1: Katulong

Czelle's Note:

Ito po ang panglimang storyang inumpisahan at tinapos ko dito sa wattpad. Expect some errors. Mga grammar, typos or what. Maging ang mga corny na lines at mga medyo pagkakaparehas sa ibang story. Pasensya na po! God bless!

---------

Naka uniform ako habang nag luluto ng breakfast. Maaga naman ako nagising kaya pwede pa ako mag review sa room mamaya.

Naka rinig ako ng hakbang papunta dito sa kusina. Siguro si Mommy or Daddy yun.

Lumingon ako para bumati, kaso napawi ang ngiti ko. Si James pala. Gulo gulo ang buhok nya at hindi pa gaano ayos yung boxer nya.

Seriously? Ganito sya lagi? Paano kung hindi pala ako ang tao dito sa kusina, edi na rape na sya!

So what? Katulong ka lang dito, Ija, wala kang karapatan sa lalaking yan. Tss...

Kunot noo syang tumingin sa akin. "What? Matagal pa ba yan?"

Binalingan ko naman ang niluluto ko, "Malapit na. Hmm, pwede paki-ayos yung boxer mo? I can see your..." lumunok ako. Ano ba pwedeng itawag dun na hindi panget sa pandinig?!

Tumawa sya. "Wala kang pakealam." Matigas nyang sabi.

"Tss... spongebob yung boxer," bulong ko.

Tumayo sya at lumapit sa akin. "Anong sabi mo?"

Woah? Narinig nya pala yun? Napa kagat ako ng labi. Hala! Bakit kasi nag sasalita ng mag-isa tong labi ko!

"H-huh? Wala."

"Did I hear spongebob?" Nanliit ang mata nya. "Tinatawanan mo ba ang boxer ko?"

Napa singhap sya nang tumingin ako sa boxer nya. Ngingisi sana ako kaso baka lalo syang mainis sa akin, palayasin pa ako.

"Ang ganda nga e..." hindi ko sinasadyang maging sarkastiko ang tono!

Ilang minuto syang natahimik. Tinabig nya lang yung kamay ko saka inayos ang boxer nya at umupo na.

"Anong oras ka ba natulog at late ka nanaman nagising ngayon?" Inis na tanong nya.

Inilipat ko sa plato ang dalawang hotdog at bacon saka nilagyan ng kain. Nilagay ko yun sa harapan nya.

"5AM palang, maaga pa." Kung tama ako magbilang, may two hours pa bago mag 8AM.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Katulong ka dito! Hindi ka nagdodorm! Kaya ba ng two hours mo ang mag linis ng bahay at maglaba?!" Napa hawak ako ng mahigpit sa apron ko.

"M-mag lalaba?" Gulat na tanong ko. I don't know. Hindi ko alam! Pero shit, may quiz kami ngayon.

"Katulong nga diba? Ano eexpect mo?" Umirap sya. Tumayo sya at dinabog ang mesa at akmang aalis na. Hindi nya pa nakakalahati yung pag kain!

"K-kumain ka muna. Baka magutom ka sa school,"

Huminto sya at hinarap ako, "Nakaka walang gana ka."

Sinunod ko nalang yung gusto nya. Nag hugas muna ako ng pinggan bago naglinis ng bahay. May alam naman ako sa gawaing bahay dahil tumutulong ako.

Napa tigil ako sa pag pupunas at napa tingin sa taas ng maka rinig ako ng hakbang pababa. Naka uniform na sya. Hindi nya ako sinulyapan kahit saglit lang.

Diretso syang lumabas at sumakay na sa kotse nya. Pwede naman siguro ako mag special quiz e, sabihin ko nalang may sakit ako.

8AM ko na natapos ang pag lilinis ng bahay. Tama nga si James, dapat agahan ko na sa susunod magising. Maglalaba pa ako.

"Anong ginagawa mo, Veronica?!" Gulat na tanong ni Mommy na kalalabas lang sa kwarto.

"Mag lalaba na po ako ngayon, Ma." Ngumiti ako.

Tumingin sya sa orasan. "Anong mag lalaba? Late ka na! Pumasok ka na at ako ng bahala dito."

Baka magalit si James!

"P-pero-"

"Wag mo na ngang isipin yung Hayme na yun. Sige na, pumasok ka na. Maganda ka pa din kahit pawis pawis," sabay kaming natawa sa sinabi nya.

"Sige po, Ma."

