Teaser for Sidapa's Story
DIRECT PERCY'S POV
Ramdam niya ang pagsunod ni Sidapa sa kaniya papalabas ng bahay nina Celso at Beatrice.
They did it.
They did the impossible.
Bilang si Tadhana... nagawa na niyang pakialaman ang mga buhay ng tao ngunit ngayon niya lang nasubukan ang pangingialam ng buhay ng dalawang taong nabubuhay sa magkaibang panahon.
He would admit that he found it hard.
Hindi iyon ganoon kasimple. Ang rami niyang dapat intindihin. Ang rami niyang dapat isalang-alang.
He embraced the role of the bad guy to set the pace of his plans. Kailangan niyang gawin iyon para maibigay ang happy ending na nararapat sa dalawa.
He smiled secretly when he glanced at Sidapa's form right next to him.
Wala silang dalang kotse.
They're gods. They can travel in the speed of light. He just likes driving a car because he can feel how it feels like to be a human. Iyong tipong wala kang napakalakas na kapangyarihan.
Just being a simple human being. That's it.
Alam niyang aalis na dapat si Sidapa pero agad niya itong tinawag bago pa ito biglaang mawala.
"Sidapa.", he called him.
The young rugged-looking man glanced at him with his piercing eyes and stoic face.
"Ano?", naiinip nitong saad sa kaniya.
Napangiti na lang siya dahil sa inaasta nito.
"I know what you're thinking right now.", panimula niya. "I'm just gonna remind you na hinding-hindi matutulad ang storya ninyo ni Angelie sa storya nina Betty at Celso.", he said while smirking.
He knew he hit a nerve because he saw his fist clenched.
"Tandaan mo... Magkaiba lang sila ng panahon pero kayo ni Angelie ay magkaiba ng mundong ginagalawan. Diyos ka. Mortal lang siya... at dadating ang panahon na mamamatay siya at hindi mo iyon mapipigilan. Ikaw mismo ang maghahatid sa babaeng pinakamamahal mo sa kabilang buhay at wala kang magagawa.", dagdag niyang sabi na mukhang mas nagpagalit dito.
Parang gusto siya nitong suntukin dahil sa sinabi niya pero pinipigilan ni Sidapa ang sarili.
"Wala akong pakialam.", nanggagalaiti nitong sabi bago tuluyang naglaho sa harapan niya.
Tsk. Tsk. Tsk.
Pinagsabihan na niya ito noon.
What a hard-headed man he is.
Mas lumawak ang ngiti niya dahil sa naisip.
Wouldn't it be exciting to dip into their story?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top