong makita si Ronnie. Ronnie!" Tinadyakan ko sa tyan si Tres kaya napa upo sya.

"Nasan na si Ronnie? Tara! Buhatin natin!"

"Fuck dude! Lumabas muna kayo! Nanganganak na si Ronnie!" Sigaw ko.

Natahimik naman sila at nag tinginan.

"Talaga? Saan?" Hinarang ko naman sa mukha ni Bryle ang palad ko.

"Oo nga! Pwede makita?" Luminga linga pa si Tres.

"Shit! Labas!"

Nilock ko ang pinto pagka labas nila. Kumatok katok pa sila.

"James! Huwag mo namang gawin to!"

"Maawa ka sa anak natin, James!"

"James, please. I don't understand."

Iniwan ko sila doon at binalikan si Ronnie. Tagatak ang pawis sa noo nya.

"You can do it!" Kabadong sabi ko. Lalo na ng sinasabi ng kapit-bahay namin na lumalabas na daw ang ulo at kunting ere nalang.

Isang ere pa ang ginawa ni Ronnie. Nang hina sya at hinahabol ang hininga.

Yumuko naman ako para halikan sya. Gustong gusto kong sabihin na proud ako sa kanya! Ngumiti sa akin si Ronnie at unti unting pinikit ang mata.

Biglang umiyak ang baby dahil sa pag palo ng kapit-bahay namin. Hindi ko alam kung sino uunahin ko. Shit!

Lumapit sa akin ang kapit-bahay namin ay binigay sa akin ang baby.

"H-hindi po ako marunong huma...wak," bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nasa braso ko na ang baby kong iyak ng iyak.

"Congratulations! It's a boy!"

Nilingon ko si Ronnie sa sobrang saya. Nakita ko lamang ang ngiti nya habang naka tingin sa akin.

"W-wind..." bigla nyang sinabi.

"Huh?"

Tuluyan na nyang pinikit ang mata nya. "Wind ang pangalan nya..."

Kinumutan ng kapit-bahay namin si Ronnie at sinuggest nya na pumunta kami sa malapit na ospital.

"Thankyou po!" Sabi ko. Ngumiti lang sya.

Bumukas ang pinto at si Ate ang bumungad. Paano nya nalaman?

"Omg! Jigger!" Biglang binuhat nung Jigger si Ronnie.

"Pumunta na kayo sa ospital, ako ng bahala dito. Susunod nalang ako dun!" Sabi nya at pumunta sa kwarto. Siguro ay para sa gamit ni Ronnie.

"Tinawagan ko Ate mo, nakita mo na ba sya-" nilagpasan ko si Tres.

"Sama kami!"

Hindi ko na sila pinansin. Mas mahalaga ang mag ina ko kesa sa kanila.

Shit ang saya saya ko! Tinitigan ko lang si Wind buong byahe. Muntik na ding ayakong ibigay sya sa mga nurse. Kinuha na din ng mga nurse si Ronnie.

"Congrats dude!" Nakipag fist to fist pa si Jigger.

Ngumiti lang ako. Fuck! Pakiramdam ko ay kumpletong kunpleto ako.

Walang labis, walang kulang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top