Halos patakbo kong tinatahak ang classroom namin. 8:30 na! Nag ku-quiz na sila panigurado.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at dahil dun, napunta sa akin ang attention ng klase.

"Gustong gusto talaga ng spotlight..." rinig kong sabi ni Katy.

"Good Morning po. I'm sorry, I'm late." Ngumiwi ako sa terror naming teacher.

Tumango lang sya. "Take your seat..."

Umupo ako sa upuan ko. Katabi ko lang si James. Samonte-Sandoval. Malas ko ba?

Nilabas ko ang notes ko para mag review kahit kunti lang. Long quiz iyon kaya sigurado akong hindi pa sila nag sisimula.

"Natapos mo ba?" Bulong nya nang maka upo ako.

Hindi ko sya tinignan. "Huh?"

"Yung gawaing bahay." Inis na sabi nya. Hindi ko naman sya pinansin at patuloy pa din ako sa pagrereview.

"Get one whole sheet of paper," hala! Hindi pa ako nakakapag review. Bahala na nga!

"Shit..." nataranta na ako. Inilabas ko ang papel ko. Agad namang hinablot ni James iyon at kumuha ng isa.

"Sinong walang papel?" Tanong nya sa buong klase at winigayway ang papel ko.

"Ako!"

"Ako!" Sunod sunod nilang sabi at humingi kay James. Naka ngisi naman eto habang ipinamimigay ang mga papel ko.

"Oy, penge muna ako isa." Kinalabit ko sya para mang hingi ng isa.

Ngumisi sya. "Ay ubos na!" Ibinigay nya kay Katy yung iisang natira sa papel ko.

Napa pikit ako. Shit, anong gagawin ko?!

Kinalabit naman ako ng katabi ko at inabutan ng isang papel. Ngumiti ako. "Thank you, Kiah!"

Natigilan naman si James. Magsusulat palang sana ako ng pangalan sa papel ng agawin nya yun, sisigaw pa sana ako sa pag aakalang ipamimigay nanaman nya yun.

Kinuha nya at pinalit sa kanyang papel. Agad syang nag sulat ng pangalan nya sa papel na binigay sa akin ni Kiah nang hindi sumusulyap sa akin.

Napa tayo ako nang lunch break na. Bagsak ang balikat ko habang inaayos ang gamit ko. Wala akong siguradong sagot sa quiz!

"Matatalo mo nanaman kaya ang score ko?" Napatingin ako kay Kiah at agad sumimangot.

"Don't worry, hindi ako nakapag review kagabi." Sinamaan ko ng tingin si James sa pagaakalang hindi sya naka tingin. Agad na nanlaki ang mata ko at ngumiti ng pilit sa kanya.

Umirap lang sya at tumayo na.

Tumawa si Kiah. "Well, just wait."

Taas ng tingin neto sa akin tss! Palibhasa kasi minsan sinasabi nyang hindi sya nagreview pero ang totoo todo review pala sya kaya pagdating ng mga scores, sya ang highest!

"Sabay tayo mag lunch?" Aya nya.

"Sig-"

Hinawakan ni James ang braso ko. "Sasabay ka sa akin!" Sinamaan nya ng tingin si Kiah.

"Edi sabay tayong tatlo?" Suggest ko.

Nung nakaraang buwan, puro sya Katy tapos ngayon bumabalik nanaman sya sa pagiging possesive sa akin.

"Ah hindi na. Next time nalang siguro, Ronnie!" Aniya saka nauna nang umalis.

"Sige! Next time."

"Tss... anong next time? Next time, mag luluto ka ng baon natin, naiintindihan mo?!" Sabi nya. Sumimangot ako. Nadagdagan nanaman ang trabaho ko.

Pag dating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ni James. Nasa trabaho si Mommy at Daddy ngayon kaya dalawa lang kami ni James.

Napa kunot noo ako ng makitang may text sa akin si James. Hindi ko pa pala napapalitan pangalan nya sa contacts ko. I'm glad may number pa din ako sa phone nya.

Baby ko:

Mauna ka ng kumain. Gagabihin ako.

Kasama nya sila Katy kanina. Ano naman kayang gagawin nila?

Humiga nalang ako at pumikit. Humawak ako sa tyan ko. Pagod na pagod ako ngayong araw.

"Napagod ka din ba, baby?" Tuloy tuloy ang patak ng luha ko habang naka pikit.

Masyado ata akong naging prinsesa sa bahay kaya hindi ko alam kung gaano ang pagod na nararamdaman ng mga trabahador namin.

"Hoy tumayo ka dyan!" Nagising ako sa sigaw nya. Umupo sya sa kama.

Tumayo ako. "Bakit?" Tanong ko. Ramdam na ramdam ko ang gutom.

"Anong bakit? Lutuan mo ko ng soup!" Humiga sya at nag hubad ng uniform.

Nag iwas ako ng tingin, saktong napa tingin ako sa orasan. "1AM na?!" Sigaw ko. Kaya pala gutom na gutom ako.

"Ano ba?! Ang ingay mo naman." Inis na sabi nya.

"Hala." Hindi ako naka inom ng vitamins! Hindi ko mapapa tawad ang sarili ko kapag hindi healthy ang baby ko.

"Mag luto ka ng soup sabi ko!" Sigaw nya uli.

Pinulot ko ang damit at pantalon nya. Naka boxer nanaman sya, spongebob pero ibang style naman.

"Spongebob pa ha," bulong ko.

Bumaliktad ang tyan ko ng maamoy ko ang damit nya. Amoy alak! Kaya pala anong oras ng umuwi, leche painumin ko kaya sya mag damag tingnan ko lang kung gugustuhin pa nyang uminom!

"At may lipstick ka pa sa labi ha!" Hinawi ko ang labi nya. Napamewang ako. "Tapos magpapa luto ka pa ng soup mo sa akin?! Bahala ka sa buhay mo!"

Bumaba na ako. Bwisit! Kaya nya akong iwan para lang sa alak? Anong oras na. Hindi ba sya nag alala? Buntis ako!

Kumain ako kahit wala naman akong gana para maka inom ng vitamins. Nilutuan ko na din sya ng soup. Napaiyak ako sa sobrang inis.

"Nakaka inis! Ganun na ba ako kawalang halaga sayo ha?! Kahit sana sa baby lang natin! Paano kung may tiktik dito?" Natahimik ako sa sinabi ko at napatingin sa labas. Paano nga ba kung meron? Hala!

Kahit hindi pa masyadong luto yung soup ay inilipat ko na sa tasa saka umakyat.

"Oh, soup mo, Master." Dahan dahan syang umupo habang hawak ang ulo nya.

"Naiinitan ako." Aniya saka walang sabi sabing tinaggal ang boxer.

Napa tili ako at tumalikod. Sabing takot ako sa ganun e!

Tumawa sya. "Ba't ba takot na takot ka kay Jun jun?" Rinig ko pa ang pag higop nya ng soup.

"ANG LAKI KAS-" napa tigil ako sa pag sigaw. Shit. Anong sinasabi ko?

"Tss... kung malaki, paano nagkasya sayo?" Napa kunot ako ng noo. Oo nga, no? Paano kaya? Hindi ko na kasi binigyan pa ng pansin noon yun habang ginagawa namin e.

"Ewan..." kinurot kurot ko ang daliri ko.

Tumawa ulit sya. "Gusto mo ulitin natin?" Paos nyang sabi. Taray! Kailangan talaga husky boses?!

"Try mo mag isa." Mataray ko sabi. Pinipigilan ko ang sarili kong magalit sa kanya. Baka sumpungin nanaman, utusan pa ko ng kung anu-ano.

Tumunog ang kutsara. "Gusto mo itry ko sa sarili ko?" Mapang asar nyang sabi.

Napa lunok ako. Hala eto na. Eto na ata yung tinatawag nila ano, B! Shit. My virgin ears.

"Tss, spongebob!" Biglang sabi ko nang maramdaman kong nasa likod ko na sya.

"E ano kung favourite ko ang spongebob!" Inis na sabi nya. Napa hinga ako ng malalim. Buti naman lumayo na sya!

Umiling ako. "Wala."

"Humarap ka nga sa akin." Bossyng sabi nya.

"Ayako! May birdy,"

"Naka boxer na ako!" Lumingon ako. "Tss pa-virgin. Tingin mo ba virgin ka pa?!" Nanliit ang mata nya.

Hindi ako sumagot. Lumapit sya sa akin at tinignan ako ng matalim sa mata. Hinawakan nya ng mahigpit ang pisngi ko.

"James..." Halos tumulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko.

"Huwag kang aarte-arte sa pamamahay ko, Ronnie. Isa ka nalang katulog dito at wala kang pakielam sa mga susuotin ko." Marahas nyang binitawan ang pagkakahawak sa pisngi ko. Huminga ako ng malalim.

Then he left me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top